DALAGA 91❀
NAPANSIN kong hindi pa rin pala nawawala ang pamumula ng pisngi ko nang makita ko 'yung sarili ko sa salamin. Kinuha ko 'yung towel sa maliit na basket sa ilalim ng lababo at saka pinunasan 'yung basa kong mukha.
Napapikit ako nang maalala 'yung nangyari kanina. Bago ko pa sisihin 'yung sarili ko sa pagpayag sa naisip na plano ni Deanna'y muli kong naalala kung bakit nga ba ulit ako nandito.
Sa kabutihang palad, bago pa may mangyari kanina'y kaagad kong naitulak si Miggy. Naguguluhan siyang tumingin sa'kin, hindi nagsalita pero nagtatanong ang mga mata niya kung bakit ko siya pinigilan. Walang sali-salitang bumangon ako't nagtungo sa banyo malapit sa kusina.
"Remi?" Dumilat ako nang marinig ang tatlong mahinang katok sa pinto. "Are you okay?" bakas ang pag-aalala sa boses niya. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya hinarap.
"Miggy..." Tawag ko sa kanya nang buksan ko 'yung pinto. Sinapo ng isang kamay ko 'yung tiyan ko. "Ano kasi..."
"Yes? What's wrong?" Napatingin din siya sa pagkakahawak ko.
"M-May dalaw kasi ako. May napkin ka ba riyan?"
"Sanitary pads?" Napaisip pa siya. "I don't have but there's a convenience store downstairs. Alright, you stay here and I'll go outside to buy." Tinapik pa niya ako bago umalis, kinuha muna niya ang coat bago lumabas ng apartment.
Good, umalis na rin siya. Pero hindi pa rin nawawala ang tinik sa lalamunan ko. Deanna, ano ba namang klaseng plano 'to.
Habang wala si Miggy ay pumunta ako sa sala at kinuha sa lamesita 'yung mga baso ro'n. Pumunta ako sa kusina, mabuti na lang ay kaparehas ng coffee maker ni Miggy 'yung nando'n sa manor kaya naging pamilyar ako kung paano magtimpla ng kape.
Patawarin ako ng Diyos sa gagawin ko. I'm sorry, Miggy. Ngayon pa lang ay paulit-ulit na kong humihingi ng tawad kahit na hindi ko pa alam kung iinumin ba niya 'to. Gumawa rin ako ng sarili kong kape, hindi ko lang nilagyan ng gatas at asukal 'yong kay Miggy.
Saktong kababalik ko lang ng sala nang makabalik na si Miggy na may hawak na maliit na paper bag.
"Here." Inabot niya sa'kin ang dala niya at nakita 'yung umuusok na kape sa lamesita.
"Sorry, pinakielaman ko 'yong coffee maker mo, gusto ko kasi ng kape," sabi ko at inabot naman sa kanya 'yung mug na para sa kanya. "Salamat pala, ha." Tumayo ako.
"No worries." Tinanggap din naman niya 'yung mug at saka ko pumunta ulit sa banyo.
Pagkatapos ay nadatnan ko siya ulit sa sala, nakita kong kababa lang niya ng mug sa center table. Ininom na ba niya? Kumabog bigla ulit 'yung dibdib ko nang umupo ako sa tabi niya.
"It's getting late, I'll take you home," sabi niya bigla.
"A-Ano, okay lang ako rito." Napatitig siya sa'kin. "At saka isa pa, alam naman nila na ikaw ang kasama ko."
"Doc Adel would—"
"Miggy, huwag kang matakot kay Ms. Adel," putol ko sa kanya. Dinampot ko 'yung remote sa harapan at inabot sa kanya. "Bored na bored na 'ko ro'n sa mansion, kaya kahit ngayon lang sana... Dito muna ako."
Hindi nagsalita si Miggy. Napaisip. Pumayag ka na, pakiusap.
"Alright," sabi nito sabay kuha ng remote sa'kin. "Just one movie." Bigla siyang humikab. Tumatalab na ba 'yung gamot na binigay ni Deanna?
Pumili kami ng panonoorin. Habang nakasandal ako sa sofa ay humihigop ako ng kape, sinilip ko 'yung baso ni Miggy at nakitang kaunti na lang ang laman no'n.
Hindi nakatuon 'yung atensyon ko sa palabas dahil pinakikiramdaman ko siya. Gaano nga ulit kabilis 'yung talab ng pampatulog?
"Why did you do that?" walang ano-ano'y narinig ko siyang nagsalita pero hindi siya tumingin sa'kin.
Hindi ako nakasagot, tinutukoy niya 'yung nangyari kanina. Bakit ko nga ba ginawa 'yon? Dahil utos ni Deanna? Hindi ko naman pwedeng isagot 'yon.
Narinig ko 'yung pagbuntong-hininga niya, mukhang hindi rin siya naka-focus sa palabas.
"I'll admit this, Remi. I'm hoping." May kumirot sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Saka siya biglang tumingin sa'kin.
Wala akong ibang nagawa kundi ihilig lang ang ulo ko sa balikat niya. I'm sorry, Miggy.
Maya-maya pa'y naramdaman ko 'yung pagbigat din ng katawan niya kaya maingat akong gumalaw. Nakita kong nahihimbing na siya sa pagtulog, sinubukan ko siyang yugyugin pero hindi siya nagising.
Hindi ko na inaksaya 'yung oras at mabilis akong kumilos para hanapin sa silid kung nasaan 'yung passport ko. Nang halughugin ko 'yung office niya'y nakita ko sa drawer ang isang brown envelope, nang buksan ko 'yon ay natagpuan ko rin ang hinahanap ko.
Saktong may telepono sa mesa at tumawag ako ro'n.
"Hello?" Laking pasasalamat ko nang sumagot si Quentin.
"Q! Si Remi 'to, pwede ba akong magpasundo?" Pumayag naman siya agad dahil nagkataong bumabiyahe siya ngayon at walang ibang pasahero.
Habang hinihintay si Quentin ay binalikan ko si Miggy sa sala, dinalhan ko siya ng kumot at pinatong sa kanya 'yon. Hinaplos ko 'yung mukha niya at hinalikan siya sa noo.
"Thank you, Miggy... Thank you sa lahat-lahat. I'm sorry kung aalis ako."
*****
HINDI makapaniwala si Quentin sa nalaman niya na mapapaaga 'yung pag-alis ko, at mas lalong hindi siya makapaniwala sa nagawa ko. Kinuwento ko kasi sa kanya 'yung nangyari kanina. Napailing siya nang sabihin kong si Deanna ang may pakana no'n.
"Well, you got no choice." Iyon na lang nasabi ni Quentin nang maisip na wala na ngang ibang paraan. "Don't feel so sorry for yourself, Remi. From this moment, you only need to move forward." Nakuha ko naman 'yung ibig niyang sabihin, hindi ako pwedeng mag-alinlangan sa puntong 'to.
Nang makarating kami sa mansion ni Deanna ay animo'y may party sa loob dahil lahat ng mga ilaw ay bukas. Halata naman na masayang-masaya si Deanna dahil makikita niya na rin sawakas 'yung taong mahal niya.
Kumain muna kami ng dinner dahil mamaya pa raw madaling araw darating si Zul, 'yung pangalan ng partner niya. Habang kumakain ng dinner ay maligalig na nagkukwento si Deanna. Nang tinanong niya 'ko kung nagawa ko ba 'yung sinabi niya'y pinagtawanan ba naman ako.
"Ang masunurin mo masyado, ha, talagang ginawa mong makipagmake out sa ex ko, oy ha but I don't mind." Tumawa ulit ito. Mukhang napapadami na rin 'yung inom niya ng champagne. Nagkatinginan na lang kami ni Quentin. "At least, 'di ba, nakuha mo 'yung passport mo. By the time na magising siya wala ka na rito sa Canada."
Hindi pa rin nakatulong 'yon para maalis 'yung guilt ko. Pero katulad nga nang sinabi ni Q, kailangan ko lang magpatuloy.
Pagkatapos magdinner ay pinaunlakan ni Deanna na magshower muna ako at magpalit ng damit. Puting blouse, jacket, jeans, at rubber shoes. Nilugay ko 'yung buhok ko at naglagay lang ako ng light makeup.
Nang lumabas ako'y nadatnan ko si Quentin sa common room at nagyayang maglakad-lakad muna kami sa may swimming pool area habang hinihintay si Deanna.
"Ikaw, Q, hindi ka ba uuwi ng Pilipinas?" tanong ko.
"Hmm... I'm not sure if I'll go back," sagot niya habang nakatingala bago ulit tumingin sa'kin. "Siguro pwede naman akong dumalaw kay mommy saka sa'yo, dadalawin kita."
Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa sagot niya, para kasing hudyat 'yon na... Kahit nga hindi nagbago ang pakikitungo niya sa'kin, hindi na rin talaga maibabalik 'yung dating siya.
Huminto kami sa paglalakad at hinawakan niya ako magkabilang balikat. "You can always call me if you need someone to talk to."
Napangiti ako. "Salamat. Pero tandaan mo rin na nandito lang din ako para makinig sa'yo." Niyakap namin ang isa't isa. Siguro nga si Quentin 'yung matuturing kong best friend mula noon hanggang ngayon. Biglang namasa 'yung mata ko na kaagad ko ring pinahid nang bumitaw kami.
"Remi," hinawakan niya ako sa dalawang kamay. "I will pray for you always, Remi. Wala akong ibang wish for you kundi happiness, you really deserve it."
Kung kailan patulo na ulit 'yung luha ko ay narinig namin 'yung boses ni Deanna. Sinenyasan niya rin kami na oras na para umalis. Sa huling pagkakataon ay muli kaming mahigpit na nagyakap ni Quentin at saka bumulong ng walang hanggang pasasalamat.
*****
DALAWAMPU'T oras ang biyahe mula Canada papuntang Bali, Indonesia. Ang narinig ko kasi kanina mula kay Deanna ay naroon daw 'yung isa sa business na aasikasuhin ni Zul kaya roon din nila napiling magbakasyon.
Pangalawang beses palang ako nakakasakay ng eroplano. Habang nakatanaw sa itim na ulap sa labas ay wala akong ibang maalala kundi si Poknat. Napangiti ako nang maalala ko noong mga bata palang kami, pinangakuan ko siyang ulap bilang pasalubong.
Hindi naman ako nainip sa biyahe dahil nagawa kong makatulog. Nagising na lang ako nang marinig 'yung boses ng piloto na magla-landing na raw 'yung jet sa isang pribadong isla na tiyak ko'y pagmamay-ari rin ni Zul.
Nang makapag-landing ang eroplano'y saka ko lang nakita sina Deanna at Zul na nanggaling sa isang silid, mukhang kagigising lang din nila. Nang makababa kami'y kaagad may sumalubong sa'ming sasakyan at inihatid kami sa isang resort.
Ipinakilala ako ni Deanna sa nobyo niya. Sa totoo lang ay kabaligtaran ng inaasahan ko 'yon dahil ang nasa isip ko'y matanda na ito pero hindi. Halata namang proud na proud si Deanna dahil hindi naman maikakailang makisig at gwapo si Zul.
Pagkatapos ako nitong ipakilala ay kaagad itong umalis, may pupuntahan lang daw muna. Bumaba ang ngiti ni Deanna pero kaagad ding ngumiti at tinuro ang swimming pool.
"Sis, let's swim na muna!" Tatanggi sana ako pero naramdaman ko na mukhang kailangan niya ng kasama.
"Wala akong damit panligo, Deanna." Halos umikot 'yung mga mata niya nang sabihin ko 'yon. At saka hindi naman ako nagpunta rito para magswimming.
"Alam ko 'yang nasa isip mo," bumitaw siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "Kakarating lang natin dito, why not enjoy muna bago ka umuwi ng Pinas, tutal nandito ka lang din naman. Saka 'wag kang mag-alala kasi alam kong sarili mo lang ang baon mo at passport kaya hiyang-hiya naman ako kaya ako na ang nagbaon ng masusuot mo."
"Wala ka ba talagang ibang friends?" tanong ko bigla na halos ikalaglag ng panga niya sa lupa.
"Ang tabil talaga niyang dila mo, ano? Oo, wala akong friends dahil ayoko rin ng mga user-friendly at makipag-plastikan."
"Ibig sabihin si Zul lang talaga ang nagpapasaya sa'yo?" Marahan siyang napatango at tinapik ko na lang siya sa balikat.
"Huwag mo nga 'kong kaawaan diyan, tara na at samahan mo 'kong magswimming!"
Pumatak na ang gabi, nakapagdinner na rin kami ni Deanna pero hindi pa rin bumabalik 'yung nobyo niya. Hindi ko na lang binanggit para hindi siya lalong malungkot. Bigla ko tuloy naalala... Malamang nag-aalala na sila Miggy, Ms. Adel, at iba pa sa Canada dahil bigla akong nawala.
Wala silang kamalay-malay na nandito ako sa Bali, kumakain ng masarap at umiinom ng wine kasama si Deanna. I'm sorry talaga, Miggy. Paniguradong ikaw ang sisisihin nila sa pagkawala ko.
"Huy, natulala ka." Narinig ko bigla 'yung boses ni Deanna. Sinabi ko naman sa kanya 'yung kinababahala ko. "Gaga ka. Ginusto mo 'to kaya dapat wala kang pagsisihan. Hindi ka dapat ma-guilty."
"Parang katulad ba nang ginawa mo." Muntik na niyang mabuga 'yung iniinom niya.
"Ang hilig mong mang-real talk, ano? Oo, gano'n na nga. Kailangan may paninindigan ka. Kaya ito ang tanong ko sa'yo, ready ka na ba bukas umuwi ng Pilipinas? Anong gagawin mo ro'n? Saan ka pupunta? Sinong aasahan mo ro'n? Anong plano mo?" Napayuko lang ako. "Tingnan mo, wala kang plano. As expected."
"Bakit? Nag-aalala ka ba para sa'kin?" panunukso ko.
"H-Hindi, no." Nag-iwas pa siya ng tingin. "Slight lang." Napangiti ako. "Siyempre, ten years kang tulog, malay ko bang eeng-eng ka sa mundo."
"Salamat, Deanna. Kahit na masama 'yung ugali mo, tinulungan mo pa rin ako."
Napahalakhak siya bigla. "You're welcome!" Tinaas niya ang hawak na baso. "Cheers para sa pag-uwi mo sa Pilipinas!"
Kinabukasan, dahil hindi pa rin bumabalik sa resort si Zul ay hinatid na ako ni Deanna papuntang airport. Hindi ko ine-expect na binili niya na ako ng flight ticket, inutusan niya 'yung secretary ni Zul kahapon. Bago kami maghiwalay ay nagulat ako nang may iabot sa'king backpack 'yung driver niya.
"Ano 'to? Mga damit?" Binuksan ko kasi 'yon.
"Concern talaga ko sa'yo na baka maging palaboy ka," natawa ko bigla, "seryoso ako kaya huwag kang tumawa. May wallet diyan na may cash. Para wala ka nang intindihin."
Kinuha ko 'yong wallet at halos nalula ako nang makita kung gaano kakapal 'yung pera na nando'n na puro one-thousand-peso bill.
"Deanna, parang ang dami naman nito masyado..."
"I insist, Remi, pwede mong gamitin 'yang pang-check in sa hotel pag-uwi mo ro'n," seryoso niyang sabi. "At ito pa pala." Mula sa bag niya'y kinuha niya 'yung isang bagay at saka inabot sa'kin. "Kakailanganin mo 'to. Sa panahon ngayon hindi ka mabubuhay kung wala kang cell phone."
Nag-aalinlangan man ay tinanggap ko pa rin 'yung binigay niya. Biglang nangilid 'yung luha ko.
"D-Deanna... S-Sobrang-sobra naman 'to. Parang hindi ko alam kung paano kita mababayaran—"
"Shunga, may narinig ka ba na kailangan mong magbayad? Kusang bigay lahat ng 'yan. Sine-share ko lang 'yung blessings ko," sabi niya sabay suot ng shades. "So, until we meet again?"
Hindi ako sumagot, bagkus ay sinunggaban ko siya para yakapin. Naramdaman ko naman 'yung pagyakap niya pabalik.
Umalis na si Deanna at may kalahating oras pa akong hihintayin bago 'yung flight Kaya naisipan ko munang tumambay dito sa isang open area kung saan maraming halaman. Hawak-hawak ko 'yung cellphone na binigay niya at nagdadalawang isip na kalikutin 'yon, nalulula kasi ako sa laki nito (ganito na ba kalaki ang mga cell phone ngayon?).
Nagpasya ako na huwag muna 'yong galawin dahil tiyak na hihingin ng cell phone ang personal kong impormasyon. Kapag nakauwi na ako sa Pilipinas saka ko na lang gagalawin. Wala akong panulat kaya nagplano ako sa isip kung anong unang gagawin pag-uwi.
Sumisingit sa isip ko 'yung pag-aalala kina Miggy at Ms. Adel, pero mas nangibabaw 'yung desisyon ko. Katulad nga nang sinabi ni Deanna, kailangang may paninindigan ako.
Hindi malabong umuwi rin sila Miggy ng Pilipinas para hanapin ako. Pero bago pa siguro nila ako mahanap ay baka nagawa ko na 'yung mga dapat kong gawin. Una, umuwi kina Mamang. Pangalawa, makipagkita kay Poknat.
Napatingin ako sa orasan at nakitang fifteen-minutes na lang bago 'yung flight ko kaya nagpasya akong pumunta na sa departure area. Napansin ko kasi 'yung mga taong nakatambay dito na unti-unting umiingay at dumadami.
Hindi kaagad ako nakapasok sa loob dahil biglang nagkagulo, nag-hiyawan ang mga tao nang may lumabas mula sa arrival area. Artista siguro. May mga security kasing nakaharang do'n sa biglang lumabas at nagkislapan ang mga camera.
"Next." Napangiti ako nang makapasok sa loob.
Kaunti lang ang mga pasahero sa flight namin kaya hindi gano'n katagal ang pila. Nang makasakay ako sa eroplano'y bigla akong kinabahan. Halo-halo 'yung nararamdaman ko't hindi ko matukoy kung takot, pagkasabik, saya, ba 'to. Ang mahalaga, makakauwi na talaga ako.
Buong biyahe akong mulat na mulat. Magdamag akong nakatingin sa labas ng bintana at pinanonood ang mga ulap.
Nang dumaan 'yung flight attendant ay inalok ako nito ng pagkain pero tumanggi ako. Nadako tuloy 'yung tingin ko sa isang maliit na TV na nasa harapan ko, may balita kasing pinapalabas doon.
Ibabalik ko na sana ulit 'yung tingin ko sa bintana pero nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko sa screen... ang mukha ni Poknat. At lalong hindi ako makapaniwala sa nabasa kong headline sa ibaba.
"ZEKE GOTZON'S LAST CONCERT TOUR ON INDONESIA..."
S-si Poknat 'yung nakita ko kanina?
-xxx-
THANK YOU SO MUCH! \(@^0^@)/
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro