Chapter 26
Nobody gives a damn about the day that you were born.
--
Kinabukasan...
Usual routine. Usual route. Usual time. Usual companions.
Ang naiba? May nag-iintay na naman sa kanya sa may gate. Automatically, Zelo moved in front of her. He was guarding her. It's like... primitive instinct nito na protektahan ang sa kanya. She felt her insides flutter at the thought.
So... I'm his?
"Good morning!" Nakangiting bati ni Pierre sa kanya.
"Morning." She replied.
"Uh Dama... may gagawin ka ba mamayang lunch?" Tanong nito sa kanya.
"Kakain ng lunch." Zelo answered, as a matter-of-fact.
Nginitian ito ni Pierre. "Pilosopo ka rin eh no?"
"Nagtatanong ka lang kase, yung obvious pa." Pairap nitong sagot.
Inakbayan ni Eli si Zelo. "Pre halika na nga."
Pinalis ni Zelo ang kamay ni Eli. "Una ka na."
Eli sighed. Hinawakan nito si Zelo sa braso at hinila papasok sa school. "Hayaan mo na sila. Di magkakaboyfriend yang pinsan mo kung lagi mong babantayan." Naiiling nitong sabi.
Naiwan sina Dama at Pierre sa labas. Susunod kase dapat niya ang dalawa kaso hinarangan siya ng lalaki.
"So ano?" He inquired.
"Bakit mo ba tinatanong?" Medyo pikon nyang tanong.
"Wala lang." He said with a shrug. "Libre sana kita ng lunch."
"May pera ako." Sagot niya.
He touched her cheek. "Sungit mo naman."
Pinalis nya ang kamay nito. She dislikes his attitude. Presko ito masyado, straight-forward saka aggressive. Naiinis sya. Pano kase, umagang-umaga badtrip na naman si Zelo dahil dito. For sure, pag-uwi nya sa bahay mamaya ay magsusungit na naman ito.
"Ano ba!"
"Oh wag ka namang magalit. Pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo eh."
"Fine. Ayoko. There!" She pushed him aside. "Tabi nga!" Saka sya nagtuloy-tuloy sa loob ng school.
--
She was right. Zelo was pissed. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkairita. Hindi ito namamansin ng kahit na sino. Sobrang badtrip.
Nilapitan nya ito bago magsimula ang subject nila.
"Uy." Untag nya dito.
"Ano?" Iritado nitong tanong.
"Galit ka na naman." Puna niya.
"Pakialam mo ba." Nag-iwas ito ng tingin at sa bintana bumaling.
She sighed. "Di naman ako makikipag-date dun no. Asa sya."
"Ewan ko sayo."
Napasimangot sya. "Hindi nga. Birthday kaya ng kapatid ko ngayon, remember? Di ko alam kung anong oras nya ako tatagpuin eh. Baka nga mag-half day lang ako ngayon."
"So kaya hindi ka sasama eh dahil may iba kang lakad? Eh pano kung wala?"
"Eh di sasama." Biro nya dito.
He glared at her.
"Joke lang."
"Bumalik ka na nga sa upuan mo. Nakakabadtrip ka lalo."
She pouted. "Ganyan ka na ha."
"Alis na."
"I hate you." Padabog syang bumalik sa upuan niya. Nasa kasulok-sulukan at kalikod-likuran kase si Zelo. Dun yun mahilig pumwesto kapag wala sa mood at ayaw makipag-usap kahit kanino.
Ngayon, dahil sa pagbibiro nya, lalo yatang sumama ang mood nito.
--
Lunch.
Papalabas na ng classroom si Dama ng bigla syang harangin ni Pierre.
"Hi." Nakangiti nitong bati.
She rolled her eyes. "Ano na naman?"
"Aayain sana kitang mag-merienda. Since ayaw mo ng lunch..."
Tinusok-tusok sya ng magkapatid na Lei at Eula sa tagiliran. Imbes na sya ang kiligin, nauna pa yung dalawa.
"I'm not available."
"Dinner?"
"No."
"Breakfast bukas?"
"Ayoko nga! No! Okay?" Nilampasan nya ito at dali-dali syang naglakad palayo sa mga nanunuksong kabarkada.
"It's a date then!" Narinig nyang pahabol nitong sigaw. Pinagtitinginan na sya ng mga tao sa pathway kaya lalo syang nairita.
Ang kapal ng mukha little heart!
She was already outside the school when her phone rang.
"Oh?"
"Ate! Nandito na 'ko sa--teka, mall ba 'to? Ang liit kase."
She rolled her eyes. "Mall yan noob. A miniature mall."
Tumawa si Dylan sa kabilang linya. "Grabe ate, naikot ko na nga 'to in 15 minutes eh."
"Nasan ka ba dyan?"
"Nasa tapat ng Waltermart sa may info desk."
"Okay. Wait for me."
"Okay ate."
She ended the call at saka sya sumakay sa jeep. After a five-minute ride, bumaba sya sa mall at hinanap ang kapatid.
She saw him standing near the info desk. Naka-casual lang itong suot. Green polo shirt tapos khaki shorts at loafers. Kasalukuyan itong nagpipipindot sa cellphone... oblivious to the fact na ang daming babaeng nakatingin sa kanya.
For a fourteen yeaar-old kid, matangkad na ang kapatid nya. He's even taller than her. Mana kase ito sa daddy nila na matangkad din.
"Oy." She called out to him.
Ngumiti ito sa kanya, tumakbo palapit at yumakap.
"I miss you ate!"
"Tss." Kumawala sya dito. "Sino'ng kasama mo?"
"Sina Jes and Juni." Sagot nito.
She raised an eyebrow. Clearly, kahit sa paglabas-labas ng kapatid ay may nakabantay pa ring bodyguards. And not just any other bodyguards. Bihasa ang dalawa sa akido, judo at muay thai. Pareho rin itong magaling na snipers at may ranggo sa Marines bago sila ipinull-out ng lolo nila para maging bodyguards.
PSG nya si Jes originally. Mas maliit ito kay Juni but he's just as agile and experienced when it comes to fighting.
Hinanap nya ang mga ito. "Asan sila?"
"Nandyan lang sa tabi-tabi. Anyway, how are you ate?"
"Eto..." She motioned at herself. "Mukha ng dukha."
"Okay lang yan ate. Konting tiis pa."
"Palibhasa kase hindi ka nakakaranas ng buhay-mahirap. Try mo kayang mag-commute sa jeep. Hassle! Nagugulo ang buhok ko!"
Ngumiti ito. "Kakapag-commute ko lang kaya."
"Weh?!" Nanlaki ang mata niya. Syempre hindi sya naniniwala. There's no way na makakapag-commute ang kapatid nya. Pero sabagay, sya nga eh... kahit hindi nya maimagine--nagawa nya.
Tumango ito. "Oo ate. And it's my third time commuting. Remember when mom asked you to go with her to Baclaran?"
Naalala nya bigla nung time na inaya siya ng mommy nya para mamili ng mumurahing damit sa Baclaran. Naka-shorts at simpleng t-shirt lang ito noon na kung hindi lang talaga sadyang maganda ay magmumukha ng katulong sa suot.
She remembered crinkling her nose and swearing that she'd rather die.
"Pano mo nalaman kung nasan ako?"
Dylan shrugged. "Naririnig ko lang sina mommy at daddy na nag-uusap."
"Grabe, tsismoso ka pala."
"Eh kase naman ate, gusto kong malaman kung nasan ka. I must say, nananaba ka. Masarap ba ang pagkaing mahirap?" Nakangiti nitong tanong.
Kapag galing sa kapatid nya ang biro, no matter how harsh it really is, no one would really notice. And frankly, no one would care. Well, except her. Para kase itong ang Tita Angel nya na kahit anong gawin ay hindi kagalit-galit...
Charming ang kapatid nya. Precisely the reason why nandito sya sa pangmahirap na mall na ito ngayon wearing her cheap uniform.
All because of him.
All because her growing animosity towards her brother.
Her stomach grumbled. "Hungry?" He asked. She nodded. "Where shall we eat?"
"Kahit saan."
"Okay." Hinila sya nito sa kamay. "Ang tagal ko ng gustong kumain sa Jollibee, ngayon lang nagka-chance!" He exclaimed.
Uh yeah... they weren't allowed to eat in any fast-food chain. Kung hindi home-cooked, dapat ay sa isang high-end restaurant sila kakain.
Always.
--
"I'll order... uh--N1, N2..."
"Parehas pong may drinks sir?" Tanong ng cashier.
"Ano bang drinks nyo ate?"
"Sprite. Coke. Iced tea. Pineapple sir."
"Iced tea na lang. Bawal sa 'kin ang soda eh." He answered.
"Sir automatic, large na po yun. Okay lang po?"
"Yeah yeah. And can you add those burgers? And fries please--large. Ooooh! Saka sundae ate."
Dama rolled her eyes at her kid brother.
"Really? Tingin mo mauubos mo yan?"
"Eh di ibigay sa iba yung matitira." He smiled sheepishly. "Ikaw ate, what do you like?"
"Chicken with spaghetti will do."
"Drinks nyo mam?"
"Coke."
"Regular po?"
"Hindi. Minsanan lang." Pabalbal nyang sagot sa cashier.
Buti na lang nga at mabait ang cashier kaya tumawa na lang ito.
"Si mam naman. Ano nga po?" Tanong ulit nito.
"Large."
Inulit ng cashier ang orders nila at saka sinabi ang presyo. Agad na kumuha si Dylan ng isang libo sa wallet nito. Sinilip nya ang laman ng wallet.... puro credit card. Tapos lilibuhin ang pera. Buti pa ang kapatid nya.
"Keep the change." Nakangiti nitong sabi sa cashier.
"Sir, sure kayo?" Takang-tanong nito.
Sinapok nya ito. "Hoy! Mahirap kumita ng pera! Anong keep the change ka dyan?" Hinarap nya ang cashier. "Yung sukli namin ha!"
"Opo. Yes po." Sagot nito at nagmadaling sinuklian ang magkapatid.
Nang makuha ang order, agad kumain ang dalawa. Ayaw man nyang aminin pero nakakatuwang panuoring kumain ang kapatid nya. Ang takaw kase...
"Kumusta na nga pala sa bahay?"
"Ayun." Uminom ito. "Tahimik palagi. Wala ka kase."
She sneered. "Tss. Si mommy?"
"Okay naman. Namimiss ka."
Napangiti sya sa sinabi ng kapatid. "Talaga?"
Tumango ito. "Yep. She bought a new cook book and is trying to learn bulalo. Alam mo bang galit na galit na si daddy kase palaging fail yung luto ni mommy? Ayun, ang daming naaaksaya. Ayaw namang magpatulong."
Tumawa sya. "Talaga? Kinakain nyo naman yung mga rejects?"
"Hindi ah! Ang sama kaya ng lasa! Nilalagyan nya kase ng sili!" Umiling-iling ito. "Ang adik ni mommy kapag buntis."
"Sina Tita ba nandito pa rin?"
"Yeah. Nagto-tour sila sa Bicol ngayon."
"Eh si Kolai? Buhay pa daw?"
Dylan laughed. "Bakit? Namimiss mo?"
"No way!" Ayaw na ayaw nya sa pinsan niya. She can never stand his pranks. Bata pa lang si Anzo ay sobra na ito sa kalikutan at katabilan. She was sure he just got worse.
Matapos kumain ay naglibot-libot ang magkapatid.
"You want to buy something?" He asked her.
"Shouldn't I be the one asking you that?"
He shrugged. Napadaan sila sa WOF. That's were he stopped. "Videoke tayo ate!"
Hindi na sya nakatanggi ng bigla syang hilahin nito papasok sa WOF. Dere-deretso sila sa videoke room na mukhang may tao na.
At the corner of her eye, she saw Jes pay the staff.
"Wait Dy, may tao na yata--Dad!"
"Hey sweetie." Gulat na gulat si Dama ng makita ang ama na nakaupo sa isa sa mga upuan na nasa loob ng videoke room.
Agad syang yumakap dito.
"Daddy, I missed you!"
He kissed the top of her head. "I missed you too."
"Hi dad." Bati ni Dylan sa ama.
"Hey kid. Happy birthday."
"Daddy, si mommy asan?"
"She can't go sweetie... but she said hi."
Biglang nalungkot ang dalaga. "I guess she still doesn't want to see me." Malungkot niyang sabi sa ama.
"No sweetie... she wanted to see you so badly. Kaya lang kase, she feels that it's not yet the right time."
"Eh bakit ikaw dad? Why did she allow you to see me?"
"Takas lang si daddy ate. We'll be going to Amsterdam later tonight. Dun kase magsi-celebrate si daddy pagkatapos ng meeting nya with the CEO na dun din magaganap."
"Oh I almost forgot! Happy birthday daddy!" She kissed Dani on the cheek.
"Thanks sweetie. I still hope you can come with us though."
"Ang daya! I want to go there too!" Reklamo niya.
"Next year anak." Dani assured her. "So how's school?"
She blushed. Ewan ba nya, bakit kapag nababanggit ang school, naiisip nya si Zelo?
"Why are you blushing?"
"Eeeee.... si ate... may boyfriend ka na no?" Tudyo ng kapatid niya.
"Uy wala ah!" Mariin nyang tanggi.
"Anak bawal muna ha? You need to graduate with high grades para makauwi ka na sa bahay. Namimiss ka na namin dun."
"Yes dad. I'll try."
Matapos ng kumustahan, bumirit ng kanta ang mag-ama. Tuwang-tuwa si Dylan kahit medyo masakit sa tenga ang mga boses nila. First family bonding kase nila na iba ang ugali ng ate nya.
Wala na yung maere, mapangmata at maarteng ate nya... siguro bits na lang nun.
He was glad... whatever is causing her to change... sana magtuloy-tuloy na.
xxxxx
AN: Lame... I know. Pasensya. Antok na antok na antok na ako. Salamat sa nag-antay ng UD. Ang pic ni Dylan Marco ay nasa group. Yun lang. Good night.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro