Chapter 25
I don't have an attitude problem. You have a problem with my attitude.
--
Ganito pala ang feeling ng in love little heart?
Dama never knew that THAT thing can be so... exhilerating. Yung mga panakaw na tingin... yung mga pigil na ngiti... just knowing that the person you love loves you back... it was so... she can't put in into words.
Words aren't enough.
Ngayon nga, gusto nyang hawakan ang kamay ng binata while they were walking to school. Gusto nyang makaranas ng ganun--holding hands while walking. As if you were telling the world to back off because he's yours and you are his... exclusively.
But sadly she can't do that. No. Not with Eli around. Not with all the people who'd stare with disgust if she does.
Sadly... they have to suppress their feelings until they are alone. Because only when they're alone can they express how they really feel for each other.
Honesty in the dark...
Nasa may school gate na sila ng makita ni Dama ang isang pamilyar na mukha.
"Uy si Pierre!" Itinuro ni Eli ang lalaking nakasandal sa tabi ng gate. He was garnering too much attention. Medyo naka-clog yung gate dahil binabagalan ng mga babaeng maglakad para matitigan lang ang binata.
Tumigil sa paglalakad si Zelo at sinukat ng tingin ang lalaki.
Napatigil din sya. She glanced at Zelo and saw that his expression was the same as usual. And yet.... there's something. Something that's new.
It's a combination of utmost jealousy... and fear.
She doesn't understand why she's feeling it but she feels like he's afraid. Of what, she doesn't know.
Nang tumigil sila sa paglalakad, si Pierre na mismo ang lumapit sa kanila. But he couldn't get close enough... because Zelo won't let him.
"Sino 'to?" Tanong ni Pierre sa kanya.
"S-Si--"
"Pinsan nya. Si Zelo." Si Eli ang sumagot para sa dalawa.
"Ah... hi po." Nginitian nito si Zelo. Inaantay ng dalagang mag-react ang pinsan pero nakatingin lang ito kay Pierre at hindi nagsasalita.
"Hindi ba nagsasalita 'tong pinsan mo?"
Biglang natawa si Eli at tinapik si Zelo sa balikat.
"Uy pre, magsalita ka kase."
Tiningnan ni Zelo ng masama si Eli saka bumaling muli kay Pierre. "Ano'ng kelangan mo sa pinsan ko?"
"Magha-hi lang. Masama?" Nakangiti nitong tanong.
"Tsk." Inirapan ni Zelo ang lalaki at saka hinila si Dama sa tabi nya. "O ayan. Mag-hi ka na. Bilis." Utos nito kay Pierre.
Nailing ng bahagya si Pierre saka tumawa ng mahina.
"Hi." He greeted her.
"H-Hello."
"Oh ayan. Nagpalitan na kayo ng hi and hello. Una na kami." Pagkasabi'y agad sya nitong hinila papasok ng school. Eli trailed behind them habang taka na lang sila sinundan ng tingin ni Pierre.
Dama can't really think straight.
He was jealous! And he's holding my hand in public for crying out loud!
"U-Uy teka..." She pulled at him para patigilin ito sa paglalad. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. For those who don't know na mag-pinsan sila, syempre iba ang iisipin nila. And what will they think of them? Madalas makita ng mga itong magkasama si Zelo at Tassie.
Baka kung anong kumalat na tsismis sa school.
She can't bear to be the cause of that.
"Ano ba pinsan! Masyado ka namang protective! Nagha-hi lang naman yung tao eh!" Ipinaglakasan nya ang boses to make sure na maririnig sya ng mga taong nakapaligid.
Mukhang nagulat ito sa ginawa nya.
Sakyan mo na lang please!
Napatingin ito sa kamay nila. And then he suddenly realized na nasa gitna nga pala sila ng pathway at gumagawa ng eksena.
Slowly, he let her hand go. "Sorry." He muttered saka ito umunang maglakad.
"Ang sungit ng pinsan mo ah." She heard Pierre say. Nilingon nya ito. Nakasunod na pala ito sa kanya.
She forced a smile. "Ganun talaga yun. Over-protective." Dahilan na lamang niya.
"So anyway, HI ulit. Ako nga pala si Pierre." He held out his hand.
She accepted it with hesitation. Nakarinig sya ng collective gasp from the crowd when he brought her hand to his lips and kissed it.
Agad yang namula. Saka madalian nyang binawi ang kamay mula sa lalaki.
"I-I have to go. Nice meeting you." She said saka sya lakad-takbong lumayo sa lalaki. She almost stopped on track when she saw Zelo sa bandang dulo ng pathway. It's pretty apparent that he saw all of it... tiim-bagang ito at ang sama-sama ng tingin.
She felt her knees weaken. She's trembling na pala dahil sa takot. Ewan nya... pero natatakot sya sa reaction ni Zelo. But she had no choice but to ignore it. To ignore him. To ignore her feelings...
Now is not the right time for feelings. And maybe there won't be a right time.
She sighed to let go of her anxiety ng madaanan nya ito.
--
During the afternoon, maaga silang pinauwi ng prof nila dahil may thesis defense ang fourth year. Isa ito sa mga panel. So ang barkada, tambay-tambay muna sa manggahan... para kay Eula.
Ipapanlaban kase ang volley ball team ng school nila sa SCUAA at kasama sa panlaban si number 5--who, come to think of it--ay hindi pa rin nya alam ang pangalan hanggang sa ngayon.
Nakakalimutan nya kaseng itanong sa kaibigan. Arellano lang ang alam nya dahil nakalagay sa sando nito.
"Kelan kaya sila magbi-break ng girlfriend nya?" Eula sighed.
"Wag ka ng umasa Yolanda." Pambabara ni Lei sa kapatid. Sinimangutan ito ni Eula.
"Nakakainis ka ate."
"Totoo naman eh. Ang hilig mong umasa sa wala."
"Tss. Porket binalikan ka ng ex mo ganyan ka ng magsalita?" Eula retorted.
"Psst oy. Tama na yan." Saway ni Eli sa magkapatid.
Bigla namang tumayo si Keeme at naglakad palayo.
"Oy san ang punta?" Tanong ni Dama dito.
"Sa labas. Magyoyosi." Sagot nito.
Tumayo din si Lei at sumunod sa kaibigan.
"Magyoyosi ka rin Lei?" Taas-kilay nyang tanong dito.
"Tanga hindi. Susundan ko lang yun. Hindi yun nagyoyosi ng walang problema eh."
Naiwan silang tatlo na nakaupo sa ilalim ng punong mangga. Si Zelo? Ayun... at his usual place--sa tabi ni Tassie.
"Ang tanga ni ate no?" Sabi ni Eula sa dalawa.
"Bakit naman?" Tanong niya rito.
"Mukha kaseng balak nyang sagutin ulit yung ex nya." Sagot nito.
"Oh? Ano'ng masama dun?"
Sumimangot si Eula. "Eeee... mas gusto ko si Keeme para sa kanya. He's real. Kahit ganyan yan. Kahit basag-ulero. Maaasahan mo naman yan."
"Saka kahit madalas silang mag-away, mahal na mahal pa rin nya si Lei no?" Sabi naman ni Eli.
Nanlaki ang mata niya sa narinig.
Tumango si Eula. "Nakakainis kase yun. Di pa sabihin kay ate! Mauunahan na naman sya eh."
"Teka--teka nga!" Nawiwndang nyang sabi. "Gusto ni Keeme si Lei?"
Eli and Eula both nodded.
"Kelan pa?"
"Uh--second year yata? Or first year second sem? Basta matagal na eh."
"At ako lang ang walang alam?!"
"Di ka naman kase nagtatanong." Eli replied.
"Ang daya naman."
Who'd have thought? Daig pa ang aso't pusa kung mag-away ang dalawang yun. At hindi lang verbal fight. Nagsasakitan din sila physically. Well, more often than not, si Lei ang nananakit. Si Keeme hanggang bulyaw lang eh.
Kaya naman pala. He can't hurt her. Of course not. How can he if he's in love with her?
"Ouch!" Natigilan sa pagmumuni-muni si Dama ng marinig ang sigaw ng kaibigan. Tinamaan kase ito sa tiyan ng bola.
"Miss sorry!" Nakita nyang tumakbo palapit sa kanila ang isang matangkad na lalaki. Si number 24.
"Ano ba James! Ayusin mo nga! Nakakasakit ka eh!" Si number 5--galit.
"Sorry." James said to him. Saka ito tumingin muli kay Eula. "Miss, gusto mong dalhin kita sa clinic?"
Eula shook her head grimly.
"Sure ka?"
"Oo kuya. Okay lang ako."
"Ganun ba?" Dumukot ito sa bulsa at naglabas ng isang Hershey's Treats na kulay red. "Eto oh... sa'yo na lang."
Eula smiled at him saka nito kinuha ang tsokolate. "Thank you."
Ngumiti na lang si number 24 saka bumalik sa court.
"Uy Eula... nagalit si number 5 mo. Pansin mo?" Panunudyo ni Dama sa kaibigan.
Eula sighed. "Di yun nagalit. Sadyang mainit lang ang ulo nun. Nag-away kase sila ng girlfriend nya kanina."
"Eh? Oh eh di masaya!" Nakangiti nyang sabi dito.
"Puro away lang. Di naman nagbi-break. San ba gawa ang relationship nila? Sa aspalto? Ang hirap tibagin eh!" Reklamo nito sa kanya.
"Wag kaseng umasa sa wala." Sabi ni Eli sa kaibigan.
"Heh! Isa ka pa!"
"Baka naman may HD ka kay Eula, Eli?" Tanong niya rito.
Todo iling ang binata. "Uy di ah! Wala akong panahon sa love love na yan. Inosente pa 'ko."
"Inosente your face. Nabasted ka lang ng isang beses hindi ka na nanligaw ulit? Duwag!" Eula said.
"Aww... nabasted ang bata?"
"Bakit ba sa 'kin napunta ang istorya? Nakakainis! Ito kaseng si Eula!"
"Aba ikaw kaya ang pasimuno!"
"Magsitigil nga kayo. Para kayong mga bata." Saway nya sa dalawa.
"Buti pa si Dama may gwapong love life." Maya-maya'y sabi ni Eula. She was looking ahead. Sinundan iyon ni Dama ng tingin at nakita niyang papalapit sa kanila si Pierre.
Nagulat naman sya ng biglang may humarang sa view nya. Si Zelo--na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.
"Oy. Uwi na tayo." He said coldly.
"Ha? Maaga pa ah?"
"Tss. Di wag." Naglakad ito paalis.
"Problema nun?" Tanong ng dalawa sa kanya.
Immediately, she fixed her things saka sya tumayo para sundan ito. "Uy guys, uwi na 'ko. May emergency ata sa bahay eh." Pagdadahilan nya.
Hindi na nakareklamo ang dalawa ng sundan nya si Zelo. She saw Pierre stop. Nakatingin lang ito sa kanila.
"Uy teka!"
Pagkarinig sa boses nya ay binagalan nito ang paghakbang.
"Nagseselos ka na naman ba?" Mahina nyang tanong dito.
Hindi ito sumagot.
"Si Tassie asan?"
"Iniwan ko."
"You left her... for me?"
He stared blandly at her.
"Ayokong nilalapitan ka nya. Kapag nakita mo syang palapit sayo, lumayo ka na agad." Sabi nito sa kanya.
"Magtataka sila."
"Wala akong pakialam."
Gusto nyang ngumiti pero hindi nya magawa. Kinikilig sya pero hindi dapat ipakita. Ang hirap!
"Fine. I'll try." She said without cracking a smile.
"Tabi." Hinawakan sya nito sa kamay at bahagyang iniiwas sa dumadaang sasakyan. Then he let her hand go as quickly.
Pero malayo-layo naman ang sasakyan sa kanya kaya sa palagay nya'y gumagawa lang ito ng dahilan para hawakan ang kamay nya.
Lalo nya tuloy gustong ngumiti... pero dapat pigilan.
They were almost at the gate ng biglang mag-ring ang phone nya.
"Sino yan?" Tanong agad nito.
"Kapatid ko." She answered the call. "Hello." She said blandly.
"Hi ate. Kumusta?"
"Doing fine without you. And you?"
"I miss you ate."
"Whatever."
"Birthday ko na bukas."
Napa-mental facepalm sya. She totally forgot that it was her brother's birthday tomorrow. Wala kaseng magpapaalala sa kanya.
"So?"
"Can I see you? Please?"
She sighed. Bakit naaalala nya si Meera ngayong naririnig nya ang boses ng kapatid? Nabubuhay na ba ang sisterly instinct nya?
"I have class tomorrow."
"Skip it. Please ate?"
She rolled her eyes. Bakit tinatamaan sya ng guilt?
"Fine. But I'm not available for the whole day okay?"
"Okay lang ate kahit one hour! Thank you!"
"Whatever. Happy birthday noob."
"Thank you! I love you ate!" She ended the call bago pa man sya makapagbitaw ng salitang pagsisisihan nya sa huli.
She never liked Dylan and she should never like him. He stole everything from her. He should be hated.
But why does that sound so wrong?
xxxxx
AN: Hi! So... nalihis ako sa plot. But no worries... parehas pa rin ang ending. Si Pierre pa rin talaga. Ang dami kaseng naghanap eh. Ayan... ayan na si Pierre. Inyong-inyo na. Akin na lang si Zelo. Haha...
COMMENT?
PS. On-going ang story na 'to. Kung bitin... common sense na lang, 'kay? If you can't wait patiently (as if you'll wait that long--oh I pity you for waiting so long *note the sarcasm*)--find a finished story. Yun ang basahin mo.
Umintindi ng on-going story okay? Natural maghihintay ka ng UD. May trabaho ako. Konsiderasyon naman. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro