Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

The pieces of my heart are missing you.


--



Agad na nagtatakbo ang dalaga palabas ng bahay. Kasunod niya ang kapatid at mga kaibigan.

"Get the cars ready!" utos niya sa mga katulong. Nagmamadaling sumunod ang mga ito. Nilingon nya ang kapatid. "Dyma, sina mommy?"

"Nauna na ate," sagot ng kapatid niya.

"Okay." Nagpahid sya ng luhang nakaalpas sa kaliwa nyang mata. Then she snapped back at the maids. "Ano? Nasan na ang sasakyan?!"

"N-Nasa labas na po Miss," sagot nito.

Nilampasan niya ang katulong at dere-deretsong pumunta sa sasakyan nilang nakaparada sa harap ng bahay. She hopped inside the car. Sumunod naman si Dyma.

"Ate, stop crying. Lolo will be okay..." pag-aalo sa kanya ng kapatid.

"I hope so too," sagot niya dito.

--

Hope. It's a beautiful thing. It keeps us going. Pero may mga pag-asang hindi dumarating. Some salvations are not given.

I'm sorry... he didn't make it. Yan ang mga katagang dumurog sa puso ng dalaga. Bakit ba lahat ng mahal niya ay kinukuha sa kanya? Una si Zelo... ngayon naman ay ang lolo niya. It's as if life is enjoying her misery. It's as if she's not entitled to some happiness.

Niyakap sya ng mga magulang. No words were said. No condolences were exchanged. The hugs said it all.

They were sorry... they were sad... but no one is sadder than her.

She just lost her first best friend. She just lost the first man who gave her so much love. Ang lolo niya kase yung nag-iisang tao na kahit kailan ay hindi siya iniwan. He loves her so much that he gave her eveything she wanted, kahit pa labag sa loob nito na ibigay iyon sa kanya.

Whenever she's with her lolo, feeling nya ay hindi sya nag-iisa.

And now everything just shattered in front of her very eyes. Her great-grandfather just died... what now life?

Her legit lolo was not even as close to her as her great-grandfather. Kaya kahit napakalayo pa ng age gap nila, hindi ito naging hadlang para magkalapit sila ng matanda.

Now he's gone... nawala na yung pinaka-paborito nyang lolo sa mundo...

--

"Sweetie... nandyan sila sa baba," entrada ng mommy nya pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Halos dalawang linggo na rin mula nang mailibing ang lolo nya.

Lumipas na ang Pasko... ang pinakamalungkot na Pasko ng buhay nya. Ngayon, ilang araw na lang at Bagong Taon na.

Bagong Taon... may mababago kaya?

Tumingin lamang sa labas ng bintana ang dalaga at hindi na sinagot ang ina. Narinig nya itong bumuntong-hininga. Pagkatapos ay narinig na niyang magsara ang pintuan ng kwarto niya.

She slumped back to bed and covered her face with the blanket. Malamig na naman... uso na naman ang yakapan. 

When she was still with the Nasino family, she tried imagining what Christmas with them would be like. Ano kaya ang ihahanda nila, o kung may handa man? May regalo kaya syang matatanggap?

Pero wala na eh... wala na yun ngayon.

They didn't even celebrate Christmas to grieve over her lolo's death.

Napabuntong-hininga ang dalaga.

"Ang lalim..."

She snapped her head to where the voice was coming from.

"Keeme!" gulat nyang tawag dito. "What happened to your hair?!"

Yung buhok kase nito na dati ay parang cotton candy na ipinatong lang sa ulo nito ay wala na ngayon. Semikal na si Keeme.

Ngumiti ito sa kanya. "Pinatanggal ko na."

"Bakit?"

"Wala. Kelangan ba may dahilan?" Naupo ito sa gilid ng kama niya. "Nasa baba sina Eula, kumakain."

"Eh bakit nandito ka?" Kinuha niya ang pinakamalapit na teddy bear habang inaantay ang sagot ng kaibigan.

"Pinapatawag ka kase ng mommy mo. Tara sa baba?" aya nito sa kanya.

She sighed. "Una ka na."

Nagkibit-balikat ito. "Okay," he said saka ito tumayo para lumabas ng kwarto niya.

"Wait Keeme!" pigil niya rito.

Lumingon ito sa kanya at nagtaas ng kilay. "Ano?"

Pinalapit nya ito at pinaupong muli. Sumunod naman ito.

"I have something to ask."

"Ano?" he asked blandly.

"Sino ba talaga sa kanila ang gusto mo?"

"Ha?"

"Between Eula and Lei, sino ba talaga?"

Ngumuso ito sa kanya. "At bakit ko sasabihin sa 'yo?"

Gumanti sya ng pagsimagot. "Come on... I'm depressed... humor me," utos nya rito. Dumila naman ito sa kanya. 

"Depressed ka? Talon ka sa bintana."

"Hoy! Ano ba kayo? Kumakain na sila!"

Napalingon ang magkaibigan kay Eli, na hinihingal pa mula sa madaliang pag-akyat sa napakataas na hagdanan ng mga Dirham.

"Bakit ba puro pagkain na lang ang nasa isip nyo?" tanong nya sa dalawa.

"Masasarap kase ang pagkain nyo dito," sagot ni Keeme.

"Oo nga! Ang sarap pala ng red velvet cake!" Eli exclaimed.

Dama rolled her eyes. Pero ngumiti na rin sya. Ang kagandahan kase nang may mga kaibigan kang kasama sa bahay eh somehow, nababawasan yung lungkot na nararamdaman mo.

Pinagbakasyon ng mommy niya ang barkada sa mansion. Hanggang 3 Kings sila doon. Lucky for them, second week pa ng January ang resume ng klase.

Makakapaggala sila...

They all went downstairs para makisalo sa mga nasa ibaba. Christmas party ng mga katulong at katiwala nila sa bahay. Tradition na iyon ng pamilya. Ngayon nga lang sya nakisali dahil palagi syang wala sa bahay after Christmas.

--

When New Year came, sabay-sabay silang nanuod ng fireworks mula sa bakuran nila. And then, Dama led them to her room. Pinaupo niya ang mga kaibigan sa kama at pinaghintay sila doon.

She went inside her walk-in closet at kinuha ang mga damit, bag at sapatos niya na hindi na niya ginagamit.

Nanlaki ang mata ng magkapatid upon seeing her things. Mga branded kase ang mga gamit niya. Mamahalin at magaganda.

"Sa inyo na yan."

"Ha? Tingin mo maghi-heels ako?!" eksaheradong tanong ni Eli.

"Shunga. Feeling mo naman sa 'yo ko ibibigay yan?" natatawa nyang sagot dito.

"Oo na. Alam ko naman. Pinapangiti lang kita," nakangiti nitong sabi. "Peace."

Naiiling niyang ginulo ang buhok nito. "Haynako baby Eli... sige na nga, sayo na 'tong PS2 ni Dyma."

"Grabe... namimigay ka ng hindi iyo?"

"Eh ano naman? Magkapatid naman kami," sagot nya kay Lei. "Besides, pinaglumaan nya na 'to noh," depensa nya.

"Define pinaglumaan?" tanong ni Eula.

"Last week," sagot nya.

"Waaaw. Kayo na mayaman," halos sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan niya.

"Oo na. Mayaman talaga kami," natatawa nyang sabi. "Wait guys, gusto nyong pumasyal sa school namin?"

Mukhang na-excite ang mga kaibigan sa narinig.

"Talaga? Kelan?"

She shrugged. "Gusto nyo bukas? I'm sure na wala pang masyadong magtuturo kase kaka-resume pa lang ng klase. So... are you game?"

Kanya-kanyang pag-aagree ang barkada.

"It's settled then... punta tayo sa school namin bukas!" excited nyang sabi.

AN: I'm kinda half-apologetic because this is such a crappy chapter and half-not-giving-a-fig about it because I am so sleepy.

So yeah... bahala na ang hindi makahintay. Marami pang story sa Watty na tapos na... yun unahin nyo. ^^v

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro