
First Mystic
Chapter 1
Tumigil kami sa harap ng bagong school ko. Laki naman nito. Pero wala pang mas lalaki sa ulo ng alien speaking driver ko. Maka-english wagas. Tsk. Dejoke.
"Dito na ako."sabi ko at bumaba na. Ayoko naman kasi na malaman nila na mayaman ako . Pumasok ako sa malaking gate at nakasalubong ko ang assistant principal.
" Welcome to Sevinne Academy, Princess Dalian Mystica Tepes. I'm Lester Cortez." Sabi niya at yumuko as a sign of respect. Tumango lang ako. Ayoko makipagusap. Tinamad masyado.
"Your codename in this academy is Melody Mystinne Medioval. And this your schedule." Meron siyang ibinigay na papel na may nakasulat na schedule. Walang emosyon akong tumango." Come princess. I'll take you to your classroom." Tumalikod na siya at lumakad na palayo. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.
Nung nakarating na kami sa pinto ng classroom,inutusan niya ako na humintay muna sa labas. Usually,hindi makalabas ng buhay ang mag-uutos sa akin ng ganyan pero dahil good mood ako, sinundan ko nalang.
Nagsitayuan ang mga estudyante ng pumasok si Lester."Wonderful day, Lester Cortez." Tapos umupo muli. Nice, ang weird ng greeting. Ngumiti si Lester." Class, we have a new student. Please take care."
Then.... I heard murmurs.
"Chix ba sir?"
"Maganda ba sir?"
"Gwapo sir? Tapos hot?"
"Sino ba kasi,sir?"
Napailing nalang ako sa mga sinabi nila. Typical seniors. Pero hindi ako chix at never akong magiging chix. Kadiri! And sorry to the girls. Hindi ako gwapo at hot. Maganda at sexy lang. Hehehehe.
Lester only smiled mysteriously and with meaning and respect to me."You'll see. Please come in now." Wow ha! Kung makautos wagas. Sarap sabihin,'utot mo' pero wala akong choice. Kailangan mag-low profile. Ginusto ko naman ito eh. Kaya pumasok na ako habang nakangiti sa kanila. Agad naman nag-whistle ang mga lalaki at yung mga babae naman,sinamaan ako ng tingin. Ang ganda ko kasi. Pero mas maganda ako kapag hindi naka-disguise.*mental hair flip*
"Ohayou! I'm Melody Mystinne Medieval. I'm half japanese and half filipino at one fourth American. I came from Santa Monica. Yurushko Onigaijimas." I said in my most cheerful voice and bow.
(A/N: is the spelling correct. If not, please correct me 😣)
Lumaki naman ni Lester sa inasal ko but he quickly regained his composure.
"Santa M-monica?" Tanong ng girl with orange hair habang seryosong tumingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
She laughed along with the other classmates well... Except for a certain guy with ash gray hair. He was just staring at me with his mercury-colored orbs. He somehow seems familiar to me. But I can't put my finger where.
"So you come from that stupid shitty place. Where the last of the Tepes family and Blakewood family live. The country inside a country. I wonder if that stupid princess is dead now." Sabi nung girl kanina at tumawa ng malakas. I gritted my teeth. Bwiset. Pasalamat ka hindi ako makaganti sayo. And I familiarize her face. Oh yeah! She was the daughter of the Zee family who tried to enter Tepes-Blakewood Monarch. My home. And ended up being bankrupt for seven years. Kaya pala ang bitter niya.Tsk.
"Shut it Miss Zee. A Tepes and a Blakewood might hear you." Sita ni Lester sa kanya.
"The Tepes family and the Blakewood family doesn't exist anymore for pete sake."she sneered. Nag-shrugg lang si Lester." Hindi mo alam. Baka nasa tabi-tabi lang sila. Nakikinig sa mga salita mo."
Oh yeah! Nasa harap mo lang girl! Sige! Push mo yan! Support pa kita!-_-
Natahimik naman si girl. Ha! That's what you get! Tiningnan niya ako ng masama tapos bineletan ko siya"Bleeh!" Halatang nagulat siya sa ginawa ko at naningkit ang mga mata sa akin.
"So,Miss Te-- este-- Medieval, please sit on the vacant seat at the back." Sabi ni Lester. Palihim ko siyang tinitigan ng masama at naglakad papunta sa Jupiter. Dejoke. Sa likod at sa tabi ng lalaki na may ash gray hair. Hindi ko siya pinansin at kinuha ko yung violet leather notebook at pilot na pen sa bag ko at nagsulat. Si Lester pala ang teacher namin. Tch.
Tiningnan ko yung schedule na nakasabit sa first page ng notebook ko. History pala ang first subject namin. At si Lester pa ang teacher sa lahat ng subjects namin. Wala nang iba. Forever siya.....na may panget na mukha. Hahahahaha.
Nakinig lang ako sa sinabi ni Lester." And since I have mentioned the Tepes and the Blakewood family, ito yung first lesson natin." Tsk. Sikat ko talaga. Maganda pa.
"As you all know. Santa Monica is the country in a country which is located at the next place sa south. Sa sobrang laki nito, para na siyang isang country. But what is peculiar about that is you have to cross the 'bridge with a hundred steps' at pumasok sa malaking courage cave which is surrounded by dead forest trees. Kaya nga courage cave. But traveling there is all worthy dahil sobrang maganda dun. Santa Monica doesn't usually let outsiders go inside unless meron kang kakilala doon. The country is ruled by the Tepes family and Blakewood family. The first and second richest family in the entire world. But their reign ended when nagka-away at nagpatayan ang mga family members. Pero, meron pang nakatakas. Ang panganay na anak ng mga Blakewood na si Aleksandre Karma at yung pinakabata na anak ng mga Tepes si Dalian Mystica. Mag-bestfriend silang dalawa at ayaw nila ang makikipag-away. Kaya tumakbo sila palayo sa Monarch hanggang matapos yung away. Nine years old palang sila kaya nadesisyunan nila na huwag makisali. At pagbalik nila sa Monarch,napatay silang lahat. Kaya ang ginawa nila ay nilinis nila ang buong lugar and they ruled Santa Monica. Kahit bata palang sila, alam na paano mag-hack si Aleksandre ng mga password at files at si Dalian naman, ay may governance at siya ang gumawa sa rule na mahigpit na defense. Dahil alam nilang dalawa na ang rason kung bakit nagpatayan sila ay dahil lang sa maling akala." Mahabang sabi ni Lester.
Oo,aaminin ko, ang hirap ng pinagdaanan namin ni Karma.
"Five years later, umalis si Aleksandre sa Santa Monica for the benefit of the both of them dahil magtatrabaho siya at a very young age. At dahil matalino naman siya, nakakuha siya ng trabaho at nakabangon ulit ang Santa Monica. Pero all this years, hindi na nagkita ang dalawang bestfriend."patuloy na sabi ni Lester.
Oh my. Parang naiiyak ako. Kasi sobrang sakit. Isang araw bigla nalang nawala si Karma at hindi na kami nagkita for..... Two years. Ang sakit nakakamiss. Agad naman ako tumayo at nakuha ang atensyon ni Lester. Ay hindi pala,sa lahat.
"Gomenasai! Kailangan kong pumunta sa C.R." Sabi ko ni Lester. Ayokong umiyak sa harap nilang lahat. Naintindihan naman niya at tumango at yumuko ng bahagya na parang humingi ng paumanhin. Kaya nagmamadaling tumakbo ako palabas sa classroom. Dahil sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin na meron pala nahulog galing sa bag ko...
------
Yehey! A chapter! Sana you like it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro