Chapter 37
...you are my sweetest downfall.
--
Bitch sa umaga, iyakin sa gabi. What more to expect from a girl na recently lang ay nawalan ng mga kaibigan at minamahal?
That's Danielle Marie Dirham for you. Some says she's changed. Others don't believe it. Well as for her, she thinks that she just found the lighter side of things. Too bad, they didn't last.
"Sweetie, lolo's nurse called. Pinapapunta ka daw sa bahay nya," bungad ng mommy nya pagkabukas nito ng pintuan.
Walang kagana-gana syang tumingin dito. "Why daw?"
Her mother shrugged. "Beats me. So, pupunta ka?"
She gave her mom a shrug. "I guess I'll go."
Her mom smiled at her saka ito lumabas ng kwarto nya. She changed into a simple Lacoste shirt and a pair of denim shorts before going out. Knowing her lolo, baka sa isang araw pa sya nito pauwiin sa bahay nila.
She didn't bother packing extra clothes though. Marami naman siyang damit sa bahay nito. May sarili na rin syang kwarto. Kaya naman, kahit maglayas siya ng isang taon ay hindi nya ikamamatay.
Mas spoiled kase sya sa lolo nya.
--
Upon arriving at the mansion, sinalubong sya ng mga nakahilerang katulong. Nakapila ang mga ito sa tigkabilang side ng pintuan.
"Magandang gabi po Miss Dama," they chorused.
Oh my gosh... what's wrong with this picture? Why do I feel so off?
Nagtataka na talaga sya sa sarili nya. Dati-rati naman ay gustong-gusto nya ng ganito. Yung feeling na luluhod sa 'yo lahat. Wow... being poor really is life-changing. Kahit nga ba hindi pa ganoon kahaba ang experience nya rito.
She walked past the maids. Nasa dulo ng hanay ang lolo nya. Naka-wheelchair ito na tulak-tulak ng isang nurse. May dextrose na nakakabit sa matanda at mukhang mahinang-mahina na ito. Nevertheless, he still found the strength to stand up para salubungin sya at yakapin.
"Apo!" bulalas ng matanda.
"Hi lolo." Gumanti sya ng yakap dito.
"Kumusta ka na?" tanong nito sa kanya.
"Okay lang po. Ikaw?"
"Well," the old man motioned to his wheelchair. "Have you eaten?"
"Yep. Ikaw lolo?"
"I just finished actually. Let's go to my study?" aya nito. Tumango siya. Naupong muli ang matanda sa wheelchair dahil hindi na nito kayang maglakad o tumayo ng matagal.
She offered to push his wheelchair for him. Agad naman itong pumayag. So she rolled the wheelchair up to the study.
Nang makarating sila doon ay itinuro ng lolo niya ang isang lamesa na may nakapatong na chess board.
"Maglalaro tayo ng chess lolo?"
Ngumiti ito. "No. I don't play anymore. Masakit sa ulo."
"Then why—"
"I have a proposition for you."
"What kind of proposition?"
"Sit down," utos nito.
Naupos sya sa tapat ng matanda.
"I want you to have a chess match with Dyma," agad nitong sabi pagkaupo nya.
"Huh? Why?"
"Wala naman. I just want to see you two play chess. You know, you're really good at it. And Dyma's not that bad. I just haven't seen you play with each other so I don't really know which one is better."
"You said that you have a proposition lolo. What is it?"
Pinagdaop ng matanda ang mga palad nito at saka nagpangalumbaba. "If you win, I'll give you one thing. One thing that you wanted the most."
"Anything?" she asked.
Tumango ito. "Name it. As long as it's within my power, I'll give it to you."
"Even this mansion?"
"Yes."
"Even your business empire?"
"Yes."
She looked at her lolo's eyes and in all seriousness, she said, "I want Zelo."
Kumunot ang noo ng matanda. "Zelo?"
"Yes lolo. I want to have him back."
"Are you sure you don't want anything else? I can give you my legacy."
"What's the use of all that kung hindi naman ako masaya? You know what lolo, when mom sent me away, I learned that I can be happy with the simplest of things. I thought na the richer a person is, the happier they will be. Mali pala..."
The old man looked impressed by her statement.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? What about your friends? Don't you want to see them?"
Napaisip ang dalaga. Gusto rin niyang makita ang barkada. Pero gusto nyang makita si Zelo. Kung papapiliin sya, sino ang pipiliin nya between the two?
--
She accepted the proposition of course; it's just that, she wasn't sure if she picked the right prize. It's like choosing between Chanel and Marchesa... mahirap.
Dyma looked determined to win. Kunot na kunot ang noo nito habang nag-iisip ng next move. Palagay nya ay may sinabi rin dito ang lolo nila.
She wondered what her lolo said that could bribe Dyma into winning. Ngayon nya lang kase ito nakitang ganto kaseryoso.
Sa kakatunganga niya sa kapatid, hindi nya napansin na nag-move na ito ng chess piece. Napatingin na lamang sya sa board nang itumba nito ang queen nya.
"Checkmate!" tuwang-tuwa nitong sabi.
Napapalatak siya. "You cheated!" bintang niya sa nakababatang kapatid.
"Hindi kaya," tanggi nito. Saka ito ngumiti sa kanya.
She slumped on the chair. Hindi ba meant to be na makita nya si Zelo? Of all the days, why did she have to lose today?
--
Bumalik sa pagmumukmok ang dalaga. Biruin mo ba namang Zelo na, naging bato pa? Hindi niya alam kung ano'ng hiniling ng kapatid niya sa lolo niya.
She was at her moping state when she heard a knock.
"Come in," walang gana nyang sabi.
"Sweetie?"
Daddy nya pala.
"Yes dad?"
"You have visitors," nakangiti nitong sabi sa kanya.
She looked expectantly at the door. Unang pumasok si Eula, na nag-aalangang tumingin sa kanya. Kasunod nito ang tatlo pa niyang kabarkada.
"Eula!" patakbo siyang lumapit at yumakap dito. "I missed you!" Niyakap din niya ang tatlo. "I missed you guys!"
"I'll go ahead," nakangiting paalam ng daddy nya.
"Thanks daddy!"
Her father chuckled. "Thank your brother. He's the one who made this happen."
She mentally noted na papasalamatan nya ang kapatid mamaya. But first things first. "Kumusta na kayo? Namiss ko kayo. Sobra!"
Hindi sumagot ang mga ito. Keeme was busy looking at her canopy bed. Si Lei naman ay nakatingin lang sa kanya. Eula was looking away and Eli... well, Eli is looking at her aquarium.
Napasimangot sya. "Galit pa rin ba kayo?"
"Bakit kase hindi mo sinabi? Mukhang pera ba talaga ang tingin mo sa 'min?" tanong ni Eula sa kanya.
"Of course not! Natakot lang naman ako eh... na baka kapag nalaman nyo, iwasan nyo na lang ako bigla."
"Nakakahiya naman kase kung sa prinsesa pa kami makikipagkaibigan di ba?" sabat ni Lei.
"I'm no princess. Mayaman lang kami," pagtatama nya dito.
"Everybody treats you like one. Tingnan mo nga, kwarto mo pa lang, prinsesang-prinsesa na ang dating."
"Eh sa gusto ko ng ganitong kwarto eh. Bakit ba?"
"Tss. Spoiled masyado."
"Ate!" saway ni Eula sa kapatid.
"Okay lang Euls. Namiss lang ako nyan," sabi niya sa kaibigan.
"Namiss? Yak! Feeler!" kunwa'y iritado nitong sabi sa kanya.
Hinila niya ito at niyakap. "Oo na nerd, namiss din kita."
"Ano ba!" reklamo nito. Pilit nitong inaalis ang braso nya sa leeg nito but she didn't let go. Alam naman kase nila pare-pareho na namimiss nila ang isa't isa.
Si Lei, kahit may kagaspangan ang ugali, alam niyang deep inside, way deep, ay caring itong tao. Di nga lang nito binibigyan ang sarili ng pagkakataon na ilabas iyong caring side nito.
Naiiyak na tuloy sya.
"Oy seryoso... miss na miss ko na kayo."
"Kaya ba pina-kidnap mo pa kami? Grabe! Alam mo bang nagkagulo ang mga kapitbahay nang may dumating na mga lalaking naka-uniform na sakay ng SUV sa 'min?" bulalas ni Eula.
"Sorry naman. Eh kase... baka hindi kayo madaan sa pakiusapan kaya siguro ganun."
"Uy Dama, si Nemo ba 'to?"
Napatingin silang lahat kay Eli na abalang-abala sa pagmamasid sa mga isda na nasa aquarium nya.
"Nawawala ba?" tanong niya.
"Hindi. Eto oh," sagot nito.
"Oh eh di hindi yan. May part two daw ang Nemo eh. Nawawala sya ulit."
Napatawa si Keeme. "Gaguhan pa rin hanggang ngayon?" tanong nito sa kanya.
Ngumiti siya dito. "Syempre, ang dami kong pagmamanahan eh."
Kumawala sa kanya si Lei saka ito naupo sa tabi niya.
"Kumusta na kayo ni Zelo?" tanong nito.
Hindi sya agad nakasagot. Kumusta na nga naman sila? Meron pa bang sila?
As she was pondering on these thoughts, the door burst open.
"Ate!"
"Oh? Bat gulat na gulat ka dyan?" tanong nito sa kapatid na humihingal pa at mukhang kakagaling sa pagtakbo.
"Si lolo!"
xxxx
AN: Sabaw na naman. Hahaha... sensya. Wala na si Zelo. Wag nyo na hanapin. He's meant to disappear just like that. May mga tao talagang nawawala sa buhay natin na hindi natin alam kung bakit. May mga umaalis na lang ng walang paalam.
Masaklap man...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro