Chapter 24
You're like a zombie; no matter how many brains you eat... you'll never have one. Keep on trying though.
--
A week later...
"Ang saya mo ah..." Puna ni Zelo sa dalaga na umagang-umaga pa lang ay pagkalaki-laki na ng ngiti at mukhang ang sigla-sigla.
"Syempre." Sagot niya sa binata.
Paanong hindi sya sasaya eh araw-araw syang pinapadalhan ng mommy nya ng kung anu-anong pagkain? Napansin rin nyang dinadagdagan nito ang allowance niya ng paunti-unti... basta palagi syang mag-a-I love you dito.
Her smile widened.
Ngayon alam nya na ang weakness ng ina.
"Checking na ng papers mamaya." Sabi ni Zelo.
"Oo nga eh. Ready your prize ha?" Nakangiti nyang sagot dito.
He smiled back. "Sure."
"Yo!" Pinagitnaan sila ni Eli at umakbay ito sa kanilang dalawa.
"Morning." Nakangiting bati ng dalaga dito.
Mukhang nagulat si Eli.
"Whoa... ang ganda mo pala no?"
Bahagyang natawa si Zelo. Sinapok naman niya si Eli.
"Ang sama mo! Ngayon mo lang napansin?" Mataray nyang tanong dito.
"Di naman kase kapansin-pansin eh." Natatawa nitong biro sa kanya.
Tuluyan ng natawa si Zelo.
She glared at him. "Isa ka pa!"
Tumigil ito sa pagtawa. "Galit ka na naman?"
"Eh kayo kase!" Reklamo ng dalaga.
"Joke lang yun. Di ka naman mabiro." Paliwanag ni Eli.
Pinalis niya ang kamay ng binata mula sa balikat niya at umuna sya sa paglalakad. Naiiling na lang na sumunod ang dalawang lalaki sa kanya.
--
School... after checking...
Masayang lumapit ang dalaga kay Zelo after nilang ma-check lahat ng exam papers that day. She showed him her papers.
"I passed them all." She said to him.
"Kita ko nga."
"Yung premyo ko ha?"
"Tss. Excited? Mamaya pag-uwi."
Little heart, sana mag-uwian na!
--
Lunch time. As usual, nahila na naman ni Tassie ang boyfriend nito palayo sa barkada... at palayo kay Dama. Nawalan tuloy ng ganang kumain ang dalaga kahit ba ang sarap-sarap tingnan ng mga pagkain na nakahain sa mesa nila.
"Uy best... kain ka na." Untag ni Eula sa kanya.
"Ano na namang problema nito?" Tanong ni Lei.
"Oy umamin ka nga... nagsi-selos ka ba kay Tassie?"
Biglang kumabog ang dibdib nya sa kaba. Buong akala nya ay walang nakakapansin na sa tuwing dumarating si Tassie para kunin si Zelo ay biglang nag-iiba ang mood nya.
Sumasama lalo.
Ganun na ba sya ka-obvious?
"Attention-seeker kase yang masyado." Puna ni Eli.
"Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Keeme.
"Wag kang mag-alala best, kapag nagka-boyfriend ka na din, malelessen na rin yung atensyon mo kay Zelo."
"Tama tama. Mag-boyfriend ka na kase ng hindi ka magmukhang kawawa." Dagdag ni Lei.
Sinimangutan nya ang mga kaibigan. She was relieved though...
"Ang sasama nyo." Tinawanan lang sya ng mga ito.
"Ah miss.. excuse me." Tiningala nya ang kumuhit sa balikat nya. Schoolmate nila ang lalaki based on his school uniform. May hawak itong isang platito ng minatamisang saba.
"Yes?" She inquired.
"May nagpapabigay sa 'yo nito oh." Ipinatong nito yung platito sa mesa.
"Ayeeeeeee...." Loko sa kanya ng mga loko nyang kaibigan.
Hindi nya pinansin ang mga ito.
"Kanino galing?" Tanong nya sa lalaki.
"Dun oh. Kay Pierre." Itinuro nito ang isang lalaki mula sa table na malapit sa pintuan ng kubo.
Pierre? Why does that name sounds do familiar?
Tiningnan nya yung Pierre. When he saw na nakatingin sya, kumaway ito sa kanya. Agad syang bumaling muli sa mga kaibigan.
"Uyyyyy... in fairness ha... gwapo!"
She ignored Eula's remark saka sya muling bumaling sa lalaking nagdala ng pagkain. "Tell him I said thanks."
Nginitian sya nito. "Ah miss... pati ano daw... pwede daw bang malaman ang pangalan mo?"
"Dama ang pangalan nya!" Si Lei ang sumagot.
"Single din sya at the moment!" Dagdag ni Eula.
"At naghahanap ng boyfriend." Natatawang dagdag ni Eli.
"Hoy! Magsitigil nga kayo!" Saway nya sa mga ito.
Nagtawanan lang ang mga ito.
"Sige sige. Makakarating." Sabi ng lalaki. Agad itong tumakbo pabalik sa table nito. Sinundan nya iyon ng tingin. Nakita niyang may sinabi ito kay Pierre tapos all his friends hooted. Napangiti naman ito at napatingin sa kanya.
He smiled at her when he saw her looking.
Agad naman syang bumaling muli sa mga kaibigan na mukhang tanga dahil sa sobrang lapad ng mga ngiti sa mukha.
She rolled her eyes then pushed the plate away.
"Kainin nyo na." Sabi nya sa mga ito.
"Ha? Bat kami eh sayo yan binigay?"
She crinkled her nose. "Mamaya may gayuma pa yan." Sagot nya.
"Ano ka ba best! Yung ganun kagwapo tingin mo kakailanganin pa ng gayuma para mapasagot ka?"
"Tingin nyo sa'kin? Porket gwapo, papatulan ko na agad?"
"Oo." Nakangiting sagot ni Eula.
"Walanghiya ka." Sabi nya sabay hampas dito.
--
Pagkabalik sa klase, medyo pre-occupied si Dama. Naaalala nya kase yung nangyari kanina. First time kase syang tudyuin. Kase sino ba namang makakapanukso sa kanya dati eh wala naman syang kaibigan? Ngali-ngali tuloy nyang dumaan sa backdoor ng kubo kaso hinawakan sya nina Lei at Eula sa tigkabila nyang braso.
So she was forced to walk through the front door.
At talagang hindi umalis yung grupo nina Pierre hanggat hindi sila nakakadaan.
Tinutukso naman ito ng sariling grupo nito. Bahagya silang nagkatinginan. Unable to say anything, ngumiti na lang ito sa kanya. She shyly looked away saka niya binilisan ang lakad.
"Yeeee best... iniisip mo pa rin si Pierre no?" Untag ni Eula sa kanya.
"Sino'ng Pierre?" Kunot-noong tanong ni Zelo.
Napatingin sya dito. He was looking at Eula, waiting for an answer. Parang gusto nyang takpan ang bibig ng kaibigan para hindi nito masabi.
Ewan nya... natatakot kase sya sa magiging reaction nito...
"Yung may crush sa kanya!" Eula said with a giggle.
"Ah..." Sabi lang nito saka ito bumalik sa upuan.
....or lack thereof
--
Uwian na. Pero ewan ba nya. Parang nawalan sya ng gana. Pano kase, she couldn't erase his reaction off her mind. Yun na yun? She was kinda expecting more.
Hindi man lang ito nagselos.
"Bilisan mo ngang maglakad!" Biglang bulyaw nito na ikinagulat niya. She quickened her pace para makasabay dito but he was still two steps ahead every time.
Nang makarating sila sa bahay ay agad itong nagbihis at saka nagdikit ng apoy. Mukhang wala si Manang Pacing. Baka sinusundo nito si Meera sa kung saan. Gala kase ang batang yun kaya kung saan saan nakakarating.
She tried helping him sa pamamagitan ng paglilinis ng kalderong pagsasaingan pero inagaw nito iyon sa kanya at ito na mismo ang naglinis.
"Galit ka ba?" Tanong nya rito.
"Hindi." He replied coldly.
"Eh bakit ganyan ka?"
"Ganito talaga 'ko."
Silence.
Pagkahugas ng bigas ay isinalang na ni Zelo ang kaldero sa kalan. Tapos ay lumabas ito para bumili ng maluluto. Pagkabalik ay may dala itong isda at gulay at mukhang magsisigang.
"Can I help?" She asked.
Hindi sya pinansin nito na talaga namang ikinainis nya.
Hindi raw galit. Tss.
"Uy... mamansin ka naman." Untag nya rito.
Patuloy lang ito sa pagkakaliskis ng isda na talagang ipinagtatalsikan nito yung kaliskis sa kanya ng lumayo sya.
But she persisted.
"Zelo..." Ungot nya. "Bakit ka ba kase nagagalit sa 'kin? Ano na namang ginawa ko?"
Napabuntong-hininga ang binata.
"Sino si Pierre?" Maya-maya'y tanong nito.
"Ano... wala lang yun."
"Sigurado ka ha?"
"Oo nga. Bakit b--teka nga... nagseselos ka ba?" Bigla syang napangiti. She never thought na magseselos ito. Tuwang-tuwa tuloy sya sa reaction nito ngayon.
He gave her a dead look.
Lalong lumapad ang ngiti nya. "Nagseselos ka no?" Tudyo niya rito.
Hindi ito sumagot pero masama pa rin ang tingin sa kanya.
"Ano ka ba! Wala lang yun!" She assured him.
"Eh bakit tuwang-tuwa ka dyan?"
"Eh nagseselos ka kase!' Natatawa nyang sabi.
"Tss." Hinugasan nito ang mga isda saka hinati sa tatlo.
"Asan na yung premyo ko?" She inquired.
"Wala."
She pouted. "Andaya! You promised!" Reklamo niya.
"Next time na lang."
"Eeee... nakakainis ka!"
Hinampas-hampas nya ang braso nito.
"I hate you!"
He sighed.
"Naghirap pa naman ako sa pagsasagot ng exams tapos wala lang pala?" Dagdag pa niya.
Bigla itong yumuko at mabilis syang hinalikan sa labi. Sa sobrang bilis... hindi nya halos naramdaman... although she have to admit na nagsasayaw na naman ang malalandi nyang nerve cells.
"Yun lang?" Disappointed nyang tanong.
Napabuntong-hininga na naman ito at tiningnan sya.
"Ano na namang gusto mo?" Tanong nito sa kanya.
"Gusto ko matagal!" She demanded.
Akala nya ay hindi sya pagbibigyan nito at sasabihang nag-iinarte na naman sya. She was actually so surprised ng halikan sya nitong muli. No hands. Just his lips on hers dahil malansa ang kamay nito.
The kiss lingered and it brought her a whole new different level of sensation.
Now, she could properly feel his lips... na ang lambot-lambot.
Ayaw na nyang humiwalay...
It's their first real kiss.
Her first real kiss...
"Sabi ko naman sayong wag kang maglalaro sa tabing ilog di ba? Tingnan mo tuloy ang damit mo! Ang dumi-dumi!"
"Sorry na po. Nadulas po kase ako eh!"
"Kuu--ay kung hindi ka ba naman kase pumupunta doon ay di hindi ka sana dumumi ng ganyan!"
Naghiwalay silang dalawa ng marinig ang boses ng mag-ina.
Zelo went back to what he's doing. Nakita nyang namumula ang pinsgi nito. He looked so cute. Gusto nya tuloy halikan ulit ito.
Which she did. She gave him a peck on the cheek.
Lalo itong namula.
Niyakap niya ito mula sa likod.
"Thank you." She whispered. Saka sya nagtatakbo papunta sa kwarto bago pa man makapasok ang mag-ina sa bahay.
xxxxx
AN: Please guys... napapansin ko lang kase... may mga nagku-comment sa latest chapter na nga LANG tapos wala pang kwenta yung comment. Puro demand ng UD. Tsk. Nakakainis yun ha.
Sa mga nagtatanong.. ayokong gumawa ng compilation. Lalo lang kayong mananahimik. Saka kanya-kanya na lang sigurong sakripisyo yun.
Ayun... COMMENT.
PS. Nasa group ang picture ni Pierre.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro