Chapter 10
Bitch, move away from the sunlight. I hate the smell of burning plastic.
--
"Oy nerd!"
Automatikong napalingon ang magbabarkada sa tumawag kay Lei. They knew all too well how she would react with that. Mas mabuti pang tawagin itong pangit kesa sa nerd. Dama had been wondering about that since their little encounter a few weeks ago.
Tingin nya, ngayon nya malalaman ang sagot sa tanong nyang yun.
They saw a guy smiled and waved at Lei. Contrary to what they were expecting, nanatiling nakaupo si Lei at pilit na nginitian ang lalaki.
Hindi ito sumugod para awayin ang lalaking tumawag sa kanya ng nerd. Ni parang hindi man lang ito nagalit dito.
Pagkaalis ng lalaki ay agad na tinabihan ni Keeme si Lei at inakbayan.
"Uy nerd!" Ngumiti ito ng nakakaloko sa kaibigan. Agad itong pinanlisikan ng mata ni Lei saka sinuntok sa tiyan.
"Di ba kabilin-bilinan kong 'wag akong tatawagin ng ganun? Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan noh?!" Halos pasigaw nitong sabi.
Napahawak sa sikmura Keeme. "Arayko... bakit kapag ako, nagagalit ka ha?"
"Oo nga." Hindi napigilang sumabat ni Dama. "Bakit kapag kami, hindi okay na tawagin kang nerd? Who the hell is that guy to be an exception?"
"Ex nya."
Napanganga ang lahat sa sagot ni Eula.
"WEH?" Halos sabay-sabay nilang tanong.
"Yolanda!" Sigaw naman ni Lei sa kapatid.
Pinandilatan ni Eula ng mata si Lei. "Ate! Di ba sabi ko 'wag mo 'kong tatawagin ng ganyan?"
"Eh ikaw kase!" Lei retorted.
"Teka teka..." Awat ni Eli sa magkapatid. Tapos ay bumaling ito kay Eula. "Explain."
Eula sighed. "Yun si Jeric. Boyfriend ni ate since first year high school hanggang after grad. Di pa rin yata yan nakaka-move on dun eh." Tumingin ito kay Lei.
"Luh--tagal na ah! Hangover ka pa rin sa gagong yun?" Gulat na tanong ni Keeme.
"I honestly didn't expect that you've had a boyfriend." Dama said.
"Bakit hindi ka man lang nagkwento?" Tanong naman ni Zelo sa kanya.
Isa-isa silang sinukat ng tingin ni Lei. Tapos ay kumunot ang noo nito. "At bakit ko naman ikikwento yun sa inyo? Wala na yun. Matagal na yun eh."
"Ows? Eh bat parang affected ka pa rin?" Dama looked skeptic.
"Mukha lang akong affected pero wala na talaga yun sa 'kin." Tumayo si Lei. "Tara mag-cutting?" Aya nito sa kanila.
"Ha? At san naman tayo pupunta?"
"Gagala!" Nakangiti nitong sagot. "Tara dali! Tinatamad akong mag-aral ngayon."
Nagkatinginan na lamang ang magkakaibigan na sumunod sa kanya palabas ng school. Tinatamad din kase silang mag-aral eh. Kaya kapag may isang nagyaya at wala sa mood mag-aral ang lahat... eh di go.
Sumakay sila ng jeep at nagpunta sa pinakamalapit at pinakamaliit na mall na napuntahan ni Dama. Dalawang palapag lang yung building at kaya mo ng maikot in less than an hour.
Dumeretso sila sa Time Zone kung saan nag-rent ng karaoke si Lei at nagbabanat ng kanta.
"Oo nga. Mukha ngang di sya affected." Naiiling na sabi ni Dama kay Eula.
"Tss. Asa ka naman dyan. Eh hanggang ngayon nga stalker pa rin sya ng lalaking yun sa Facebook eh."
"YOLANDA!!!" Lei shrieked. Napatakip silang lahat ng tenga.
"Ano ba ate!"
"Ikaw naman ang kumanta." Nakangiting iniabot ni Lei ang mic sa kapatid.
"Ayoko!"
"Ako na lang!" Inagaw ni Dama yung mic mula kay Lei. "Kung di nyo naitatanong eh... nagmana ako ng dancing skills ko sa mommy ko. And my great vocals are from my dad." She preambled.
Nagpalakpakan sina Keeme at Eli while Zelo was trying his best not to smile.
Nagsimula na ang tugtog kaya't nagsimula na ring kumanta si Dama.
Okay naman sa bandang simula eh. Understandable naman na medyo nagki-quiver pa yung boses sa una kase hindi naman sya professional singer to start with. Kaso nung umabot na sa chorus....
"Don't make me.... CLOSE ONE MORE DOO--"
Inagaw ni Keeme ang mic from Dama.
"Punyeta! Mag-sorry ka sa tenga ko!" Naiirita nitong sabi.
"Ano ba!" Pinilit agawin ni Dama ang mic from Keeme. "Di pa ako tapos kumanta!"
"Wag na wag nyong ibibigay ang mic dyan!" Pakiusap ni Eli, who was looking pale from all that singing.
Napadabog si Dama. "Ang sasama nyo!"
"Tanggapin mo na lang kase na wala kang talent sa pagkanta!"
"Are you guys deaf?" Dama asked them--shocked. Eh kase naman, kapag kumakanta sya sa karaoke room nila sa bahay kasama ang mga katulong eh wala namang nagrereklamo.
Little did she know na wala talagang magrereklamo sa takot na sisantehin nya ang mga ito.
Pero iba kase kapag kaibigan eh... walang preno ang panlalait sa'yo.
"Mag-inom na nga lang tayo! Nakakabadtrip 'tong si Dama eh!" Aya na naman ni Lei sa kanila. She was already leaving the karaoke room kaya nagsitayo na rin sila para sundan sya.
"Inom naman ngayon? Umamin ka nga, bothered ka sa lalaking yun noh?" Puna ni Dama.
"'Wag kang magmura dyan. Uhaw lang ako."
"Eh di uminom ka ng tubig!"
"Sa alak ako uhaw." Nag-iwas ng tingin si Lei. "Kung ayaw nyong sumama, eh di 'wag."
Pero syempre, nagsisunudan pa rin sila. Sa bahay nina Lei sila dumeretso. Wala pang tao kase parehong nasa trabaho ang mga magulang nila. Bumili ng alak sa tindahan sina Lei, Keeme at Zelo habang naiwan naman sina Eula sa bahay.
"Euls, sino ba yung lalaki kanina?" Tanong ni Eli.
"Ex nga ni ate. Si Jeric."
"Why did they break up?" Tanong naman ni Dama.
Eula shrugged. "Ewan ko. Basta isang araw, umuwi na lang si ate na umiiyak eh. Because of that guy, hindi na tumuloy ng pagkuha ng entrance exam sa UP si ate kaya dito na lang sya nag-aral. Ang masaklap pa dun, dito din nag-aral si Jeric. Kaya ayun... halos araw-araw silang nagkikita."
"Sya ba yung nagpauso ng nerd?" Tanong ulit ni Eli.
Tumango si Eula. "Kaya nga galit na galit si ate kapag may ibang tumatawag sa kanya ng nerd eh. Naaalala nya kase yung ex nya."
"Hindi pa ba sya nakakaget-over? Mygosh! Clingy much sa old feelings!"
Inilagay ni Eula sa tabi yung tinimpla nyang chaser. "Hindi ka pa kase siguro naiinlove kaya hindi mo maimagine yung ganun."
"Hindi talaga! At hinding-hindi ko gugustuhing mainlove no!" Nasusuyang sagot ni Dama.
"Luh--sige magsalita ka ng tapos! Mamukat-mukat mo, bukas inlove ka na." Natatawang sabi ni Eli.
"Hoy Elijah! 'Wag ka ngang magmura dyan!" Inis na sabi dito ng dalaga.
Pagmumura kase ang pet name nila sa love or anything na related dito. Kaya kapag pinag-uusapan nila ang tungkol dun--they refer to it as pagmumura.
Maya-maya pa'y dumating ang tatlo pa nilang kabarkada at pagka-settle ng lahat, pumwesto na sila sa likod bahay at nag-inuman.
Pagkatapos ng inuman, nag-antay muna sila ng gabi at nagpahulas. Kase nga naman, masamang tingnan sa estudyante yung nag-cutting class na nga eh nag-inuman pa--ng naka-uniform!
Dun pa sila kumain ng hapunan kina Lei.
Laking pasasalamat pa ni Dama at nakatikim sya ng masarap na ulam. May kaya kase ang pamilya nina Lei kaya sagana sila sa karne... di tulad nina Zelo na madalas isda at gulay ang ulam.
"Oy una na 'ko ha?" Paalam ni Eli ng mapatapat sila sa bahay nito.
"Wag muna! Bata ka pa!" Biro ni Dama.
Tumawa ng bahagya si Eli at ginulo ang buhok ni Dama. Saka ito pumasok ng bahay nila.
"Tss. Ginulo pa talaga buhok ko eh." She was fixing her hair ng mapansin niya ang pinsan--ang lapad lapad ng ngiti nito na para bang may magandang nangyari. "Why are you smiling?"
Agad nawala ang ngiti nito. "Ayan hindi na."
"Problema mo? Parang nagtatanong lang eh."
--
Bahay. 2:08 am. Nagising na naman si Dama dahil sobrang init at pangangati ang likod nya. Lumabas sya ng kwarto para uminom ng tubig. Natural na makikita nya ang mag-ina na natutulog sa sala.
She didn't even know what she was thinking when she walked towards them. Naupo sya sa tabi ni Zelo at pinagmasdan ng maigi ang pinsan. Parang ang saya-saya pa rin nito dahil kahit hanggang sa pagtulog ay nakangiti ito.
May nangyari kayang maganda?
She didn't know why... but on that particular morning... she actually found him--well, for the lack of a better adjective--mesmerizing.
Gwapo pala ito... kahit may pagkamasungit at isnabero.
Dapat kase palagi kang ngingiti ng ganyan para hindi ka mukhang nakakatakot, she thought.
Tumayo na sya at akmang hahakbang papuntang kusina when she heard him speak.
"Dama..."
Thinking that he was awake, she frantically thought of a good excuse kung bakit nandun sya sa tabi nito at nakatitig sa binata.
Nilingon nya ito. "A-Ah... kase--" She stopped on track ng makitang natutulog pa rin ito.
Was he playing games with her?
Gising kaya talaga ito at nagkukunwari lang tulog?
Or was he really just sleep-talking?
Kahit ano pa man iyon, sa di malamang kadahilanan... napahawak si Dama sa dibdib nya ng may maramdaman syang kakaiba...
Her heart suddenly went erratic.
Dugdugdugdugdug.
xxxxx
AN: Isa na namang walang kwentang UD. Sorry naman... agahan lang ang kinain ko and I've been so annoyed the whole day. Okay. So I'm making excuses now. =_=
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro