Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

I'll wait patiently until you're brave enough to fall for me.

--


Araw ng Linggo.

Maagang umalis ng bahay si Manang Pacing at Meera para mamalengke. Naiwan ang magpinsan sa bahay na tulog pa rin kahit alas syete na ng umaga.

Nagising si Dama ng mga bandang alas nwebe ng umaga dahil sa gutom. Agad lumabas ng kwarto para maghagilap ng pagkain sa kusina. When she opened the door, agad niyang namataan ang pinsan na natutulog sa sofa ng mahirap as she likes to call it.

Ito yung upuan na yari sa bamboo tapos may mga throw pillow na pinagtagpi-tagping retaso yun punda.

Naka-stretch dun si Zelo at nakapatong yung braso sa mga mata nito. Tulog na tulog pa rin.

Nilapitan sya ni Dama.

Dama settled on top of the bamboo table, which she likes to refer to as coffee table ng mahirap. Mahilig syang maupo dun kahit ilang beses na syang napagalitan ng mga kasama sa bahay.

She's always perched on top of that, naka-indian sit.

Pinagmasdan niya ang pinsan. Pawis-pawisan na ito dahil tanghali na at wala pa silang electric fan. She had the urge to get a fan at kusang paypayan ito pero pinigilan nya ang sarili.

Baka kase magising ito at magtaka. Baka maungkat pa yung sikreto nya.

Little organ, sumasayaw ka na naman dyan. Tinitingnan ko pa lang sya ah?

Napahawak si Dama sa dibdib.

Malala na 'to. This can't be.... I need to find a distraction.

She was already getting lost in her thoughts ng magising ang lalaki. And by simply meeting his stare, her heart instantly became erratic.

"G-Good morning." Nababalisa nyang bati dito.

He just looked at her sleepily. Malamang ay antok na antok pa rin ito. His eyes are still half-closed. Magulo ang buhok nito na kung saan-saang dereksiyon nakaturo.

Still... she's never met a guy as attractive as he is,even with his current state.

Nagpalinga-linga si Zelo.

"Ang nanay?"

"Namamalengke."

"Si Meera?"

"Kasama."

Zelo craned his neck to look at the kitchen table. "Nagsaing ka?"

"Kakagising ko lang." Sagot ni Dama.

Tiningnan sya ng binata. Bigla tuloy syang na-conscious. Di pa kase sya nagsusuklay. Ni hindi pa nagmumumog at naghihilamos.

He tsk-ed. "Bakit nakaupo ka na naman sa lamesa?!" Pasigaw nitong tanong.

Sa kabiglaan, napatayo kaagad ang dalaga.

"Sorry naman."

Naglakad papuntang kusina ang binata. Sinundan nya ito.

"Magdikit ka ng apoy."

She looked confused. "Pano didikit ang apoy?"

He glared at her. "Namimilosopo ka? Magsindi ka ng kalan!"

"Kalan? Asan?" Sa pagkakaalam ni Dama, ni wala ngang Solane ang pamilya nina Manang Pacing.

Itinuro ni Zelo ang kalang de uling na matagal ng hindi pinapansin ni Dama. 

"Nakakapagluto kayo dyan?" Taka nyang tanong.

Zelo rolled his eyes heavenwards. "Araw-araw kang kumakain dito tapos hindi mo alam?"

Tiningnan muli ng dalaga ang kalang de uling.

"Pano ko sisindihan yan?"

"Dasalan mo... baka sakaling umapoy." Sagot ng lalaki bago ito pumasok sa CR. Naiwan si Dama na nababano pa rin sa kalang de uling.

Kung yung rice cooker nga namin sa bahay na de saksak lang, di ko pa nagagamit... ito pa kaya? San ako gagawa ng apoy dito? Tss.

Nakalabas na si Zelo ng CR, nandun pa rin si Dama sa tapat ng kalan--trying to figure out how it works.

"Ano wala pa rin?" Iritadong tanong ng lalaki sa kanya.

"I don't know how to start a fire with this thing!"

Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki at naiiling na kumuha ng uling mula sa katabing sako.

"Tabi nga. Tuturuan kita."

Tumayo si Dama para mag-give way sa lalaki.

"Maglagay ka muna ng uling sa ibabaw nito." Zelo poured a handful of coal to the stove. "Kunin mo yung kutsara."

"Where?" Tanong ng dalaga.

"Sa ilalim nyan. Dali na!"

Hinanap ni Dama ang kutsarang sinasabi ng pinsan. Nakita nya iyon sa bandang ilalim ng kalan. She took it out and upon seeing that it waas full of ash--itinaktak nya iyon sa sahig.

"Tanga! Bat mo ibinubo?"

"Bakit? Hindi ba dapat?"

"Dyan ka nga magsisindi eh!" Napahilamos ng mukha si Zelo gamit ang isa nyang kamay. "Akin na nga!" Hinablot nya kay Dama ang kutsara.

Napapitlag naman ang dalaga sa pagkabigla ng biglang magkadikit ng konting-konting kagahiblang wala pa yatang dalawang segundo ang kanilang mga kamay.

Whoa. Easy there little organ.

Pinuno ni Zelo ang kutsara ng abo mula sa kalan. Pagkatapos ay kinuha nya ang bote ng gas at binudburan iyon ng kaunti.

Ng mabasa ang abo, kinuha nya ang lighter at sinindihan iyon. Tapos ay ibinalik nya ang kutsara sa loob ng kalan.

"Paypayan mo." Utos nito sa kanya sabay salo ng pamaypay.

Dama did as she was told.

Si Zelo naman, seeing na wala pang sinaing, ay kinuha ang kaldero at nilagyan iyon ng tatlong takal ng bigas.

"Halika dito." Tawag nya sa pinsan na nakita niyang sarili ang pinapaypayan at hindi ang kalan.

Tumayo si Dama at lumapit sa lababo.

"Di ka marunong magsaing no?" Tanong ng lalaki sa kanya.

She shook her head.

"Prinsesang prinsesa ka eh." Nasusuyang puna ng lalaki. "Magtatakal ka lang ng bigas dun sa takalan natin. Tatlong takal para hanggang mamaya. Nagsimba pa yata ang mga nanay kaya mamaya pa sila uuwi."

"Okay. Tapos?"

"Tapos susukatin mo yung tubig. Dapat proportionate sa dami ng bigas." Sagot ng lalaki.

"Pano mo ime-measure?"

Nabitawan ni Dama ang pamaypay na hawak ng kunin ni Zelo ang kamay nya at itinubog iyon sa kaldero na may lamang bigas at tubig. Pinipigilan niya ang mag-blush pero kinikilig talaga sya dahil hawak ni Zelo ang kamay nya.

"Damahin mo yung bigas tapos tandaan mo kung sang parte ng kamay mo umabot."

He made an imaginary line on her palm.

"Tapos sukatin mo naman yung tubig. Dapat yung dulo ng daliri mo ay nakapatong sa bigas. Kapag pareho sila ng taas, okay na yun."

Nagegets mo ba little organ? Ay... I forgot--di ka nga pala nag-iisip.

"Naintindihan mo ba?" Tanong ng lalaki sa kanya.

She nodded.

Binitawan ni Zelo ang kamay nya.

"Sige nga. Ano nga ulit?"

"Measure the rice and then the water. Kung san umabot yung rice, dapat ganun din karami yung tubig. Tama?"

Ngumiti si Zelo sa kanya saka ginulo ang buhok niya gamit ang basa nitong kamay.

"Good. Hugasan mo yan ng tatlong beses. Siguraduhin mong walang matatapong bigas ah?"

"Okay."

Si Dama ang naghugas ng bigas at ingat na ingat sya sa pagme-measure dahil baka maparami ang tubig sya. Ingat na ingat din sya sa paghuhugas dahil baka matapon ang bigas.

Magagalit si Zelo... ayaw na ayaw pa naman nyang nagagalit ito sa kanya.

Ng may ningas na ang uling, isinaklang na nila ang bigas sa kalan.

"Bantayan mo yang sinaing ha? Maliligo muna ako."

"Eeee... ano'ng gagawin ko pagkatapos?"

"Antayin mong kumulo." Sagot ni  Zelo.

"Tapos?"

"Tapos tanggalin mo yung takip."

"Tapos?"

Zelo sighed. "Ako na nga lang!"

--

Salamat naman at naluto ng maayos ang sinaing. Nagprito sila ng isda pagkatapos. And then they ate.

Nagtaka pa si Dama at mukhang bihis na bihis si Zelo. Naka-long-sleeves ito na checkered tapos dark maong pants. Nagpabango pa.

"San punta?" Tanong nya rito.

"Sisimba."

"Pasama!" Hindi sya mahilig magsimba but she'd like to experience going to church with someone she likes. Her mom has this weird theory na anything new, kapag isinimba mo, magtatagal at titibay. She didn't know if it works on things but she wants to try.

Kapag kaya sabay silang nagsimba ay magtatagal at titibay silang dalawa?

"Di pwede. May date ako."

Her heart sank yet again.

"Ah..." Matamlay nyang sagot.

"Bagay ba?" Nagawa pang itanong nito sa kanya. Nilapitan nya ito then she unbuttoned the cuffs of his sleeves.

"Mas okay kung iro-roll mo sya hanggang sa elbows mo." She rolled both sleeves up to his elbow.

"Hmm... oo nga no?"

Ngumiti ito sa kanya as if thanking her.

"Magulo ba buhok ko?" Tanong nitong muli sa kanya.

"Hindi naman."

"Eh yung pabango ko? Mabango ba?" Lumapit ito sa kanya ng konti.

"Ayos lang." Walang-gana nyang sagot.

"Sige. Aalis muna 'ko. Wag kang aalis ng bahay ha? Baka biglang dumating sina nanay."

"Okay."

Nakatatlong balik pa ito sa salamin bago nakuntento at tuluyang umalis ng bahay. Napasalampak si Dama sa upuan.

Tassie bat ang swerte mo?

She sighed.

Little organ... you need to kick him out na. You need a new tenant--yung nagbabayad.

xxxxxx

AN: Hi! Wala lang... salamat sa mga nag-encourage sa 'kin kahapon. I won't point it out anymore. I just want to thank you guys. Masaya ako kahit papano ngayong araw na 'to so I'll leave you with the update. 700 votes na ang Dama eh. Saka ang sipag nyo mag-comment. Sana ituloy nyo yan. 

Thank you! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro