Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Stress is caused by giving a fuck.

--

Clad in a designer dress, a mean look and vengence, Dama went to school in a sour mood. Lahat ng madaanan nyang estudyante ay kung hindi man nagbubulungan--ngingitian sya at babatiin ng belated  happy birthday--much to her disgust.

She raised her right hand and automatically, nilapitan sya ng katulong na kasa-kasama nya sa school. And yes--she have maids with her at school. Three to be exact. May bodyguards din sya na nakabuntot sa kanya saan man sya magpunta.

Why would she need those kung sa attitude pa lang nya ay wala ng makalapit sa kanya? Simple lang... she needs to remind other people that she is rich. By having these servants around her who'd do things at her will demostrates the power that not everybody in their school have.

Namataan nya ang isang nerd na taga-gawa nya ng assignment. Sinenyasan nya ito para lumapit sa kanya.

"Nerd... yung assignment ko?"

The nerd scrambled her bag para sa bagay na hiningi nya. Pagkakuha doon ay agad nitong iniabot kay Dama ang papel na naglalaman ng 4 pages ng essay na ipina-assignment sa kanila last week ng teacher nila sa English.

"Telma, basahin mo." Iniabot ni Dama ang papel sa katulong na nagngangalang Telma. Si Telma ay estudyante rin sa school nila--scholar ito ng parents nya.

"What can you say about it?" She asked makalipas ang ilang minuto.

"Miss, hindi ko pa po tapos basahin." Nag-aalangang sagot ng katulong.

"Ba yan! Bilisan mo kaseng magbasa!"

"O-Opo!"

Tumingin si Dama sa nerd na kaharap.

"Nasan yung sa 'yo?"

Agad iniabot ng nerd ang sarili nitong assignment kay Dama. Iniabot naman iyon ni Dama kay Maring--hindi na ito nag-aaral pero magaling ito sa English. Tumigil kase ito para mangatulong dahil walang pera.

Bakit hindi sya scholar? Kase ayaw nyang pumasok sa school ng mayayaman.. eh dun lang yung scholarship na offered ng parents ni Dama. It's like shooting two birds with one stone. Para may katulong si Dama sa school... at may tutor naman sya pag-uwi sa bahay.

Eh ayaw ni Maring ng ganoong setup. In her defense, sino ba naman ang gugustuhing palaging kasama si Dama--be it at school or at home?

"Pancho, ikuha mo ako ng upuan, nangangalay ako." Utos nya sa isang bodyguard. Agad naman  itong pumasok sa isang classroom at nanghiram ng upuan.

Naupo doon si Dama at pinanuod ang mga katulong na nagbabasa. Inorasan nya silang dalawa. Makalipas ang sampung minuto, she ordered them to exhange papers.

Nang matapos ang dalawa, tinanong niya ang mga ito.

"So... which is better?"

Parehas na itinuro ng dalawa ang assignment ni nerd. Dama looked at the nerd and smiled. Saka nya hinablot ang papel na itatago na sana ng nerd. 

"I'll take this."

"P-Pero... pinagpuyatan ko yan Miss!"

"Pakialam ko?" She answered. Tumayo sya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa building nila. Sa daan, sinalubong sya ng nanggagalaiting si Reema na may bangas pa sa mukha. Sinugod sya nito pero agad naman itong naharang ng mga guard nya.

"You bitch! Look what you did to my face!"

Pinagtaasan nya ito ng kilay. "O? May nabago ba?"

Nagwala ito. "Let me go!" Reema ordered the guard. She looked at Dama with spite. "I'll rip your face apart ng magtugma naman yang mukha mo sa ugali mo, you monster!"

"Aww... masyado ka naman yatang hot-headed? Why don't you cool it off?" She smiled and motioned at the bodyguard. "Throw her at the fountain."

"Po?" Gulat na tanong nito.

"Gagawin mo ba o sisisantehin kita?"

Nag-aalangang binuhat ng bodyguard nya ang kawawang si Reema at dinala sa malaking fountain na nasa may bungad ng school. She saw him mouth sorry to her saka nya ito ibinagsak sa fountain.

Marami ang nagulat. Marami rin ang natawa. 

"REEMA!"

Dama rolled her eyes when Reema's knight in shining armor came to her rescue. Walang atubili itong lumublob sa fountain para tulungan ang girlfriend na makaahon.

Lalong nainis si Dama sa nakita. She fished out her phone saka nagpipindot.

"Hello?"

"Mr. Lexington, cancel all the classes today." She said to the administrator.

"What? Why?"

"Ayokong makita ang pagmumukha ng mga estudyante ngayon."

"Won't it be easier kung ikaw na lang ang aabsent Miss Dama?"

"You know what would be easier than that? Pulling out our shares at your school. Would you like that?"

She heard a sigh on the other end.

"I'm sorry but I really can't do that."

"WALA KANG KWENTA!" Sigaw nya sa cellphone sabay bato nito sa sahig. Tiningnan nya ng masama ang mga katulong. "Ano? Hindi nyo yun pupulutin? Aantayin nyo pang maglakad yung cellphone ko pabalik sa 'kin?"

Nagmadali ang mga katulong sa pagpulot ng cellphone niya. Iniabot nila iyon sa kanya pagkapulot. Dama grimaced when she saw the scratch on the phone's surface.

"Call Mang Erning. Ipahanda ang sasakyan." Utos nya kay Maring.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong nito sa kanya.

"Bibili ako ng bagong cellphone." Sagot niya dito.

"Pero Miss... ayos pa po 'to ah?" Takang-tanong nito sa kanya. 

"Ayoko na nyan. Lumapat na yan sa lupa."

"Eh Miss... sayang naman po ito. Ang mahal mahal pa naman po ng iPhone..."

Tiningnan nya ito ng masama. "Sa katulad mong mahirap--mahal yan. Sa katulad kong mayaman--barya lang ang halaga nyan. Wala akong pakialam kung nanghihinayang ka dyan... dahil ako hindi!" Kinuha ni Dama ang cellphone mula sa kamay ni Maring at ibinato iyon sa basurahan.

Tapos ay dumukot ito sa bag at kinuha ang isa pang cellphone.

"Hello lolo?"

"Apo! Napatawag ka?"

"Gusto kong mag-shopping... libre ba yung jet?"

"Uh--oo naman. Bakit? Saan mo ba balak mag-shopping?"

"Sa New York. Bibili ako ng cellphone."

"O bakit? Eh ano 'tong ginagamit mo? Hindi ba 'to cellphone?"

"Itatapon ko na rin 'to after this call."

"Apo..."

"Lolo please... masamang-masama ang loob ko ngayon. I need to vent out this anger."

"Magagalit na naman ang mommy mo."

"She doesn't need to know naman eh. It will be our secret, okay?"

"Hindi ba't may klase ka pa?"

"Tinatamad akong pumasok. Please lolo?"

She heard the old man sigh on the other end.

"Apo, maybe next--"

"Lo! It's your turn na!"

 Dama gripped the phone tightly when she heard her brother's voice.

"Lo! Is Dyma there with you?"

"Ah oo... naglalaro kami ng chess. Magaling din 'to ha! Manang-mana sa 'yo!" Bakas sa boses ng lolo nya ang tuwa kaya naman hindi nya mapigilang lumabas ang inis sa kapatid.

 Inagaw na nito lahat ng atensiyon na dati ay sa kanya.

First, it was her mom.

Then her dad followed...

Pati mga katulong at kasambahay at ilan nilang kamag-anak... pati ang mga lolo't lola niya... lahat ay pabor sa kapatid nya.

And now... even her great-grandfather is favoring Dyma. Samantalang dati ay sya ang spoiled na spoiled dito. Palibhasa kase, unang apo sa tuhod na lalaki si Dylan Marco kaya naman tuwang-tuwa ang lolo nya rito.

Idagdag pa na saksakan ng bait at galang ng kapatid nya kaya maraming matatanda ang natutuwa rito. Opposites nga daw silang talaga dahil kung anong bait ng kapatid nya--sya namang ikinasama ng ugali nya.

Sa inis niya ay naibato nya ulit ang hawak na cellphone. Agad naman itong pinulot ni Aling Carla, isa pang katulong, at nagmamadaling iniabot iyon sa kanya.

"Sinabi ko bang pulutin mo?" 

"A-Akala ko po kase--" Biglang nalito ang katulong sa sinabi nya.

Kinuha ni Dama ang cellphone mula sa katulong at ibinato iyon ng malakas. Nagkalasog-lasog ang kawawang cellphone.

"Ano ba yan! Lahat na lang ba ng tao sa paligid ko, kung hindi tanga--bobo? Mga wala kayong kwenta!" Nagsimula syang maglakad palabas ng school. Hindi pa man sya nakalalayo ay napalubog ang takong ng sapatos niya sa lubak ng daan. Nabali tuloy ito at muntikan na syang ma-off balance.

She glared at the girl nearest to her ng hindi nito napigilan ang tumawa.

"May nakakatawa?" Mataray nyang tanong dito. Agad tumigil sa pagtawa ang dalaga at umiling. Hinubad naman ni Dama ang sapatos--making the girl cringe dahil akala nito ay ibabato nya ito sa babae.

"Take off your shoes." She ordered the girl.

"Why?" Mahinang tanong nito sa kanya.

"Tatry kong ipamaypay kase ang init. May utak ka ba? Malamang para isuot ko!"

"Ano'ng gagamitin ko?"

"Bakit ko poproblemahin ang bagay na dapat ay pinoproblema mo? Ano--huhubarin mo ba yang sapatos mo o paglalanguyin din kita sa fountain?"

Walang nagawa ang dalaga kundi tanggalin ang sapatos. Dama removed hers saka ito ibinato kung saan tapos ay saka nya isinuot ang sapatos na mula sa babae.

"Name mo?" Tanong nya dito.

"Angel."

"Di bagay sa mukha mo." She pointed out saka nya nilayasan ang kawawang babae na walang nagawa kundi isuot yung itinapon nyang sapatos.

--

Hindi na natuloy ang balak na pagsa-shopping ni Dama kaya naman bugnot na bugnot sya ng makauwi sa bahay, Add the fact na wala na syang cellphone dahil itinapon nya pareho. Tapos nakapagsuot pa sya ng cheap na sapatos ng wala sa oras.

Kanina pa nga nangangati ang paa nya kaya naman, pagka-dating-dating pa lang nya sa bahay ay agad nyang hinubad ang sapatos at ipinatapon iyon sa katulong--na hindi naman talaga itinapon at itinago lang.

"Miss, ipinatatawag po kayo ng mama ninyo sa taas."

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam eh."

"Itanong mo muna saka ka bumalik dito."

"O-Opo."

Agad na umalis ang katulong sa harapan nya at nagmadali sa pag-akyat.

"Ay tanga... sumunod naman agad." Naiiling nyang sabi sa sarili.

--

Kasalukuyang kumakain si Dama ng inihandang merienda--cupcakes from Cupcakes by Sonja--ng  makababa ang katulong.

"Miss, hindi po sinabi kung bakit eh."

"Ganun?" Kumagat sya sa isang cupcake. "Eh di sabihin mo sya ang bumaba."

"Po? Eh..." Napakamot ang katulong. "Magagalit po ang mommy nyo."

"So okay lang sa 'yo kung ako ang magagalit?"

"Hindi naman po Miss... pakiusap po... umakyat na po kayo..."

Ibinagsak ni Dama ang kinakain. "Inuutusan mo 'ko?"

"Hindi po Miss. Nakikiusap lang po ako sa inyo. Masama pong magalit ang mommy nyo." Halos nagmamakaawang sabi ng katulong. Fresh pa rin sa alaala ng lahat ng kasambahay ang ginawa noon ni Megan sa hapag-kainan.

Akala talaga ng mga katulong, magsasaksakan na ang mag-ina nung gabing yun. 

"Masama rin akong magalit." Sagot ni Dama dto.

"Miss--"

Binato nya ng cupcake ang katulong sa mukha.

"Umalis ka na nga! Wala kang kwenta!"

"Dama!"

Halos mapatalon sa gulat si Dama ng marinig ang malakas na boses ng daddy nya.

"Dad!"

"Kanina ka pa tinatawag ng mommy mo ah?"

"Bakit hindi na lang sya ang bumaba dad? Sya naman ang may kailangan eh."

Naupo si Dani sa tabi ng anak.

"Sweetie, you're really getting into her nerves. Masama yan... hindi ka ba natatakot sa mommy mo?"

Dama looked at her father. "Bakit ikaw dad? Why are you so scared of her?"

Tumawa si Dani. "Me? Nah--I'm not scared of her. I'm in love with her."

Muntik ng masuka si Dama sa sagot ng daddy nya. LOVE? It doesn't even exists in her world. Wala sa bokabularyo nya ang salitang pagmamahal. She loves only herself. It's a necessity.

Ramdam naman nyang walang nagmamahal sa kanya. Everybody's scared of her. Her mom hates her. Her father--well... he's neutral.

Pero kung magkakaalaman na din lang, kung sakali mang mag-end of the world at isang tao lang ang pwedeng iligtas--for sure walang magliligtas sa kanya.

She knew it all along... alam nyang hindi sya ang first choice ng mga tao sa paligid nya. That is why she needs to stay strong for herself... dahil walang ibang gagawa noon kundi sya.

"DANIELLE MARIE DIRHAM, IF YOU DON'T COME UP HERE IMMEDIATELY, IPAPASUNOG KO LAHAT NG PABORITO MONG DAMIT! ISA!"

Dama cursed mentally.

"DALAWA!"

"Fine! I'm already walking!" Sigaw nya sa ina na nakadungaw mula sa puno ng hagdanan.

Padabog syang umakyat sa second floor.

Sinalubong sya ng nakapamay-awang na ina.

"What do you want?" Iritado nyang tanong dito.

"Pack your things."

"WHAT?!"

"You're leaving."


xxxx

AN: I said I'd make an update when TFRB ended but here I am again... posting the second chapter. Haha... Eh kase naman po... natutuwa ako. Ewan ko. Natutuwa ako. I'm feeling bitchy today so I made an update. Sana naman po mag-comment kayo ha? Wag lang puro vote, hindi ko naman po nababasa yung votes eh. Ano ba namang effort dun? Isang click lang... eh yung comments... mag-iisip ka pa ng sasabihin mo, di ba?

Saka weakness ko ang magagandang comments. Kita nyo naman... nakapag-post ulit ako.. di ba? ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro