Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

I'm a little bit of everything all rolled into one.

--

She was right. He was angry. Pagkadating niya sa bahay ay hindi sya pinapansin nito. Ni hindi sya nito tinitingnan. He was completely ignoring her like she was some bad air that he can't see. Kahit sa pagkain, hindi pa rin sya nito pinapansin.

She tried to make small conversations with him tulad ng pagpapaabot ng pagkain dito pero wala pa rin itong imik.

Talagang hindi sya kinakausap.

Nagtataka naman ang mag-ina sa kanilang dalawa. It was very unusual for Manang Pacing and Meera to see them like this. Yung tahimik at walang kibuan.

Mas normal pa sigurong tingnan magsisigawan silang dalawa at magbabatuhan ng plato.

--

Pagkatapos kumain ay agad na tumayo si Zelo mula sa hapag-kainan at hinugasan ang pinagkainan nito. Saka ito lumabas ng bahay.

She was left to wash the rest of the dishes...

Matapos nyang mahugasan lahat ng pinagkainan, sinundan nya ang binata sa likod-bahay. Alam nya kaseng doon ito tumatambay kapag badtrip.

She saw him smoking.

Naiiling niyang nilapitan ito at kinuha ang sigarilyo mula rito saka niya ito itinapon at tinapak-tapakan hanggang sa mamatay ang apoy.

"If you're angry with me, don't take it out by smoking. Pwede ka namang magsabi di ba?" She reprimanded him. Naupo sya sa tabi nito. "Bakit ka ba nagagalit?"

"Tinatanong mo pa talaga?"

"Pano ko kase malalaman kung hindi mo sasabihin? Hindi ako manghuhula Zelo!" She hissed.

Nilingon sya nito. His face contorted in anger.

"Akala ko ba uuwi ka na? Bakit magkasama kayo kanina?"

"Hinila nya lang ako, okay? I didn't want to go with him."

"Hindi ka naman nya makakaladkad hanggang mall kung ayaw mo talagang sumama eh. Ang sabihin mo, gusto mo ring sumama sa kanya."

Napapikit ang dalaga sa inis. She was trying to count from 1 to 10 para mabawasan ang inis niya sa lalaki.

"And what if I did? Bakit ka nagagalit sa 'kin? Single naman kami pareho ah?"

He didn't reply.

"Tama naman ako di ba? Bakit ka magagalit sa 'kin? Boyfriend ba kita? Tayo ba? Ha?" Dagdag pa niya.

"Hindi pa ba understood yun? Sinabi ko ng gusto kita, di ba?"

"But that's not enough!" She said in frustration. "Gusto mo nga ako... but you're still with her! And what does that make me—spare tire?"

"Ano pa bang gusto mong gawin ko?!" He retorted.

"Break up with her."

Napabuntong-hininga ito.

"Alam mo namang hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?! Kung hindi mo sya gusto, why let her tag along? Hindi mo ba alam na ginagawa mo lang syang tanga?"

"May dahilan ako kung bakit ko ginagawa yun. Eh ikaw? Bakit ka sumama sa lalaking yun?" Pagbabalik nito ng tanong sa kanya.

She sighed exasperatedly. "Eh he dragged me nga, okay? And besides, it's not as if you and I are together or anything."

"Oh yun naman pala eh."

"So ganun na lang yun? You won't do anything about it?"

Hindi ito sumagot.

"Fine! Siguro nga I was wrong na umasa sa 'yo." She stood up and started walking ng hilahin sya nito sa kamay. Napaupo sya ulit.

"Mahal kita." He said softly.

"Prove it." She pulled her hand away from him. "I'm tired of sharing Zelo. Buong buhay ko, lahat ng minahal ko palagi akong may kahati. I want to have someone for myself alone. Ayoko ng makihati. Selfish na kung selfish pero selfish ka rin kase. If you really love me, let her go. Otherwise, whatever this is we're feeling for each other... it's useless."

Pagkasabi ay agad na syang pumasok sa bahay at deretso sa kwarto nya bago pa man siya maiyak sa harap nito.

She suddenly remembered her old teddy bear. When she was ten, she received a big brown teddy bear from her lolo. Ilang araw pa lang niyang nalalaro ang teddy bear na yun ng makita ng kapatid nya, who was 4 at that time.

Nag-iiyak ito sa harapan ng parents nya at gustong-gustong hiramin ang teddy bear. Of course, she did not lend Dyma her toy kaya ito umiyak.

Her mom got angry with her dahil mas pinapaboran nito ang kapatid nya.

Mas lalo siyang nainis sa mga ito dahil hindi lang doon natapos ang pang-aagaw ng kapatid nya.

Lahat ng laruan nya ay gusto din nito. At kapag hindi nya napagbibigyan ang kapatid ay nagsusumbong ito sa mommy at daddy nya.

In the end, she had to give up all her toys to her brother para lamang hindi sya mapagalitan ng mga magulang.

Kahit ang paborito niyang doll house ay ginawang crime scene ng kapatid niya. Lahat ng life-sized dolls niya ay nagkapugot-pugot ang ulo at sira-sira ang mga damit. Nagkalat ang mga putol na braso at hita ng mga ito.

She gave up playing when all her toys got ruined by her brother. Bumalik sya pakikipaglaro ng chess sa lolo nya even though it bores her.

Pero di naglaon ay inagaw na rin ni Dyma pati ang lolo niya. When he learned how to play chess, ito na mismo ang pumupunta sa bahay ng lolo para makipaglaro.

So she stopped coming to her lolo's house and spent her time shopping instead.

Zelo was the first guy she fell in love with. And it made her so happy to know that he feels the same way for her. Okay na sana kaso hindi nya hinihiwalayan si Tassie. May kaagaw pa rin sya.

It's not that she doesn't feel sorry for Tassie—well, technically, she doesn't really care about her. Pero babae rin sya so she can somehow sympathize with Tassie. Kung sya man ang nasa kalagayan nito, hindi sya papayag na may kahati sya sa lalaking gusto nya.

And besides, it was selfish of Zelo to keep both girls to himself. Nagpapaasa lang sya. Ayaw nya ng pinapaasa sya so he better make his decision.

Nagsasawa na rin sya sa setup nila.

Laging patago. Minsanan pa. At may kaagaw pa sa atensiyon nito. Sino namang babae ang makakatagal sa ganoong setup? She'd rather make him choose and if he doesn't choose her... well... she'll make him choose her.

--

Kinabukasan, hindi pa rin sya kinikibo ni Zelo.

Fine, I guess he made his choice.

 

By lunch, Pierre invited her to have lunch with him, to which she readily agreed, much to the surprise of her friends. Pero mukha namang walang pakialam si Zelo.

He's with Tassie again.

The whole day passed by like a blur and before she knew it, uwian na naman. Inihatid sya ni Pierre pauwi. Inaaya pa nga sya nitong pumasyal muna but she refused.

Wala sya sa mood gumala. Isa lang naman ang gusto nyang mangyari eh. Ang malaman kung may patutunguhan pa ba ang paghihintay nya kay Zelo.

--

At around 9pm, she started to get worried kase hindi pa dumarating si Zelo. So pagkatapos kumain, lumabas sya ng bahay para hanapin ito. Sakto naman na papalabas na sya ng maliit na bakuran nila ng makasalubong niya ito.

Nakatungo ito at mukhang wala sa sarili.

"Zelo?"

Ewan ba niya. Hindi niya matiis ang lalaki. She wanted so bad to run to him and give him a warm embrace kaso baka makita ng mga kapitbahay.

Nakakapagod din pala... Nakakapagod isipin kung anong iisipin sayo ng ibang tao.

Tumunghay ito at sinalubong ang tingin nya. From the dim light of the nearby post, naaninag niya ang mukha nito. She noticed na namumula ang pisngi nito.

"D-Did you—"

Hindi pa man nya natatapos ang tanong ay tumango na ito.

"Totoo?" Tanong niya.

Tumango ulit ito. "Totoo."

For the longest time, hindi sila umaalis sa kinatatayuan nila. Pareho lang silang nakatingin sa isa't isa na para bang nagpapakiramdaman.

"Akala ko hindi mo gagawin." Sa wakas ay sabi niya.

"Sabi ko naman sayo di ba? Mahal kita..."

Unable to stop herself, she ran to him. Yumakap sya dito.

"Mahal din kita." Halos mangiyak-ngiyak nyang sabi.

Unang beses... someone chose her over someone else.

He patted her head saka nito hinalikan ang tuktok noon. Then he hugged her back.

"Masakit ba?" She asked, pertaining to the slap on his face.

"Oo kaya."

"Patingin nga." Ibinaling nya ang pisngi nito sa natatamaan ng ilaw. Nakita nyang halos may bakat pa ng kamay sa kaliwang pisngi nito. "She must have slapped you really hard huh?"

"Galit na galit eh." Nag-iwas ito ng tingin.

She tiptoed and kissed his cheek. Saka nya ikinawit ang braso sa batok nito.

"Thank you for choosing me." She whispered in his ear.

"Anytime." He kissed her hair. "Pasok na. Baka may makakita sa 'tin." Sabi nito sa kanya. Bumitaw sya rito at nagtuloy-tuloy sa kwarto nila ni Meera.

Little heart... ganito pala ang feeling ng first choice? Ang saya!

 

She couldn't stop smiling. Tinabihan nya ang natutulog ng si Meera at niyakap nya ito saka hinalikan sa noo. Tapos ay pumikit na sya at naghintay na dalawin ng antok.

"Anak..." Napamulat ulit sya ng marinig ang boses ni Manang Pacing. "Hindi naman sa tutol ako pero sana 'wag kang masyadong umasa."

 

Silence followed.

She anticipated on what the old woman was going to say next. Siguro ay nahalata na sila nito. Natatakot sya na baka sabihin nito sa parents nya ang nangyayari.

What if malaman nila?

Will they take her away from him?

"Hindi naman po ako umaasa." Narinig nyang sagot ni Zelo.

"Anak... habang maaga pa, pigilan mo na yang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi ka nababagay sa isang Dirham... alam mo yan."

 

Her heart sank. Dati akala nya blessing ang maging Dirham. People do things at your will. You have control over things.

Pinagbibigyan ka parati. The mere mention of your name brings people in awe and fear and envy.

Pero bakit kapag Dirham ka ang tingin nila sa 'yo ay sobrang taas? Like you're some kind of god that can never be suited for a commoner.

Hindi naman mapangmata ang pamilya nya ah?

Bakit sila na mismo ang gumagawa ng distansya?

Hindi daw kami bagay, little heart? Eh di gawin nilang Nasino ang apelyido ko para bagay na kami.

 

She mentally laughed to brush that sick feeling off.

Xxxxx

AN: Waley ba? Haha... ewan. Pero... sa mga pro-Pierre dyan... I hate you guys. Hahaha... Zelo ako for the win! :p

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro