Chapter 42
I'm no angel. I'm just me but I will love you endlessly.
--
"Say ahhh na kase!" Pagpupumilit ng dalaga sa binata. Pareho silang kapapaligo at kasalukuyang nakaupo sa couch habang nakikinig sa TV. Nakikinig lang sila dahil hindi naman sila nanunuod. Yung takeouts kase na binili ni Zelo, dun nila binanatang kainin sa couch.
Mabuti na nga lamang at nasa malalim na takeout box ang pagkain nila. Sobrang likot kase ng dalaga at pinipillit nyang subuan ang binata kahit ayaw nito.
"Wag na nga!" Pinalis ng binata ang kamay nya. Tumilapon ang kutsara na naglalaman ng fried rice at isang tipak ng lechong kawali.
Her gaze followed the spoon and then she looked back at him. Her face contorted in anger.
"Ang arte mo!"
Tumayo ang dalaga at padabog na naglakad palayo. Zelo caught her arm though. That stopped her from walking away.
Napabuntong-hininga ang binata. "Pwede namang kumain na lang basta, di ba?" malumanay nitong tanong sa kanya.
"Nilalambing ka na nga, ayaw mo pa. Namiss lang kita," sagot niya dito. "Apparently, you don't feel the same. Sige, matutulog na lang ako." Hinatak niya ang braso mula sa binata. But he tugged it back.
"Kumain ka muna," halos ay nakikiusap nitong sabi sa kanya.
"Ayoko. Wala na 'kong gana."
Muli niyang hinatak ang braso mula sa binata. Pero hinatak ulit nito iyon pabalik. Sa lakas ng pagkakahatak nito sa kanya ay napaupo siya sa may kandungan nito. Dama blushed in an instant.
She was sitting sideways to him. Nagkatinginan silang dalawa.
"Kumain ka muna," pag-uulit nito.
Hindi kaagad siya nakasagot. Malumanay na kase ito. Hindi tulad kanina.
"Sorry," dagdag ng binata. Napayuko ito.
"Sorry din," she said to him.
"Kumain ka na," pag-uulit ulit ng binata.
Tumingin siya sa mukha nito, her eyes questioning. "Namiss mo ba 'ko?"
Nakatitig lamang sa kanya ang binata. Hindi ito nagsasalita.
"Zelo, sumagot ka naman!" eksasperado niyang pakiusap dito.
"Oo na," mahina nitong sabi.
"Lakasan mo!" she demanded.
"OO NA!" pasigaw nitong sabi.
Napangiti ang dalaga. "Yan! I missed you too!" she said. Dinampian niya ng halik sa pisngi ang binata at nagtatakbo papuntang kusina para kumuha ng bagong kutsara. Agad siyang bumalik sa dati niyang pwesto at nagsimulang kumaing muli. Naiiling na lamang na nagpatuloy ng pagkain ang binata.
"Oh..." udyok niya sa binata. Inilapit niya sa bibig nito ang isang kutsara ng kanin at ulam.
Tumingin ito ng masama sa kanya na ginantihan naman niya.
"Hindi ba pwedeng kumain ka na lang?" tanong ng binata.
"Hindi. Eat this," pamimilit niya dito.
Zelo sighed and ate the food.
"Ako naman," utos ng dalaga.
Zelo rolled his eyes at her. But he still did what she asked for her sake. Alam naman kase nitong mag-aaway lang sila kapag hindi niya pinagbigyan ang dalaga sa gusto nito.
"Thank you!" nakangiting sabi ng dalaga.
Naiiling na lamang na nagpatuloy ng pagkain ang binata. He adjusted para mapaharap ito sa TV. Ginaya nya ito at tumuktok din sya sa palabas. American series ang pinapanuod nila. Dexter ang title. Nabu-brutalan na nga sya pero dahil sa kalmado lang ang binata ay nanahimik na lamang sya.
Ayaw nyang masasabihan na naman na maarte sya. Kahit totoo.
"Zelo..." maya-maya'y panimula nya.
"Ano?" tanong nito.
"Bakit pottery ang kinuha mong course? Ang baduy ha."
"Nangingialam ka?"
Nilingon nya ito. "Hindi tayo mabubuhay nyan! Mag-doktor ka na lang!"
"Mayaman ka ah," sagot nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Aba, ako pa talaga ang bubuhay sa 'yo?"
"Wag kang mag-alala, di naman kita papakasalan."
Napapadyak ang dalaga. "Eeeee!"
Tinawanan naman siya ng binata. "Bakit ba gustong gusto mong makasal sa 'kin? Wala akong pera."
Pinanlisikan nya ito. "Kase nga!"
"Ano?" nang-aasar nitong tanong sa kanya.
"Kase!"
"Ano'ng kase?" pangungulit nito.
"Tss. Secret!"
Ngumiti ito sa kanya. "Bat ka namumula?"
"Mainit!" mataray nyang sagot.
"Hindi kaya."
"Tseh!"
Tumayo ito mula sa pwesto at dumikit sa kanya.
"Bat nanlalamig ka?"
"Ice princess ako," pagdadahilan nya... kahit baduy.
Inakbayan siya nito. Saka siya biglang hinalikan sa pisngi. "Cute mo."
Agad nagkulay kamatis ang dalaga. Mas sanay kase syang sinusungitan ni Zelo. Although she likes it when he's being sweet and gentle with her, naiilang sya at nahihiya kapag ganun.
Hindi kase sya sanay pakitaan ng pagmamahal.
"Tigilan mo nga ako," halos ay pabulong nyang sabi. Hindi yata nito narinig because he went closer.
"Ano?"
"W-Wala!" She pushed him a little, scared that her erratic heart might burst out from her ribcage. Hindi naman ito nagpatalo at kinabig pa siya.
"Samantalahin mo na. Ngayon lang 'to," narinig nyang sabi ng binata.
"N-Ngayon lang?" Medyo nadisappoint sya sa narinig. Once in a blue moon lang magpakita ng sweetness si Zelo sa kanya. Kadalasan pa, sya yung nag-iinitiate.
Di ba pwedeng tumagal na ganoon?
Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya.
"Sa totoo lang, namiss kita."
"Hindi naman yun yung tanong ko eh," she said while blushing. Pero natutuwa pa rin sya na namiss pala sya nito. Worth it ang pagsunod niya.
"Hindi ko ugaling maging sweet," paliwanag ng binata.
"Pero kaya mo?" tanong niya.
"Oo. Pakainin mo 'ko ng asukal."
"Ha. Ha."
"Seryoso. Di ko ugali yun," sabi nito.
"Okay lang. Masaya na 'kong ganyan ka kahit ang arte-arte mo."
--
Nearly 10PM na ng mapagpasyahan ng dalawa na matulog. Zelo settled himself on the couch while Dama rearranged the pillows on the bed.
"Huy dito ka!" sabi niya sa lalaki.
"Ayoko," sagot nito. Saka ito humarap sa sandalan ng couch.
Bumaba ang dalaga sa hagdanan. Nasa taas kase ang higaan ni Zelo. Malaki ang kama nito at kasya ang tatlong tao. Para syang bunk bed ang style pero ang nasa baba ay study area. Medyo mataas din ito.
Naupo sya sa tabi ng binata.
"Bat ayaw mo dun?" tanong niya dito.
"Malamang ayaw kitang katabi," sagot naman nito.
Nahiga ang dalaga sa tabi ng binata. Bumaling naman agad ito sa kanya ng maramdamang tinabihan niya ito.
"Dun ka na nga!" paasik nito sa kanya.
"Gusto ko tabi tayo," pagpupumilit ng dalaga.
"Tsk. Itutulak kita," banta ng binata.
"Eh di itulak mo. Iiyak ako, sige!"
Napahugot ng malalim na hininga ang binata bago sya nito tiningnan ng masama.
"Ang kulit mo!" iritado nitong sabi.
"Dun ka na lang kase... please?" ungot niya dito.
Zelo rolled his eyes at her. "Hala, lipat!" he said in defeat.
Lumipat sila pareho sa malawak na kama. Ang nakakatawa lang, nilagyan ni Zelo ng tatlong unan sa gitna nilang dalawa.
"Bakit may harang?" tanong ng dalaga.
"Delikado," simple nitong sagot.
"Bakit?" kunot-noong tanong ng dalaga. Hindi kase niya maintindihan kung anong delikado ang sinasabi ni Zelo. Matutulog lang naman sila...
Humarap ito sa kanya.
"Babae ka. Lalaki ako. 'Wag kang pakainosente dyan," sagot nito.
"Ano ba kaseng—" Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin ng biglang naka-catch up ang utak niya sa sinasabi ng binata. "Zelo!"
He gave her a bland look. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Matulog ka na."
"Payakap!"
He shoved a pillow at her. "Ayan. Yakapin mo."
"Ayoko nito!" reklamo niya.
Walang anu-ano'y biglang bumangon ang binata at bumaba sa hagdan. Sinundan naman niya ito. Pero hindi ito nag-settle ulit sa couch. Sa halip ay tumungo ito sa study area nito, naupo sa swivel chair at nagbukas ng isang drawer.
Takang minamanmanan lang niya ito.
"Naalala mo pa 'to?" tanong nito sa kanya.
He handed her a clip.
She took the clip from him. It looked familiar. Paanong hindi magiging pamilyar eh one of a kind ang clip na yun?
It was custom made for her by a world-famous accessory designer for her fourth birthday. At sa pagkakatanda niya ay inagaw iyon sa kanya ng isang batang lalaki habang naglalaro sila ng piko.
Sinubukan kase niyang makisali noon sa mga anak ng mga katulong na nakatira sa villa nila.
Itinulak niya yung batang lalaki, causing him to fall and thus, natigil ang laro. Mauunahan na kase sya nito. Nasa pangatlo pa lang sya ay nasa pang-apat na ito. Tanda pa niyang puro babae ang mga kalaro niya at nag-iisa pa itong lalaki.
"Yes, I remember."
"Gusto man kitang yakapin, hindi ko magawa kase baka may mangyaring hindi inaasahan. Bata pa tayo pareho at wala akong ipambubuhay sa 'yo kapag nagkataon. Kasal? Gusto rin kitang pakasalan. Pero wala akong pera," sabi nito sa kanya. "Mayaman ka. Alam mo ba kung gaano kayo kayaman? Kaya nyo yatang buhayin ang buong Pilipinas sa yaman nyo. Mahirap lang ako... kahit gusto kita, wala akong mabibigay na kahit ano sa 'yo."
"Hindi mo naman kelangang magbigay ng kahit ano eh."
"Lalaki ako. Natural na sa 'kin na isipin na kailangan kong ibigay ang lahat sa isang babae. Pero sa estado ng buhay ko ngayon? Ni pagkain ng tatlong beses sa isang araw, baka hindi ko maibigay sa 'yo. Alam mo bang simula pagkabata tinitingnan na kita ng palihim? At araw-araw parang lalo kong nare-realize na hindi ako para sa 'yo. Gustong-gusto kita pero hindi kita malapitan. Hindi kase tayo bagay."
"Bakit ba palagi mo na lang sinasabing hindi tayo bagay? Wala ka na bang ibang pwedeng idahilan sa 'kin?!"
Hindi agad nakasagot ang binata.
"Zelo, if you would always think that, pano ka sasaya? You guys taught me to accept things as they are and learn from them. I adapted. Naghirap ako di ba? Tinanggap ko yun. Sumaya ako. Why can't you do the same?" Nang hindi pa rin makasagot ang binata ay nagpatuloy siya, "Walang mali sa ating dalawa. Hindi langit at lupa ang pagitan natin. You can reach me and I can reach you. You just have to accept that."
Nagkatinginan silang dalawa na para bang nagsusukatan kung sino ang mas tama.
In the end, sumuko ang binata. He sighed. "Sige na. Nakumbinsi mo na 'ko," he said in defeat.
Ngumiti sya. "Talaga?"
Tumango ito.
"You'll marry me someday then?"
"Pag may pera."
"That's good enough."
"Isa pa pala," pahabol nito. She was about to return to the bed to sleep ng magsalita ito ulit.
"Ano?"
"Hindi Zelo ang pangalan ko."
xxxxx
AN: Kalma. XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro