Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

I wasn't born with enough middle fingers to let you know what I think.

--


Sana pala hindi ko na lang sinabi...



Sising-sisi si Dama sa nangyari earlier today. Nagsisisi sya na nagpadala sya agad sa emosyon niya. Nakakapagsisi rin na sinabi nyang gusto nya ang pinsan knowing all too well na hindi naman sya gusto nito.

Ano pa nga ba'ng magagawa nya? Nasabi nya na eh. And she promised herself that she will accept whatever consequence--should there be any.

At ayun nga, todo iwas sa kanya si Zelo.

Kanina sa hapag kainan, hindi na ito nag-almusal at umalis na lang, saying na kelangan nyang sunduin ng maaga si Tassie.

Sa school, palagi itong nakahiwalay sa kanilang magbabarkada.

Akala nga ng mga kaibigan nila ay magkaaway ang magpinsan. It's a good thing they didn't know any better.

Tryouts noon ng department nila for the Intramurals. Malapit na rin kase itong maganap at kailangan nila ng mga manlalaro para sa college nila.

Lakwatsa mode ang mga estudyante sa department nila dahil busy ang mga teacher sa pag-aasikaso ng tryouts at practice. 

Silang magbabarkada--minus Zelo--ay nakatambay sa ilalim ng punong mangga na malapit sa volleyball court. Si Eula ang pumili ng pwesto na yun. Syempre pa, para malapit sya kay number 5. Sa may di kalayuan, nakatambay si Zelo kasama si Tassie at ang mga kabarkada nito. They were laughing about something she said while Zelo was quietly resigned on one corner.

Pasulyap-sulyap lang sa kanya si Dama. Tutal din naman, hanggang tingin lang sya sa lalaki, might as well na sulitin.

Hala sige, titigan hanggang matunaw.

At dahil sa pinsan sya nakatingin, hindi nya napansin ang bola na papunta sa dereksyon nya. Tumama iyon sa bandang kanan ng ulo nya at kamuntikan na syang matumba.

"Dama! Okay ka lang?!" Eula asked in frantic.

Napahawak siya sa ulo nya. "Aray ko..."

"Miss sorry! Okay ka lang ba?"

Bibigyan sana nya ng pagkataray-taray na linya ang nagtanong ng mapansin nyang parang nanigas sa kinatatayuan ang kaibigang si Eula.

Kaya pala... si number 5 ang nakatama sa kanya.

"Okay lang..." Mahinahon nyang sagot dito. "Pero itong kaibigan ko hindi." Tinuro nya si Eula.

Tumingin dito si number 5.

"Ha?" Litong tanong nito.

Dama grinned at Eula, na nagsimula ng mamula ang pisngi. "Sya yata ang tinamaan eh."

Halos himatayin si Eula ng hawakan ni number 5 ang ulo nito para i-check kung tinamaan din ba ito. When he was sure na walang tama si Eula, nag-sorry itong muli kay Dama at saka niretrieve ang bola at bumalik sa court.

Gigil na napahawak si Eula sa braso ni Dama at nagpipigil ng kilig.

"Best friend na kita mula ngayon!" Kilig na kilig nitong sabi.

Tumawa na lang at dalaga at hindi sinasadyang (o hindi nga ba?) napatinging muli sa gawi ng pinsan.

Her heart almost jumped out her chest ng mapansing nakatingin din ito sa kanya. But when he saw na nakatingin sya rito, he quickly averted his gaze and looked at Tassie instead.

Hindi pa nakuntento ang binata, kinabig nito sa balikat si Tassie at hinalikan ito sa pisngi. Halos maihi sa kilig ang mga kasama nito habang si Tassie naman ay ngingiti-ngiti lang.

Napahawak si Dama sa dibdib ng makaramdam ng pamilyar na sakit.

Ayan... tanga ka kase little organ. Magdusa ka ngayon.

--

Ilang araw na ang lumilipas since that fateful dawn when she decided to reveal her feelings for him. Eto sya ngayon, NGANGA pa rin.

Lalong naging malayo ang loob ng lalaki sa kanya. Ramdam din nina Meera at Manang Pacing yung tension sa pagitan nilang dalawa pero hindi na lang sila nagtatanong. Akala talaga ng lahat ng tao sa paligid nila, magkaaway silang dalawa.

Sa totoo lang, mas gugustuhin pa nga nyang magkaaway na lang ulit sila kesa ganito...

Walang imikan.

Ilangan.

Iwasan.

"Ate... kuya... himala yata. Bakit hindi kayo nag-aaway?" Tanong sa kanila ni Meera isang araw. Nanananghalian sila noon.

Hindi sumagot si Dama, bagkus ay nagpaka-busy na lang sya sa pagtatanggal ng laman ng alimango from its shell. Padala daw iyon ng tita Angel nya. Alam kase nitong mahilig sya sa sea food.

Namimiss nya tuloy ang mga katulong niya. May tagakuha kase sya ng laman ng alimango. Pagdating sa kanya ng pinggan niya, laman na lang at kakain na.

Di tulad ngayon... self-service.

"Tss." Pasalampak nyang ibinalik sa plato ang alimango na hindi nya makuha-kuha ang laman. Naiinis na kase sya, Bukod sa hindi na nga sya pinapansin ng pinsan ay ginugutom syang lalo sa ulam nila.

Ayaw naman nyang kainin yung kalabasa na kasama sa ulam dahil hindi sya nakain ng kalabasa... or any other vegetable for that matter. Kapag sapilitan lang.

Bahagya syang nagulat ng kunin ni Zelo yung alimango mula sa pinggan niya. Hinimay nito iyon at halos pasalong ibinalik ang laman sa pinggan niya.

Hindi naman ito tumitingin sa kanya. 

"Thanks." Mahina nyang sabi.

Nagkatinginan na lamang ang mag-ina.

--

Linggo.

Tinanghali na naman ng gising si Dama. Pero sinasadya na yata talaga yun para hindi makasama sa pagsimba. Alam nya kaseng kapag sumama sya ay makikita lang nya si Tassie... na kasama palagi nina Meera, Zelo at Manang Pacing sa pagsimba.

And besides, it's not as if katanggap-tanggap ang presensya niya sa simbahan.

Nagulat sya ng paglabas nya ng kwarto ay naabutan pa nyang natutulog ang pinsan sa pangmahirap nilang upuan.

Aba himala yata? Walang date?


Mukhang puyat na puyat ito. 

Ayan little organ, magsawa ka na sa tingin habang tulog pa sya.

Nakasandal lang si Dama sa haligi ng pinto ng kwarrto niya habang pinapanuod matulog ang pinsan. Mukhang problemadong-problemado ito. Hindi nya lang alam kung dahil pa sa sinabi niya a few days ago.

Was he that bothered? If so, then what would that mean?

Is being bothered enough for him to reciprocate whatever it is she's feeling for him?

Naputol ang pagmumuni-muni ng dalaga ng makitang umilaw ang pangmahirap na phone ni Zelo.  She'd bet anything na si Tassie ang tumatawag.

And she was right.

Mabuti na lang at nakasilent ang phone ni Zelo kaya hindi ito nagigising sa tawag.

Nilapitan niya iyon at kinuha.

Wow... 15 missed calls? Clingy much? 

She answered the call.

"Hello."

"Dama?"

"Natutulog pa sya eh." Sabi niya rito kahit hindi pa man nito naitatanong kung nasaan ang binata.

"Ganun ba? Kaya pala hindi sya sumasagot." 

"May kailangan ka ba?" She asked curtly.

She heard Tassie sigh exasperatedly.

"Alam mo ba kung ano'ng problema ng pinsan mo? Ilang araw nya na kase akong hindi kinakausap eh. Ewan ko ba... ang cold cold nya sa 'kin Dama!"

Napataas ang kilay nya.

Cold?

She remembered that day ng bigla na lang hinalikan ni Zelo si Tassie sa harap ng barkada nito. At talagang ipinakita pa nito iyon sa kaya as if to say na hindi sya kundi si Tassie ang gusto nito.

Yun ba ang cold? Eh ano pala 'tong nararanasan ko ngayon... hypothermia? 

"Dama... pwede bang makahingi ng pabor?"

"Sure." Wala sa sarili nyang sagot.

"Pwede bang... kausapin mo si Zelo? Pilitin mo syang magkwento. Hindi ko na kase alam ang gagawin ko eh.... parang ang layo-layo nya."

"Sige."

"Thank you! Sabi na nga ba't maaasahan ka eh!"

"Susubukan ko lang." Wag kang masyadong umasa dyan. Ako nga hindi din kinakausap eh.

She ended the call saka sya nagpunta sa banyo para maghulamos. Naghagilap na rin sya ng makakain after. Pandesal lang. Saklap.

Samantalang sa mansion, buffet kung buffet ang breakfast nila. Palaging hindi bababa sa limang putahe ang nakahain. Dito... swerte na kapag dalawa ang ulam sa hapag-kainan.

Kasalukuyan syang nagtitimpla ng kape ng maramdaman nyang may tao na malapit sa kanya.

Nilingon nya ang pinsan na nagpupungas pa.

"Good morning." Bati nya rito.

Tumango lang ito bilang sagot.

"Gusto mo ng kape?"

Umiling ito.

"Tinapay?" Inihaya nya rito ang hawak nyang pandesal. Hindi naman sya pinansin ng lalaki bagkus ay nagpunta ito sa banyo para maghilamos.

Pero ipinagtimpla pa rin nya ito ng kape. Wala lang... nagbabaka-sakali lang na maappreciate nito ang effort nya.

Pagkalabas ni Zelo, agad nyang inioffer dito ang kapeng tinimpla nya. Agad naman iyong kinuha ng binata at ininom na para bang malamig na tubig iyon imbes na kape.

"Dahan-dahan! Mainit yan..."

Pagkaubos ni Zelo ng kape ay agad naman nitong sinalinan ng tubig galing sa pitsel ang baso at madalian din iyong ininom.

Nakangiwi ito so she knew already na masakit ang lalamunan nito from the liquid. Aba, eh ikaw ba naman ang tumungga ng mainit na kape?

"Napaso ka?" Concerned nyang tanong dito. Bumuntong-hininga lang ang lalaki.

"Nga pala... tumawag si Tassie. Bakit hindi mo na naman sya kinakausap? Nagtatampo na sa 'yo yung tao eh. Ako tuloy ang kinukulit." Tuloy-tuloy nyang sabi.

Hindi pa rin ito sumagot.

"Nag-away ba kayo ha? Alam mo kung may away kayo, ikaw dapat ang nagso-sorry kahit siya ang may kasalanan. Talk to her. Ayusin nyo yan."

Shit Jiminy Cricket... tumahimik ka nga!

He still didn't answer so she continued.

"What's the use of courting her for so long kung hindi mo naman alagaan ang relationship nyo? Do you really love her or are you just blinded by the idea that you're in love with her? Sort things out between you two, will you? Ayokong ako na naman ang pagbuntunan nya ng sama ng--"

Napatigil ang dalaga sa paglilitaniya ng bigla syang hinawakan ni Zelo sa tigkabilang pisngi. Kung pwede lang talagang malaglag yung puso nya sa sobrang kaba, malamang kanina pa ito bumagsak sa sahig.

She was frantic, giddy, kilig, confused and scared all at the same time.

But the kiss didn't come. He simply pressed his hands on her cheeks so hard, namula tuloy ang pisngi ng dalaga.

Agad na bumitaw ang lalaki at lumabas ng bahay, naiwan si Dama sa loob... litong-lito. It feels like he was trying to play games with her. Gulong-gulo na ang utak nya.

Little organ, ano ba talaga? 

--

Sa labas ng bahay...

Mahinang napapalatak ng mura ang binata habang inihihilamos ang kamay sa mukha niya.

Zelo... muntik ka na!

xxxxx

AN: Muntik ng ano Zelo ha? Whahaha... I'm so eggzoited for the next UDs to come. Wala lang... gusto ko kase si Zelo para kay Dama... eh kaso may Pierre pa. Papanindigan ko na lang kase yun yung nakalagay sa trailer. Hahaha...

COMMENTS? Salamat po sa 10K reads and 1K votes. Seriously, natatakot ako sa inyo. Kakapost ko pa lang tas para kayong mga piranha na ang bibilis sumunggab. XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro