Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

"Are you sure your brain is not made in China?" --Chummy Kah


--



"Bakit kelangan pang naka-dress ako?" naiiritang tanong ni Lei. Dama made her wear a Gucci dress na umaabot lang sa kalahati ng hita nito. And also, there's the red Jimmy Choo shoes na ipinagpilitan pa nyang isuot sa paa nito kaya naman galit na galit ito sa kanya kanina.

"Oo nga. At bakit kelangan pang naka-necktie pa kami?" tanong naman ni Keeme na kanina pa hinihila pababa yung necktie nya.

"It's required," she answered while rolling her eyes. Nilapitan niya ito at inayos na muli ang tie nito. Saka nya nilingon ang kaibigang si Eli na kanina pa namomroblema kung paano gagawing bow yung bowtie nito. She grunted. "Hindi ganyan! Kase naman!"

"Bakit ba kase ganto pa dapat ang suot? May party ba sa school nyo?" kunot-noong tanong ni Eli na sinukuan na ang bowtie.

"I told you guys, pre-requisite sya. It's a way for us to differ ourselves from the scholars," paliwanag nya.

"Ano bang suot ng scholars?" tanong ni Eula na kanina pa nakatingin sa salamin, admiring her figure on a Chanel blouse and skirt.

"T-shirt and jeans," sagot niya.

--

After so much fuss, sumakay na ang barkada sa SUV ni Dama at nagpunta na sila sa school. The school was isolated from the rest of the rest of the buildings. May isang mahabang daan na papasok dito. Hindi kayang lakarin kaya lahat ng estudyante ay required na magsasakyan.

After all, mayayaman naman sila.

All of the scholars who are truly poor go to the school thru a shuttle.

Dalawang klase ng scholars ang meron sa school nila. Ang unang klase ay yung mga estudyante na can't afford ang tuition pero matatalino. They were dubbed as the nerdy scholars at trabaho nila na i-tutor o tulungan sa pag-aaral ang mga mayayamang estudyante ng academy.

Ang ikalawa ay yung mga estudyante na mayayaman naman pero hindi umabot sa quota o minimum salary requirement sa school. Pauso kase niya na dapat ay 50 million ang minimum na family income ng mga estudyante na papasok sa eskwelahan.

Once na hindi mo ma-reach yung minimum requirement, babagsak ka sa pagiging scholar. In short, magtatrabaho ka because you're a few million less valuable than the rest.

Napanganga ang magkakaibigan nang makarating sila sa tapat ng napakalapad na gate ng school. Halos pitong tao ang taas ng gate. May dalawa itong camera na nasa tigkabilang posts at fully automated ito. Walang guards na nakabantay.

Nagulat ang mga kabarkada niya ng bigla na lamang itong magbukas.

"Wow! Automatic?" manghang tanong ni Eli.

"Authorized kase 'tong sasakyan ko kaya makakalampas 'to agad. Only authorized cars can pass."

"Pano nalalaman na authorized?" tanong ni Lei.

"May scanner 'tong gate. It scans the license of the cars. Tapos gini-generate naman nya from the database para tingnan kung maa-identify yung license," paliwanag niya.

"Pano kapag hindi na-identify?"

"Eh di hindi makakapasok," she answered blandly.

"Pano kapag nagpumilit?"

She sighed. Mahabang paliwanagan pala 'to little heart. "Next time, ipapa-brief ko kayo sa security ng school. Don't ask me, okay?"

--

Pagkalampas ng gate, ekta-ektaryang green fields ang madadaanan. Sa bandang kaliwa ay may mga naglalaro ng golf. Sa kanan naman ay maraming puno. Parang-park ba. Nakakita rin sila ng mga archery students na nagpa-practice sa isang animo'y stage na lugar.

A few kilometers away, may nakita na naman silang isang malaking-malaking building na aakalain mong mini-Araneta.

"Ano yun?" tanong ni Eula sa kanya.

"Area for swimming."

"Wow."

"Eh yun?" tanong naman ni Keeme while pointing at another building na kulay berde dahil sa mga halaman at puno na nakatanim sa loob. Made of glass ang buong building na iyon kaya naman kitang-kita ang mga nakalagay na halaman sa loob.

"Greenhouse. For botany students."

"Ilan bang course ang ino-offer nyo dito?"

She shrugged. "I lost count."

"Grabe..."

Nadaanan din nila ang soccer field, yung gym na para sa basketball at volleyball, yung track and field tapos yung building for the gymnasts.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na sila sa main building. The main building was the biggest building on the school. Apat na palapag iyon na kamukha ng mga mamahaling building sa Makati. Sobrang ganda at linis tingnan.

Bumaba sila ng sasakyan.

"Grabe... ilan ang estudyante dito?"

"Around 800," sagot niya.

"Hanep... 800 lang? Eh kasya sampung libo dito sa school nyo ah?"

"Ganun talaga. Mayaman kami so no need to cram."

Naglakad sila papasok ng building. May guards na naka-stand by for check point. Pero before sila ma-check, dadaan pa sila sa whole body scanner. When they triggered the alarm, haharangin sila at hindi papapasukin sa building.

Natural ng harangin ang barkada dahil wala silang ID. Yung ID kase nila, yung ini-scan sa pangatlong checkpoint.

So kahit lusot ka sa una dahil wala kang harmful objects na dala, di ka rin makakapasok. After ng checkpoints kase, saka ka pa makakalapit sa mismong pintuan ng building.

When they were all inside, umakyat sila sa escalator na nasa gitna ng building.

"Wala kayong normal na hagdan?"

Umiling sya. "Wala."

"Eh elevator?"

"Reserved for disabled and old people lang yun."

Upon reaching the 3rd floor, pinakita nya sa mga kaibigan kung ano'ng klaseng classroom meron sila.

"Computer room nyo?" tanong ni Eli ng makita na lahat ng desks ng mga estudyante ay may laptop na nakapatong.

"No. Ganyan talaga lahat ng classrooms," sagot nya.

"Wow! Kanya-kanya kayong laptop?"

"Yes."

"Inuuwi nyo?"

Umiling sya. "Dito lang yan. Meron kaming pang-bahay lang."

"Grabe... eh di pwedeng nakawin?"

"No. May sariling FP detector yan. It only opens to the registered student. Stolen laptops have no value."

"Sosyalen," Eula commented. "Eh bakit naka-lock palagi yung rooms? Ang tahimik tuloy."

"Every room is sound-proof. Para hindi makaabala sa ibang rooms. Kahit crowded rin sa hallways, hindi maririnig yung ingay sa loob ng klase."

"Kita naman ang loob. Distraction din," puna ni Keeme.

"Hindi naman kita nung mga nasa loob yung mga nasa labas eh. As I've said, the classrooms here were built to the comfort of the students. If they don't know who's looking, hindi sila mahihiya."

Hindi uso ang ballpen at papel sa school nila. Everything is online. Pwera na lang kung gusto ng teacher na magpapel sila. In that case, magpapapel talaga sila. All laptops can only send emails to the teacher's. Bawal sa ibang students unless bibigyan sila ng permiso dahil kailangan sa group works.

Lahat ng lessons ay itinuturo thru a projector. Wala na ring libro na kailangang dalhin dahil naka-e-book na lahat at nakalagay sa laptops.

All assignments (kung meron man) ay isinesend ng automatic sa emails na ina-access naman sa bahay ng mga estudyante.

Wala na silang kailangang gawin o dalhin. Sarili na lang nila. Minsan nga, kapag hindi sila makakapasok, pwedee silang magpadala ng proxy. Pero hanggang tatlong beses lang and all reasons should be valid.

"Let's go to the cafeteria," aya nya sa mga kaibigan.

"Hindi ka papasok?" tanong ni Lei sa kanya.

"No. Tinatamad ako."

"Hanep... kung ganto kaganda yung school namin, di na ako aabsent," sabi ni Eli.

"Hindi nyo kase alam kung anong ugali ng mga tao dito eh."

"Bakit? Mas may masama pa sa 'yo?" taas-kilay na tanong ni Lei.

"Oo na Analeigh."

"San tayo pupunta?" tanong ni Keeme sa kanya.

"Cafeteria nga. Bingi?"

Tiningnan sya ng masama nito. "Ano gagawin?"

"Tatambay. Tara dali! Baka masita pa tayo ng school prefects dahil pakalat-kalat tayo sa hallway."

"Prefects? Sa Harry Potter?"

She rolled her eyes. "Kaartehan nung anak ng school admin. Gusto prefects. Ayaw ng student council."

"Ilang kilometro ang layo mula dito?"

"Malapit lang. Dadaan tayo sa overpass."

Kumunot ang noo ng barkada. "Overpass?"

She led them to out the hallway and out the door nearby. Pagkabukas nila, may isang tube-like way na air-conditioned rin.

"Wala bang lugar na walang aircon? Ang lamig eh!" reklamo ni Eula.

"Centralized kase dito. Lahat ng sulok ng school, may aircon."

Tinawid nila ang daan papuntang cafeteria. And they were greeted by the smell of every food imaginable. Keeme and Eli almost drooled.

"They cater cuisines from around the world. Pili lang kayo. I'll pay for it."

Parang wala sa sariling naglakad ang magkakaibigan. They started checking out every stall. May mga restaurants pa na sa TV lang nila nakikita.

"Starbucks?"

"Figaro?"

"Aristocrats?"

"Walang Jollibee?" tanong ni Eula.

"Wala. Bawal ang fast-food," sagot niya.

"Pero may pizza?" natatawang tanong ni Lei sa kanya. Nakaturo ito sa Greenwich.

"I like pizza," she said.

"So kapag gusto mo, pwede?"

"Of course."

"Eh di ikaw na mayaman."

She smiled at them saka sya pumasok sa isang mamahaling restaurant. Sumunod ang mga ito. Agad na may lumapit na mga scholars na waiters and waitresses for the day sa kanila at inabutan sila ng menu.

Nakakunot ang noo ng mga barkada niya dahil hindi ng mga ito mabasa ang menu. French kase.

"Wala bang Pinoy food?"

"Why didn't you say so?" She stood up. "Let's go."

Dinala niya ang barkada sa isang Pinoy restaurant.

"Wow lechon!"

"Lechong paksiw!"

"Liempo!"

"Heart attack!"

Nagtawanan sila.

"Bat walang masyadong kumakain dito?" tanong ni Eli sa kanya.

"Oo nga. Ang sasarap ng pagkain eh," Eula agreed.

"Ganun talaga. Kapag pasosyal ka, hindi ka kakain sa Pinoy resto. Dun ka dapat sa resto na hindi mabasa ang menu."

"Ikaw, kumakain ka dito?"

She shrugged. "Ngayon pa nga lang ako nakapasok dito eh."

"Hashtag... alam na," Keeme said.

"Ayan ka na naman sa Twitter reference mo, wala ka namang Twitter," puna ni Lei.

"Nangingialam ka?" paasik nitong bawi.

"Haynako. Mag-aaway na naman kayo? Kumain na lang kaya tayo!"

Sumunod ang mga ito at nagsimula ng umorder. Then they started eating. Sakto naman na namataan nya si Nerd.

"Uy Nerd!" she called out. Agad syang pinanlisikan nia Lei. "Not you, okay?" Sinenyasan niyang lumapit ang dalaga. Agad naman itong sumunod.

Ipinakilala niya ito sa mga kabarkada.

"Guys, this is Chastene, friend ko."

"Hi," bati nito sa kanila.

"Hello," halos sabay-sabay nilang bati.

"Eli, baka matunaw."

Napatingin silang lahat kay Eli na kanina pa nakatingin sa dalagang kakarating. Napatingin din ang dalaga kay Eli.

Agad naman itong tumungo at nagconcentrate sa pagkain.

"Oy Eli, nananahimik ka ata?"

Eli grunted. "Kumakain ako, wag kayong magulo."

Nagtawanan sila.

"Saya natin ah?"

 

Natigil sa pagsasaya ang magkakabarkada ng biglang nag-lean sa table nila si Oliver.

"Musta?" tanong nito.

"Student ka rin dito?" takang-tanong ni Dama.

Umiling ito. "No. I was just asked to give you something." Inabutan siya nito ng isang papel na nakatiklop. "I'll go ahead. May shooting pa 'ko," paalam nito.

Nang makaalis si Oliver ay nagkatinginan ang mga ito.

"Anong nakalagay?" tanong ni Eula.

She looked at the paper.

FROM AUTHOR—nakalagay sa ibabaw ng pagkakatiklop. She unfolded it and gasped.

"Bakit? Ano'ng sabi?" curious namang tanong nina Eula.

Tiningnan niya ng mataman ang mga ito... saka sya ngumiti.

xxxx

AN: Next UD is after Lenten Season. I'll miss you guys! *u*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro