Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 97❀

"I'M so sorry this, Remi." Hindi ko na mabilang kung ilang beses humingi ng pasensiya si Corra. Kitang-kita talaga sa itsura niya ang matinding pagsisisi. "It's all my fault. I shouldn't have suggested that idea, hindi ko sukat akalaing lolokohin tayo ni Nate."

Napanood ko na 'yung video. Medyo na-confuse ako noong una. Malayo sa inaasahan kong palabas ang video, naging music video 'yon na parang maikling pelikula kung saan ay tila pinagbibidahan ko. Maririnig ang boses ko subalit hindi pinakita ang mukha ko.

Sa pinakadulo ng video ang climax, doon mismo sa quadrangle ng Tanso National High School, katulad na katulad sa mga palabas—slow motion, nakakaiyak na music. Ang kaibahan? Hindi kami umaarte. Totoong-totoo ang emosyon ni Poknat o mas kilala nila ngayon bilang Zeke Gotzon.

Bago magtagpo ang bisig naming dalawa'y biglang may sumingit na clip na parang flashback, iyong interview kay Poknat kung saan kinukwento niya ang tungkol sa first love niyang namatay. Muling bumalik sa eksenang nagyakap kaming dalawa, hindi pa rin pinakita ang mukha ko.

Wala akong kamalay-malay na may mga camera na kumukha sa'min noong mga panahong 'yon. Kung gano'n ay talagang naging kasabwat si Nate dahil siya ang nagpapunta sa'kin doon.

"When that video went viral, tinawagan ko kaagad si Nate pero hindi siya sumasagot," kwento ni Corra kanina. "Hinanap ko siya sa studio pero hindi siya pumasok. And it turned out na 'yung mga staff na sinama niya noon ay hindi talaga staff ng show ni Ms. Jessa."

"He scammed us, in short," sabi naman ni Miggy.

"Aba, gago 'yon, ah!" bulalas ni Auntie. "Pero bakit naman niya gagawin 'yon? Sinong mastermind? At saka bakit?"

Narinig naming napamura si Miggy kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Bakit, Miggy?" tanong ko.

"I just had a hunch," sagot niya saka tumingin sa'min. Bumuntong-hininga siya bago tumingin sa'kin. "I'm so sorry, Remi, I never told you this... As a matter of fact... Poknat's manager, Jared, knew about you."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Remember I told you before that years ago I already talked to him para ipaalam kay Poknat 'yung tungkol sa'yo... Papayag lang siya noon sa isang kundisyon."

"Kundisyon?"

"During those time papunta na sa peak ng kasikatan si Zeke Gotzon, it was critical, Jared said. Surely, Poknat will lose his focus, Jared also said that he might also quit. So, he proposed na papayag siyang ipaalam kay Poknat kung ipa-publicize ka ng management, I guess just to add a drama and boost his reputation."

Pare-parehas walang nakapagsalita sa'min matapos marinig ni Miggy 'yon.

"Ipa-publicize?" ulit ko. Sinisiguro kong hindi ako nagkakamali ng pandinig ko.

"Magalit ka na sa'kin pero I never regretted that decision. I chose to decline his proposal."

"M-Miggy..." Kung gano'n... ginawa niya 'yon dahil...

"I just protected you, Remi," halos pabulong niyang sabi nang mapayuko.

"In other words, itong gimik na 'to maaaring kagagawan ng management ni Poknat?" biglang sabat ni Corra, napalitan ng inis ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Si Nate ang dapat managot dito. He fooled us! Binenta niya tayo ng walang kamalay-malay!"

"Dapat sampahan ng kaso 'yong gagong 'yon!" dagdag ni Auntie. "Pero teka. Kung 'yung management ni Poknat ang nasa likod nitong video, anong agenda nila? Bakit hindi nila pinakita 'yung mukha ni Ming?"

"I think like what Miggy said, para ma-boost 'yung reputation ni Zeke Gotzon," sagot ni Corra. "Remi, your aunt is right, we must sue Nate and the management."

"That won't be easy. First, wala tayong evidence na management ang mastermind. Unless we catch Nate and squeeze information from him. And it will be risky for Remi too," sabi ni Miggy sabay tingin sa'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Oh, no." Napatingin kami kay Corra na biglang tiningnan ang cell phone. "Oh, it exploded like a bomb."

"Anong nangyari?" tanong ni Auntie, kinuha rin ang cell phone nito at may tiningan.

"Dahil nag-viral ang video, trending na trending ngayon sa social media si Zeke Gotzon—at 'yung mystery girl," sabi ni Corra habang nakatutok pa rin sa hawak. Ako malamang ang tinutukoy niyang 'mystery girl'.

"B-bad news ba 'yon?" Tumingin si Corra sa'kin, base sa itsura niya'y alam ko na ang sagot.

"I suggest you don't open any social media. It won't be healthy for you to see the public's opinion."

Biglang sumagi sa isip ko... Naibalita na 'yung tungkol sa engagement ni Zeke Gotzon at Zarah kaya paniguradong maraming magrereact sa biglang lumabas na video.

Natulala lang ako sa kawalan nang marinig kong nagsalita si Miggy.

"Before this gets worse, I'll take you out here, Remi, may alam ako na pwedeng maging safehouse."

"Safehouse? Kriminal ba si Remison?" angal ni Auntie. "At saka hindi ba safe dito sa pamamahay ko?" pumanewang pa siya.

"H-hindi naman po sa gano'n—"

"Hayaan mo muna si Remison dito sa akin." Pagkasabi no'n ni Auntie ay tumabi siya sa'kin at hinawakan ako sa braso. "Mas magfocus ka muna sa paghanap kay Nate. At para masampal ko ng personal ang gagong 'yon."

Hinawakan ko rin ang kamay ni Auntie. Alam kong natatakot lang din siya na mawalay ulit ako sa kanya kaya ayaw niya ng suggestion ni Miggy.

Sa huli wala ring nagawa si Miggy sa kagustuhan ni Auntie. At isa pa, ayoko ring umalis muna dahil nangako si Poknat sa'kin. Nangako siyang babalik ulit siya.

*****

MAG-iisang linggo na ang lumipas sumila nang mag-viral ang video. Naging laman 'yon ng balita kinagabihan noong araw na kumalat ang video.

Maraming nagtatanong kung sino ang misteryosang babae. Samu't sari ang naging reaksyon ng publiko. Walang kahit anong komento ang panig ni Zeke Gotzon at Zarah.

Wala ring balita si Miggy dahil hindi pa rin niya natutunton si Nate para mapanagot ito. Ayon kay Corra ay biglang nag-AWOL si Nate sa trabaho, kaya malakas ang kutob ni Auntie na malaki ang naging bayad dito para manahimik.

Unti-unti, humupa rin ang balita. Hindi rin naman ako tumitingin ng kahit anong balita sa social media.

At hanggang ngayon... Hindi pa rin bumabalik si Poknat.

Pero hindi naging dahilan 'yon para panghinaan ako ng loob. Araw-araw, kahit hindi ako lumalabas ng bahay at nagbabasa lang ako ng mga lumang libro ay hindi ako nainip. Ngayon pa ba ako maiinip?

"Oh, saan ka pupunta?" gulat na tanong ni Auntie nang makita akong nakagayak paglabas ko ng kwarto.

"Gusto po kasing makipagkita ni Burma, nadischarge na siya sa ospital. Magkikita kami nila Aiza para dumalaw sa bahay nila sa Makati," sagot ko. Sa totoo lang ay naiinip na rin ako rito kaya pumayag ako agad sa pagyaya nila.

Kailangan ko rin ng company nila para naman gumaan-gaan ang kalooban ko kahit papaano.

Noong una'y parang hindi papayag si Auntie pero nagbago rin ang isip niya. Nagbilin na lang siya na mag-iingat ako.

Napaaga tuloy ang dating ko sa meeting place namin nila Aiza. Naghihintay ako ngayon dito sa isang open area na maraming halaman sa loob ng mall. Kakabasa ko lang ng text ni Corra na hindi siya makakasama sa'min ngayon. Ang kutob ko nga'y baka nagi-guilty pa rin siya at baka tinutunton din si Nate.

Dumating na rin 'yung dalawa at gamit ang sasakyan ni Honey ay pinuntahan namin 'yung bahay nina Burma. Katabi lang din pala ng bahay nila 'yung pwesto ng sweet shop nila.

Masaya ang pagsalubong ng pamilya ni Burma sa'min. Pinakilala niya 'yung mister niyang si Bobby, katulad nga nang kwento nila'y mukhang mabait ito dahil palangiti. 'Yung mga baby ni Burma, isang five year old na bibong-bibo na si Timmy, two-years old na si Bella, at ang kanilang newest baby na si Travis.

Lahat ng mga pinoproblema ko naglaho noong mga sandaling 'yon. Maghapong kainan, kwentuhan, at kulitan kasama ang mga bata. Akala ko hindi ko na magagawang tumawa ulit ng ganito.

Habang pinagmamasdan ko nga si Burma na karga ang anak niya, at ang asawa nito'y hindi ko maiwasang mainggit. Larawan sila ng simpleng kaligayahan.

"I know what you feel, girl," dinig kong sabi ni Aiza na nasa tabi ko. "Nakakainggit si Burmakels at very happy, successful, and contended ang kanyang life."

"Surely there are ups and downs," sabat naman ni Honey na kakalapit lang sa'min. "Bilib ako kay Burma kasi nakakaya niya ang lahat, pag-aalaga sa pamilya at pagmamanage ng business nila. Kasi ako? Career lang talaga muna kaya ko."

Tinapik ni Aiza si Honey. "Besh, makakatagpo ka rin ng the one for you. Malay mo nasa ospital lang din, 'di ba?" Biglang nasamid si Honey sa iniinom nito. "Oh, kita mo na! May kinakalantari ka nga sa ospital! Sino 'yan? Doktor ba?"

"Ang pangit ng word mo," sagot ni Honey.

Lumapit sa'min si Burma matapos ibigay ang baby kay Bobby. "Hoy, mga bruha, huwag n'yo kong nile-left out sa tsismis."

"Wala, sabi namin, sana all katulad ni Burma," sagot ni Aiza.

Nakatulog na 'yung mga bata kaya naiwan kami sa may garden. Makulimlim na rin naman saka presko 'yung hangin.

"Hays, iba na talaga 'yung life ngayong matanda na tayo," sabi bigla ni Burma. "Parang dati lang, kahit anytime pwedeng-pwede tayong magkita. Pero alam mo, Remi," hinawakan niya bigla 'yung kamay ko, "kapag nagkikita-kita kami noon, palagi ka talaga naming naalala."

Napangiti ako. "Siguro nga kaya rin ako nagising kasi pinagtsitsimisan n'yo ko."

"Naman!" natawa silang tatlo. "Ikaw ang may pinakamahabang hair noong hayskul tayo, ano!"

"Remi, kung ano mang mangyari, nandito lang kami palagi," sabi bigla ni Honey. Nakwento ko na kasi sa kanila 'yung mga nangyari.

Maging sila'y nagulat nang makita ang viral video. 'Yung mga ka-batch daw namin ay nagtatanong sa kanila kung ako raw ba 'yon pero hindi nila sinagot. Nagpapasalamat ako kasi kahit na ang tagal kong nawala, hindi nagbago 'yung samahan namin.

"Magiging malakas ako," sagot ko. "Salamat sa inyo. Nang makita ko kayo ulit... Pinaramdam n'yo sa'kin na hindi pa rin ako nag-iisa."

*****

DUMAAN muna ulit ako sa mall para bumili ng pasalubong na pagkain para kay Auntie. Gabi na kasi ako makakauwi dahil masyado kaming nalibang sa bonding. Minsan lang ang pagkakataon na may day-off si Honey at Aiza ng sabay.

Ihahatid sana ako ni Honey hanggang sa'min pero hindi ko na siya inabala dahil alam kong may shift pa siya bukas ng maaga. Na-aappreciate ko naman palagi 'yung concern at effort nila pero ayoko naman na masyado akong ini-spoil o bine-baby.

Naglalakad na ako palabas ng mall nang biglang may humarang sa'kin na babae.

"So, ikaw pala ang dakilang epal." Saka ko lang din napansin na halos lahat ng nasa paligid ay nakatingin sa'min.

"S-sorry?"

"Siya nga, 'yung sleeping beauty." Dinig kong sabi ng nasa kanan ko.

May mga naglabas ng phone nila at kinuhanan ako ng picture.

"Dakilang epal ng taon! Panira ka ng relasyon!" muling sabi ng babae na nasa harapan ko. "ZZ forever pa rin!"

Bigla akong nahili. Anong nangyayari?

Dali-dali kong nilagpasan ng babae pero hindi ako tinantanan ng mga tao sa paligid ko. Bawat madaanan ko'y napapalingon sa'kin.

"Uy, siya nga." Kahit hindi ko naririnig ang mga boses nila'y nababasa ko ang mga buka ng bibig nila.

"Miss!" Biglang may sumabay sa paglalakad ko, may hawak itong mikropono. "Ngayong viral ka na sa social media, maraming reaksyon ang mga netizens sa kwento mo—anong masasabi mo sa mga sinasabi nilang sinira mo ang relasyon nina Zeke Gotzon at Zarah Finch?"

Mas lalo kong binilasan ang paglalakad pero hindi pa rin ako tinantanan ng reporter.

"Pero maraming mga nagsasabi na you deserve naman to show up after all these years! May maibibigay ka bang statement sa mga taong nanghuhusga sa'yo? Sandali lang—"

Halos mabunggo ako sa taong lumitaw sa harapan ko. Hinarang niya 'yung sarili niya sa reporter.

"I think you should leave her alone," sabi ng lalaki sabay may pinakitang card sa reporter.

"Sorry, Attorney." Lumayas din ito at saka ako hinila ni Miggy palabas ng building.

Nakarating na kami sa parking lot nang bitawan niya ako. Nakayuko pa rin ako at saka ko lang din napagtanto na nanginginig 'yung buong katawan ko.

"Damn it!" napatingin ako kay Miggy nang biglang sumigaw. Napasabunot siya sa buhok saglit bago tumingin sa'kin.

"P-pa'no mo nalaman kung nasaan ako?" sa dami ng nasa isip ko ay iyon ang nagawa kong itanong.

"Thanks to GPS," sagot niya. "When the news got out, I quickly tracked you."

"News? A-Anong balita?"

"Zeke Gotzon held a press conference earlier; he told the press that he's not renewing his contract to his management and he announced that... his engagement was called off. Then after that, an article circulated about you with your photo."

*****

MAGDAMAG walang nag-imikan sa'min ni Miggy habang bumiyahe kami pauwi sa bahay ni Auntie. Nang malaman ko kung anong nangyari, sinabi kong iuwi niya na lang ako dahil pagod na ako.

'Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Personal kong nasaksihan ang reaksyon ng mga tao... mga estranghero. Tandang-tanda ko pa rin 'yung mga titig at pagturo nila sa'kin—ang iba'y kumuha pa ng mga larawan. Idagdag pa ang mga masasakit na salita.

'Panira ka ng relasyon!' Kinansel ni Poknat ang engagement niya... nang dahil ba sa akin? Ano pa bang dahilan, Remison?

Nakatanggap nga ako ng magkakasunod na text mula sa mga kaibigan ko. Mga bilin at paalala na palagi silang nakaalalay at suporta sa'kin kahit anong mangyari, alam na rin nila 'yung balita.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Auntie ay halos malaglag 'yung puso ko sa gulat.

"Ming." Napatayo si Poknat sa kinauupuan. Sasalubungin niya sana ako pero may humawi sa'kin.

"Poknat!" sigaw ko nang makitang sinuntok siya ni Miggy at natumba sa sahig. "Miggy, ano ba—"

"You make her suffer more; I'll kill you."

Biglang dumating si Auntie Emily galing sa kusina at naabutan ang eksena. Nang makita niya ako'y kaagad siyang lumapit at niyakap ako. "Ming! O-okay ka lang ba? Nabasa ko 'yung text ni Miggy kung anong nangyari sa'yo sa mall, sinaktan ka ba nila?"

Umiling ako saka bumitaw si Auntie. Tumayo si Poknat habang hawak ang pangang natamaan.

"Alam ko kung anong consequences ng mga ginawa ko," sagot ni Poknat.

"Really? Sa ginawa mong komosyon hindi na tatantanan ng mga tao si Remi sa social media! At lalong hindi siya tatantanan ng press! They'll bug her life—"

"Sinabi kong alam ko kung anong consequences. That's why I'm here." Biglang lumapit si Poknat sa'kin at hinawakan ako.

Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko. Bumalik siya.Binalikan niya ako!

"What do you think you're doing, Poknat?"

"I'm here to take her away."


-xxx-


THANK YOU, LORD! AND THANKS AGAIN TO YOU WHO'S READING THIS \( ̄︶ ̄*\))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro