Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

I hope I can make you smile like this camera.

--


Lumilipas ang mga araw at ang pakiramdam ng dalaga ay lumalala. It's true that love is like a quicksand. It's slowly dragging you down into it's depth and the more you struggle, the more you'll sink in.

Paano ba mapipigilan ang sariling mahulog sa isang tao?

Mahirap.

Kaya pabayaan mo na lang. You'll get hurt anyway so just learn to enjoy the fall. Your heart will break, that's for sure. But it's better to be broken than to have not love at all. Tears will come running and your eyes will be puffed but in the end, it will make you tough.

Love not with your head for it is impossible. Love with all your heart even if it makes you gullible.

Love... *le sigh*... nagiging makata na naman tuloy si Author.

Balik tayo sa ating bida na kanina pa naiinggit sa mag-boyfriend na nasa katabing upuan lang. Nakaupo kase sina Tassie at Zelo tapos nagsi-share ng headset ang dalawa habang nilalaro-laro ni Zelo yung kamay ni Tassie.

Hindi naman palangiti ang binata but there's always this hint of smile whenever he's with her.

When will you smile at me like that Zelo?

Dama sighed when she felt the familiar pang of jealousy eat her up inside. She decided to go off somewhere... anywhere. Yung walang sweetness. Yung damang-dama niya ang pagiging mag-isa.

Sa kalalakad nya, napadpad sya sa may auditorium ng school. Sa gilid noon, she saw a guy who immediately caught her attention. Ang cool lang kase nitong tingnan with his spiky hair and white rubber shoes.

And he smokes too--not that she cares about that. Smoker or not, as long as you're hot--you got her full attention.

Nilapitan nya ito.

"Hi."

Tiningnan sya ng lalaki mula ulo hanggang paa. "Sino ka?"

"I'm Dama. And you are...?"

"Rodney." Sagot nito sa kanya. The guy blew off some air bago sya tiningnan nitong muli. "May kailangan ka ba?"

"Actually... may girlfriend ka na?" Deretsahan nyang tanong dito.

Natawa ang lalaki. "Ano ka? Namimick-up?"

"I guess you could say that. Kelangan ko lang ng distraction eh. So... are you game?"

Tiningnan syang muli ng lalaki mula ulo hanggang paa.

"Ano namang mahihita ko sa 'yo?" Tanong nito.

Pinamay-awangan nya ito. "Aba... just being with me is like winning the lottery already! You should feel proud na ikaw ang natipuhan kong alukin ng offer na yan!"

"Proud?" The guy scoffed. "Bakit? Ano ka ba sa school na 'to para maging proud ako? Ni hindi nga kita kilala."

"Basta! Boyfriend na kita mula ngayon." She said in finality.

Napanguso ang lalaki. "Hoy! Sino'ng may sabi sa 'yong pumapayag ako?"

"Sige na!" Pakiusap nya rito.

"Ayoko! Hassle lang yan!"

"Sige na!" Hinila-hila nya ang braso ng lalaki. "Libre kitang lunch everyday!"

"Kahit magkano?" Agad na tanong ng lalaki.

"Basta 25 pesos ang cut-off ko."

"50." The guy bargained.

"30."

"35."

"Hanggang 30 lang! Wala akong pera..." Hindi matanggap ng dalaga na wala syang pera. ang saklap lang. Ni hindi pa sya nakakahawak ng 30 pesos sa buong buhay nya--ngayon pa lang. All she have with her are her credit cards and cheques... ang cash nya--lilibuhin. Barya? Tig-iisang daan.

She felt poorer than a beggar tuloy--although she haven't met one. Hinaharang na ng guards nya papalapit pa lang...

The guy sighed. "Sige. Fine. Basta araw-araw ha? Walang palya!"

"Oo." She assured him.

Iniabot ng lalaki ang kamay nito sa kanya.

"Ano'ng gagawin ko dyan?" Tanong niya rito.

"Shake hands."

She accepted it.

--

Nagulat ang mga kaibigan ni Dama ng makitang may kasama na itong boyfriend during lunch time.

"Sino yan?" Halos sabay-sabay nilang tanong.

"Boyfriend ko." Sagot nya.

"HA?!"

"Kelan pa?"

"Nagpaligaw ka man lang ba?"

"Bakit sya?"

Sunod-sunod nilang tanong.

Naupo si Dama habang inutusan naman nya ang boyfriend na bumili ng makakain nila. 

"Pano kayo nagkakilala? Saka kelan? Parang kanina wala ka pang boyfriend ah?" Concerned na tanong ni Eula. Hindi naman maiiwasang hindi maging concerned. Parang nag-magic lang kase si Dama tapos poof--may boyfriend na sya.

"Kanina lang. Sa may auditorium." She replied casually.

"Adik ka ba?!" Pagtataas ng boses ni Lei. "Eh kung rapist pala yan? Hila ka ng hila ng kung sinu-sinong di mo naman kilala!"

"Masyado ka lang judgmental Lei." She replied to her friend.

"Magagalit si Zelo sa 'yo." Sabi naman ni Eli.

"At bakit? Sya lang ang may karapatang magkajowa?"

Nailing bigla si Keeme. "Sinasabi ko na nga ba eh. Naiinggit ka lang sa pinsan mo."

"Is that the case Dama? Naiinggit ka kay Zelo kase sya may girlfriend?" Kunot-noong tanong ni Eula sa kanya.

Hindi no. Naiinggit ako kay Tassie kase sya ang girlfriend ni Zelo at hindi ako, she wanted to say.

"Oh? Bat naririnig ko yata ang pangalan ko? Ano'ng meron?" Kakadating lang ni Zelo. Dama sighed in relief ng makitang hindi nito kasama ang possessive nitong girlfriend. But at the same time, kinabahan sya bigla.

Siguradong mapapagalitan nga sya ng pinsan kapag nalaman nito ang mga pinag-gagagawa nya.

"Si Dama kase... may boyfriend na."

Zelo looked confused at first. Di kalaunan ay bigla itong natawa. He pointed at Dama. "Ikaw? Sino namang papatol sa 'yo?"

"Ako." Lalong lumakas ang kaba ni Dama ng marinig ang boses ni Rod--was it Roderick or Rodger? She can't even remember his name!

She saw Zelo throw dagger looks at the guy. 

Oh my--are you jealous? Secretly, she felt kilig when she saw his reaction. Ahhh... priceless!

"Nag-boyfriend ka na agad ni hindi mo nga mamaintain yung grades mo." Pabulong na reklamo ni Zelo.

"Eh bakit ba? Sa gusto kong mag-boyfriend eh."

"Naiinggit yan sa 'yo Zelo." Sabat ni Keeme.

Nagkatinginan ang magpinsan. Biglang namula si Dama.

"Naiinggit ka?" Tanong sa kanya ni Zelo.

"Di ah." Tanggi nya.

"Inggitera ka talaga kahit kelan."

Sinimangutan nya ito. Masama bang mainggit kay Tassie? Eh ang swerte swerte nya sa 'yo. Dama mentally cursed. Eto na naman sya eh... kaya hindi sya maka-move on sa namumuong pagtingin nya sa lalaki ay dahil dito--her heart and mind refuses to cooperate.

Saklap.

"Kumain na nga lang tayo." Saway sa kanila ni Lei. Nasense kase nito na wala na namang patutunguhan ang away nilang magpinsan.

--

Ilang araw pa lang ang nakalilipas... namumulubi na si Dama. Bukod kase sa lunch nya eh kailangan pa nyang bumili ng lunch para sa boyfriend nya.

Mukhang wala naman itong epekto kay Zelo--lalo na sa kanya. Yung kinuha nyang distraction... hindi distracting enough.

--

Saturday. 

Tinanghali ng gising si Dama dahil napuyat ito pakikipag-usap sa daddy nya over the phone. Di nya alam ang mararamdaman about what he said to her about her mom.

Namimiss na daw kase sya nito. Hindi tuloy nya maisip kung pinaglalapit lang ba silang dalawa ng mommy nya o kung totoo ba.

Namimiss sya ng mommy nya?

Wow... that's new.

Naabutan nyang natutulog ang pawisang si Zelo sa upuan na pangmahirap. Naka-stretch ulit ito doon habang pawisan. Nilapitan nya ito at pinagmasdan.

Why do you look so grim? Are you having a bad dream Zelo?

She perched on the table.

Are you dreaming of me kaya hindi ka makangiti?

She smiled with bitterness.

Napapitlag sya ng maramdamang may nag-vibrate sa may hita nya. She looked beneath her. Phone pala ni Zelo--yung pangmahirap nitong phone--may tumatawag.

Si Tassie.

Sasagutin na sana nya iyon ng biglang mag-end yung call. As she was about to put it down, nag-vibrate na naman ito.

She pressed the accept button.

"Hello?"

"Dama? Nandyan ba si Zel? Pakausap naman please..."

"Tulog sya eh."

"Ah ganun ba?" She heard Tassie sigh on the other end.

"Problema?"

Naghintay sya ng sagot nito.

"May nakikwento ba sa 'yo si Zel?"

"Na ano? Wala naman..." Ni hindi nga ito nakikipag-usap sa kanya... kikwentuhin pa kaya?

"Ilang araw nya na kase akong hindi pinapansin eh. Ewan ko nga kung kami pa ba..." Tassie's voice trailed off.

Little organ! Masyado pang maaga para mag-celebrate!

Lumakas na naman kase ang tibok ng puso nya out of excitement.

"Dama... pwedeng favor?"

"Yes?"

"Pasabi naman kay Zel kausapin nya 'ko ha? Hindi ko kase alam kung ano'ng problema namin eh."

Ayoko nga, she wanted to say. Magbreak na kase kayo.

"Okay." Pero kagaya ng dati... iba na naman ang lumabas sa bibig nya.

"Thank you. Bye."

Inilapag nya ang phone sa lamesa. Saka sya napabuntong-hininga.

Little organ... I can finally see a glimmer of hope.

Hinawakan nya ang dibdib.

Pero 'wag tayong masyadong umasa ha?

"Si Tassie yun?"

Nagulat sya ng mapansing gising na ang pinsan. Nakaupo na nga ito at nagpupungas.

"Oo." She replied.

"Ano'ng sabi?"

"Kausapin mo daw sya."

"Ah..." Sagot lang nito. Zelo stood up and went to the kitchen. Sinundan sya ni Dama.

"Nag-away kayo?" Tanong nya.

"Hindi."

"Nagkatampuhan?"

"Hindi." 

"Eh bakit hindi mo sya kinakausap?"

He turned to face her. He was wearing his usual bored, none-of-your-business look.

"Wala kang pakialam."

xxxxx

AN: Eeeee... excited na ako sa next next chapters... whahaha... ayan. Bawi na ba sa UD? Saka na ulit ha... babawi muna ako ng tulog. Mga 30 hours!

Joke. XD

Sabi nina Jeannah at Jessica mag-ingay daw kayo sa FB group natin. Sinimulan na nila. Ang iingay! Hahaha...

Comments! ^^ 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro