Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

I'm tough, ambitious and knows exactly what I want. If that makes me a bitch... okay.

--


Ganito na lang ba tayo lagi, little organ? Palihim na titingin sa kanya?

Napabuntong-hininga si Dama habang nagnanakaw na naman ng tingin kay Zelo. Ito na siguro yung sinasabi nilang so close yet so far. Yung magkatabi lang sila sa upuan pero parang hindi ito ma-reach. Katabi rin nito sa kabilang side ang girlfriend nito na sobrang little miss perfect.

Perfect face.

Perfect laugh.

Perfect attitude.

Ang layo-layo nya kay Dama. Kaya siguro hindi na sya magugustuhan ng pinsan nya. Come to think of it... Magpinsan sila--although that's not entirely true... pero kung magkakagusto sya kay Zelo, mali iyon sa paningin ng ibang tao.

Lalo na nina Eli. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang may HD sya sa pinsan nya?

Kaya ikaw, 'wag kang maingay. Stop beating so loud.. baka marinig ka nila, bulong nya sa puso nya. Naeengotan na nga sya sa ginagawa nya eh. Halos maya't maya nya kausap ang sarili. Wala naman syang mapagsabihang iba.

--

Palagi nilang kasama si Tassie. Kapag kakain sila ng fishball sa labas, kasama si Tassie. Gusto ngang masuka ni Dama everytime na nagsusubuan ng fishball yung dalawa eh.

"Ayos ah! Ilang fishball ang kasya sa bibig mo?" Puna sa kanya ni Eli.

Subo kase sya ng subo ng fishball ng hindi ngumunguya. Ang ending, napuno yung bibig nya. Hindi naman nya masagot si Eli dahil tatalbog ang kinakain nya.

She glanced at Zelo and Tassie. She rolled her eyes exasperatedly ng makitang parang hindi man lang lumalapat sa labi ni Tassie yung fishball. Parang ayaw madumihan ang mukha.

Sa inis ni Dama sa sarili dahil ang baboy nyang kumain, hinila nya si Lei sa katabing stall ng scramble.

"Uy Dama ang takaw mo ah!"

Pinanlisikan nya na lamang ito ng mata. Ngumunguya pa kase sya ng fishball kaya panay turo na lang at ungot ang naisasagot nya.

Hindi lang sa ganun palaging kakabit si Tassie. Pati na rin sa inuman ng barkada, kabuntot pa ito. Sobrang KJ pa kase ayaw paglasingin si Zelo. Di naman sya umiinom.

Naiimbyerna lang si Dama kaya mas minabuti pa nyang umiwas sa kanila. Palagi syang nagbabaon ng pagkain tuwing lunch at dun sa classroom sya kumakain. Hindi rin sya nasabay kay Zelo--sabagay ay hindi na naman talaga sila nagsasabay pagpasok.

Hindi rin sila sabay umuwi dahil inihahatid pa nito si Tassie.

Sa bahay naman, hindi na sya sumasabay sa mag-iina pagkain dahil malamang sa hindi ay makakasabay nya si Zelo. Kaya pag-nauuna syang dumating sa bahay, kumakain na sya kaagad at nagkukulong sa kwarto pagkatapos.

Nawiwirduhan na nga sa kanya ang mga kasama nya sa bahay pero wala syang pakialam. Basta sya.. may heart-to-heart sessions gabi-gabi with herself.

Ilang araw na rin syang ganoon and somehow, her feelings managed to wane down a bit. Hindi nya na kase madalas makita si Zelo. Tama nga yung sabi nila... out of sight, out of mind.


Konti na lang little organ, nakangiti nyang tinapik-tapik ang dibdib.

--

Maaga syang isang araw na kase ang saya-saya nya. Sabi na nga ba parang gutom lang yan eh... lumilipas. Kinuha nya ang towel at dere-deretsong nagpunta sa banyo.


Sana hanggang mamaya ko sya hindi makita no? Para hindi ka nag-iingay--

"AHHHH!!!"

Pagkahakbang ni Dama sa loob ng CR, nakita nya si Zelo na nakatalikod. Naka-shorts naman ito pero hubad tapos may naka-drape na towel sa kanang balikat. Maliligo na rin ata ito.

Sa sobrang pagsasarili ni Dama, hindi man lang nya namalayan na may tao na sa banyo. Ayun, sa kabiglaan, na-off balance sya at napaurong. One step higher yung CR kaya na-miss nya yung isang step na yun na sobrang ikinakaba sya.

And then the worst thing happened--she twisted her ankle.

She howled in pain.

Agad naman syang inalalayan ni Zelo papunta sa sala.

"Ano'ng nangyari?" Nagpapanic na tanong ni Manang Pacing na may dala-dala pang walis-tingting sa pagpasok.

"Yaya, I'm dying!" Naiiyak na sagot ni Dama.

"OA nito. Tss. Parang napilayan lang eh..." 

"Masakit kaya! Try mong mapilayan!" Naiinis niyang sagot sa pinsan.

"Eh kung di ka ba naman patanga-tanga? Alam ng may tao sa banyo tapos dere-deretso ka pa? Ano'ng gusto mo--sabay tayong maliligo?"

 Agad na namula ang pisngi ni Dama sa sinabi ni Zelo.

"Eh malay ko bang nandun ka! Di mo naman sinasarado yung pinto!"

"Ay ano ba? Nag-aaway na naman kayo!"

"Ewan ko ba dyan nay. Natuluyan na ata." Naiiling na sagot ni Zelo sa ina. Tinanggal nito ang towel sa kanang balikat at ini-drape sa ulo nito. Saka ito bumalik sa CR.

Naiwan si Dama doon na umiiyak sa sakit ng paa nya.

Ayan little organ--may karamay ka na, bulong nya sa sarili.

Agad kumuha si Manang Pacing ng towel saka nagpabili kay Meera ng yelo mula sa kapitbahay. Ginamot ng mag-ina ang namamagang bukong-bukong ni Dama.

"Papasok ka ba anak?" Tanong sa kanya ng matanda.

"Heck no!" Mangiyak-ngiyak but nevertheless ay mataray nyang sagot.

Napabuntong-hininga si Manang. "Sya sige. Mabuti pa nga siguro kung maglalagi ka muna sa bahay. Ikaw muna ang tumao dine ha? Mamamalengke lang ako."

"What? You'll leave me here alone? Pano kapag nagutom ako?"

"Malapit lang naman ang kusina anak."

"Kahit na! Masakit ang paa ko!" Reklamo niya sa kawawang matanda.

"Kung ayaw mong magkusa eh di pakamatay ka sa gutom." Sabat naman ni Zelo na kakatapos lang maligo.

"Zelo!" Saway ng matanda sa anak.

Napasimangot na lang si Dama. Ano ba namang laban nya dito? Eh gusto nya ang binata. Wala syang magagawa. Manahimik na lang kesa kung ano pang masabi.

At baka mahuli.

That would be awkward.

Nanahimik na lamang si Dama while nursing her ankle habang pinapanuod ang pinsan na magpaalik-balik sa CR at kwarto. Nakabihis na ito. Nagpabango. Nagpagwapo ng husto...

At alam naman nya kung bakit at para kanino--kaya lalo syang naaasar.

Ayaw na ayaw nya talagang may kaagaw sa kahit anong bagay. Lalo na sa lalaki. Kapag gusto nya, gusto nya kanya lang.

Kaya ang hirap nitong napasukan nya... yung gusto nya, iba ang gusto.

At alam nyang malayo pa sa buwan ang pag-asa nya sa lalaki.

--

Nakatulog si Dama sa sala at hindi nya namalayan na nakabalik na pala si Manang Pacing mula sa palengke. Bumangon lang ang dalaga ng mapansing busy sa pagluluto ang matanda. She craned her neck to see what's being cooked.

Napataas ang kilay nya ng mapansing maraming rekado sa lamesa.

"Ano'ng meron ya? Ang dami mo naman yatang niluluto?"

Ngumiti ang matanda sa kanya. "Dito kase manananghalian ang girlfriend ni Zelo. Ipapakilala daw nya sa 'kin."


Her heart sank yet again.

Ano ba yan little organ. Pati ba naman si yaya aagawin pa sa 'kin?

Halatang excited ang matanda na ma-meet si Tassie. For sure naman, ibinibida na ni Zelo ang girlfriend nito sa matanda. Dama thinks that he can't even say anything bad about that girl.

Little miss perfect nga eh... di nya katulad. Presensya pa lang nya, nakakairita na.

Nagpumilit tumayo ang dalaga. Napatigil tuloy si Manang Pacing sa paghihimay ng malunggay at patakbo itong lumapit sa kanya.

"Anak san ka pupunta?"

"Kwarto." She replied curtly.

"Matutulog ka na naman?"

"Hindi. Kakain ako sa kwarto. Mamaya ako matutulog sa kusina." Pabalbal nyang sagot. 

Hindi nag-react ang matanda. Inalalayan lang sya nito hanggang sa makaupo sya ng maayos sa papag.

"Hindi ka sasabay pagkain mamaya?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi na. Mas gusto kong kumaing mag-isa."

Naupo ang matanda sa tabi nya.

"Nakilala mo na ba yung girlfriend ni Zelo anak?"

"Oo." Sagot nya. Di nya matarayan ang matanda kapag may anak sa sentence nito.

Aaaah... ewan ko sa'yo little organ. Feelingera ka masyado. Naiinis nyang sabi sa sarili.

"Kamusta naman sya?" Nakangiting tanong ng matanda.

"Ayos lang. Mapagtityagaan naman."

"Ano'ng itsura?"

"Mas maganda ako." Sagot nya.

Tumawa ang matanda. Hindi na ito nanibago sa sagot ng dalaga dahil lagi namang ganito ang sagot nito sa mga ganoong tanong.

MAS lamang sya palagi.

"Sana mabait din sya."

Dama rolled her eyes at saka sya pabagsak na nahiga sa kama.

Wish granted old lady....

"Sana magtagal sila ng anak ko." Ngumiti ang matanda sa sarili at lumabas ng kwarto. Napahinga ng malalim si Dama at tumingin sa skeleton ng bubong.

Sana hindi.

xxxxx

AN: Guys! Alam nyo ba? Naiiyak ako kanina habang naiimagine ko yung ending nito. Haha.. OO. May ending na sya kahit hindi ko alam ang shortcuts at tamang daan papunta dun. Sana magawa ko syang as nakakaiyak as I imagined the ending to be.

Sa mga naghahanap kay Pierre... sa bandang huli pa sya talaga. Bata pa si Dama. For all we know, baka kapag 20 something na sya na sila magkikita ni Pierre.

For now... enjoy the DaLo, ZeMa or whatever consolidated names you came up with ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro