Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

So love me so I can be myself. Now hate me so things seem normal in my head.


--



Back to regular classes na.

Back to regular days.

Back to being cousins who are simply annoyed of being around each other.

Naupo si Zelo sa gilid ng papag at tinitigan ang dalaga. She was in a fetal position while hugging her pillow. Some said that this particular sleeping position signifies that the person is yearning for something. 

Love, maybe?

--

Ang saya-saya ni Dama... finally! She's getting married! 

"You may now kiss the bride." She heard the priest say.

Her beau held her hand at humarap ito sa kanya. She couldn't see his face clearly. All she knows is that she's so in love with him kahit pa nga naka-clown costume ito na black and white.

Suddenly, her gown changed into a cave woman's costume. She couldn't quite figure out why she would wear such a ridiculous outfit on her own wedding... but it seemed so right.

Her groom lifted up her veil. At saka nito pinisil ng todo ang pisngi nya.

"Gising na!"

Nagulat sya ng naging si Zelo ito na nakasando at shorts lang.

She was so upset that she wanted to slap him with the vase she was holding. It was supposed to be her bouquet but she wanted it on a vase.

"Gising na!"

Dama forced her eyes open. Nakita nya si Zelo na nakatungo sa kanya... still pinching her cheeks. Instantly, that grave feeling she felt on her dream turned into a happy feeling. She breathed out a sigh of relief ng marealize nya na hindi pa pala sya ikakasal... at sa ibang lalaki pa.

She was so happy that it's all a dream kaya niyakap nya agad si Zelo.

Natigilan ang binata.

"B-Bangon na." Sabi na lang nito sa kanya.

"Good morning." She murmured against his chest. He patted her head in reply.

"Tinanghali ka na naman."

"Sorry."

"Bitaw na. Baka makita tayo." Hinawakan ni Zelo ang brasong nakapulupot sa kanya at pilit iyong tinatanggal. Nasa labas lang ang nanay nya and he's scared for them to be found out.

"Saglit lang." Lalo namang humigpit ang yakap ng dalaga.

Makalipas ang limang minuto...

"Tulog ka na yata eh."

"Ang sarap kaseng yumakap sa 'yo." Sagot ng dalaga.

Zelo chuckled. "Adik. Bitaw na. Malilate tayo pareho eh."

Sumunod si Dama.

"Exams na natin bukas no?" Tanong nya sa binata. Tumango ito. "Nakapag-review ka na?"

"Di na kelangan."

Sinimangutan nya ito sa sagot nito. "Yabang."

"Ikaw, nag-aral ka na?" Tanong nito sa kanya.

Umiling sya. "Kokopya na lang ako sa 'yo bukas." Nakagiti niyang sagot.

Zelo scoffed. "Oy di porke't--" He blushed because he can't say the next words. Nahihiya pa rin kase sya. Dama understood--for she too is too shy to say it.

"Anak gising na ba?"  Narinig nilang tanong ni Manang Pacing mula sa labas.

"O-Opo!" Sagot ni Zelo sa ina.

"Hala labas na kayo at ng makakain. Mahuhuli na kayo eh."

"Andyan na po!" He looked at her. "Tara?"

Hinawakan sya nito sa kamay at hinila palabas ng kwarto. When they were out... agad itong bumitaw para hindi makita ng ina.

Bahagya syang nalungkot sa ginawa nito. She was just about to get all giddy inside tapos... wala na. Putol na agad.

Pero wala naman syang magagawa. Ganun talaga...

--

Dama crumpled the paper on her hand with fury. Kasalukuyan silang nagre-review ng barkada ng biglang mapadaan sa malapit nila sina Zelo at Tassie.

Magkahawak-kamay.

Little organ... why am I doing this?

Nakakalungkot lang. Yung kamay na kanina lang ay nakahawak sa kamay nya, sa kamay na ng iba nakahawak.

Yung kanina lang ay nakayakap sa kanya, ngayon nakaakbay na sa iba. Ang masaklap pa, sa girlfriend talaga nito... hindi katulad nya.

Ano nga ba naman sya dito?

Pinsan?


Minsan hindi nya maiwasang mag-isip kung totoo ba yung mg pinagsasabi nito sa kanya. But then again, they don't have a choice. He has to do it....

"Hoy Dama! Nakatanga ka na naman kung saan!" Bulyaw ni Lei sa kanya.

Inis siyang bumaling dito. "Ano ba! Sigaw ng sigaw!"

"Makinig ka kase!" Lei retorted.

"Tss. Oo na!"

She tried concentrating on their group review pero wala talagang pumapasok sa utak nya dahil occupied na ito ng isang tao.

She sighed, knowing all too well that she will never pass the exam tomorrow.

--



Kinagabihan...

"O ano? Kumusta review nyo kanina?" Tanong ni Zelo sa kanya. Kakatapos lang nilang kumain when Manang Pacing took over washing the dishes para makapag-aral silang dalawa.

Dama crinkled her nose. "Walang pumasok sa utak ko."

"Tsk. Ayusin mo. Midterm yun. Di ka pwedeng bumagsak." Paalala nito sa kanya.

"Oo alam ko." She gave him a smile. "Turuan mo 'ko?"

"Ano pa nga ba?"

So they studied. Well... she seemed to be so absorbed on him that she can't actually process what he's saying. Zelo's intelligent. Intelligent enough for her to learn anything that he's teaching him... if only she's listening.

"Mga anak... matutulog na ako ha?" Paalam ni Manang Pacing sa kanila ng bandang mga alas dyes na ng gabi.

"Sige nay, sa kwarto na lang po kayo matulog."

Nanlaki ang mata ni Dama sa sinabi ng binata.

"At ako? San ako tutulog?"

"Di ka matutulog hanggat hindi mo namememorize yan lahat." He pointed at the notes. 

Dama grunted. "But I can't do without sleep!"

"Eh di sagutan mo na yang pinapasagutan ko sa 'yo. Kapag naperfect mo yan, pwede ka ng matulog."

"Ang hirap-hirap kaya ng mga tanong mo!" Reklamo niya.

"Madali lang yan kung nakikinig ka sa lessons." 

Nailing na lamang ang matanda sa pagbabangayan ng dalawa.

Pagkapasok ni Manang Pacing, agad na tinanong ni Dama si Zelo.

"Seryoso? Hindi talaga ako pwedeng matulog?"

"Hindi nga."

"Eeee... mapupuyat ako!" Ungot niya sa binata.

"Natural lang yan sa estudyante." Pagdadahilan naman ng binata.

She grunted again. Then sighed...

"Alam mo ba kung bakit hindi ako maka-concentrate kanina?" Mahina nyang tanong.

Tumango ang binata.

"Sorry... kailangan eh. Hayaan mo... babawi ako sa 'yo." Pagkasabi'y ngumiti ito sa kanya. "May premyo ka sa 'kin kapag nasagot mo yan lahat ng tama."

"Premyo? Ano'ng premyo naman?" Tanong niya rito.

"Basta." Nakangiti pa rin nitong sagot.

Dama decided that whatever it is... sisikapin nya iyong makuha. Galing kay Zelo eh...

--

Time check: 1:08am...

Bangag na si Dama but there are still 5 more questions to be answered. Hanep lang kaseng mag-prepare ng questionnaires si Zelo... talagang paduguan ng ilong ang pagsagot.

Mahigit 200 questions ata ang kailangan nyang sagutan. Four subjects yun na halo-halo. Naloloka na nga sya. Karamihan pa sa mga tanong ay yun talagang hindi nya pinagtuunan ng pansin during discussions.

She almost cheered out loud ng masagutan nya ang pinakahuling tanong. Agad nya iyong ibinigay sa binata para i-check nito.

Dama got fascinated with him. Mukha kase itong articulate and super serious which she found really cute of him. Masyado naman itong napapakunot sa mga sagot nya.

Then he did it.... the first big X.


Na nasundan pa ng marami. She sighed...

Goodbye premyo.

Pero at least naman may tumamang sagot.

"At this rate, di ka talaga papasa bukas." Naiiling nitong sabi pagkatapos nitong i-check yung mga sagot nya.

Napasimangot sya. "Ganyan ba kahihirap ang mga tanong?"

He shrugged. "Ewan. Tulog na tayo?" Nagsimula itong mag-impis ng mga nakakalat na notebook sa nakalatag na banig. Ang pang-mahirap na coffee table ay nasa gilid to give way sa pang-mahirap na panlatag na syang hinihigaan ng mag-ina sa tuwing matutulog.

"Dito ka na lang." Tumayo si Zelo at ipinaglagay sya ng tatlong unan sa banig. Nagtira lamang ito ng isa para sa sarili.

"Di ba pwedeng dito ka na lang? Ang lawak-lawak oh." She pointed out.

Ginulo nito ang buhok nya. "Di pwede. Magagalit si nanay."

Dama pouted. 

"Good night." 

Nahiga sya at saka binalot ng manipis na kumot ang sarili.

"Teka... bangon ka muna." Sabi ni Zelo.

She sat up. "Bakit?"

Instead of answering, kinabig ni Zelo ang dalaga and gave her a peck.. on the lips.

"Para sa effort mo." Nahihiya nitong sabi. "Good night."

Agad ay nahiga ito sa mahabang upuan at tumalikod sa kanya.

Tinakpan ni Dama ang bibig to stop her squeal. Sobrang lapad ng ngiti nya. Ayaw ng matanggal!

Little orgaaaaaan! For God's sake, stop palpitating! Oo na! Alam kong nakakakilig pero baka naman hindi ako makatulog sa ingay mo.

She couldn't stop smiling. Nakahiga na sya't lahat... at tumalikod pa nga sa binata pero hindi talaga mawala-wala ang ngiti nya.

He kissed me! Ohmygosh... I wanna die! But not now... Hahaha! Ang gulo ko!

That night, she slept with the most genuine and happy smile plastered on her face.

xxxxx

Hindi na ako hihingi ng pasensya kung matagal ang UD kase oras ko naman ang sinasayang ko sa paggagawa ng kwentong 'to.

Ayun... sa mga hihingi agad ng UD... pakisapak na lang ang sarili nyo ha? ^^

COMMENT!--yung may kwenta. Salamat. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro