Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Dont' talk about yourself too much. We will do that when you leave.

--


Dama felt free... somehow. Having Manang Pacing know about her relationship with Zelo was kind of liberating. Hindi na nila kailangang magtago ng nararamdaman nila sa isa't isa kapag nasa bahay sila.

Pero parang naging ilag na sa kanya ang matanda after that. Lalo na kapag minsan ay tinatawag nya itong nay nanay. Meera is not a problem at all. The kid sort of wants her to be her big sister.

Mabait kase sya rito at saka siguro, the idea of two people falling in love amazes her.

Mahirap ding gumalaw minsan sa bahay dahil nakatingin palagi sa kanila ang matanda. Out of respect to the old lady, hindi sila nagho-holding hands sa harap nito. Lalo na kapag nasa hapag kainan dahil bigla-bigla na lang itong mawawalan ng gana.

They can be sweet... yes, pero dapat ay inilulugar pa rin.

They have been like that for weeks. It was the playful stage of their relationship. It's also the getting to know stage. All they did was talk and be sweet to each other.

Hindi sila nauubusan ng topic.

Hindi sila nagkakasawaan.

Marami na ring natutunan ang dalaga sa mga gawaing bahay dahil kay Zelo. Mas tumaas na rin ang grades nya. 

Inspired eh.

Totoo nga, things are easier to do when you are motivated. Ni hindi nila namalayan na tapos na pala ang isang sem ng pag-aaral. Dama wanted to commend herself. She did more than surviving. She actually lived a life she's never dreamed of living.

And to cap that off... masaya sya.

She was happy to be poor. Happy to eat three common meals a day. Happy to be surrounded by people that she learned to care about.

And happy to be in love with someone below her social status.

Now she finally understood her mother. Being poor isn't really that bad. You learn to value the little things. You learn to appreciate the people who appreciates you.

You learn to love the things that you never thought are worthy of your attention.

She loves them so much... she didn't want to go home--yet.

Before the official first day of a week-long sembreak, their class was given a sponsored camping. At first, hindi nya alam kung sino'ng nag-sponsor sa klase nila. But on the day of the camping itself... everything became clear to her.

Sampung malalaking bus ang nakaparada sa tapat ng school nila. 

Dirham Liners.


Who'd have thought?

And to avoid suspicion and envy among their other batchmates... lahat na ng klase within their year ay nabigyan din ng sponsored camping. Sa iba-ibang lugar.

At ang sosyal lang... kumpleto pa with the camping staffs sa pupuntahan nila.

Each class has a designated camping spot. Magkakaiba ng town.

"Grabe... ang yaman ng mga Dirham no?" She heard one classmate say.

"Oo nga eh. Kilala mo ba yang mga yan?" Tanong ng kausap nito.

Umiling ito. "Hindi eh. Naririnig ko lang minsan sa TV."

"Naririnig o nakikita?" natatawa nitong tanong.

"Nakikinig lang ako ng TV. Di ako nanunuod."

She smiled. Mga kaklase niya adik din eh.

"Hoy Dama, baka gusto mong sumakay ng bus?" Untag sa kanya ni Lei na nasa likuran nya.

"Oo na. Aakyat na. Excited much?"

Umakyat sya ng bus. Ngumiti sa kanya yung driver and he tapped his hat as if saluting her. She smiled back and walked on to find her seat.

Nakita nyang nakaupo si Zelo sa bandang huli, nakasandal ang ulo nito sa bintana. Mauupo sana sya doon ng bigla syang hilahin ni Eula.

"Best tabi tayo!" Sabi nito sa kanya.

Napatingin sya kay Zelo. He was already looking. She pouted at him, sad that she won't be able to sit with him. He just gave her a half-smile in return.

Sumalampak sya sa upuan sa tabi ni Eula.

"O bakit nakasimagot ka?" Tanong nito sa kanya.

"Wala."

"Hoy."

She looked up. Nasa tabi na ng upuan nila si Zelo.

"Bakit?" Nakasimagot nyang tanong dito.

"May plastic kang dala?" Tanong nito sa kanya.

Kumunot ang noo nya. "Wala. Bakit?"

Tumingin ito kay Eula. "Ikaw?"

Umiling ito. "Aanhin mo ba? Wag mong sabiing nagsusuka ka sa byahe?"

"Hindi ako." Sagot nito saka sya itinuro. 

Nagkatinginan sila ni Eula.

"Nagsusuka ka sa byahe?" 

Mabilis pa sa alas kwatro syang tumango.

"Ay ano ba! Ang tanda tanda mo na eh." Naiiling itong tumayo. "Zelo palit tayo ha? Baka masukahan  pa 'ko nyan." 

Ngumiti lang si Zelo saka sya pinausog sa tabi ng bintana. Saka ito naupo sa tabi nya.

"Para-paraan?" Mahina nyang tanong dito.

Ngumiti ito sa kanya. "Ayaw mo?"

She wrinkled her nose. "Gusto."

When the bus was finally filled, nagsimula na silang magbyahe. It was around 8am ng makaalis sila dahil sa dami ng late.

"Matutulog ako ha?" Sumandal sya dito.

"Yun oh... ang sweet!" Puna ni Keeme na bigla na lamang sumulpot mula sa upuan sa unahan nila.

Gumaya dito si Eli na katabi nito. "Alam nyo, kung di lang kayo magpinsan... bagay kayo." Sabi nito sa kanila.

"Thank you." Sagot niya. "Now please shut up so I can sleep."

Nagkatinginan sina Zelo at Keeme. Si Eli naman ay bumalik sa pagkakaupo nito.

She closed her eyes para matulog. Sanay naman syang magbyahe. Well traveled kase sya. Kaso puyat so kailangan nyang magbawi ng tulog.

And besides, she'd take advantage of this opportunity na makatulog sa balikat ni Zelo without having anyone suspect of their true intentions.

--

After 2 hours of bus ride, sa wakas ay nakarating na rin sila sa camping site. May isang malaking-malaking tent sa gitna ng damuhan at may mga taong nagluluto.

They all gathered around and waited for further announcements.

Two of the staffs asked them to group themselves into three. After it was done, binigyan sila ng mga ito ng tent. They were also asked to line up so they could be given some food to eat.

Kilala nya yung nagluluto eh. Executive chef nila sa bahay. Her dad must've sent the man para masolo nito ang kusina nila. Or maybe it was her mom who did that.

Lately kase, base sa mga text messages ng parents nya, parang nag-aagawan ito sa kusina. Parehong gustong magluto. 

Tuwang-tuwa ang mga kaklase niya ng makita ang pagkaing isini-serve ng cook. Steak. 

Medyo naglaway din sya ng makita ito. Kase naman, ilang buwan na rin syang pinupurga sa pagkaing pangmahirap. But at the same time, the steaks look ominous. Ewan ba niya. Siguro nga ay nasanay na rin sya sa pagkaing pangmahirap.

Or maybe the meal was more enjoyable with her new found family. Walang sigawan at bangayan... well--except nung mga first meals nya kina Zelo.

--

After some instructions from the camping staffs, pinaghanda sila ng mga ito for their hiking. At the end of the hike, may isang batis na sobrang linis ng tubig.

They'd have a picnic there.

Dama never hiked before. Excited na syang mag-hiking. And so, when they're all ready, they head off to hike. Kumpleto pa sila sa supplies ha. Lahat ay binigyan ng hiking boots na sakto ang size sa mga paa nila. Tapos may guides pa sila.

Guides... meaning marami.

"Di ka sanay no?" Tanong ni Zelo sa kanya when she made another stop. Nasa bandang hulihan na sila dahil uphill ang dinadaanan at nananakit na ang mga binti nya.

"Of course not! I've never done this before!" she huffed.

"Di ka man lang nag-girl scout?"

"Nag-girl scout." Sagot nya.

"Ano'ng ginawa nyo?"

"We went to France to study baking. Tapos nag-bake kami ng cookies." She said with a shrug.

"Hanep."

She chuckled. "I know, right? I didn't really learn anything back then. Nang-away lang ako."

"War freak ka talaga."

"Nagbabago na nga eh."

Ngumiti ito sa kanya. "So mabait ka na nang lagay na yan?"

"Tingin mo?"

Nagkibit-balikat ito.

He stared ahead and saw na iisa na lang ang tao. Napag-iwanan na sila nung iba. Hinawakan sya nito sa kamay at hinila sa kanan.

"S-San tayo pupunta?"

"Shortcut," sagot nito.

"Shortcut? Hoy baka maligaw tayo!"

"Tss. Relax. Alam ko 'tong lugar na 'to. Dito kami nag-camping ng boy scout dati."

"Weh?" she didn't believe him.

"Oo nga. Mas mauuna pa tayo sa kanila dun."

Sumunod naman sya dito. 

--

And he was right... surprisingly. Sila ang kaunahang tao na nakarating sa target place. Ang ganda ng batis. Malinaw ang tubig at saka maraming puno sa tabi. Malamig ang hangin. Presko.

He helped her remove her backpack tapos ay nagtanggal ito ng sapatos and went right at it. Nagtampisaw ito sa tubig, wetting his pants and socks.

"Hoy mapapasma ka!"

"So?" He held out his hand to her. "Halika dali!"

Nag-aalangan niyang tinanggal ang hiking boots at saka sya dahan-dahang lumusong sa tubig. Nagulat sya ng bigla syang hilahin nito. Napaupo sya sa tubig. Ayun.. basang-basa na tuloy sya.

"Ano ba Zelo!" Inis niyang sabi dito. Tumawa lang ito at saka sya hinila patayo. Then he pressed his hands on her cheek.

"Ang cute mo." Nakangiti nitong sabi. She blushed in an instant.

A blur of a moment passed and the next thing she felt was his lips on hers. Unti-unting nag-fade ang ingay ng paligid. Yung lagaslas ng tubig... yung huni ng mga ibon... yung mahinang pagaspas ng mga dahon...

And what seemed to have loudened were the sound of her heartbeat. Erratic, fast, excited heartbeat...

Then he abruptly ended the kiss saka ito lumayo sa kanya.

"What?" lito nyang tanong. Hindi ito nagsalita. Bagkus ay umahon ito mula sa batis at naupo sa malaking bato na malapit sa kanila.

Maya'maya'y narinig nya ang boses ng mga taong paparating.

"Oh?! Kanina lang nasa hulihan kayo ah?" Gulat na tanong ni Eli sa dalawa.

"Lumipad kami," pabirong sagot ni Zelo.

"Bat basa na kayo? Excited maligo?" tanong naman ni Lei.

"Eh sa mainit bakit ba?" sagot dito ng binata.

"Eh bat ang sungit mo?" Lei retorted.

"Mainit kase," siya ang sumagot dito. "Yaan nyo na. Tara swimming tayo?" aya nya sa mga kaibigan.

--

All in all, enjoy naman ang camping nila. When night came, they all gathered around this huge bonfire tapos kanya-kanya silang ihaw ng isda. Nagkwentuhan pa sila habang kumakain. Kanya-kanyang grupo...

Syempre silang magbabarkada ang magkakasama.

Dama ate her fish on a stick while looking around. It so happened that when she looked across, a certain girl from her class was already staring at her.

Si Megumi... or Meg as she's commonly known. Masama ang tingin nito sa kanya. Or maybe kay Zelo? She couldn't tell kase magkatabi silang dalawa ng lalaki.

"Zelo, masama na naman ang tingin sa 'yo ni Meg," puna ni Lei.

"Hmm?" Zelo looked across the field. Nang makita ng babaeng nakatingin ito sa kanya ay dali-dali itong nag-iwas ng tingin.

"Problema nya?" tanong ni Dama.

"Hindi pa rin kase nya matanggap na binreak ni Zelo si Tassie. Affected much, akala mo sa kanya nakipag-break."

She remembered na best friend nga pala ni Meg si Tassie. In fact, nagkakilala nga daw sina Zelo at Tassie through Meg.

"Di ba may gusto sa 'yo dati yan Zelo?" tanong ni Eli sa binata. Napatingin sya kay Zelo.

Tumawa lang ito. "Aba ewan," sagot nito.

"Meron nga," sabat naman ni Eula. "Umiyak nga yun nung naging sila ni Tassie eh. Tanga kase, may gusto kay Zelo tapos nag-presintang maging tulay."

Kumunot ang noo nya. "Bakit ang daming nagkakagusto sa 'yo?" tanong niya dito.

"Eh kase gwapo ako," nakangiti nitong sagot.

Umirap sya sa binata at binalikan ng tingin si Meg. Nakatingin na naman ito sa kanila.

"Wag mo nang pansinin," untag sa kanya ni Zelo.

Sumunod naman sya at nag-focus na lang sa pagkain ng hapunan nya.

After that, all were asked to sleep at exactly 11PM para makauwi sila ng maaga kinabukasan.

--

Second semester....

First day of second semester... maagang pumasok ang dalawa para salubungin ang bagong sem ng pag-aaral. At syempre, excited na rin silang makitang muli ang barkada.

Pero nagulat sila nang salubungin sila ng mapang-akusang mata ng mga estudyante. Nagtaka ang dalawa. Bagong pasok pa lang tapos may kaaway na sila agad?

She didn't like the feeling.

"Well well well... if it's not the incestuous cousins," si Tassie, kasama si Meg at iba pa nitong kabarkada.

"Hi Tassie," she smiled at the girl. "Kung bitter ka pa rin sa break up nyo ng pinsan ko, pwede bang 'wag mo akong idamay?" Mahinahon nyang sabi dito.

Tass scoffed. "Really? Magde-deny ka pa eh nagkalat na yung picture nyo na naghahalikan sa Facebook?"

Nagulat ang dalawa sa narinig.

Tassie continued. "So kaya pala ang bilis mong makipag-break Zelo? Sarili mo palang pinsan ang lumalandi sa 'yo."

Dama clenched her fist in fury. "Stop making accusations please." She tried to make her voice as calm as possible.

"I'm not accusing you dear. Nagsasabi lang ako ng totoo. Tingin nyo ba maitatago nyo pa sa 'min yun?" Tassie took out her phone. "Look. Kayo 'to di ba? Di ba?!"

Halos mawalan ng kulay ang mukha ng dalaga ng makita nito yung picture na nasa cellphone ni Tassie. Naka-zoom ang pagkakakuha kaya medyo malabo. The girl could not be mistaken for anyone else dahil sya lang ang bukod tanging naka-ribbon ng red noon. She was facing the camera. Zelo had his back on it.

"Ano? Hindi ka na makapagsalita dyan!"

"I-It's not what you think!" pagtanggi niya.

"Tanga lang ang hindi maniniwalang kayo yan. Huling-huli na kayo!" Tumingin ito kay Zelo. "At ikaw! I was expecting a lot more from you. Dean's lister ka pa naman! Akala mo santo sa bait, nasa loob din pala ang baho mo!"

Dama wanted to cry. She wanted to run away. She wanted to hide. But she couldn't move. She was too overwhelmed.

"Yo!" Naramdaman ng dalagang may umakbay sa kanya. She looked up to her right and saw the smiling face of Pierre.

"P-Pierre!"

Pierre diverted his gaze to Tassie's phone. "Oh? Nakunan nyo pala 'to?"

Kumunot ang noo nina Tassie.

"Nakakahiya!" Napakamot sa ulo ang binata. Saka sya nito pinisil sa pisngi.  "Ikaw kase, ang cute cute mo. Di tuloy kita napigilang i-kiss!"

Napamaang si Dama sa narinig. Si Tassie naman ay tiningnan ng masama si Meg.

"Akala ko ba si Zelo to?" tanong nito sa kasama.

"Si Zelo yan!" mariing sabi ni Meg. "Wala naman si Pierre dun eh!"

"Well that's because you're not supposed to know I'm there," sagot naman ng binata. "Pero syempre, hahayaan ko bang magpunta kung saan ng mag-isa ang girlfriend ko?"

"GIRLFRIEND?!" halos ay sabay-sabay nilang sabi.

Tumawa si Pierre. "Oo girlfriend. Bakit gulat na gulat kayo?"

"Pero si Zelo ang kasama ni Dama pagpunta dun!" 

"Inihatid ko lang sya," pagtanggi naman ni Zelo. "Sasalubungin kami ni Pierre kaya umiba kami ng daan."

"Eh bat kayo lang yung naabutan namin dun?!" Meg got angry. Nagmumukha kase syang tanga.

"Alangan namang magpahuli ako? Eh di sinita ako!" sagot ni Pierre.

Tassie sighed in defeat. "This is stupid!"

"Tassie wait!" habol ni Meg sa kaibigan ng mag-walk out ito. Naiwan silang tatlo na nakatayo sa may entrance ng gate.

"Thank you," bulong niya kay Pierre.

"Ano'ng thank you? Oy may kapalit yun!" Natatawa nitong sabi.

"Ano?" they both asked.

"Magiging girlfriend kita for real."



xxxxxx

AN: Ang daming distractions kaya ngayon lang natapos. And by distractions, I don't mean anything bad. Nakakatuwa nga eh. Kapag abala... yun ang masaklap. Hahaha...

Ayun... comments? ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro