Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

If you hate me, I don't care. NEWS FLASH BITCH: I don't live to please you.

--


Napangiti si Dama ng magising siya kinabukasan.

Panaginip lang pala lahat ng yun... salamat naman.


Nag-inat-inat muna siya bago bumangon. Pagkalabas nya ng kwarto, impis na yung hinigaan ni Manang at ni Zelo. Mukhang nakapasok na rin si Meera sa school.

Naabutan nya si Manang Pacing na ipinaghahanda sya ng makakain.

"Good morning anak. Kain ka na." Nakangiti nitong aya sa kanya.

Naupo siya sa hapag kainan.

"Nasan si Zelo?" Nagtaka sya bigla dahil wala ang pinsan. Usually sabay silang nag-aagahan eh.

"Nauna ng pumasok, may dadaanan pa raw sya." Sagot ng matanda.

"Okay." She shrugged and ate her food.

--

School...

Nawawala na naman si Zelo sa barkada kaya hindi maiwasan ni Dama ang maghanap.

"Si Zelo?" Tanong nya sa mga kaibigan.

"Nandun sa HRM building." Sagot ni Lei sa kanya.

"Ah..." She was mildly surprised na nakalimutan nyang may nililigawan nga pala ito. Si Tassie... the perfect girl. The one she could never beat kahit pa handicapped ito.

Why am I even thinking of beating her?, she thougt.

 --

Lunch.

Wala pa rin si Zelo. Sumulpot lang ito kanina sa klase pero nawala din ito kaagad nung lunch break na. At ngayon nga, kulang na naman sila.

Dama ate in silence. Nawawalan sya ng ganang kumain pero hindi naman nya pwedeng ipahalata iyon sa mga kaibigan. Magtatanong na naman ang mga ito. What will she say to them if they ask?

"Yo!" Halos mapapitlag si Dama sa gulat ng biglang naupo si Zelo sa tabi nya. Ramdam na ramdam nyang parang nagbuhol bigla ang mga bituka nya.

Something felt stuck in her throat at hindi sya agad nakapagsalita.

And then her heart... It seemed so ready to jump out of her chest. Napahawak sya sa dibdib. It was like this last night.

Be still you stupid organ!



"Oy Zelo! Naks... anlapad ng ngiti ah! Ano'ng meron?"

"Oo nga!" Puna ni Eula. "Parang kahapon ka pa masaya ah? Anyare?"

Dama glanced at Zelo and saw him grinning from ear to ear.

That smile...


Lalong kumabog ang dibdib nya. Fearing that her heart might explode, iniharang nya ang isa pang kamay nito. She tried clenching it para hindi ito sumabog.

"Dama okay ka lang?" Eli asked. Napansin kase nitong nakahawak sya sa dibdib.

"Y-Yeah." She replied saka nya ibinaba ang mga kamay sa tigkabilang gilid nya. Wrong move. Zelo's left hand was there at napatungan iyon ng kamay nya. She jerked as their hands touched.

"Problema mo?" Napipikang tanong ni Zelo.

"W-Wala." She looked at the food instead. Sinikap nyang kumain without having to touch his arm or his hand.

"So Zelo... bakit ka nga ba masaya?" Tanong ni Keeme sa binata.

Napatigil si Dama sa pagnguya as she patiently waited for his answer.

Dahil kaya sa 'kin?

"Sinagot nya na kase ako."

Bakas sa boses nito ang sobrang tuwa. Yung parang kahit hindi mo man makita yung mukha nya, alam mong masaya sya because his aura exuded so much happiness.

"Yun oh!"

"Finally!"

"I'm so happy for you!"

"Manang! Pabili pa ngang giniling!"

Nagtawanan silang magbabarkada. Bumili ng extrang giniling si Keeme. Libre daw nya. Once in a blue moon lang mangyari yun kaya tuwang-tuwa sila.

Minsan lang din magka-girlfriend si Zelo.

In fact--first girlfriend nya si Tassie. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga kabarkada para sa kanya... finally--after months of pursuing the girl--sinagot na din sya nito.

"Guys hindi rin ako magtatagal. Sasabayan ko kase si Tassie na mag-lunch eh." Paalam ni Zelo sa mga kabarkada.

"Ayeeee... first lunch date nila together as a couple!" Eula squealed.

Ngiti lang ang iginanti ni Zelo. 

Naiwan silang lima doon sa kubo na pinagsasaluhan yung ulam na binili ni Keeme. Dama was unusually quiet pero mukhang walang nakakahalata.

Pero sa mga kaibigan, kay Eli sya inis na inis. Punyemas kase--nagdilang anghel yata ang mokong na yun! 

"Hoy Daniella Nasino... space out kung space out?!" Mataray na tanong ni Lei kay Dama.

Wala sa sariling tiningnan nya ito.

Nasino.

Funny. She totally forgot na yun ang apelyido nya for now. Parang... nag-iba kase yung pagkakaintindi nya sa pagkakapareho nila ng apelyido ni Zelo.

Pinsan ka lang Dama. Pinsan ka lang... she reminded herself. Crush lang naman 'to... mawawala din 'to agad. Pangungumbinsi nya sa sarili.

"DAMA ANO BA?! NAKAKAIRITA NA YANG PAGKALUTANG MO HA!"

Dama sighed.

Oo tama... crush lang 'to. And besides, it's not as if my heart is capable of loving anyone but myself. Masasaktan lang ako kapag nagmahal ako kaya--'wag na lang.

"ARAY! NYETA NAMAN OH--" Napahawak siya sa ulo niya ng maramdamang may sumapok sa kanya.

"Ano gising ka na?" Naiiritang tanong ni Lei.

"Bakit ka ba nananapok ha?"

"Kanina ka pa kase namin tinatanong kung ano'ng gusto mong flavor ng ice cream pero tengga ka dyan." Sagot ni Eula.

Dama looked at the ice cream stall na nasa tabi ng school. She made a disgusted face.

"I don't eat dirty ice cream. I only eat gellato."

"Gellato? Eh di ba sa Pinocchio yun?" Tanong ni Eli.

Nasapak tuloy sya ni Keeme. "Tanga! Gioseppi yun!" Pagtatama nito sa kaibigan.

Napanguso si Eli. "Aray ko naman!" Reklamo nito.

"Isa ka pang tanga eh. Geppeto kaya yun." Sabi ni Dama kay Keeme.

"Pare-parehas din namang G yun." Sagot ni Keeme.

"Oy ano na? Naiinip na si kuya sa inyo." Iritadong untag ni Lei sa mga kaibigan. Iniabot ni kuyang sorbetero yung ice cream nito.

"Is that even safe enough to eat? DIRTY ice cream yan di ba?"

"Wala namang malinis na pagkain eh." Sagot ni Keeme. Saka ito lumapit sa sorbetero at bumili ng ice cream. Sumunod na rin sina Eli at Eula.

Si Dama--bilang nag-iisang hindi kumakain ng ice cream ay nakaramdam ng konting inggit. Mukha kaseng masarap yung ice cream na kinakain ng mga kaibigan nya.

May mga chunks pa ng chocolates and strawberries tapos magkakapatong yung iba't ibang flavors. 

"Sige na nga. I'll try one." 

Nginitian sya ng mga kaibigan. "Try mo lahat ng flavor!" Aya ni Eula.

"Masarap yan kapag nasa tinapay." Lei suggested.

"Eh di go." Sabi na lang nya. She ordered based on their suggestions. 

Si Zelo kaya, gusto ng ice cream?

Mariing napailing si Dama sa tinatakbo ng isip. Hindi. Wala lang 'to. Crush lang 'to...  She took a bite of the ice cream on a bun. Somehow, nagulo ng bahagya yung daloy ng thought nya when the cold dessert hit her tongue.

Masarap nga pala...

"Uy sina Zelo o!"

Agad syang napalingon sa tinuro ni Keeme. Sa di kalayuan, nakita nilang naglalakad sina Zelo at Tassie papasok ng school--magkahawak ang mga kamay at parehong nakangiti.

Dama's stupid little organ sank to the depths of her depressing sea.

She can't seem to bear the fact that he's smiling because of that girl.

I told you... you can't like anybody. Pero pasaway ka talaga. Ayan--magdusa ka. She said to her heart.

"Grabe... buti pa si Zelo may girlfriend na." Naiinggit na sabi ni Keeme.

"Wag kang mainggit. Di naman bagay sa 'yo ang may girlfriend eh." 

Napanguso si Keeme sa sinabi ni Eli. "Tss. Magkaka-girlfriend din ako kala mo."

Tumawa si Lei. "Sino namang papatol sa 'yo?"

"Luh! Nagsalita ang hindi maka-move on sa ex nya--NERD." Pang-aasar naman ni Keeme kay Lei. Napikon agad si Lei at tinapik ang kamay ni Keeme--natapon tuloy yung ice cream nya.

Humarang na sa gitna nila si Eli bago pa man makapagsakalan ang dalawa.

"Ano ba! Mag-aaway na naman kayo!"

"Eh sya kase!" Nagturuan ang dalawa.

"Alam nyo kapag kayo nagkatuluyan nako--" Naiiling na sabi ni Eli. Pinangilabutan ang dalawa sa narinig at sabay na kumatok. Si Lei--sa lalagyanan nung ice cream. Si Keeme, sa ulo ni Eli.

"Tara na nga sa classroom." Walang ganang sabi ni Dama.

"Classroom na agad? 1:30 pa ang start ng next class ah?"

Napabuntong-hininga na lang si Dama. "Sige una na 'ko."

"'WAG! Bata ka pa!" pabirong sabi ni Eli. Hindi naman iyon pinansin ng dalaga at nagpatuloy lang ito sa paglalakad pabalik sa school.

"Ano'ng nangyari dun?" Tanong ni Eli sa mga kasama.

"Baka nakornihan sa joke mo." Sagot naman ni Lei.

--

Kinagabihan... 

Nagulat si Zelo ng pagkatapos kumain ay nagligpit ng pinagkainan si Dama. Nagkusa na ito--himala naman yata! Kanina pa rin ito nananahimik at walang kibo. Ni hindi ito nagreklamo sa ulam nilang daing.

Nagkatinginan na lamang ang mag-ina.

"Anak ako na ang magliligpit nyan." Sabi ni Manang Pacing sa dalaga. Hindi sya pinansin nito at patuloy pa rin sa paghuhugas ng pinggan.

"Hayaan mo na 'nay." Nakangiting sabi ni Zelo sa ina. Natutuwa sya kahit papano sa ginagawa ni Dama. Syempre nga naman... menos na yun sa gawain ng nanay nya.

Pero nawiwirduhan talaga sya sa inaasal ng pinsan nya.

xxxxx

AN: Ano nga kayang problema ni Dama? Hmmm...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro