Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Just like the alphabet bitch, come before U.

--


Walang pinagsabihan ng nangyari si Dama. It's not because she's traumatized from what had happened. She just have this sick feeling na wala rin namang mababago kapag sinabi nya sa kanila ang nangyari.

Feeling nya magagalit lang sila sa kanya dahil sa katangahan nya. Kasalanan nya naman eh. Kung hindi sya nanghila ng kung sinong lalaki eh hindi mangyayari sa kanya iyon.

Bottom line... sa kanya lang mapupunta ang sisi.

"Uy Dama, di ka na naman sasama pagkain?" Untag sa kanya ni Eula. Lunch na kase. Hindi man lang nya namalayan na tanghali na pala. Kanina pa sya nakatulala... nag-iisip.

Umiling sya sa kaibigan at saka nagpangalumbabang muli.

Kahapon pa nagwo-worry sa kanya ang barkada. She wasn't her usual self. Hindi nya sinalubong ng okray ang pagkasemi-kalbo ni Keeme. Nag-try kase ito ng new hairstyle.

Hindi rin nya pinansin ang pagiging malapit ni Lei sa dati nitong boyfriend.

Wala syang pinapansin sa kanila. Ni hindi nga sya nagsasalita.

"Dama... may problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Eli.

"Wag mong sabihing dinidibdib mo yung pagbi-break nyo ng boyfriend mo?" Singit naman ni Lei.

Dama sighed pero hindi sya sumang-ayon o tumanggi. Nanatili lang syang tahimik. What's the use in talking anyway? Sasabihin lang nila na ang tanga-tanga nya.

She's tired of being reprimanded. Buong buhay nya, palagi na lang syang pinagagalitan. Wala na syang nagawang tama. Sawang-sawa na sya.

And besides, it's not as if they really care about me. Little organ, why am I so alone?



"Dama gusto mong sumama sa mall?"

Napabuntong-hininga syang muli. Bakit ba ang kukulit ng mga kabarkada nya? Bakit hindi na lang sya iwang mag-isa ng mga ito? Tutal sanay na sanay na naman syang nag-iisa.

"Sama ka na." Pamimilit sa kanya ni Eula. "May sale sa Metro. Tingin tayo!" Nakangiti nitong sabi. Muntik ng mapagulong ang mata nya sa narinig. SALE? Pang-mahirap na word. Never pa syang pumunta sa isang SALE. Ni hindi sya nag-aavail ng items na may discount.

Para sa kanya, mahihirap lang ang may karapatang humingi ng discount.

She looked at Eula's eager face and she suddenly remembered number 5--ang crush ni Eula. Sa lahat halos sa barkada nila, ito ang pinakang nakakarelate sa kanya. And besides, ito rin ang pinaka-close nya sa kanila.

"Sige na nga." Sa huli ay sabi nya.

Eula beamed at her. Nilingon naman ni Keeme si Zelo.

"Ikaw Zelo?"

Umiling ang binata. "Next time na lang."

"Maglalunch kayo ni Tass?" Tanong ni Eula.

"Oo eh."

"Ah... okay. Tara Dama?" Aya ni Eula sa kanya. Tumayo sya at sumunod sa mga kaibigan. Paglabas ng school, sumakay sila sa jeep na nakaparada sa may gate. Magkakatabi sila nina Eli at Lei. Sa katapat naman nila halos nakaupo sina Keeme at Eula.

Puno na halos ang jeep ng may sumakay na matabang babae. Schoolmate nila iyon, based on her uniform. Sumiksik ito sa tabi ni Eula.

"Pwedeng pakiusod naman ng konti?" Medyo iritado nitong sabi kay Eula.

Eula tried to move pero wala na eh... siksikan na.

"Pausod naman! Pare-pareho lang naman tayong nagbabayad eh!" Pabulyaw nitong sabi. Nagkakatinginan na ang magkakaibigan.

"Bakit ka kase sumiksik? Alam mo namang hindi ka kasya!"

Nagulat ang lahat at napatingin sa kanya.

"Ano'ng sabi mo?"

Dama rolled her eyes. "Didn't you see the space? Kita mo ng kalahati mo lang ang kasya nagpumilit ka pa rin. You should take your fat ass into consideration, you know."

Napamaang ang mga kasama sa kanya. 

"Manong para!" Sigaw ng matabang babae. The jeep came to an abrupt halt and everybody waited for the girl to unboard.

Tumayo ito at dahan-dahang lumabas ng jeep... dragging Dama by the hair on her way out. Halos magkagulo ang lahat dahil sa nangyari. Agad na sumunod sina Eula para tulungan ang kaibigan.

The next thing she knew, iningungudngod na ng matabang babae ang mukha nya sa sementong daan a few meters away from the school. Nakasabunot ang babae sa kanya at hindi nya naman ito malabanan dahil hindi sapat ang lakas nya.

Pilit na inihihiwalay nina Keeme at Eli ang babae sa kaibigan. 

Mabuti na lamang at may teacher na nakakita. Inawat nito ang dalawang babae at pinagsabihan. Inis na umalis ang matabang babae habang naiwan si Dama na puro buhangin ang katawan at mukha. Nagkagasgas din ang pinsgi nya at sugat-sugatan ang labi.

Masakit din ang anit nya dahil sa natamong sabunot.

Pero ang nakakapagtaka.... hindi man lang sya umiyak. She didn't feel like crying at the moment. She felt empty. The only thing that reminded her that she's still alive was the pain cursing all over her body.

She even rejected her friends' help and went home by herself.

She was thankful na walang tao sa bahay pagdating niya. At least she could cry all she want. There's that sick feeling again. Should she tell her dad? And what will he say? What will her mom say? For sure, nagpapakasaya sila ngayon back at their house while she was gone.

Wala talagang nagmamahal sa 'kin little organ. I should have let that girl tear me to pieces.

Dama wondered kung ano ang mangyayari if ever she dies early. May pupunta kaya sa libing nya? Ilan? Mga katulong ba at kasama sa bahay ang karamihan?

Won't they be happy kapag nawala na sya ng tuluyan?

She grimaced as she felt her scalp sting. Halos matanggal na ang anit nya sa pagsabunot ng babae kanina. Kasalanan naman nya eh. She was asking for it. Hindi sya inaano nung tao tapos kung ano-ano ang sinabi nya.

But she felt fulfilled.. somehow.

"Uy."

She saw her cousin enter the house. Naupo ito sa tabi nya.

"Tsk. Nang-away ka na naman daw? Ayan tuloy ang napala mo."

She didn't answer. She was engrossed with too much pain to speak. Kanina pa sya umiiyak... pati mata nya masakit na.

"Patingin nga." She heard him say. She felt his hand on her chin ng ibaling nito ang mukha nya to see the damage.

Agad nyang inilayo ang mukha nya rito.

"Ano ba'ng problema mo?" Iritado nitong tanong sa kanya.

"Wala." Tumayo sya at akmang pupunta ng kwarto ng hawakan sya nito sa braso.

"Linisin mo muna yan."

Kumawala sya mula sa pagkakahawak nito. At dumeretso sa kwarto kung saan nagpatuloy sya sa pag-iyak.

Little organ, hindi ko na yata kaya...

She hugged herself. Sumiksik sya sapinakang-corner ng higaan. At dun sya nag-iiyak. She was on that state when her phone started ringing.

Agad syang nagpahid ng luha ng makita ang tumatawag.

Her dad.

She cleared her throat several times bago nya ito sagutin.

"Dad?"

"Sweetie! I have great news for you!"

Agad syang naging alerto. Papauwiin na kaya sya ng mommy nya... finally?

"What is it? Can I come home now?"

There was a moment of silence before she heard her dad speak again.

"Sorry sweetie... you still can't come home."

"Oh." Sobrang nakadagdag yun sa disappointment na nararamdaman nya. She covered her mouth to baffle the sound of her cry.

Naiiyak na naman sya.

"What's the great news then?"

Her dad gave out a giddy laugh before he answered her.

"Magiging ate ka na ulit."

Dama grasped the phone to the point where it was close to being crushed.

Another one?

She ended the call bago pa marinig ng daddy nya ang iyak nya.

May kahati na naman ako sa pagmamahal little organ? Can't I just have their love and attention to myself?

Ibinaba nya ang aparato bago pa nya ito maibato.

Ayoko na talaga... 

--

It was around 2am ng magising si Dama. Wala si Meera sa tabi nya when she woke up. Saka lang nya naalala na inilock pala nya ang pintuan kanina.

Why didn't they wake her up?

Nagpungas-pungas sya and winced when her hand brushed her right cheek. Sighing, she opened the door to check on them. Natulog kaya silang lahat sa sala?

She waited for her eyes to adjust in the dark saka nya tiningnan ang natutulog sa sala. 

Huh... bakit sya lang ang nandito?

She ignored that fluttery feeling on her stomach and made her way to the kitchen. She heard Zelo grunt when she opened the light. Hindi nya ito pinansin. Naghugas lang sya ng mukha, carefully avoiding the scratches and wounds on her face.

After that, she went back to the bed room to change. Nagsuot sya ng mumurahing yoga pants and a 50 peso spongebob shirt. Saka nya itinali ang buhok into a ponytail.

Lumabas syang muli ng kwarto only to find Zelo sitting already.

"San ka pupunta?" Tanong nito sa kanya.

"Labas." Sagot nya.

"Ano'ng gagawin mo dun?"

"Ewan." Pagkasabi'y lumabas sya ng bahay.

Hindi nya alam kung saan nya balak pumunta. Basta gusto nyang mapag-isa. Gusto nyang makaramdam ng lamig. Gusto nyang pumunta sa madilim na lugar. It would suit her heart perfectly... dark, cold and empty.

She was a few steps na away from the house when she felt a piece of clothing being draped on her shoulders.

Jacket?

"Suot mo. Malamig."

Kunot noo nyang tiningnan ang pinsan. "San ka pupunta?" Tanong nya rito.

"Natural sasamahan ka. Alam mong gabing-gabi na tapos ngayon mo pa naisipang gumala? Eh kung may mangyaring masama sa 'yo? Ako na naman ang mapapagalitan."

So kasalanan ko na naman?

She sighed. Palagi namang nasa kanya ang sisi. Ano pa nga bang bago?

"San ka ba pupunta ha?" Muli nitong tanong sa kanya.

"Sa school." Ang tinutukoy nyang school ay ang elementary school na malapit sa kanila. Sarado naman iyon lalo na't tuwing gabi pero mababa lang kase ang bakod nito kaya madaling pasukin.

Nang marating nila ang school ay doon sila dumaan papasok. Marami kaseng trespassers sa school dahil dinadayo ang playground nito.

Dun sila mismo nagpunta.

Naupo ang magpinsan sa swing.

"Bakit ka nakipag-away kahapon?" Tanong ni Zelo sa kanya.

"Wala." Sagot nya. "Feel ko lang."

He sighed. "Ganyan ka ba talaga?"

"Oo ganto talaga ako."

Why would I change? Nobody loves me anyway.

Unti-unti nyang nilalakasan ang pagsi-swing using her feet. When was the last time na nakapunta sya sa isang playground? Ten years ago pa yata.

Nung isilang si Dylan, wala ng inatupag ang mga magulang nya kundi ang pag-aalaga dito. At sya? Katulong ang nag-aalaga.

Katulong ang kalaro.

Katulong ang palaging kasama.

Shit. Why are you tearing up?

Nagpahid siya ng luha na malapit ng pumatak.

"Umiiyak ka ba?" Tanong nito sa kanya.

"No. Napuwing lang." 

Nilakasan nya ang pagsi-swing....

"Mahuna na yan. Dahan-dahanin mo lang..." He warned her. Hindi nya ito pinakinggan. Patuloy lang sya sa pagsi-swing. And then she heard the rusty chains creak. Tapos bigla itong napigtal mula sa pinakang puno. Napatilapon tuloy sya sa buhanginan.

"Ouch!"

"Sabi ko naman kase sa 'yo eh! Halika nga!" Inalalayan sya ni Zelo pagtayo. "Ang tigas-tigas talaga ng kokote mo!"

"Aray ko naman!" Reklamo niya ng tuktukan sya nito sa ulo.

"Ikaw kase! Palagi mo na lang kaming pinag-aalala!" Naiirita nitong sabi.

Natigilan naman sya sa sinabi nito.

Nag-aalala ka para sa 'kin?



The mere thought of him getting worried over her made her so happy. At last, may taong nag-aalala para sa kanya. Pati sila... nag-aalala rin sa kanya.

Sa sobrang katuwaan nya, nayakap nya bigla ang pinsan.

Maybe this is too soon...

"Zelo..."

And maybe he'll hate me after. Maybe tomorrow, he won't even look at me. Maybe he'll stay away from me.

And maybe I'd get hurt again...


Pero bahala na ang Justice League at Avengers.


Bahala na....









"...gusto kita."

xxxxxx

AN: Salamat po sa 10K na reads and 1K votes. Masayang masaya na 'ko dun... tas may kasama pang comments! Tuloy nyo lang yan! XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro