Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

I'm sorry you don't like my honesty. But to be fair... I don't like your lies either.


--



Pagkatapos mag-walk out ni Keeme, sumunod naman si Lei. Naiwan sina Dama sa classroom na hulog ang panga. Eula slumped back to her chair--unable to think clearly.

"Euls okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya rito. Wala nang kulay ang mukha nito sa sobrang pagkabigla.

"Grabe... akala ko talaga si Lei..." naiiling na sambit ni Eli.

Biglang napasabunot sa sariling buhok si Eula. "Ano ba! Sumasakit ang ulo ko! Ang daming revelations ngayong araw! Kakaloka!"

"Oo nga eh," pag sang-ayon ni Eli. "Uy umuwi na tayo. Gabi na oh."

"Tara?" pag-aaya ni Dama kay Zelo.

Tumingin naman ito kay Eula. "Ihahatid ka na namin."

"Ano ba... hindi na 'ko bata no. Kaya kong umuwing mag-isa," pagtanggi nito.

"Lutang ka kaya," Dama said to her.

"Hello! Ikaw ba naman ang makaalam na yung best friend mo at yung friend mo for 3 years na akala mo'y magpinsan eh hindi pala! Tapos may relasyon pa kayong dalawa! And then dumagdag pa si Keeme na akala ko may gusto sa ate ko tapos... sa 'kin pala! Sino'ng hindi mawiwindang dun?"

"Oh... kalma ka lang," hinagod-hagod niya ang likod nito.

Nag-alboroto na naman ito. "Kase! Nakakainis! Naiinis ako sa inyo!" Pagkasabi'y hinablot nito ang bag at saka umalis ng classroom.

Naiwan silang tatlo doon na mga naiiling.

"Ang gulo ng araw na 'to," kumento ni Eli.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon niya. "Umuwi na nga lang tayo." Tumayo siya at agad namang sumunod ang dalawang lalaki. Inayos nila ang mga upuan at isinarado ang classroom bago sila umuwi.

--

Naglalakad sila sa daan pauwi ng mabaling ang atensiyon ni Dama kay Eli.

"Ikaw Eli... wala ka bang aaminin?"

Ngumuso ito. "Ano naman ang aaminin ko?"

She shrugged. "Ewan... may aaminin ka ba?"

"Psh. Wala!"

"Weh?" she wiggled her eyebrows at him. Itinulak naman nito ang mukha nya palayo.

"Pwede ba? Di porket uso ang mag-aminan ngayon eh dapat may aaminin na rin ako."

"Oo nga naman," pagsang-ayon ni Zelo sa kaibigan.

Dama pouted at the two. "KJ."

Inakbayan sya ni Zelo saka pinisil nito ang pisngi niya. "Wag mo kaseng kulitin. Aamin naman yan kapag may aaminin na sya eh, di ba Eli?" tanong nito sa kaibigan.

"Psh. Oo na. Pero nagulat talaga ako kanina... akala ko si Lei. Sabi nyo si Lei? Tapos si Eula naman pala."

Eli shrugged. "Di rin kase namin alam."

"So nag-conclude lang kayo ganun?"

"Eh kase akala namin ganun nga. Yun kase yung nabasa namin sa kinikilos nya." Si Zelo ang sumagot.

"So hindi naman nya sinabi sa inyo directly na si Lei ang gusto nya?" she asked.

"Hindi," sabay na sagot ng dalawa.

"Ang fail nyo!" Sumimangot ang dalaga. "Kumusta na kaya si Eula?"

--

Problemadong-problemado si Eula pagkauwi nang bahay. Hindi sya kinakausap ng ate nya... na para bang kasalanan pa niyang sa kanya nagkagusto si Keeme.

Hindi nga niya maintindihan ang ate nya. May gusto ba ito sa kaibigan nila at ganun na lamang ang inis nito sa kanya?

Pilit syang tinatanong ng mama nila kung ano ba ang problema nilang magkapatid at hindi sila nagpapansinan pero wala syang maisagot. Dahil hindi rin nya alam.

Ayaw nyang nag-aaway o nagkakatampuhan silang magkapatid.

Mahirap kaseng magkaroon ng kapatid na babae na halos kasing tanda mo. Mag-kaagaw kayo sa karamihan nang bagay. Mapa-damit, alahas, sapatos... buti nga hindi pa dumadating sa point na nagkagusto sila sa isang lalaki eh.

Eto nga lang ang problema nila ngayon... lalaki.

Bakit ba kase kailangan pa syang gustuhin ni Keeme? Ayos na sana eh. She likes Jairus, na alam naman nyang malabong magustuhan ng ate nya dahil pandak ito. And Keeme should like Lei dahil bagay sila.

Pero siguro hindi lahat nang bagay ay dapat nagkakapareha. O mas madali ba'ng sabihin na hindi lahat na gusto niya ay pwedeng mangyari?

Eto nga't yung taong gustong-gusto nya, textmate lang ang tingin sa kanya. Ni hindi pa umabot sa kaibigan. But she'll take it... kesa naman habang gusto nya ito ay mula sa malayo na lang niya ito matitingnan.

At least now, he acknowledge her presence. At least, he knows that she exists...

And with him in her mind... she composed a message for him alone.

To: Jairus <3

Busy? Pede paabala? Just want to share something. :(

She waited for his reply. Medyo nainis pa nga sya kase nakakailang minuto na eh wala pa rin iyon. Pero ano pa nga bang magagawa nya? Hindi naman sya ang girlfriend. Ni hindi nga sila magkaibigan sa personal.

Nagbihis muna sya at naghilamos bago muling bumalik sa kama at i-check ang phone nya.

Sumilay ang ngiti niya nang makitang may reply na si Jairus.

From: Jairus <3

?

Napasimangot sya, Sa haba nang tinext nya dito ay question mark lamang ang reply? But she ignored her annnoyance. At least naman nag-reply ito di ba? Effort din yun.

To: Jairus <3

Sorry. Nakakaabala ba ko?

From: Jairus <3

Di naman po. Ano prob mo?

She sighed. Tama ba'ng dito nya sabihin ang problema nya? 

To: Jairus <3

Pano kapag may umamin sayo na friend mo na gusto ka nya, anong gagawin mo?

From: Jairus <3

Bakit? May gusto ka ba sakin? Haha. ^_^v

Biglang kumabog ang dibdib ng dalaga sa nabasa. Hindi nya alam kung alam ba nitong may gusto sya dito o talagang nagbibiro lang? She decided to play along.

To: Jairus <3

At kung meron? Hahaha.



From: Jairus <3

:p


"Ano kaya yun? Di man lang sinagot. Tss."

To: Jairus <3

Joke lang po. Ano kase, nagtapat sakin yung friend ko eh. Indirectly nga lang.

From: Jairus <3

Eh di mabuti. Bakit ayaw mo?

To: Jairus <3

Hindi ko naman kase sya gusto eh.


From: Jairus <3

Awts. Friendzoned. :(


 "Hindi mo kase naiintindihan eh," naiinis nyang sabi.

To: Jairus <3

May iba na kase akong gusto.


From: Jairus <3

Sino? Pede malaman? ;)



"Ikaw engot. Ang cute cute mo kase nakakainis ka..."

To: Jairus <3

Secret. :p


From: Jairus <3

Wala. Madaya. Akala ko ba friends tayo? :(


"So friends na tayo? Okay." Napangiti ang dalaga. Kahit hindi taos sa puso ang sinabi nito eh... wala lang... parang nakakatuwa. At least she's one step closer. From being wala lang to becoming a textmate. Ngayon naman ay friends na daw sila kuno.

Bukas-bukas kaya eh maging M.U. naman sila?

To: Jairus <3

Weh? Friends na tayo? Haha... kahit na. Sikreto pa rin. :p

--

Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin nagre-reply si Jairus. Muling nag-type ng message si Eula.

To: Jairus <3

Uy... galit ka po? :(



Hindi pa rin ito nag-reply.

To: Jairus <3

Sige na. Eto na clue. "J" ang start ng name nya.



Makalipas ang ilang minuto.

From: Jairus <3

Sabi ko na nga ba may gusto ka kay James eh. Hahaha. Yaan mo, makakarating. ;)

--

Sa mga sumunod na araw, nagka-watak-watak ang barkada. Si Keeme ay palaging mag-isa. Magkasama naman sina Eli at Zelo. Si Dama--ayun, ayaw tigilan ni Pierre.

Sina Eula at Lei nag-iiwasan pa rin...

"Ano ba! 'Wag ka ngang umakbay!" Iritadong sabi ni Dama nang bigla siyang akbayan ni Pierre.

Kinabig naman sya nito kaya napasubsob sya sa dibdib nito. "No choice ka girlfriend," natatawa nitong sabi.

"I hate you!" paasik niyang sabi dito.

"Sus! Halikan kita dyan eh."

"Subukan mo lang at tingnan natin kung may mukha ka pang ihaharap sa school bukas!" pagbabanta niya rito.

"Pakipot pa eh..."

"Tss. Ang presko mo rin eh noh? Kainis!"

"Kahit na mainis ka sa 'kin, girlfriend pa rin kita. Kahit ipagtabuyan mo 'ko, girlfriend pa rin kita. Kaya umayos ka... kase girlfriend kita. Okay?" Seryoso ang tono nito na para bang nambabanta. Kaya kahit nakangiti ito ay hindi magawang maging at ease ni Dama.

"Uuwi na 'ko," simple niyang sabi dito.

"Wala pang 5PM. Di ba usapan natin, 5 onwards ka pa lang pwedeng umuwi?"

"Susme naman! It's 8 minutes before 5... can't I just go?" She rolled her eyes at him.

"Eight minutes na lang pala eh, bat di mo pa maintay?" pabalik nitong tanong sa kanya.

She just grunted and waited for the long eight minutes before five. Wala rin naman syang magagawa eh. Mabuti nga't hindi sya nito pini-pwersang gawin yung mga bagay na talagang ayaw nya--like uh... kissing him.

--

At five o'clock sharp, inihatid na siya ni Pierre pauwi. On their way to the gate, hinarang sila ng grupo ni Tassie.

"Do you really have to pose in the middle of the pathway?" mataray nyang tanong dito.

Tassie crossed her arms. "Hoy malanding babae, 'wag kang magpakampante okay? Minamanmanan ko ang bawat kilos mo kaya mag-ingat-ingat ka," banta nito sa kanya.

Tumingin sya sa sahig na malapit sa kaliwang paa nito.

"Uy nalaglag yata yung halo mo oh... pakipulot. Next time kase, itali mo sa sungay mo ng hindi nalalaglag."

"Kung meron mang may sungay sa 'ting dalawa, ikaw yun!" nang-gagalaiti nitong sabi sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Bakit? Itinatanggi ko ba?" Nilingon nya si Pierre at kinapitan sa braso. "Halika na nga boyfriend. Nakakahiya naman sa mga pa-santa dito."

Nag-excuse si Pierre sa mga babaeng nakaharang at saka sila dumaan ni Dama. But before going out the gate, nilingon ni Dama si Tassie.

"Hey Tass!" she called.

"What?!"

"Ang bitter , uri nang lasa. 'Wag mong inuugali. Sayang ang ganda kung wala ka namang class. Ta!" she waved at Tassie while smiling widely. Pang-asar lang.

--

Pag-uwi niya sa bahay, agad niyang hinanap si Zelo. Umuwi na rin ito nung umuwi na sila ni Pierre. Hindi nga lang ito nakisabay. Kanina pa ito nakatingin sa kanila... 

Nang hindi mahanap ang lalaki sa loob ay nagpunta siya sa likod-bahay.

Nakaupo lang ito. Naka-de-kwatro at nakatingala sa puno ng guyabano na nasa tapat nito.

"Hoy," tawag niya.

Lumingon ito. His stare, bland. "Hoy ka rin."

Tinabihan nya ito. "Galit ka?"

"Hindi." Umakbay ito sa kanya. Akbay na naging yakap. "Nagseselos lang."

"Ano ka ba... 'wag kang magselos. Wala akong gusto dun," she assured him.

"Naiinggit kase ako sa kanya. Nayayakap ka nya in public. Nahahawakan nya yung kamay mo sa harap nang marami. Samantalang ako..."

She touched his cheek. "Don't worry, okay? Nasa 'yo na naman si little heart eh." She smiled.

"Eh bakit ka nagpapahalik sa kanya?"

"Correction--sya ang humahalik. Di ko naman gusto."

Pinisil nito ang pisngi niya. Then he traced her lips with his thumb.

"Basta 'wag dito ha?" sabi nito.

"Oo naman."

"Good." He kissed her.

xxxxx

AN: Sorry matagal-tagal ang UD. Operation tulog maaga eh. Hahaha... ayan. Hope you enjoy. ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro