Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

I did not give you the license to talk... so shut the hell up.

--


Hindi pa rin maalis sa isip ni Dama ang sinabi ng binata. She refuses to believe na magkakahiwalay pa sila. She hated the thought of being away from him. Unti-unti pa nga lang nag-a-unfold yung feelings nila sa isa't isa tapos matatapos agad?

No. It can't be.

"Oy." He poked her cheek. "Tulala ka na naman."

Nginitian nya na lamang ito. 

"Nag-review ka na?"

"Hindi pa nga eh." Sagot niya dito.

"Ako rin nga eh! Bakit naman kase ang lapit lapit ng midterm sa pre-fi?" Reklamo ni Eula.

"Dapat nga wala ng pre-fi eh. Tamo next month, finals na agad. Tss." Dagdag ni Eli.

"Haynako. Puro kayo reklamo. Uso din naman kase yung makinig sa lecture." Pangangaral ni Lei sa mga kabarkada.

"Tell you what guys..." Tumayo si Dama at pumunta sa harapan ng mga kaibigan. "Group study tayo mamaya?"

"You mean inuman?" Lei rolled her eyes.

She shrugged. "Well, depende sa inyo kung sasamahan nyo ng alak." Nginitian nya ang mga ito. "So? Ano?"

Nakita nyang nagkamot ng ulo si Zelo. "Ano kase--"

She stared at him blandly. "Ano? Di ka na naman pwede?"

"Kase--"

"Skip it." Mariin nitong sabi.

"Hindi pwede--"

"Hep! I don't wanna hear any excuses. We need you." She gave him a look.

"Tss." Napabuntong-hininga ito. "Okay. Sige."

Dama beamed at him. "There. It's settled then. Saan tayo mag-a-aral?"

"Kina Eula." Itinuro ni Eli ang magkapatid.

"Samin na naman?" Reklamo ni Eula.

"Eh san pa? Kina Zelo?"

Sabay silang umiling ng binata.

"Di pwede sa 'min." Sagot ng binata.

"Walang space dun." Dagdag naman niya.

"Sa inyo Eli?" Nilingon ng barkada si Eli.

"Di pwede! Mauubos ang paninda namin sa inyo." Tanggi nito.

"O eh san? Wala naman tayong tutuluyan eh. Wag na lang kaya?" Lei said.

"Sa 'min na lang."

Si Keeme--sa wakas ay nagsalita rin.

"Yun! Kina Keeme na lang ha! Ano? What time?"

"Mga 6 siguro? 4pm naman uwi natin ngayon di ba?"

"Sige, kita-kita tayo dito ha."

"Bibili ba tayo ng alak?"

"At talagang may balak mag-inom?"

"Dali na! Para masaya!"

"Loko! May pasok bukas!"

"Hapon pa naman eh!"

"Isang bote lang!"

"Dalawa naman!"

"O sya. Beer lang ha."

"Yung hard naman!"

"Kapag kayo walang naisagot bukas!"

Natawa na lang si Dama sa convo nila. Pano kase, sabay-sabay kung magsalita ang mga ito. Hindi na sila nagkakaintindihan pero nagkaintindihan sila. Basta. Ang gulo.

--

Dalawang sakay ang ginawa nila papunta kina Keeme dahil sa kabilang bayan pa ang bahay nito. Bumaba sila sa palengke and from there ay naglakad ang mga ito papunta sa bahay ng kabarkada.

"Hoy. Holding hands tayo?" She suggested to them.

"Huh?" Nilingon sya ng limang naka-kunot ang noo.

"Wala lang. Partner partner tayo kunware."

Si Eula, na mukhang nagets agad ang sinasabi ng kaibigan, ay agad na hinila ang kamay ni Eli.

"Game!"

Agad na humawak si Dama sa kamay ni Zelo. "Oh yan... kayo naman Lei!" 

Nagkatinginan sina Zelo at Eli... at saka lang nila nagets kung anong gustong mangyari ng dalawang babae.

"Oo nga. Bawal ang KJ." Nakagiting sabi ni Zelo sa dalawa who were just awkwardly standing there.

"Seriously? Bakit sya partner ko?" Reklamo ni Lei.

"Ang bagal nyo kaseng kumilos. Ayan, no choice kayo."

Napadabog si Lei. "Ayoko!"

"Makatanggi 'to akala mo naman gusto ko syang kapartner." Pikon na sabi ni Keeme sa dalaga.

His friends exchanged knowing looks with him. Alam na.

"Ayaw nyo? Sige... sagot nyo ang alak mamaya." Banta ni Dama sa dalawa.

"Fine!" Sagot agad ni Lei. "Lunurin ko pa kayo sa alak eh." Inis na sabi nito at saka naglakad palayo sa kanila.

Naiiling na bumitaw si Eula kay Eli at pinasundan dito ang kapatid. Si Keeme naman ang hinawakan nito sa braso.

"Wag ka ngang totorpe-torpe dyan!" She hissed at him.

"Anong torpe? Ulul!"

Binatukan ito ni Eula.

"Tatanggi ka pa eh!"

"Haynako Keeme. Walang mararating yang katorpehan mo." Sabat ni Dama sa dalawa.

"Wag nga kayong magmura!" Naiinis nitong sabi sa dalawa.

"Halata ka na pre. Wag ka ng tumanggi." Nakangiting dagdag ni Zelo.

"Mapaggawa kayo ng issue. Tss."

"Asus."

Hinila ito ni Eula para sundan sina Lei at Eli na medyo malayo na rin ang nalalakad.

Sumunod na rin si Dama at Zelo sa mga ito.

"Para-paraan?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Ikaw kase..." Ungot niya dito.

"Ano na naman?"

"Wala."

"Ano nga?"

She sighed. "Alam ko kaseng hindi mo 'to gagawin eh kaya ako na ang nag-initiate."

She felt him squeeze her hand. "Hindi nga." Sabi nito saka sya hinalikan sa pisngi. "Pero yan, kaya kong gawin." Sabi nito sabay ngiti.

Hinampas nya ito sa balikat. "Hoy Zelo umayos ka! Ang daming tao!"

They were just exiting the market for Pete's sake! Pano na lang kung may makakita sa kanila? Or worse, kung nilingon sila ng mga kaibigan at that exact moment?

Tumawa ito. "Wala yan. Di naman tayo kilala ng mga yan."

"Eh pano na lang kung meron tayong schoolmate dito?!"

Nagkibit-balikat lang ito.

She got confused with the way he's acting. Masyado naman yata itong reckless? What if someone finds out about them?

--

Sa bahay nina Keeme... Walang tao kundi sila.

"Nasan ang parents mo Keeme?" Tanong nya rito.

"Mama ko nasa Canada."

"Eh ang papa mo?"

"Nasa bahay ni San Pedro." Matabang nitong sagot. Saka ito naglakad papuntang kusina.

"Five pa lang si Keeme ng mapatay sa duty ang papa nya."

"Ha?"

"Sundalo kase."

"Eh bakit nasa Canada ang mama nya?" Takang-tanong nya sa mga ito. What kind of woman would leave her child alone on another country?

"Nagtatrabaho."

"Eh bakit nandito si Keeme sa Pilipinas? Hindi ba sya pwedeng isama dun?"

"May iba na kaseng pamilya si mama."

Nilingon nya si Keeme. May dala itong isang bote ng coke saka mga disposable na baso ng magkakasuson.

"Sorry to hear that."

He shrugged. "Ayos lang. Sanay naman akong mag-isa."

He asked them to go upstairs. Sumunod naman sila dito. Dun sila tumambay sa kwarto nito. Ang linis.

Isang kama lang na mababa at isang cabinet ang nandun. May laptop na nakapatong sa table saka wii at xbox na nakalagay sa ilalim.

May isang malaking flat screen TV na nakadikit sa pader. Tapos may maliit na ref na nasa sulok.

Yun lang.

Walang kalat.

Walang posters.

Walang pictures...

No sign of life basically.

"May alak nga pala sa ref." Keeme pointed at the fridge on the corner. "Ubusin nyo kung gusto nyo."

Naupo ito sa gilid ng kama.

Inilapag nila ang mga gamit sa may pader at saka binuksan ni Lei ang ref at naglabas ng isang bote ng liquor.

"Mag-aaral ba muna o mag-iinom?" Tanong nito.

"Eitherway, wala tayong matatandaan bukas."

"Wag na ngang mag-review!" Reklamo ni Eli.

And so they didn't.

--

Matapos ang tatlong bote ng alak, lasing na silang anim. Si Lei, nakasandal na sa balikat ni Keeme na katabi nito nung mga oras na yun. Nakapikit na ito at mukhang tulog na.

"Kelan ka ba magsasabi sa kanya ha Keeme?"

Umirap ito. "Ewan ko sa inyo."

"So hindi ka pa talaga aamin sa 'min?"

"Wala nga akong aaminin!" Mariin nitong sabi.

"Tss. Akala ko ba kapag lasing... honest?"

"Matulog na nga kayo. Ang gugulo nyong kausap." Iritado nitong sabi. Itinulak nito si Lei papunta kay Eli. "Ihiga nyo na nga yan. Iinom-inom di naman kaya."

Tumayo ito at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto niya.

"Dama, Eula... tabi-tabi na lang kayo. Kami nina Eli sa sahig na lang." Pagkasabi'y lumabas ito ng pintuan.

--

Lumabas din si Dama para uminom ng tubig sa kusina. Yung fridge kase ni Keeme is strictly for alcohol only.

Sumunod din si Zelo dito.

Naabutan nila si Keeme na nakaupo sa sahig ng nakabukas na pintuan sa may CR. Back door ata yun. Naninigarilyo ito.

"Oy." Untag ni Zelo dito.

Kumuha si Dama ng tubig sa ref at uminom. Nagsalin ulit sya ng tubig sa baso at iniabot yun kay Zelo.

Kinuha nito iyon at ininom.

"Kayo yata ang may kailangang aminin eh." Keeme said.

"Ha?" Halos sabay na tanong ng dalawa.

"Hindi naman kayo magpinsan di ba?"

"Ano ba yang pinagsasasabi mo? Lasing ka na nga," Dama laughed nervously.

"Hindi ako tanga kaya wag na kayong tumanggi. Hindi ko naman sasabihin sa kanila eh. Alam ko namang may dahilan kayo kung bakit nyo ginagawa yan." Sagot nito.

Naupo si Zelo at sumandal sa pader na malapit sa binata.

"Pano mo nalaman?"

Keeme sneered. "Ayusin nyo kase yung mga details nyo. Namamali kayo ng sagot eh." Nginitian nya ang dalawa. "Naaalala nyo nung tinanong ko kayo ng random questions?"

Dama remembered. Akala naman nya makakalimutan nito iyon kaya nag-imbento na lang sya ng mga sagot. Hindi naman nya alam na tinanong din pala nito si Zelo without her knowledge.

Siguro ay magkaiba sila ng naisagot.

"Bakit kayo nagpapanggap?" Tanong nito sa kanila.

"Masyado pang complicated ngayon eh. You wouldn't tell them, would you?" Nag-aalalang tanong ni Dama dito. They would surely get mad. Bakit nga naman nila itatago sa mga ito na hindi sila magpinsan? Bakit hindi na lang nila sinabi noong una pa lang na hindi sila magpinsan, di ba?

Bakit pa nila kelangang maglihim?

Ayaw nyang isipin ang magiging reaction nina Eula kapag nalaman ng mga ito. Lalo na si Eula... baka magtampo ito sa kanya.

"Pakabait ka sa 'kin ng hindi ko sabihin."

"Eeeee... Wala namang ganyanan Keeme!"

Tumawa ito.

"Mag-ingat-ingat na lang kayo. Hindi ko na kayo papakialaman pero kung ano man yang dahilan nyo, sana mabigat yan para maglihim kayo sa 'min."

"Oo mabigat to pre. Pramis."

Dama sighed. Eto na ba talaga? Malapit na ba talaga syang bumalik sa dati nyang buhay? Senyales na ba ito?

"Since alam mo na din lang ang sikreto namin... pwede bang aminin mo na rin sa 'min na may gusto ka kay Lei?" Tanong ni Zelo dito.

"Wala nga."

"Asus! Sabi nina Eula meron daw!"

"Wala nga! Kahit sya pa ang kahuli-hulihang babae sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya." He said with conviction.

"That... or you're just scared to admit it dahil malaki ang possibility na magkabalikan sila ng ex nya?" Dama eyed him with scrutiny. "That's it, isn't it? Where will that leave you nga naman kung saka-sakali?"

Keeme rolled his eyes at her. "Sinabi ng--bahala ka nga. 'Wag kang maniwala."

"Bahala ka. Ikaw din..."

"Bakit ba sa 'kin napunta ang usapan? Ako na naman ang trending? Di ba kayo dapat?"

"Eh tapos na yung samin."

"Hindi pa kaya!"

"Eh ano pa ba ang pag-uusapan tungkol sa 'min?" Tanong niya sa binata.

Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanilang dalawa. 

"Hindi ba may relasyon kayo?"

xxxx

AN: LSS. Yung video sa kanan. Kaadik! Ayun... ewan ko kung ano yung tinype ko. As usual... antok na naman. haha...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro