Chapter 20
Let's pretend I give a shit and leave it at that.
--
Give me love like her,
'cause lately I've been waking up alone
Last minute na ng sumali si Dama sa tryouts. Badminton ang sport nya. Wala lang. She badly needs a distraction right now at ayaw naman nyang manghila na naman ng kung sino for that purpose. Nadala na sya.
Wala pa rin silang imikan ni Zelo. They were civil yeah... to the point of abnormality. As in... kung pwede lang na lagyan ng hatian sa bahay para hindi sila magkita, nagawa na nila.
Maagang gigising si Zelo. Magpapatanghali naman sya. Maaga syang darating at kakain agad... magpapalate naman ng uwi ang binata.
It was so obvious that they are avoiding each other sa hindi malamang kadahilanan ng mga tao sa paligid nila.
Kaya sumali sya sa laro during Intrams... hoping that it would somehow divert her attention. Well, it was kinda working naman. Until nung mismong laban na niya. Hanap-hanap ng mata nya si Zelo sa mga manunuod.
Kung manunuod man ito, siguradong hindi sya matatalo. Inspired eh.
Pero asa pa naman sya. Kasabay ng laro niya yung laro ni Tassie for volleyball girls. Saklap. Kaya kahit anong gawin nyang pagpupursigi, nalalampaso sya ng kalaban. Hindi sapat ang suporta ng barkada kung yung taong gustong-gusto naman nyang maimpress ay kasalukuyang sumusuporta sa taong gusto nito.
Sobrang saklap lang talaga.
Kaya hindi na sya nagtaka ng natalo sya. Wala eh... hindi sya mamotivate lumaban. Bakit ka pa lalaban kung yung tao namang ipinaglalaban mo ay nasa panig ng kalaban mo? Di ba? Senseless.
"Sayang best! Konting-konti na lang mananalo ka na eh!" Salubong sa kanya ni Eula. At talagang pinanindigan nito ang pag-angkin sa kanya bilang best friend.
Ngumiti na lang sya dito. "Oo nga eh. Sayang."
"Okay lang yan. Di lang naman ikaw ang malas eh. Talo din sina Tassie."
Nagulat sya sa balita ni Lei. "Ha? Talo sila?"
"Hindi. Panalo. Kaya nga talo eh, di ba? Paulit-ulit?" Pambabara sa kanya ni Lei.
Inirapan nya ito at si Eula ang tinanong. "Talo sila?"
"Ay hindi! Kaya talo eh... panalo!" Tumawa ito. "Joke lang best. Oo. Talo sila."
"Bakit?"
"Puro sablay ang tira ni Tassie."
Kumunot ang noo nya. Hindi yata nya maimagine na sasablay ito. Hindi man ito professional player, may potential naman ito sa paglalaro ng volleyball. Dagdag pa na motivated ito dahil nandun si Zelo para manuod at sumuporta.
"Sablay?"
"Distracted kase." Nakangusong sagot ni Eli.
"Distracted?" Taka nyang tanong.
"Kahahanap kay Zelo."
"Ha?" Lalo na syang nalito.
"Eh kase naman, Ikaw ang sinuportahan ng pinsan mo. Mahal na mahal ka talaga nun ano? Kahit magka-away kayo, pinanuod ka pa rin nya."
Agad na hinanap ng mata ni Dama ang lalaki.
"Wala na. Nakaalis na."
Little organ, pinanuod nya 'ko! Arrrgh! Bakit kase nagpatalo ako?!
"Kanina pa ba sya nanunuod?"
Tumango si Keeme. "Nandun sya kanina oh." Itinuro nito ang bleachers sa pinakang-sulok ng gym.
"As in?!" Bakit hindi man lang nya ito nakita? May pagka-cameleon ba ito at bigla na lang nag-blend sa surroundings nito o sadyang magaling lang itong magtago?
Bakit ayaw nitong ipaalam sa kanya na nanunuod ito ng laro nya?
--
Give a little time to me or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
All I want is the taste that your lips allow,
My, my, my, my, oh give me love
Agad na hinanap ni Dama ang pinsan... who turns out to have gone home already. Hinahanap din yata ito ni Tassie kaya umuwi na ito. Hindi na talaga nya masundan ang takbo ng utak ni Zelo. And she's thinking that the only way to understand him is by confronting him.
Bahala na lahat ng super heroes.
She needs to know the real score between them... dahil mababaliw na sya kakaisip. It's like one minute, he likes her. Then he'd turn to be outright cold the next minute.
Di na sya halos makatulog kakaisip.
If he doesn't like her the way she likes him, wala na talaga syang magagawa. But at least she knows. Hindi yung kagaya ngayon... hindi nya alam kung saan sya lulugar.
Nadatnan nya ang pinsan na nagmemerienda sa kusina. Ito lang ang tao sa bahay. Naaasar na rin sya sa mga kasama nila sa bahay at para bang nananadya talagang umalis para sila lang dalawa ang matira.
Agad na tumigil sa pagkain si Zelo pagkakita sa kanya.
Little organ, 'wag kang maingay ha? Baka matameme ako kapag nag-ingay ka. Sige ka....
Naupo sya sa katapat ng binata at ipinatong ang mga gamit nya sa lamesa. She saw his gaze shift left.
"Ano..." Panimula niya.
Dahan-dahang itinulak ni Zelo palapit sa kanya ang plato ng otso na kinakain nito. Yun yung malagkit na kakanin na may tinunaw na asukal sa ibabaw at hugis 8... kaya otso.
"Merienda." He offered.
"Salamat." Kumuha siya ng isa saka kumagat. Sa sobrang lagkit nung asukal, parang na-glue together yung mga ngipin nya. Hindi na tuloy sya nakapagsalita.
Zelo saw that as an opportunity. Tumayo ito at balak sanang umalis. Buti na lang at napigilan nya ito.
"Uy teka!"
Pinaupo nya itong muli sa upuan katapat nya. Napabuntong-hininga ito saka sumunod.
"Matutulog ako." Sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya. "May sasabihin ka?"
"Ano... thank you. Nanuod ka pala ng laban ko kanina."
"Oo nga eh. Talo ka." He said, tried to sound mean but failed.
"Sorry..." Lungkot na sabi ng dalaga.
"Okay lang." He replied, not really knowing why she's saying sorry.
Silence followed.
"Bakit di mo pinanuod si Tassie? Natalo tuloy sila." Gusto nyang kagatin ang dila sa tinanong nya. Bakit ba nangingialam pa sya sa gusto ng pinsan? But she really needs to know.
"Hindi naman factor ang presensya ko sa pagkatalo nyo ah?" Sagot nito, still not looking at her.
"Kung nandun ka baka nanalo sila kase gagalingan nya." That's what I was supposed to do, had I known earlier na nanunuod ka.
"Hindi naman ako basehan ng pagkapanalo o pagkatalo nila."
"She was looking for you kaya nadistract sya."
"Hindi ko na kasalanan yun."
More silence followed. Ramdam na ni Dama ang sobrang kaba, yung parang sasabog na naman ang little organ niya.
"Mahal mo ba talaga si Tassie?"
Tumayo ang binata. "Tulog na 'ko."
Dali-daling tumayo si Dama para sundan ang pinsan. Isasara na sana nito ang pintuan ng kwarto ng harangin nya iyon ng kamay nya. Ayun tuloy... naipit.
She yelped in pain.
"Tss." Inis syang hinila nito papasok ng kwarto. He opened the lights then examined her hand. Naiiyak na sya sa sakit ng kamay. Feeling nya durog na durog na ang mga buto nito kagaya ng pagkadurog ng puso nya.
But of course, she's just exaggerating.
"Masakit?" Tanong nito sa kanya.
She sniffed. "Try mo kayang magpataklab ng pinto sa kamay?" Mataray nyang sagot dito.
Ginulo nito ang buhok nya. "Okay lang yan. Malayo pa sa puso..." His voice trailed off by itself. Natahimik silang pareho. Wala mang nagsasalita, alam na ng isa't isa ang gusto nilang sabihin.
"Bakit kase magmumura ka lang, sa 'kin pa?" Sa wakas ay naitanong ng binata.
"Sorry naman. Sabi ko nga kaya kong pigilan 'to eh." She answered sarcastically.
Zelo sighed. "Binibigyan mo lang ako ng alalahanin eh."
"Sinabi ko ba'ng mag-alala ka? So what if I like you? It's not as if I'm asking you to like me back!"
"Yun na nga ang problema eh."
Natigilan sya sa sagot nito.
"A-Ano?"
For the first time in DAYS, sa wakas ay tumingin na rin ito ng deretso sa kanya. But contrary yet again to what she was hoping and praying to God above...
"Di kita gusto. Asa ka."
And just like that, her tear ducts finally decided to let go.
"S-Sorry..." Nagpahid sya ng luha. "Ang sakit kase ng kamay ko." Pagsisinungaling nya. Hindi naman iyon nakaligtas kay Zelo.
Kinabig nya ang dalaga at niyakap.
Then he kissed the top of her head.
"Mahal kase kita."
xxxxxx
AN: Gets ko na yung sinasabi nyong POV ni Zelo. Haha... sige, baka next chapter... insight nya naman. He needs to give a bunch of explanations about this one. Haha...
Sana magustuhan nyo and UD kahit maiksi. I'll be gone for the whole weekend. Baka makapag-OL ako ng Sunday... but I highly doubt it. Sure ang Monday.
Ayun... COMMENTS? ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro