Chapter 44
You're like a ghost to me... a love so true--I cannot see. Run circles around me and I'm head over heels for you.
--
"Best!" salubong sa kanya ni Eula. Nasa airport ang barkada at mga naka-school uniform pa. Mukhang sinabi ng mommy nya sa mga ito na darating sya.
"Kaya pala makulimlim, nandito ka na," Lei said to her. Inirapan nya ito at napatingin sya sa glass walls ng airport. Makulimlim nga...
"Inaaway nyo 'ko?" taas kilay nyang tanong. Pinamay-awangan nya ang mga kaibigan. "Sige, wala kayong pasalubong."
"Joke lang! 'To naman," bawi agad ni Lei.
"Welcome back nga di ba? Natutuwa kaming nandito ka na naman sa Pilipinas," dagdag ni Keeme.
She rolled her eyes at them. "Basta talaga pasalubong ang bibilis nyo eh noh?"
Nagtawanan ang barkada at kanya-kanya silang kuha ng mga dala niyang naka-trolley.
"Ano ba kayo, hayaan nyo na yung mga katulong dyan," pigil nya sa mga ito.
Isa-isang ibinalik ng barkada ang mga gamit na kinuha nila sa trolley. Napansin ng dalaga si Chastene na nasa isang sulok at nakapanuod lang sa kanila.
"Uy Chas, nandyan ka pala?"
She gave her a timid smile. "Welcome back Miss," bati nito sa kanya.
"Thanks. Dito ka nga." Pinalapit niya ito sa barkada. Napangiti siya nang makitang biglang nailang si Eli. "Hoy Elijah... kalma."
Napanguso naman si Eli. Chastene's face lacked reaction. Parang wala lang dito.
"Miss, lampas 1 month na," sabi nito sa kanya.
"Ha?" taka niyang tanong.
"Di ba sabi mo, one month lang tayong friends?" pagpapaalala nito sa kanya.
Nagkatinginan ang magbabarkda. Nilapitan niya ito. "Well, if you want to, you can tag along. Since kulang naman kami ngayon ng isa, ikaw na lang muna ang kapalit nya."
Lumapit rin si Eula kay Chastene at inakbayan ito. Saka ito tumingin sa kanya. "Best naman. Tag along? Bat di ba i-welcome sa barkada?"
"That's what I mean," sagot niya. "If that's okay with her," dagdag niya nang nakaturo kay Chastene.
"Okay lang," sagot ng dalaga.
"Then we're all okay. Let's give her a welcome hug, shall we?" nakangising sabi niya.
"Isa-isa?" Lei suggested.
"Why not?" She went on to hug Chastene. Sumunod naman sina Eula, Keeme at Lei.
"Eli, ikaw na," tudyo nila sa kabarkada.
"Kailangan pa talaga?" nahihiya nitong tanong.
"Dali na! Wag kang KJ!" they demanded.
Napasimangot si Eli saka mabilisang niyakap si Chastene without even looking at her. Tapos ay bumitaw din sya agad.
"Tara na umuwi," sabi nito saka naglakad palabas ng airport. Nagtawanan naman sila at sumunod na dito palabas.
--
Naghanda ang mga katulong ng pagkain para sa pagdating niya. Kumpleto silang lahat sa isang mesa.
"How's North Carolina sweetie?"
"It's nice ma. Not as nice as New York though," sagot niya sa ina.
"Kumusta naman kayo ni Zelo?" tanong ni Lei.
At the mention of Zelo's name ay agad syang napangiti. "Kami na," she announced to them.
"Ayeeee... kaya naman pala ang ganda-ganda ng mood mo," puna ni Eula.
"Kelan daw ba sya uuwi?" tanong ni Lei sa kanya.
"Birthday nya," sagot niya.
"Eh di ba Valentine's Day yun?"
"Oo."
"Ayeee... eh di may date kayo?"
Lalong lumapad ang ngiti nya. Naiisip pa lang nya ang mangyayari pag-uwi ni Zelo, kinikilig na sya.
Bigla tumayo ang daddy nya.
"Dad, tapos ka na?" asked her mom.
Tumango lang ito at umalis. After her dad left, nagkatinginan silang mag-ina.
"What?" she asked her mom.
"Nagtatampo yun for sure."
"Bakit na naman? What did I do?" reklamo nya.
Her mom shrugged. "Beats me. Tanungin mo kaya?"
She grunted and then stood up. Sinundan nya ang daddy niya sa study nito.
"Dad?" She peeked at the door. Nakita niyang nakatayo ang daddy niya sa may bintana ng room. Nakapamay-awang ito at mukhang malalim ang iniisip. Nilapitan niya ito. "Daddy?"
Napabuntong-hininga ang ama niya.
"What's the matter?" she asked.
"Nothing..."
She hugged his waist. "Come on daddy. Meron eh. What is it?"
Her dad held her face with both his hands and then sighed. "Dalaga ka na anak."
She laughed at his statement. "Syempre naman dad. I can't stay young forever."
"Few years from now, ikakasal ka na."
"Dad..."
Sumimangot si Daniel. "Are you really sure you're in love? You're too young..."
"Daddy, I am. And what's wrong with that? It's not as if I'm going to get married next week. In love lang ako. Normal naman yun di ba?"
"Sa 'yo hindi," sagot ng daddy nya.
"Last mo na yan daddy ha."
Tumawa ito at niyakap sya. Sa tangkad ng daddy nya, naipatong pa nito ang baba nito sa ulo nya.
"I'm losing my baby girl..."
"You're so dramatic dad. May isa pa namang baby si mommy. Kung gusto nyo, gawa pa kayo ulit," biro nya sa ama. Natawa naman ito.
"Sira. We're not as young as before, you know. Hinay-hinay din."
"Sus. Ang tatanda nyo na nga ang lalandi nyo pa eh."
"Ano kayong mag-ama? Di na kakain?" narinig nilang tanong ng mommy nya. Nasa may pintuan ito at naghihintay sa kanila.
"Babalik na po," sagot niya.
--
Dahil walang magawa ang dalaga, napagpasyahan niyang bumalik sa pang-mahirap na school na minsan ay naging paaralan niya. She decided to pay a visit to her friends... kasama si Chastene syempre... para kay Eli.
Sa bungad pa lang ng school ay nakakuha na ng atensyon ang dalaga. Ikaw ba naman kase ang bihis mayaman at may magarang kotse, bodyguards at mga katulong na kasama?
May tagapayong sila ng kaibigan nyang si Chastene. Both have bodyguards.
Literal na nahawi ang daan sa pagdaan nila.
Nagulat ang mga dati niyang kaklase upon her arrival. Natuwa naman ang mga kabarkada niya. They were all excused from class. Naglalakad ang magbabarkada papuntang cafeteria ng makasalubong nila ang grupo nina Tassie.
Masamang-masama ang tingin nito sa kanya pero dahil meron syang kasamang bodyguards ay nag-give way ito. She smirked at Tassie.
"Hey Tassie, good to see you're still alive. Magsa-summer na ah. 'Wag kang masyadong maglalabas. Baka matunaw ka."
"Bakit bumalik ka pa? Para ipamukha sa lahat na mayaman ka? Oh yan... pinagtitinginan ka na. Masaya ka na?" nang-uuyam nitong tanong sa kanya.
"Ay bitter teh? O eto Gucci, pampalubag loob." Iniabot niya dito ang hawak nyang bag na walang laman kundi yung makeup kit niya.
"Pwede ba! Kaya ko ring bumili nyan!" iritado nitong sabi.
"Tinatanggihan ang grasya? Ikaw," she pointed at Megumi. "Gusto mo? Dali... I'm feeling generous today."
Nag-aalangang tumingin si Megumi kay Tassie. Umirap naman ito.
"Ano? Nangangalay ako ha."
Agad na kinuha ni Meg ang bag mula sa kamay niya. "Thank you," mahina nitong sabi.
"Social climber ka talaga! Nabigyan ka lang ng bag, bumaliktad ka na? Turncoat!" bulyaw dito ni Tassie.
Mukhang nairita si Meg sa sinabi nito. "At least ako hindi plastic! At least ako, kapag ayoko sinasabi ko. Eh ikaw? Kunwari ka pang mabait, nasa loob naman ang kulo! At isa pa, ang baho ng hininga mo! Mag-tooth brush ka nga!"
Biglang sinampal ni Tassie si Meg. Naka-attract na ng atensyon ang dalawa dahil sa hallway sila nagbangayan. Tumabi sina Dama at hinarangan naman sila ng mga guards na kasama.
Gumanti ng sampal si Meg.
Maya-maya pa'y nakisali na ang ibang kaibigan ng dalawa. Nagsabunutan na sila.
"Uy ano'ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Eli.
"Manunuod. Sayang walang popcorn," she answered blandly.
"Eh di naglabasan ang mga tunay na kulay," dagdag ni Lei.
"Grabe bad breath nga yang si Tassie. Nagkiss na kaya sila ni Zelo?" tanong ni Eula.
Napa-"ewww" silang sabay-sabay.
"God! I hope not!" nandidiri niyang sabi. "Tara na nga! Ang papangit nila para panuorin." She started walking and was eventually followed by her friends.
Habang papunta sila sa cafeteria ay isa na namang familiar face ang nakita nila.
"Uy... di ba si Oliver yun?" tanong ni Keeme sabay turo sa isang lalaking naglalakad ng nakangiti.
"Oo nga noh? Ano na naman kayang ginagawa nun dito?" tanong naman ni Eula.
Like her, Oliver seemed to be a different person. Mas maporma na ito. Simpleng navy blue shirt na v-neck at medyo hapit sa katawan na napapatungan ng isang sky blue scarf na nakaikot sa leeg nito. Gray ang kulay ng jeans na medyo pakupas ang style at naka-combat boots na kulay black.
Naka-shades din ito kahit hindi masyadong maaraw.
"HOY OLIVER!" malakas na tawag niya sa binata. Napalingon naman ito agad sa kanila. When he recognized her ay agad itong ngumiti at lumapit sa kanila.
"Yo!"
"Yo your face! Bakit nandito ka? Are you stalking me?" naka-pamay-awang nyang tanong.
"Excuse me?" taas-kilay na tanong ng binata. "Nauna ako sa 'yo dito. Wag kang makapal ang mukha."
"Eh bakit ka ba kase nandito? Hindi ka nag-aaral di ba?" tanong nya. Olli stopped schooling because of his acting career. Mahirap kaseng pagsabayin dahil sa buhol-buhol na schedule.
Hindi sikat si Olli sa Pilipinas. He started acting in Thailand and Korea kase. When he went to back to the Philippines two years ago, walang masyadong nakakakilala dito. Hindi naman kase ito ganun kasikat. So when the opportunity presented itself, tinanggap nito agad.
Bibigyan daw kase ito ng break sabi ni Author... if he do what she's asking him to do.
Ngayon ay iniintay pa nito ang break na yun.
"May dinadalaw lang ako," sagot nito sa kanya.
Tumaas ang kilay ng dalaga. "Really? Who?"
"Classmate ko," maikli nitong sagot.
"Yang ngiting yan... classmate lang ba talaga?" naiintrigang tanong ni Eula na napansing kanina pa hindi mawala ang ngiti ng binata.
"Well technically, Joana's my classmate."
"Yeeee... sinong Joana yan?" tanong ni Lei.
"Yung pinanlaban ng department namin nung Intrams," Olli answered proudly.
"Wow... chicks yun pre!" manghang sabi ni Eli.
Lalong lumapad ang ngiti ni Olli. "Syempre. Gwapo ako eh."
"Ang hangin talaga." Dama rolled her eyes.
"Gwapo naman."
"Ugh. Oo na. Gwapo ka na. Kasuka yang kayabangan mo," naiirita nyang sabi.
"Ayeeee.... LQ," tudyo ni Eula.
"May balikan bang magaganap?" natatawang tanong ni Eli.
Parehas silang tumingin ng masama sa dalawa.
"Joke lang. HB kayo masyado."
"Maiba ako, bakit ka nandito?" tanong ni Olli sa kanya.
"Wala. Tinatamad ako sa school ko," sagot nya.
"Si Zelo asan?" tanong ulit nito.
"Asa North Carolina."
"Really? Mayaman pala sya," Olli concluded.
"No. Kami ang mayaman," pagtatama nya. "Paaral sya ni mommy."
"Oh... sige. Nakakatamad ka ng kausap. I'll go ahead," paalam nito.
She scoffed. "Excuse me! Mas nakakatamad kang kausap!"
Olli laughed. "Chill."
"Uy Olli!"
Lahat sila ay napatingin sa tumawag. Kumakaway ang isang magandang babae mula sa di kalayuan. Si Joana... or JM as she is more commonly known. Panlaban ito sa halos lahat ng pageant sa school. Maganda kase ito. Simple lang at hindi mahilig mag-makeup pero sobrang ganda naman kapag inayusan.
Matalino rin ito at crowd favorite dahil witty sumagot ng questions.
"Hi JM!" Todo kaway yung dalawa ni Eli at Keeme. Si Olli naman ay nilapitan ito at kinawayan sila bago ito tuluyang umalis kasama si Joana.
"Nanliligaw na kaya yung mokong na yun?" tanong ni Lei.
"Asa ka. Sa sobrang kayabangan nun? Nah... I highly doubt it. Nambobola pa siguro."
"May patutunguhan ba 'tong usapan natin? Nagugutom na 'ko," reklamo ni Keeme.
"Ayoko pala sa cafeteria nyo. Pangit ang lasa ng mga pagkain. Balik na lang tayo sa bahay," sabi nya sa mga ito.
"Hindi kaya sawang-sawa na sa 'min ang parents mo? Palagi kaming nandun eh," tanong ni Eula sa kanya.
"Hindi yun. Saka dun na din kayo this weekend ha? I'll prepare a party for Pierre. Malapit na kase ang birthday nya."
"Pierre?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.
"Oh sorry... you don't know pa pala. For Zelo."
"Ha?"
"Sino si Pierre?"
"Di ba si Olli yun?"
She sighed. "Mygosh... ganto kase... Zelo is not really Zelo."
"HA?!"
"Zelo is Pierre. Pierre Alessander err—Balutan."
xxxx
AN:
So this is dedicated to ate Pepay dahil ayokong gumawa ng labletter. Pauso nya yun eh. Hahaha... Sa mga nagtatanong at nagtataka, prends na po kami ni Ate Pepay. Hindi po kami nagpaplastikan. Sadyang pareho lang kaming marunong tumanggap ng pagkakamali, marunong mag-sorry at marunong makipag-reconcile. Civil kami eh... kayo ba?
Salamat sa mga mababait na nag-comfort sa 'kin. Di ko na kayo babanggitin isa-isa kase baka may makalimutan ako eh magtampo pa. Basta alam nyo na kung sino kayo.
Thank you. :)
PS. Joana or JM is ATeddyLover here in Watty na haling na haling kay Olli. :>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro