Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

You speak shit? Coincidentally, I don't like hearing them. Shut up.

--


"Dama gusto kita."

 

The popcorns started popping. Agad na pinatay ng dalaga ang microwave at saka maingat na inilabas ang popcorns.

"Keeme, quit the joke, okay? Hindi na nakakatawa."

"Pano kung gusto talaga kita?" seryosong tanong nito sa kanya.

She sighed and looked him in the eye. "I don't care if you like me. I don't like you like that," deretsahan nyang sagot.

"Alam ko naman eh. Si Zelo ang gusto mo... kahit ako pa ang unang nakakilala sa 'yo."

Kumunot ang noo ng dalaga. "What do you mean?"

"Naaalala mo ba nung sinabi ko sa inyo na alam kong hindi talaga kayo magpinsan? Sa totoo lang, matagal ko ng alam. Hindi ko lang sinasabi sa kanila dahil masaya akong malapit ka sa 'kin. Matagal na kitang kilala. High school pa lang ako, kilala na kita. Nakikita kita sa magazines na binibili ni mama. Palagi kang nasa centerfold. Sa inyo yata yung magazine na yun eh. Featured ang pamilya ninyo.

Ikaw at ang mommy ang palaging laman ng women's section. Noon pa lang... gusto na kita.

Gusto ko yung mataba mong pisngi. Gusto ko yung expression ng mukha mo kahit hindi ka madalas ngumiti. Gusto ko yung mga sinasabi mo kapag ini-interview ka kahit puro kaartehan lang ang laman. Binabasa ko bawat word. Gusto talaga kita.

Alam ni Lei... kaya nagalit sya sa 'kin nung hindi ko inamin at idinamay ko pa si Eula. Alam kong dakilang sinungaling ang tingin nyo sa 'kin... pero ngayon nagsasabi na ako ng totoo.

Gusto talaga kita," mahaba nitong paliwanag.

Hindi agad nakapagsalita ang dalaga.

"Ano? Wala ka man lang sasabihin?" tanong nito sa kanya.

"Pwedeng antayin munang mag-process ng sinabi mo? It's kinda hard to take in."

"Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? Hindi ba malinaw na gusto kita?" medyo iritado na ito.

Nagdabog ang dalaga. "Kase! Panggulo ka eh! Okay na lahat tapos saka ka sisingit!"

"Hindi ko naman sinabing sisingitan ko kayo di ba? Masamang umamin?"

"Hindi!"

"Bakit apektado ka masyado? May gusto ka sa 'kin noh?"

"Wala noh! Kapal nito..." nakanguso nyang sagot.

Tinawanan sya nito. Saka nito ginulo ang buhok nya. "Sabihin mo kay Zelo, pakabait sya sa 'yo. Baka agawin kita."

Pinalis niya ang kamay nito. "He'll never give me to you. 'Sides, sabi nya since childhood, gusto nya na ako. So technically, he knew me way before you did."

"Tss. Oo na. Kayo na."

She finally smiled at him. "No hard feelings?" Nagkibit-balikat lamang ito. "Akyat na tayo," aya nya rito. She took the bowl from the table. Inagaw naman nito yun mula sa kamay niya.

"Ako na," he insisted.

Muli nyang inagaw ang bowl mula sa kaibigan. "Wag ka nga! You'll make me feel awkward. I hate awkwardness."

"Arte mo. Pareho kayo ni Zelo."

"Thank you," she said with a smile, taking what he said as compliment.

--

"Oh ano? Kala mo naman 'sang katerba ang niluto nyong popcorn," reklamo ni Lei sa kanila.

"Nagrereklamo ka Analeigh? Hala 'wag bigyan."

"Joke lang. Nuod na kayo. Matatapos na."

"OA!" she exclaimed.

Nagtawanan sila. Naupo sya sa tabi ni Eula habang si Keeme naman ay naupo sa tabi ni Lei, sa kabilang side. Nagkatinginan sila tapos ay sabay na nagbawi ng tingin.

Spell awkward little heart?

 

--

Later that night, she called Zelo and asked him to go online.

"Oh?" patanong nitong bati sa kanya.

"May sasabihin ako," panimula niya.

"Ano? Sabihin mo na."

 

"Keeme said he likes me."

"Oh tapos?"

"Di ka man lang nagselos?" nakasimangot nyang tanong.

"Gusto mo ba sya?" pabalik na tanong nito sa kanya.

"Hindi."

"Yun naman pala eh."

She tsk-ed. "Ang KJ mo!"

Tumawa ito. "Yun lang ba? Bye na."

"Teka! Ano... uuwi ka ba?"

"Sabi mo umuwi ako, di ba?"

 

Napangiti sya sa sinabi nito. "Sige, I'll see you on Valentine's."

"Okay. Matulog ka na," utos nito sa kanya.

"Ayoko pa. Kwentuhan muna tayo."

"Ayoko. Saka na."

"Nakakainis ka! Ang KJ mo!"

"Bye." Bigla itong nawala sa monitor. Sa sobrang inis ng dalaga ay muntik na nyang maibato ang Mac book niya. Mabuti na lamang at napigilan nya ang sarili.

"Bye? Bye lang?! Wala man lang I love you! Kainis!" pagmamaktol niya.

--

Walang masyadong nabago sa relasyon nila ni Keeme. Nag-aasaran pa rin sila. Nagsasakitan. Yun nga lang ay may kaunti ng ilangan. She found it awkward to share things with him. Parang naninibago na rin sya kapag inaakbayan siya nito.

Then came February. February 13 umuwi si Zelo. Sinalubong ito ng mga kaibigan at ni Chastene na bago sa barkada sa airport.

Unang-unang yumakap ang dalaga dito. Nagkunwari namang nandidiri ang mga kaibigan nila.

Nagkumustahan sila sa SUV ng dalaga. Napakaingay nila. Ultimo si Chastene ay dumadaldal na rin. Si Eli ay medyo nawawala ang pagkailang. May pagka-alaskadora rin kase ni Chastene at madalas nitong pagtripan ay si Eli, na hindi naman makaganti dito.

"Wala kayong pasok bukas?" tanong ni Zelo sa mga kaibigan.

"Meron," si Eula ang sumagot. "Pagkatapos ng last class, punta na kami kina Dama."

"Uy pwedeng magsama bukas?" tanong naman ni Lei.

"Sure, basta 'wag ex mo," sagot ni Dama.

"Ako rin! Isasama ko si James... tapos sasabihin kong isama nya si Jairus!"

They all groaned. "Eula, tigilan."

"Bakit?" kunot-noo nitong tanong.

"Di mo ba naisip na baka nasasaktan na si James sa ginagawa mo?" tanong ni Keeme dito.

"At bakit naman sya masasaktan?"

Halos sabay-sabay silang napabuntong-hininga.

"Tanga ka rin eh," sabi niya sa kaibigan.

"Mana ka sa ate mo," sabat naman ni Zelo.

"Oy tigilan nyo kami ha!" saway ni Lei sa kanila.

Nakarating sila sa bahay nina Dama nang bandang alas-nwebe ng gabi. Nagkwentuhan sila ng mahigit isang oras pa bago nag-exit si Zelo para magpahinga. By 11pm, ipinahatid na ng dalaga ang mga kaibigan pauwi.

--

Kinabukasan ay punong-abala ang dalaga sa paghahanda para sa birthday ni Zelo. Kahit labag sa sinabi ng mga kabarkada ay binonggahan ng dalaga ang party. Todo effort sya sa paglalagay ng balloons na heart-shaped at sa pag-a-icing ng cakes. 

Yes, CAKES.

19 heart-shaped freaking cakes. Strawberry-flavored.

Nang dumating ang hapon ay inaya na niya si Zelo at ang iba pa sa sala. Nasa gilid lahat ng upuan at ang mga handa ay nasa area na napapagitnaan ng dalawang grand staircase ng bahay. Namula agad ang binata ng kantahan nila ito ng Happy Birthday. Nangingibabaw pa mandin ang boses ng dalaga na hindi masyadong kanais-nais sa tenga.

They all greeted him. Syempre kumain na rin sila. Sweet-sweetan ang magkasintahan kahit na nahihiya ang binata sa mga magulang niya. She insisted na talbugan nila ang sweetness ng parents nya.

Hindi naman cooperative si Zelo.

"Happy birthday pre," bati ni Keeme sa binata.

"Salamat," sagot nito.

Medyo disappointed ang dalaga. Ni wala man lang tension sa pagitan ng dalawa. Parang hindi nga yata talaga nagseselos si Zelo kay Keeme.

When it was time for gifts, nahihiya ring tinanggap ng binata ang regalo ng mga bisita. Pero syempre, hindi pumayag si Dama na matatalbugan ang regalo niya. Hinatak niya palabas ng mansion ang binata. Then she led him to the garage. 

Napanganga ang mga bisita sa nakita nila.

Isang Ducati... para kay Zelo.

"Did you like it?" nakangiti niyang tanong sa binata. Napansin ng dalagang napailing ang mga kaibigan niya pero dinedma lang niya ang mga ito. "Uy..." untag niya sa binata. "Talk."

Zelo sighed at saka sya hinila away from the crowd. Lakad lang ito nang lakad, dragging her along until they came up to the garden.

"Hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalala nyang tanong.

Hinarap sya nito. "Hindi. Pati yung handaan, ayoko."

Napasimangot ang dalaga. "Why? Ano ba'ng mali sa ginawa ko?"

"Lahat."

"Di mo man lang papasalamatan ang effort ko? Sige ganyan ka!"

He rolled his eyes at her. "Di mo naman kase kailangang maghanda eh. Birthday ko lang yan. Taon-taon akong may ganyan."

"Eh importante kase yun para sa 'kin!" reklamo nya rito. 

"Yung motor... di ko tatanggapin."

Mangiyak-ngiyak na ang dalaga. "Sinayang ko yung shopping allowance ko para dun tapos hindi mo tatanggapin?!" sumbat niya dito.

"Wow! Salamat sa shopping allowance!" he said in sarcasm. "Ibalik mo, problema ba yun?"

Nagpahid ng luha ang dalaga. "Ang sama mo talaga! Ako todo effort tapos ayaw mo? Eh ikaw? Valentine's Day din ngayon baka nakakalimutan mo?"

"Sino ba'ng may sabing wala akong regalo sa 'yo?"

Napatunghay siya sa binata. "Meron? Asan?"

Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon na ngayon lang nya napansin na hawak nito. "Hindi yan kasing mahal ng Ducati mo pero pinaghirapan ko yan."

Dali-daling binuksan ng dalaga ang regalo ni Zelo.

Isang baboy na porcelain. May tatlong biik na nakapatong sa likuran ng inahin.

"Baboy?"

"Naaalala kase kita."

"Mukha akong baboy?!"

Tumawa ito. "Sira. Cute kase."

"Eh ako? Anong ireregalo ko sa 'yo? Ayaw mo naman nung Ducati."

He touched her chin and tilted her head slightly. Then he bent down and gave her a chaste kiss.

"Ikaw lang. Sapat na."

xxxxx

AN: Yak. Korni. Hahaha... pinapatulog na ko. Saglit lang ate pepay. Makabasa lang ako ng one or two comments after posting. XD Picture nung gift ni Zelo is nasa group. :> Sorry sa typos. Madalian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro