Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

You're an asshole but I love you.

--

Dahil lasing ang magkakaibigan... napatagal sila ng pagtulog. Nalaman na lang nilang alas onse na ng magsisigaw si Eula na late na sila.

Kanya-kanyang pagkukumahog ang anim. Mabuti na nga lamang at dalawa ang CR nina Keeme. At ang kaawa-awang si Dama... ipinanghuli kase sya daw ang pinakamabagal kumilos.

Alas dose na pero naliligo pa rin ang magkapatid. Tapos na ang mga lalaki kaya ginamit ni Lei yung isang banyo. Si Dama, naiwang nakaupo sa sofa at aligagang naghihintay.

12:10pm ng sa wakas ay natapos na rin si Eula. Agad na nagpunta ng banyo si Dama para maligo.

--

1:08pm... ng matapos sya. Sa sobrang kamamadali hindi pa sya nakapag-conditioner. She put on her undergarments saka sya lumabas ng banyo.

Nagulat sya paglabas dahil tahimik.

Sobrang tahimik.

Nanlumo sya. Iniwan na sya ng mga barkada. Gusto nyang maiyak. Hindi pa naman nya alam ang pabalik sa school. First time nya kaseng makapunta kina Keeme. She might have remembered the way back pero ayaw nyang magbyaheng mag-isa.

Lalo na't nadi-depress sya. Sino ba namang hindi malulungkot kung iniwan ka ng barkada mo ng wala man lang pasabi?

"Grabe ang tagal mong maligo!"

"U-Uy!" Nagulat siya ng bigla na lamang sumulpot si Zelo mula sa kung saan.

"Ano tatanga pa? Kilos na! Late na tayo!"

"Umalis na sila?" Nagsuot sya ng palda. Bihis na ito at mukhang kanina pa sya inaantay. Dapat magmadali sya dahil mukhang inis na ito kaiintay ng matagal sa kanya.

"Kanina pa."

"Bakit di ka pa sumama? Baka hindi ka makapag-exam dahil sa 'kin." She buttoned up her blouse. Saka sya naghagilap ng suklay sa bag.

"Alangan namang iwanan kita?"

She ran towards him saka nya ito niyakap--with her wet hair and all.

"Zelo!"

"Tss. Nababasa ako." Itinulak sya nito palayo. Saka ito humarap sa salamin na nasa sala at binuksan ang electric fan para patuyuin ang polo nito na nabasa ng buhok nito.

"Sorry na... nalate ka tuloy." Sabi niya dito.

"Ayos lang. Bilisan mo na dyan."

Binilisan nya ang pagsusuklay kahit na halos mahila ang anit nya sa ganit ng buhok nya. Yan ang hirap ng walang conditioner eh. Nagmamadali kase sya.

 Nilapitan sya ni Zelo at inagaw nito sa kanya ang suklay.

"Upo." Utos nito. Naupo sya.

Marahan nitong sinuklay ang buhok nya. She smied... hindi ito masakit magsuklay. It's as if he knows his way around her hair para maiwasan nito na mahila ang buhok nya or ma-scrape ang anit nya. Ingat na ingat ito and at the same time ay mabilis kumilos.

Wala pang limang minuto ay nasuklay na nito ang buhok nya.

"Thank you." She said to him.

"Tara na."

"Teka! Mag-aayos pa ako!"

"Wag na!"

Hinila sya nito towards the door.

She tugged at his hand.

"Teka--I can't go out like this!"

Nilingon sya nito, his face was painted with irritation.

"Ano na naman?"

"Paglipstick-in mo man lang ako." Pakiusap nya dito.

"Wag na. Maganda ka na. Tara na!"

"Eeeee..."

He sighed. Hinawakan sya nito sa tigkabilang pisngi. Saka nito bahagyang itinaas ang corners ng labi nya, forming them into a smile.

"Yan na lang ang isuot mo... kumpleto ka na."

Napangiti sya sa sinabi nito.

"Talaga bang maganda ako kahit walang makeup?" She wiggled her eyebrows at him.

Napatawa ito. Saka sya tinapik-tapik sa ulo. "Oo nga."

Yumakap sya dito. "Kiss mo nga ako kung talaga?"

Nailing ito. "Adik. Late na talaga tayo."

"Dali na!" She demanded.

"Ang kulit mo rin eh noh?"

"Late na rin naman kase tayo, bakit di pa sulitin?"

"Hmm..." Pinisil-pisil nito ang pisngi nya. "Kapag ako bumagsak mamaya, lagot ka sa 'kin."

"Kiss mo na kase ako ng makaalis na tayo." Nakangiti nyang sagot dito. 

Yumuko naman itong si Zelo... acting as if he's gonna kiss her. Dama closed her eyes and waited for his lips. Kaso nag-ring yung phone nya. Kinuha iyon ni Zelo habang sya naman ay nagdadabog.

"Hello?" He paused. "Oo. Paalis na. Eh ang tagal kaseng maligo! Oo. Sige." He ended the call.

"Kainis! Timing kung timing!" She murmured, irritated.

"Tara na." Kinuha ni Zelo ang mga nagkalat niyang gamit at pinaglalagay agad nito iyon sa bag niya. Saka sya nito hinila palabas ng bahay.

He locked the door and dragged her to the streets.

"Zelo... yung kamay ko."

"Kinakaladkad kita. Natural hahawakan ko ang kamay mo." Sagot nito na hindi man lang sya nililingon.

"Para-paraan?" Natatawa nyang tanong. Hindi ito sumagot.

--

Pawis-pawisan sila agad dahil lakad-takbo sila papunta sa sakayan ng jeep. Mga after 20 minutes, nakarating na rin sila sa school. Second exam na yung naabutan nila pero pinahabol din naman sila nung prof. Kaso nga lang ay nahati sa dalawang exam yung isang oras nila kaya pareho silang kabado.

Pero sabagay... dapat nga kabahan silang lahat.

Wala namang nag-review eh.

--

Matapos ang exam... parang nakahinga ng maluwag lahat ng estudyante. Yung feeling na kahit alam mong wala kang naisagot--at least tapos na... yung para ngayong araw. Kase meron pang exams bukas.

"Wala ng group study mamaya ha? Leche lang. Wala naman tayong narereview!" Reklamo ni Lei.

"Oo nga. Naglaway ka nga lang sa kama ko eh." Sabat ni Keeme.

"Uy teka... ano'ng sagot nyo sa number 15 kanina?" Tanong ni Eli sa magbabarkada.

"Ay ano ba Eli. Kalimutan mo na yun! Tapos na eh!"

"Nagtatanong lang naman eh."

"O ano? San tayo?"

"Eh di uuwi."

"Uwi agad? Ang aga-aga pa eh."

"San nyo gustong pumunta?"

"Oy hindi pa pala tayo kumakain!"

Nagkatinginan silang anim. And by the mere mention of food, saka lang nila naaalang hindi pa nga pala sila kumakain. Para kaseng pakiramdam nila ay puno yung tiyan nila dahil sa alak kagabi.

"San tayo?" Pag-uulit ni Zelo sa naunang tanong.

"Parang gusto ko ng lugaw." Sagot ni Eula.

"Alas-kwatro--lugaw?" 

"Eh san nyo ba kase gusto?"

Walang nakasagot.

"Umuwi na nga lang tayo." Aya ni Eli. Nagsitanguan sila.

"Ay teka--naiwan ko yata bolpen ko. Una na kayo." Naglakad si Eula pabalik ng classroom habang hinahalungkat ang bag.

Naglakad na naman palabas ng gate sina Eli at Lei.

Inakbayan silang dalawa ni Keeme.

 "Oy... kumusta kayo?"

Tiningnan nila ito ng parehong nakakunot ang noo. "Ano'ng kumusta?" Tanong ni Zelo.

"Yung exams? Ayun... bagsak kami pareho." Sagot naman ni Dama.

Ngumiti si Keeme. "So talagang magpi-pretend kayo na wala tayong pinag-usapan kagabi?"

"Huh? Lasing ka kaya nun. Di ka na nga makausap ng matino eh."

Tinanggal ni Keeme ang mga braso niya sa balikat nila. Saka ito umuna sa paglalakad. Nang mga dalawang metro na ang layo nito mula sa kanila, nilingon sila nito.

"Sige lang. Mag-pretend kayo hanggat gusto nyo. Tandaan nyo lang na walang lihim na hindi nabubunyag." Paalala nito sa kanila. Saka ito tuluyang umalis.

 Nagkatinginan silang dalawa.

"Pano na? Baka sabihin nya kina Eula." Nag-aalalang tanong ng dalaga.

"Hindi yan." 

"How confident are you na hindi sya magsasalita?" Tanong nya sa binata.

"Basta." Pinisil nito ang pisngi nya. "Uwi na tayo."

"Zelo!"

Napasimangot ang dalaga ng makitang naglalakad si Tassie palapit sa kanila. Kumaway ito sa kanya bago kumawit sa braso ni Zelo.

"Tapos na exam nyo?" Tanong nito sa binata.

Tumango si Zelo. "Kakatapos lang. Kayo?"

"Tapos na rin. Gala tayo?"

Tumingin muna si Zelo sa kanya. Tiningnan din tuloy sya ni Tassie.

"Uy sama ka?"

"No thanks. Mag-rereview pa ako para bukas." She gave Tassie a forced smile bago sya umalis.


Ako sasama? Para ano? Maging third wheel? No way!

Padabog syang naglalakad. Mabangga na kung sinong mababangga. Wala syang pakialam. Inis sya eh.

"Hello!" Untag sa kanya ng isang lalaki na halos ay kabungguan na niya. She stopped walking and looked up.

"Pierre?"

--

Nakaupo si Eula sa may volleyball court. May inaantay kase sya.

"Eula."

She smiled when she saw James.

"Uy kuya!"

Naupo ito. "Wag namang kuya." Pakiusap nito sa kanya.

"Ang tangkad mo kase eh." Nakangiti nyang sabi dito.

Tumawa ito. "Ano namang kinalaman ng tangkad dun?"

"Wala wala. Ano? Nakuha mo ba?"

"Matagal na 'kong meron nun. Eto oh." Ibinigay nito ang isang piraso ng papel sa kanya. May labing-isang numerong nakasulat doon.

"Waaaah! Thanks kuya!"

Hinablot nito ang papel from her hand.

"Kuya na naman." Reklamo nito.

"Ay sorry. JAMES pala." She smiled at him ng ibalik nito ang papel sa kanya. "Alam ba ni Jairus na kinuha ko yung number nya?"

"Sanay na yun."

"Ay ganun?" Napasimangot sya. Right. Baka nga naman kase halos lahat ng may crush dito ay nagtetext dito. Baka nga makadagdag pa sya sa sakit ng ulo nito.

"Malungkot ka na naman? Eto oh." Inabutan sya nito ng isang Hearshey's Treats. "Wag kang mag-alala. Sabi ko kay Jai hindi ka fangirl at gusto mo lang makipagkaibigan. I guess okay lang sa kanya kase sabi ko friend din kita."

Napangiting muli ang dalaga.

"Talaga? Thank you ha! Saka dito sa chocolates." She stood up. "Sige, alis na 'ko."

Tumango ito sa kanya. "Ingat."

--

"Ano ba! How dare you drag me here!" Reklamo ni Dama. Basta na lang kase syang hinila ni Pierre pasakay ng jeep. Bumaba silang dalawa sa mall at dumeresto sa World of Fun.

"Gusto lang kitang pasayahin kase malungkot ka. Bakit? Bagsak ka sa exams?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.

"Of course not! Nag-aral ako noh..." Kahit hindi.

"Eh bakit ka malungkot?"

"None of your business, okay?" She tried to pull her hand away from him but he didn't let go.

"Tara laro tayo!" Aya nito saka sya kinaladkad papasok sa loob ng WOF.

Aaminin ng dalaga na medyo nawiwili sya sa paglalaro. Pano ba naman kase, parang play all you want ang peg nitong si Pierre. Libre lahat ng tokens nila tapos ang galing pa nito sa arcade kaya ang dami dami na nilang tickets.

Next stop nila ay yung may kinukuhang stuff toy sa loob ng glass box with a crane. Nagpapakuha sya ng stuff toy na Simsimi.

Tutok na tutok ito sa paglalaro when she felt something.

Like someone is watching her.

Nagpalinga-linga sya and then she was met by the cold gaze of Zelo. Nasa hindi kalayuan ito at hawak ang kamay ng girlfriend na bumibili ng soft ice cream.

Mataman itong nakatingin sa kanya.

She felt guilty--like she was just caught cheating. Hindi nya dapat iyon nararamdaman pero bakit? In the first place, hindi naman sila... pero bakit nagi-guilty sya?

"Yes! Nakuha ko na!" Pierre exclaimed.

Nginitian nya ito ng ibigay nito ang stuff toy sa kanya.

Then when she wasn't looking, he stole a kiss from her on her cheek. Tiningnan nya ito ng masama.

Saka hinanap ng mata nya si Zelo. Hindi na ito nakatingin sa kanya at mukhang busy ito sa pakikipag-usap sa girlfriend.

His face is unreadable.

Nakita kaya nya little heart?

xxxxx

AN: WELCOME BACK LITTLE HEART! NAMISS KITA! HAHAHA... UMUUSO KA NA NAMAN KASE VALENTINE'S!!!!

Ayun, 100K reads na ang TFRB... sana mabasa nyo rin. Light lang naman sya, di gaya nito na heavy.

Okay. Yun lang. ^_^


May mga like page din po sila, baka gusto nyo lang namang i-like. XD

Good night! ^3^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro