Chapter 17
I'm tired of being good. Let's be bad?
--
"Mama, quit calling him. Makukulitan na yun sa 'yo." Saway ni Enzo sa asawa. They were back at the mansion dito sa Pilipinas. Mag-iilang linggo na rin. At napansin lang nya na halos maya't maya kung tumawag si Angel sa anak na naiwan sa Japan.
Tingin nya ay nainis na rin ang anak nito dito at hindi na ito sumasagot sa mga tawag ng asawa niya. Masyado kaseng worried si Angel na iwan ang anak mag-isa sa ibang bansa.
"Papa... he's not answering my calls! What if something happened?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito sa kanya.
"He's fine. Nakukulitan lang yun sa 'yo. Pamiss ka naman kase ng konti ma."
Angel pouted. "Baka naman kase hindi na sya kumakain ng tama dun papa. I just want to check on him."
"He just posted an intagram pic of him eating a bowl of ramen. He's fine ma. He's enjoying his time being alone."
Angel tossed her phone on the bed and collapsed beside it. Naupo si Enzo sa tabi nito and then he leaned close to her.
Ngumiti sya.
"Gumawa pa kase tayo ng isa para may aalagaan kang bago." He said with a lopsided grin plastered on his boyish face.
Angel let out a chuckle. "It's been ten years na since Anzo no?"
"Yep. Ikaw kase, ayaw mo agad sundan."
Angel rolled her eyes at her husband. It's not that they're not having sex naman within that ten years... kaso she's been too careful not to get pregnant. Bukod sa first time nyang maging mommy at nangangapa pa sya, natatakot na rin syang manganak ulit. Nandun na sya sa fulfilling kapag nakita mo yung anak mo... but it was so painful.
Inaalala pa lang nya, parang bumabalik lahat ng physical pain.
"Mama..."
"Oh?"
Enzo leaned closer. "May utang ka pa sa 'kin."
Kumunot ang noo ni Angel. "Magkano?"
That made him laugh.
"What?" Takang-tanong ng asawa nya. "What's so funny?"
Enzo grinned. "Hindi naman pera ang utang mo eh. Remember our deal? Minimum of ten kisses everyday. I only got 8 yesterday."
"Weh? Ten kaya."
"Eight lang mama. Bilang na bilang ko yun eh."
"Ten yun pa. Eleven pa nga yata. Bilang ko din yun so when I realized na kulang... nikiss kita while you were asleep." Paliwanag ni Angel.
"Daya. Eh di hindi ko alam?"
"Eh di ngayon alam mo na."
Enz made a sour face. "Hindi dapat counted yun eh..." Pag-aalboroto nito.
Angel sighed and held his face with her hands. Saka sya nito hinila for a short kiss. She did that 4 times before she stopped to smile at him.
Hindi naman nakuntento si Enzo. He dipped his head once more and kissed her.... harder than the previous once. Angel can't help but moan.
"Papa..."
Enzo's lips trailed her jaw. "Hmmm?"
"Di ba makikipameet pa tayo kina kuya?"
Natigilan si Enzo. Saka lang nya naalala... may dinner nga pala sila with his sister and Dani.
"I totally forgot." Pag-amin niya sa asawa. Nasasarapan na kase sya sa paghalik dito kaya nawala na sa isip nya ang iba pang bagay na kailangan nilang gawin ngayong araw.
"Oh... now that you're reminded, kindly please get off me para makapag-ready na tayo." Angel said.
He didn't move.
"Pa-cancel na lang kase natin."
"Hindi pwede! Magagalit si Meg... alam mo naman yun eh..."
He sighed. "Fine. We'll continue this later ha?"
"Papa..."
"Say yes mama and we'll get ready for dinner."
"Papa naman..."
"I'm serious." Enz said in a very serious tone. "I want another kid."
Angel blushed scarlet. "Papa naman eh..."
Biglang lumungkot si Enzo. "Ayaw mo na ba?"
"Hindi naman sa ayaw papa." She sighed again. "Can we just talk about it later?"
"Talk lang?"
Angel laughed. "Fine. Lasingin mo ako mamaya."
--
Agad na hinanap ni Dani ang asawa pagkarating na pagkarating pa lang ng bahay. He didn't see her outside the house, which is where she usually was when he comes home para salubungin sya.
Wala rin ito sa sala.
"Manang, si mommy asan?"
"Nasa kwarto sir." Sagot ng katulong. He didn't need to specify who mommy is dahil isa lang ang mommy at daddy sa bahay nila... at sila iyong mag-asawa.
After so many years, the people at the house still find it sweet.
Agad na pumunta si Dani sa kwarto nilang mag-asawa.
"Mommy?" He called out. Walang sumagot. Frowning, he looked for her at the shower. Wala rin ito doon. He was about to look to the other rooms when he heard a grunt coming from their walk-in closet.
Sumilip sya sa nakabukas na pinto and he was greeted by the sight of his wife... in her underwear. She has her back on him and she seemed to be so engrossed on her thoughts that she didn't even hear him sneak inside.
Napasinghap ito when he squeezed her butt.
"Dad! You startled me!"
He nuzzled her neck. "What are you doing?"
"Wala kase akong mapiling damit dad."
Iniharap nya sa kanya ang asawa. "Wala? Sa dami ng damit mo wala kang napili?" Takang-tanong niya rito.
"Kase dad, gusto ko mas maganda ako kay Angel mamaya."
Natawa si Dani sa sinabi ng asawa. "Mommy, hindi naman nakikipagpagandahan sayo si Anj ah?"
"Eh kahit na. Basta gusto ko mas maganda ako sa kanya."
He kissed her cheek. "Alam mo namang ikaw ang pinakamaganda sa 'kin di ba?"
Megan smiled sheepishly. "Ako LANG naman ang maganda para sa'yo eh, di ba dad?"
"Oo naman. Kahit pa nga parang tumataba ka mommy." Pinisil nya ang tagiliran nito.
Megan instantly looked worried. "Tumataba na ako? Kelangan ko na bang mag-diet daddy?"
"No. Mas maganda nga kung magkakalaman ka ng konti pa. More parts for me to squeeze."
"Nangmamanyak ka na naman dad."
Tumawa si Dani. "Eh kase naman, maaabutan pa kitang nakaganyan pagdating ko sa bahay? Buti nga hindi kita sinunggaban eh."
"Eh kase kanina pa ako nag-iisip ng isusuot ko for our dinner with those two."
"Relax mommy." He kissed her forehead. "Any dress will suit you just fine."
"Thanks daddy. Magbihis ka na rin okay?"
Hinalikan sya nito sa labi.
"Okay."
--
At the restaurant, masayang nagkumustahan ang apat na akala mo naman ay hindi nagkita nung isang linggo. Megan was wearing Shantung silk one shoulder red dress. She paired it with her sharp black prada stilletos and a black purse.
Si Angel naman, suot suot nya ang isang white striped Anglomania sunday dress from Vivienne Westwood. Sa suot pa lang ng dalawang babae, malalaman mo na kung sino'ng mabait at hindi.
"So how's Dama?" Tanong ni Enzo sa mag-asawa.
"I don't know and I don't care." Sagot ni Megan sa kapatid.
"She's doing well actually. Madalas nya akong itext just to tell me about her day." Dani answered.
"Tinitext ka nya dad?" Gulat na tanong ni Megan sa asawa. "Bakit sa 'kin hindi man lang sya nagpaparamdam?"
Natawa si Dani sa reaction ng asawa. "See? You miss her. You took the bait."
Meg grunted. "I hate you dad." Tumawa naman ang nakababatang mag-asawa sa kanilang dalawa.
Later on... they were served by Kent and France... the usual tandem. Although this time, nasa paligid lang ang mga asawa ng mga ito.
Kent's wife is almost 6 months pregnant with their second child. Yung kay France naman, pangatlo na.
There's this air between the four of them na para bang may something na ewan. Of course, Meg didn't pry but she somehow knows... there is something. A thing of the past maybe?
They ate and talk after being served. Nasa main course na sila ng biglang ibinagsak ni Meg ang knife and fork nito.
"Mommy what's wrong? Didn't you like the food?"
Napangiwi si Megan. "It tastes funny dad."
"Are you okay Meg?" Tanong naman ni Angel dito.
"I think I have to go to the ladies' room. Excuse me."
"Samahan na kita." Angel offered. Tumayo ang dalawang babae from their seats at saka nagpunta sa washroom.
--
Thirty minutes later (to the dismay of the guys), bumalik na rin ang dalawang babae.
"Bakit ang tagal nyo?" Iritableng tanong ni Enz.
Nagkatinginan ang dalawang babae.
"We... discovered something." Sagot ni Angel.
"What?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Dani sa asawa at kapatid.
Hinawakan ni Meg ang kamay nya and then she looked him in the eye.
"Dad... I'm pregnant."
--
Bahay ng mga Dirham.
After hearing the news, hindi na pinatagal ni Dani ang dinner. Iniuwi na nya kaagad ang asawa. He was so ecstatic na parang gusto nyang magtatalon sa tuwa. Pati mga katulong tuwang-tuwa rin sa balita.
Lalo na si Lolo Stephen!
Dani sat on the edge of the bed saka nya hinila si Meg paupo sa lap nya.
"I can't wait to be a dad again."
"Dad last na 'to ha? Ayoko ng manganak ulit. Pahabol lang 'to."
Sumimangot si Dani. "Last na?" Tanong nya na may bahid ng reklamo.
"Oo last na talaga."
He lifted her up and laid her gentlydown on the bed. Then he removed her shoes and went on top of her.
"Mommy... do you think that there's a chance na magawa pa nating kambal yan?"
Meg gaped at him. "Daddy!"
"Eh sabi mo kase last na eh. Sana maging dalawa yan after tonight."
"Dad! Hindi na mangyayari yun! Nabuo na eh!"
Dani chuckled. "Why did you suddenly become tensed? I'm just kidding." He stooped down and kissed her. "I love you mommy."
"Love you too."
"Pwede bang testingan natin kung magiging kambal pa yan?" Hirit ni Dani sa asawa. Hinampas sya nito sa balikat.
"Adik ka dad!"
"I'm serious."
Meg sighed. "Dad... I don't know how she'll take it."
"Ni Dama?" He asked.
--
"Achu!"
Dama sniffed as the cold evening air sent shivers down her spine. Kasama nya ang boyfriend nya who insisted that they go to the primary school after class. Magdi-date daw sila.
"Ang cheap mo. Date... sa school? Tss."
"Wag ka ng magreklamo. Buti nga dinidate pa kita eh."
Dama rolled her eyes as they continued walking.
Nang makarating sa school, she wanted to go home instead. Malapit na rin lang naman ang bahay nila doon. Mga limang kanto lang. Madilim na sa school at wala pang katao-tao.
She wondered how their date will be given na wala man lang resto sa tabi ng school na pwedeng kainan.
"Wag na lang kaya tayong tumuloy?"
Rod tsk-ed and pulled her by the hand. Dun na sya kinabahan. It's like... something is about to go wrong. So wrong...
Hinila sya nito papunta sa isang classroom. He even knows how to pick the lock. Itinulak sya nito papasok sa loob.
"Anong gagawin natin dito?"
He sighed. "Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? Natural magse-sex. Hubad na!"
Napanganga na lang si Dama sa narinig.
"You can't be serious?!"
"Seryoso ako." She heard the sound of his belt unbuckling.
"No way!" Mariiin nyang tanggi. She did not plan on dying a virgin but still--she wants her first to be out of love... not like this!
She felt Rod grab her by the shoulder then pushed her pahiga sa teacher's table.
"H-Hey!"
"Girlfriend kita di ba?" Pilit nitong binubuksan ang blouse nya.
"Ano ba! Stop it!"
"Wag ng maarte!" Sigaw nito sa kanya.
Zelo...
Gusto nyang isigaw ang pangalan ng pinsan. Deep inside her little organ, she was wishing that he would just magically appear out of nowhere and just save her. Pero impossible naman yata iyong mangyari.
"Just... stop!" She sobbed.
Tumigil si Rodney at napamura.
"Ano ba? Akala ko ba game ka? Ikaw nga itong basta-basta na lang nanghihila ng lalaki para manging boyfriend tapos sex lang iniiyakan mo na?"
Hindi sya sumagot. She was pained by a certain fact. The sad fact that if ever things like this would happen to her, no one would come at her rescue.
Ni wala man lang mag-aalala.
She was so alone... all alone.
"Sorry." Narinig nyang inis ngunit seryosong sabi ni Rodney. "Manyak lang ako. Pasensya na. Akala ko lang kase--putangina--next time nga 'wag ka ng manghihila ng lalaki kung saan saan ha? Pasalamat ka nakonsensya ako ngayon."
She heard him zip his pants up.
"Break na tayo." Dagdag nito.
She managed to stand up and fix herself.
"T-Thank you." Nasabi na lang niya bago tuluyang nakaallis ang binata. She wanted to laugh at herself. The first time she had ever said thanks to someone... yung sa muntik pang mang-rape sa kanya.
Hinanap nya ang bag na napabagsak kung saan. Lumabas sya ng classroom at ini-lock iyon then she slowly made her way home.
Tama na little organ. Stop hoping for him. He can't be yours anymore.
xxxxxx
AN: Nakapag-UD rin sa wakas!!! COMMENTS? ^^
Salamat sa mga readers na maingay sa group ha? Nakakatuwa talaga kayo. Haha.. Para sa inyo 'to. Good night!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro