Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

I don't hate you. I'm just not necessarily excited about your existence.

--


Pilit pinatatahan ni Dani ang anak na kanina pa umiiyak sa kanya. Naaawa na sya rito pero kahit sya ay wala na ring magawa. Out of bounds na ang ugali ni Dama. She's bitchy even to the executives of the company. Wala na itong sinasanto and frankly--sobrang sumasakit na ang ulo nya sa panganay.

That's why napapayag siya ng asawa sa plano nito.

It's not as harsh naman as it sounds. She'll be well taken care of by Manang Pacing and Zelo. She'll be treated as one of the family. Para nga lang nagpapaka-independent si Dama.

Sure, she'll be rid off her things and name (for a while) pero para iyong lahat sa ikabubuti niya. Hindi na mapagsabihan si Dama ng mag-asawa. Kung hindi pa ito gagamitan ng dahas--like the cleaver scene--ay hindi pa ito makikinig... which is not healthy.

"Tahan na anak... it;s going to be alright soon. 'Wag ka na lang magreklamo pa para wala ng gulo."

"She's so unfair dad! Ganito ba dapat ang trato nya sa anak nya?"

Daniel sighed. Hinagod-hagod nya ang anak sa likod. "Don't worry. Your mom knows what she's doing. Magpakabait ka lang at kapag nakita nyang nagbago ka na--she'll take you back."

"I hate her dad. I so hate her!"

"Ssshh... don't say that..."

Pinahid ni Dani ang mga luha ng anak. Then he held her chin and smiled.

"I know you. You're strong. Hindi ka basta-bastang magpapatalo. If you would cry and give up this early... then you just proved to her na mahina ka. Na talunan ka. You wouldn't want that now, would you?"

Umiling si Dama at nagpahid ng luha.

"No. I'll show her dad. This won't break me."

--

Matapos makipag-usap ni Megan sa katulong na si Aling Pacing ay pinalabas na niya si Dama mula sa mansion. Nakaabang na din doon si Zelo, na tatayo bilang pinsan at guardian ni Dama.

Maya-maya'y lumabas ang dalaga na walang dala kahit ano. Nakasimangot ito at mukhang kaiiyak. Namumula din ang braso nito na malamang ay kinamot nito kanina dahil sa pangangati mula sa damit na suot.

Totoong nangangati si Dama sa mumurahing damit... but that's not because of allergy. Nag-iinarte lang talaga ito kase hindi sanay.

Pinalapit nya ito sa kanila.

"Dama... this is Zelo... he's going to be your cousin until you graduate. Zelo... paki-disiplina ng anak ko ha?"

"Tsk." Umirap si Dama sa ina.

"Be nice to him... sya ang maghahawak ng pera mo."

"What?! The eff naman ma! Can't I handle my own money?" Reklamo niya.

"Kung ikaw ang hahawak ng pera mo, malamang wala pang isang araw, ubos na yung weekly budget mo. He's going to handle your money and that's final." Sunod na inadress ni Meg si Manang Pacing. "Manang, 'wag mong itu-tolerate yang kaartehan ng anak ko ha? Kung ayaw nyang kumain, hayaan mo syang magutom. Patulungin mo rin sya sa gawaing bahay ng matuto."

Dama gaped at her mother. In her 18 years of existence, ni hindi pa sya nakakahawak ng walis tambo. Hindi pa sya nadidikitan ng alikabok.

Lalong-lalo na namang hindi pa sya nakakahawak ng maruming pinggan!

Isipin pa lang nyang gagawin nyang lahat yun--parang gusto na nyang mahimatay.

"Sige na, lumakad na kayo."

Dama ran to her father. "Bye dad... I will miss you."

Dani kissed her on the top of her head. "I will miss you too. Stay safe, okay?"

"Yes daddy."

Kumalas sya sa pagkakayakap sa ama at sumunod sa papalabas na sina Manang Pacing at Zelo--ignoring her mom on the way. Nasasaktan man sa inasal ng anak--mas pinili na lamang ni Meg na manahimik. Kasalanan din naman nya. Kagagawan din naman nya kung bakit nagkaganyan ang panganay nya.

But she was praying... hoping... begging even--na sana ay magbago ang anak nya.

She really loves her daughter... and hates her at the same time. Such feelings cannot co-exist in her heart. She hopes that one of them would cease to exist... and prayed it be the latter.

--

First time sumakay ni Dama sa tricycle kaya naman nauntog sya agad sa mababang bubong nito. First time din niyang aalis ng bahay ng naka-tsinelas. First time niyang maging ganito kadikit sa katulong.

At first time nyang maging hopeless.

Pagkadating niya sa bahay ni Manang Pacing, napanganga na lang sya sa gulat. Barong-barong ang bahay nito. Iisa lang ang pintuan. Walang gate. May mga lasenggerong kapitbahay. May maduming kanal sa gilid.

She was so disgusted she wants to hurl right away.

"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin anak ha? Wala pa kase akong pampaayos eh."

"No kidding. This place looks like hell." She replied with a grimace.

"Hell? O tamang-tama... kamukha ng ugali mo." 

Pinanlisikan nya ng mata si Zelo. All the while, nananahimik ito na akala mo'y santo sa sobrang bait. Yun pala inaantay lang nitong makaalis sila sa mansion.

"Zelo!" Saway ni Manang Pacing sa lalaki. "Kaunin mo muna si Meera at pagabi na. Baka nakikipaglaro na naman yun kung saan."

Umirap ang lalaki sa kanya at sumunod sa pinag-uutos ng ina.

"Halika. Pasok ka sa loob."

"Wala bang hotel man lang na malapit dito? Bawal akong madapuan ng lamok."

"Kabilin-bilinan ng mommy mo na dito ka tumira."

"Kasya ba naman tayo dyan?"

Kanina pa nya iniisip kung paano magkakasya ang mag-iina sa isang napakaliit na bahay. Kung doon nga sa dating tinitirhan ng parents niya, nabubunggo na sya sa mga furnitures eh... dito pa kaya na mukhang 1/4 lang non?

Tumawa ang matanda. "Nagkakasya naman kami."

Umakyat sila sa tatlong palapag na hagdanan bago makapasok sa loob. Kung madumi itong tingnan sa labas... kabaliktaran naman iyon ng loob nito.

Malinis at maaliwalas ang bahay. Iisang bumbilya lang ang bukas... at yun ay yung nasa sala. Made of wood ang flooring pati na rin ang mga dingding. Wala silang kisame kaya kitang-kita yung skeleton ng bahay,

May isang kwarto lang na natatakpan ng kurtina. Dama guessed that that's the bedroom. Yung kusina, katabi lang ng sala. Pati yung CR na nasa bandang dulo.

Walang faucet--tabo ang gamit nila.

Wala ring TV.

At ang pinaka-masaklap--walang aircon.

--

Nangangalay na ang braso ni Dama sa kapapaypay habang si Manang Pacing naman ay nagluluto ng hapunan ng biglang dumating ang magkapatid na Zelo at Meera. Madungis ang batang babae at amoy-araw pa. Nakadikit ang buhok nito sa pawisang mukha at leeg.

"Nanay!" Tumakbo ang bata sa naglulutong ina at yumakap.

"Ay ano ka ba namang bata ka! Pawisan ka na naman!"

Ngumiti lang si Meera.

"Magbihis ka na." Utos dito ng kuya nito.

"Yes kuya." Akmang papasok ng kwarto ang bata ng makita sya nito. Agad itong tumakbo at naupo sa tabi nya.

Todo iwas ang dalaga dito dahil allegic din sya sa pawis--ng mahirap.

"Hi ate!"

"Pwede bang lumayo-layo ka kid? Ayokong mahawa sa amoy mo." She crinkled her nose saka mas nilakasan ang pagpapaypay.

Napasimangot ang bata. "Ay... ang sungit mo naman ate."

"Layuan mo ya Meera... baka mahawa ka."

Dama glared at Zelo.

"Zelo..." Saway na naman ni Manang Pacing dito.

"Nay... sinasabihan ko lang ang kapatid ko. Ayoko namang bukas-bukas eh tutubuan na rin 'to ng sungay."

"Ano ba'ng problema mo ha?!" Mataray nyang tanong dito.

Zelo gave her a bland look. "Hindi ba obvious? Ikaw ang problema ko."

"Zelo anak... tama na."

"Oo nga naman kuya. Masamang nang-aaway ng babae." Pagsang-ayon ni Meera sa ina.

"Tss." Pumasok si Zelo sa kwarto.

--

"Anak kain ka na." Aya ni Manang Pacing kay Dama pagkatapos nitong maghain ng hapunan. Naupo si Dama sa isa sa mga plastic chairs na talaga namang ikinairita nya dahil masakit sa pwet. Kaya inutusan nya ang batang si Meera para kumuha ng throw pillow na nasa sala at sya nyang ipinatong sa upuan.

She looked disdainfully at the food on the table. NFA rice ang sinaing. At ang ulam--TUYO at kamatis.

"Wala na bang ibang ulam?"

"Wala na." Sagot ng kakaupo lang na si Zelo. "Kung ayaw mong kumain, matulog ka na lang."

"Allergic ako sa tuyo." She pointed out.

"Allergic o nag-iinarte?"

"It's true! Allergic nga ako sa tuyo! Ask my mom!"

Manang Pacing sighed. "Zelo anak, bumili ka muna ng ulam kay Mang Benoy."

"Nay 'wag na." Tumingin ito kay Dama. "Dito na sya nakatira kaya dapat matuto syang kumain ng pagkain natin."

"Eh allergic nga ako sa tuyo! Hindi ka ba nakikinig?!" Pagtataas nya ng boses dito.

"Anak bili ka na ng ulam, sige na..." Pakiusap ni Manang Pacing kay Zelo. Napabuntong-hininga naman ang binata at kinuha ang perang kanina pa iniaabot ng ina.

--

"What the hell is this?"

"Ulam." Replied Zelo. 

"Ano'ng klaseng ulam 'to? At bakit naka-plastic?"

Zelo rolled his eyes. "Ano'ng gusto mo? Ipalagay ko sa palad ko yung ulam? Kung ayaw mo yang kainin, eh di 'wag. Hindi kita pinipilit."

Napasimangot si Dama sa choices nya... it's either tuyo or that horrible-looking thing on a cheap plastic.

Pero ng kumalam ang sikmura nya, saka sya napilitang kumain.

Bahala na kung magka-indigestion sya mamaya.

--

When it was time to go to bed, nagkaroon na naman ng malaking problema si Dama. Saan sya matutulog? Halos 1/8 ng bed nya ang laki ng papag na nasa kwarto. Wala naman syang pakialam sa iba dahil doon talaga nya planong matulog.

She was just worried about her back--paniguradong sasakit ang likod nya dahil hindi sya sanay mahiga sa matigas na papag.

"Wala ba kayong kutson?" Tanong nya kay Manang Pacing.

"Wala eh. Gusto mong ipanghiram kita sa kapitbahay?"

"Sige. Manghiram ka na rin ng unan... gusto ko yung malambot. Saka electric fan man lang--mygosh! Ang init init dito!" Napapaypay sya ng mahina.

"O-Oo sige."

"Hindi ka magkukutson."

Dama rolled her eyes. Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Dakilang kontrabida?

"Pwede bang 'wag kang sabat ng sabat sa usapan ng may usapan?"

"Umayos ka ng pananalita mo. Nanay ko ang kausap mo kaya matuto kang gumalang." Mariin nitong sabi sa kanya,

Pinagtaasan nya ito ng kilay. "And so? Yaya ko naman sya."

"Dito sa pamamahay namin--hindi mo sya yaya. Hindi mo pa ba nare-realize? Kasinghirap ka na rin namin... kaya ayusin mo yang ugali mo."

"Excuse me... mayaman pa rin ako kaya 'wag na 'wag mo akong ikukumpara sa inyo. Temporary tenant lang ako dito--at katulong ko pa rin sya." She pointed at Manang Pacing. 

"Ano ba yan... kanina pa kayo away ng away ah?" Reklamo ni Meera. 

"Oo nga naman. Tama na ang pag-aaway ha? Magpahinga na tayo pare-pareho. Marami pa kayong gagawin bukas." Manang Pacing said in a resign voice. Inayos nya ang papag at nilagyan ng maraming unan. "Tabi na kayo ni Meera. Sa sala na lang kami matutulog ni Zelo. Sya... magsitulog na kayo."

Wala ng nagawa si Dama kundi matulog sa matigas at malamig na papag. Lahat kase ng gusto nyang mangyari ay hinaharang kaagad ni Zelo. And to think na first day pa lang nya sa bahay na 'to.

That night, she had the most uncomfortable sleep of her life. The first of many.

--

Kinabukasan...

*splash*

"Arrrrgh! Yaya ano ba--"

Napabalikwas si Dama ng maramdaman nya ang malamig na tubig na isinaboy sa kanya ng kung sino. Galit na galit siya at akma na sanang babatuhin ng matigas na unan ang salarin when her eyes met his cold stare...

"Bumangon ka na. Tanghali na."

Pagkasabi'y lumabas na ng kwarto si Zelo.

Napasigaw si Dama sa inis. "PUNYETANG BUHAY 'TO!!"

xxxx

AN: I'm not sure if I can keep this third person's POV. Am I boring you so far? Wag naman sana. :> Night! ^^ Shoutout sa mami ni Dayuuuum! Hehe... Para sa inyo 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro