Chapter 40
I have PMS and a GPS... which means that I'm a bitch and I will find you!
--
Takang-taka ang mga tao sa mansion nang umuwi ang dalagang malaki ang ngiti sa labi. Masayang-masaya ito at kulang na lamang ay yakapin ang mga katulong sa bahay as greeting.
"What is up with you tonight?" asked Meg. Nakaupo ang pamilya sa hapag-kainan at kasalukuyang naghahapunan. Hindi makakain ang dalaga sa kangingiti.
"Nothing. I'm just... happy," she answered with giggles.
Pinagtaasan sya ng kilay ng ina. "Ano'ng meron?" tanong nito.
She just shrugged and smiled.
--
After eating, she immediately went to her room, slumped back to her bed and stared at the paper given to her earlier by Oliver.
Pinaulit-ulit nyang basahin ang nakasulat doon. It's an address.
So nasa North Carolina ka pala... She smiled to herself again.
--
"Mommy, can I go to North Carolina?" she asked her mom the next day.
Kumunot ang noo ng mommy nya. "At ano naman ang gagawin mo dun?"
"I'll visit a friend."
"Friend? You have a friend in North Carolina?" hindi makapaniwalang tanong ng ina.
"Yeah," she answered, nodding.
"What kind of friend are we talking about?"
She sighed. "Mom, can I be honest with you?" she asked.
"Why? Aren't you being honest with me?"
She gave her mother a bland look. Nilapitan niya ito at kinapitan sa braso. "Ma... I think I—I think I'm in love."
Matagal silang nagkatinginang mag-ina. Mga limang minuto rin siguro.
Then her mother laughed. She was laughing so hard na hindi nito mapigilang hindi sya hampasin sa braso.
"Ma! I'm serious!" naiirita niyang sabi.
Napahawak ang ina sa tiyan nito at sinikap na seryosohin ang kanyang sinabi. "How can you fall in love?"
Sinimangutan niya ito. "As if that's impossible."
"I'm sorry, okay? I just couldn't fathom the idea of you falling in love," paliwanag ng ina sa kanya.
"Well, I am," buong paninindigan niyang sabi.
"Kanino?" tanong ng ina.
"With Zelo."
"Zelo?"
"Yes. Zelo."
Inakbayan sya ng ina. "Well, I guess that can't be helped."
"And that's why I'm going to North Carolina."
Her mom's face finally showed comprehension. "Ah... nandun nga pala sya."
"See? You know and yet you didn't tell me," she said with a pout.
"How the hell am I supposed to know that it matters to you? You're the one who's not telling me anything."
"Maglalabasan na naman tayo ng sama ng loob mommy? Why not let me go first and then I'll fill you in with the details pagbalik ko, hmm?" pangungumbinsi niya sa ina.
"Ask your dad," maikli nitong sagot.
--
Inantay ng dalagang dumating ang ama mula sa trabaho. Pagkadating nito, sinalubong niya ito agad at kinuha ang maleta mula sa kamay nito. When he sat down, tinulungan nya pa ito sa pagtatanggal ng sapatos nito na karaniwan ay gawain ng ina.
"May kailangan ka?" agad na tanong ng daddy nya.
Nagkatinginan sila ng ina na noon ay nasa puno ng hagdan at iintindihin sana ang daddy nya kung hindi lang nya ito naunahan.
Pinagtaasan siya ng kilay ng ina saka ito umakyat.
"Dad..." she started.
"Yes?" her dad inquired.
"Dad, do you love mom?"
Kumunot ang noo ng daddy niya. "Of course," sagot nito.
"Are you willing to do anything for her?" she asked.
"Oo naman!"
"Are you willing to follow her wherever she goes?"
"I am."
"Then... maiintindihan mo naman siguro kung susundan ko si Zelo sa North Carolina tama?" mabilisan niyang tanong.
Tumango-tango ang daddy niya. "Yes, of cour—wait—what?!"
She sighed. "Just say yes dad para wala ng problema."
"Yes to what again?"
"Daddy naman... bawal na ulitin."
"Then my answer is no." Prenteng sumandal ang daddy niya at nag-de-kwatro.
"Dad naman eh!" She pouted. "I thought you'd do anything for mom? Why can't I do the same for him?"
"Sweetie, bata ka pa," Dani said.
"I'm already 18!" reklamo niya sa tonong may pagtatama.
"Precisely my point! You're too young!"
She gave her dad a dead-eye stare. "Dad. You got married at 23. Before that, maaga pa lang lumandi ka na. I heard from lola that you had your first girlfriend when you were 10. Bakit ako hindi pwede? Eh 18 na 'ko!"
"It was different back then!" pagdadahilan ng daddy nya.
"Really? How so?" She crossed her arms and waited for his explanation.
Napaisip ang daddy nya. "Back then... wala pang internet!"
She rolled her eyes at her dad. "Come on dad. That's lame."
Napabuntong-hininga ito at tiningnan siya ng mataman. "How can you be so sure that you're in love? You might just be infatuated with the idea..."
"I think I'm old enough to know the difference dad. And you and mom are both saying that I am too young to love but maybe you're just too old to remember. Come on dad..."
"Are you sure on this?" tanong ng ama.
"Do you trust me dad?" pabalik nyang tanong.
"Can I trust you?" pabalik na tanong ng ama.
"Are we playing 20 questions?"
Her dad sighed again, his shoulders slumping in defeat. "Fine. Ask your mom though."
"But—I already asked her!"
"What did she say?"
"She said to ask you," she answered with a pout.
Tumawa ang daddy nya. "I guess that's a yes."
"Yes!" Napapalakpak ang dalaga sa sinabi ng ama. "Thank you daddy!" Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.
"You're welcome princess."
--
Agad na nag-empake ang dalaga ng mga damit. Dalawang malaking maleta ang inihanda niya kaya naman kanina pa nakataas ang kilay ng mommy niya habang pinapanuod syang mag-empake.
"Wala ka nang balak umuwi?"
She smiled at her mom. "Syempre meron mommy. Siguro next month."
"No. One week lang."
Nagdabog siya. "Ma!"
"One week... or you won't go," her mom said in finality. Wala na syang nagawa kundi kalahatiin ang dala.
--
Madaling-araw kinabukasan ay lumipad na ang dalaga papuntang Wilson, North Carolina kung saan nag-aaral si Zelo. Sa Barton College ito kasalukuyang pumapasok. Akalain mo nga namang may pagka-artsy pala ito. Arts and Design kase ang kinuha nitong major.
Ilang oras din bago nag-land ang private jet ng dalaga. Upon landing ay may nakaabang ng sasakyan para ihatid siya sa mismong school.
Jet-lagged, nagpahinga muna ang dalaga sa isang pang-mayamang hotel and tried to think of a plan... ano nga ba ang plano nya upon seeing Zelo?
Will she act surprised? Will she act angry? How will she act? And how will he react?
--
Nang kasunod na umaga ay agad na naghanda ang dalaga at nagpunta sa school na pinapasukan ni Zelo. Hindi niya alam kung saan ito hahanapin pero sinimulan nya sa obvious. Sa building nito.
She's been asking random students pero walang makapagturo kung nasaan ito. Hanggang sa makarating sya sa pinakadulo ng building. May mga students na naghuhulma ng clay. Pottery class yata.
"Excuse me." Kinuhit niya ang nasa gilid na Amerikano.
"Yes?" tanong nito sa kanya.
"Uh—I'm looking for someone."
Tumigil ang lalaki sa ginagawa at tiningnan siya ng mataman. "Would that be me?" tanong nito saka ngumiti sa kanya.
"No. Actually, he's Asian. Black hair, chinky eyes, yellow skin... ring a bell?"
"You just described a typical Asian guy miss. Care to tell me anything else?"
She grunted. "Ano pa bang pinagkaiba ng mokong na yun?" tanong nya sa sarili.
"What's that?" tanong ng Kano sa kanya.
"Are there many grumpy Asian guys out here?"
Kumunot ang noo nito. "Well, I only know one. Hey Lance!" tawag nito sa kasama.
"Yep?"
"Do you know any grumpy Asian guy besides him?" tanong nito dun sa Lance.
Nag-isip si Lance... at maya-maya'y umiling. "Nah... I don't think so. Asian guys are always smiling... well... except him."
"Him?" naiintrigang tanong ng dalaga. Wala ba syang pangalan at HIM kayo ng HIM?
"We call him Grumpy. He's always moping around, you know," paliwanag ni Lance.
"Hey, maybe you could cheer him up. Are you his girlfriend?" tanong ng kano na kanina pa niya kausap.
"Yes, I am," agaran niyang sagot.
"You're cute," puri ni Lance sa kanya. Nginitian lamang niya ito.
"Where can I find him?"
Nilampasan siya ng tingin ng dalawa at saka sabay na tumuro sa likuran niya.
"He's right there," halos sabay nilang sabi.
Agad siyang lumingon at napangiti ng makita ang paparating.
Agad namang tumigil sa paglalakad si Zelo ng makita siya. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. She, on the other hand, seized the opportunity na hindi ito makagalaw sa kinatatayuan.
"Zelo!"
Patakbo syang yumakap dito.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kanya.
"Sinusundan ka," nakangiti niyang sagot.
Itinulak sya nito palayo.
"Hey grumpy, you didn't tell me you have a cute girlfriend. What's her name?" tanong ni Lance kay Zelo. Lumapit ito sa kanya at ngumiti.
"I don't like her," sagot naman ng binata.
Nasaktan ang dalaga sa narinig.
Magsasalita pa sana sya ng bigla syang inakbayan ni Lance. Sa haba ng biyas nito, yung kalahati lang ng braso nito ang sumayad sa balikat niya. Madumi ang kamay nito dahil sa clay kaya naman yung sa may bandang armpits nito ang nakapatong sa balikat niya.
"Hey, hands off," mariing sabi ni Zelo.
Namay-awang si Lance, never minding the dirty clay on his clothes. "I thought you said you don't like her?" kunot-noo nitong tanong kay Zelo.
"She's still my girlfriend. Back off!" paasik nitong sabi. Agad namang umurong si Lance.
"Geez! Calm down grumpy! I'm not gonna steal your girlfriend!" pagkasabi'y kumindat ito sa dalaga at iniwanan sila.
Nilapitan siya ng binata. "Umuwi ka na."
"Aba!" Sumimangot siya dito. "Kakarating ko nga lang, papauwiin mo na 'ko?"
"Umuwi ka na, wala akong panahon sa 'yo."
Umungot siya at yumakap sa bewang nito. "Eeee..."
Pilit naman nitong tinanggal ang kamay niya. "Umuwi ka na."
"Ayoko nga!"
Napabuntong-hininga ito saka sya binulungan.
"Ano'ng gagawin ko dun?" kunot-noo niyang tanong.
"Umuwi ka. Antayin mo 'ko," sagot nito.
Napangiti siya. "Sure! Apartment mo?"
Tumango ang binata. "Uwi na." Marahan sya nitong itinulak palayo.
"Opo. Sunod ka agad ah?"
"May klase pa 'ko."
"Skip it," utos niya.
"Ayoko. Uwi na!" pagtataboy nito.
"Tss. Oo na!"
--
Maganda ang apartment na tinutuluyan ni Zelo. She's guessing na bigay din ito ng mommy nya. Pati siguro ang pagpapaaral dito ay courtesy na rin ng mommy nya.
Nilibot nya ang buong bahay. Malinis ito. Typical Zelo, ayaw ng makalat.
Kakaunti rin ang gamit. Naghahanap nga sya ng picture nya pero asa naman sya.
Halos limang oras pa siyang nag-antay bago dumating ang binata.
"I ordered pizza," salubong niya rito.
Tiningnan nito ang isang box ng Domino's na hindi pa nagagalaw. "Kumain ka na," sabi nito sa kanya.
"Sabay na tayo."
"May trabaho pa 'ko," sagot nito.
"Bakit ka pa magtatrabaho?" tanong niya.
"Masamang magtrabaho?" pabalik nitong tanong.
"Absent ka muna!"
"Hindi pwede."
She stomped her foot. "Zelo naman eh!"
Nagtanggal lang ito ng bag, nagbihis ng t-shirt at saka isinukbit na muli ang sling bag nito. Tapos ay naglakad ito papunta sa may pintuan.
"Aalis na 'ko," paalam nito sa kanya.
Hindi na nya ito napigilan ng nagmamadali itong umalis. Naiwan syang walang kasabay sa pagkain. She ate anyway dahil gutom na rin sya.
After eating, nag-ikot-ikot syang muli sa bahay nito at nang mapagod ay natulog siya sa kama nito.
--
Hindi na namalayan ng dalaga na dumating na si Zelo at tumabi sa kanya. Yumakap ito sa kanya ng mahigpit.
"Nakakainis ka. Bakit ba kase nagpakita ka pa?" tanong nito sa natutulog na dalaga. He kissed her forehead at saka sya umalis para mahiga sa sofa.
Lying down, he stared at the ceiling above him.
Kung kelan naman nya sinusubukang kalimutan ang dalaga, saka naman ito nagpakita sa kanya.
"Badtrip!"
xxxxx
AN: Happy April Fool's Day!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro