Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 88❀


HINDI kumukarap habang nakapako lang aking paningin sa maliit na entablado kung saan solo na nagtatanghal si Quentin. Kanina ko pa kinukurot 'yung braso ko para siguraduhing hindi 'to panaginip o ilusyon.

Sumagi nga rin sa isip ko, baka kamukha lang niya si Quentin at coincidence lang ito. Coincidence? Naalala mo pa ba, Remison, noong maliit ka'y nagkita kayo ni Quentin sa tabing-dagat sa probinsiya. Maraming taon ang lumipas ay muli kayong nagkita ni Quentin sa isang eskwelahan. Coincidence?

Pasimple akong umiling sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na totoo ang tadhanang pagkikita dahil napatunayan na ito noon. At lahat ng mga pangyayari'y may dahilan—hindi lang nangyari nang dahil wala lang. Katulad na lang ngayon.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palabas, pero ni hindi ko man lang inintindi kung tungkol saan ang performance ni Quentin. Basta nakatitig lang ako sa mukha niya, sa pagbuka ng bibig niya, at pagsalubong ng mga kilay. Siya nga... Siya nga talaga si Q...

Nang matapos siyang magtanghal ay nagbow siya sa madlang hindi pa lalagpas ang bilang sa sampu. Sa kabila no'n ay nagawa pa rin niyang magbigay ng ngiti, 'yung ngiti niyang kay ganda ng kislap, hindi pa rin pala 'yon nawala sa kanya.

Pagkatapos ay bumalik si Quentin sa backstage, narinig ko si Ms. Adel na nagyayang umakyat para kumain na kami ng dinner. Wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod.

"Remi, are you okay? Namumutla ka," dinig kong puna ni Ms. Adel matapos umalis ang waiter na kumuha ng order namin. "If you're not feeling well pwede nating i-take out na lang 'yung food."

"O-Okay lang po ako," sagot ko sabay matipid na ngumiti.

Nagkwento si Ms. Adel tungkol sa lugar, kung paano niya ito nadiskubre at naging patron. Walang bayad ang palabas sa basement theater pero nagbibigay siya palagi ng tip sa counter bago umalis. Nawala ang atensyon ko sa kanya nang makita ng sulok ng mata ko na may kaaakyat mula sa baba—si Quentin.

Pinigilan kong tumitig sa kanya dahil baka mahalata ni Ms. Adel. Pasimple akong sumusulyap at nakitang nakasuot na ito ngayon ng jacket at cap, umupo ito sa bar counter. Maya-maya'y may babae at lalaking lumapit kay Quentin at sinamahan ito sa pag-inom.

Natigil lang sa pagkukwento si Ms. Adel nang dumating na 'yung mga inorder naming pagkain. Muling nagkwento si Ms. Adel tungkol naman sa mga pagkain at iba pang mga kainan na dinadayo niya. Patango-tango lang ako pero tumitingin-tingin pa rin ako sa direksyon ni Quentin, masaya itong nakikipag-usap sa mga kakilala.

Natapos na kaming kumain at nakapagbayad na 'yung kasama ko pero hindi pa rin umaalis sina Quentin at mga kasama niya. Nang madaanan namin 'yung bar counter ay naghulog ng papel nap era si Ms. Adel sa tip jar para sa mga aktor. Ni hindi man lang ako nasulyapan ni Quentin. At kung makita man niya ako... tiyak kong hindi niya ako makikilala.

Bigla na namang bumigat 'yung pakiramdam ko. Bawat hakbang palabas ng gusali ay para akong sinasaksak. Humihiyaw sa isip ko 'yung dapat kong gawin, lapitan mo siya! Nagkita kayo rito sa laki ng mundo at hindi 'yon coincidence! May dahilan kung bakit kayo ulit nagkita ni Quentin!

Hindi nanahimik ang mga boses sa isip ko hanggang sa makasakay kami sa loob ng sasakyan.

"M-Magsi-CR lang po pala ako," walang ano-ano'y nasabi ko 'yon.

"CR?" Akmang lalabas si Ms. Adel ng kotse nang pigilan ko siya.

"Ms. Adel naman... Malaki na po ako," nahihiya kong sabi. "Pakihintay na lang po ako rito."

"Oh, I'm sorry. Okay, I'll wait here," sabi naman nito.

Nang makababa ako ng kotse'y dali-dali akong pumasok sa pinanggalingan namin kanina. Tumunog 'yung bell ng pinto at napatingin pa sa'kin 'yung waiter.

"Yes, ma'am?" tanong nito, isa ring Pilipino kaya nakangiti ako nitong sinalubong.

"K-Kuya saan po 'yung CR?" Itinuro naman nito 'yung banyo at mabilis akong pumunta ro'n.

Nang makapasok ako sa loob ng CR ay doon ko lang napagtanto kung gaano kalakas 'yung kabog ng dibdib ko. Mabuti na lang ako lang 'yung tao rito sa CR. Napahawak ako sa lababo at pilit na inayos ang paghinga ko.

Anong sasabihin ko sa kanya? Kung palalagpasin ko 'tong chance na 'to hindi ko na alam kung kailan ulit kami magkikita... Baka matagal na ulit bago ako dalhin ni Ms. Adel dito... Kaya dapat, Remi... Huwag kang matakot...

Hindi ka niya makikilala! Nag-iba 'yung itsura mo!

Natigilan ako nang makita 'yung sarili ko sa salamin.

"Choice." Bigla kong narinig 'yung boses ni Mr. Najwan sa isip ko.

Lahat ng pangyayari may kapasidad tayong mamili.

Dalawa lang ang pagpipilian ko ngayon, tatakbo ako o haharapin ko siya kahit na walang kasiguraduhan.

Ano nga ba ang dapat kong ikatakot?

Habang may nabubuo ng lakas ng loob sa dibdib ko'y kaagad kumilos 'yung mga paa ko't lumabas ako ng CR. Pagkatapak ko sa labas ay bigla akong may nabunggo.

"Sorry, Miss!" boses 'yon ng lakaki na umalalay pa sa'kin. "I didn't see—" nagtama ang paningin naming dalawa at halos magwala 'yung puso ko sa sobrang kaba. "Are you alright?"

Hindi nga niya ako nakikilala. Pero hindi ka pwedeng sumuko, Remi.

"N-Nice show, Q."

"Thanks..." Nag-aalangan itong ngumiti at halatang napaisip. "Have we met before?"

"Y-Yes. Twenty-one years ago, I found you lost and crying on the beach."

Pagkasabi ko no'n ay namilog ang mga mata niya't napaatras ng bahagya.

"W-What?" Alam kong naguluhan siya dahil walang ibang nakatagpo sa kanya noon kundi ako—si Remison.

"Q, ako 'to... Si Remison."

"Oh my god, no." Napatakip siya ng bibig, "This is a cruel prank, Miss—"

"Hindi 'to prank, Q," sabi ko na parang pagod na pagod na. "Please, maniwala ka sa'kin..."

"I-I'm sorry, kailangan ko lang i-digest." Halatang hindi pa rin siya makabawi.

Napatingin ako sa pintuan, naghihintay si Ms. Adel. Hindi ito ang magandang timing para mag-usap kaming dalawa.

"Sorry, Q, pero kailangan ko nang umalis. Pwede ko bang makuha 'yung number mo?"

"Wait." Tinaas pa niya ang isang kamay. "Kung ikaw talaga si Remi, let me ask you this."

"Ano 'yon?"

"Give me three proofs that you're the Remison I know."

"Una, ako ang leading lady mo noon sa Sleeping Beauty play natin, hinalikan mo pa nga 'ko noon sa lips. Pangalawa, nakidnap tayong dalawa tapos niligtas tayo ni Ate Gabi. At pangatlo, ang first love ng pinsan mong si Corra ay si Leighton." Hinabol ko 'yung hininga ko nang sabihin ko lahat 'yon.

Napanganga lang siya at muling napatakip ng bibig.

"I-I can't believe that we'll meet here." Nang sunggaban niya ako't yakapin ay kaagad nagbadya ang luha sa'king mga mata. Niyakap ko rin siya pabalik pero kaagad din siyang bumitaw. "But your face..."

"Alam ko... Mahabang usapan, Q. May naghihintay sa'kin sa labas, promise, tatawagan kita." Kahit hindi ko alam kung may telephone ba akong mahahanap sa manor (sa laki no'n ay imposibleng wala).

"Oh, sure, wait." Kaagad siyang pumunta sa counter, kumuha ng tissue at nagsulat do'n. "Call me, ASAP." Binigay niya sa'kin 'yung tissue na may number niya.

"Woah, you're into ladies this time, Q?" dinig naming kantyaw ng isa niyang kakilala.

"Shut up!"

"Sige, Q. Natutuwa ako na nakita kita ulit. Sobra." Niyakap ko siya ulit bago ulit ako nagmamadaling lumabas, animo'y si Cinderella na maaabutan ng alas doseng curfew.

Hindi naman na nagtanong si Ms. Adel nang sumakay ako ng kotse, kakababa lang niya ng cell phone, may kausap ata kanina.

Nang maihatid niya ako sa manor ay kaagad akong naghanap ng telepono at nahanap ko 'yon sa may kusina. Kaso hinatid na ako ng katulong sa kwarto ko dahil oras na raw para matulog. Ayoko rin namang ipaalama sa kanila na may tatawagan ako kaya hinintay ko munang makatulog silang lahat.

Madilim at nakakatakot ang manor sa gabi nang lumabas ako. Tahimik na tahimik na 'yung buong paligid at mukhang tulog na 'yung mga kasambahay sa quarters nila.

Pumunta ako sa kusina at saka pinindot sa telepono ang number ni Quentin.

"Finally!" dinig kong bulalas niya. "I've been waiting, Remi. What happened? How are you doing? Why are you—"

"Q, huminahon ka muna," mahina kong sabi. "Sorry, ako na lang kasi 'yung gising dito." Hinila ko 'yung upuan at saka ako umupo.

"I'm so sorry if I was so surprised... Matagal na kasi akong walang balita sa Pilipinas. I've heard about your accident pero hindi ako nakapunta noon sa ospital. I'm so sorry." Bakas naman sa boses niya 'yung pagsisisi. "Then two years after your accident, Corra told me na na-transfer ka raw sa ibang ospital kaya hindi ka na niya madalaw."

Ibig sabihin eight years ago na simula nang dalhin ako rito sa Canada? Pero may ibang nakakuha ng atensyon ko sa sinabi niya. "Bakit wala ka nang balita sa Pilipinas?"

Natahimik siya ng ilang segundo bago ulit makapagsalita. "Nang mag-migrate kami sa States hindi ko nakuha 'yung gusto kong course, I was pressured to take up another degree because of my relatives. Then... Biglang nagkaroon ng matinding financial problem ang pamilya namin because of my step-father's gambling. I dropped in college to pursue acting but... it didn't become easy for me. Until I moved out and wandered everywhere to pursue my dream." Narinig ko ang pagsinghot niya sa kabilang linya. "I'm sorry, hindi ako dapat ang nagkukwento ng ganito."

Pakiramdam ko nga'y mas gusto ko lang pakinggan 'yung mga ikukwento niya tungkol sa nangyari sa kanya. Parang noon lang ay magkatawagan kami palagi para magkwentuhan tungkol sa naging araw namin.

"Hindi, Q... Okay lang... Hindi ko lang maiwasan na mapaisip kung bakit ka..."

"Why did I choose to leave everything behind and wander in uncertainty? Well... Siguro it just happens... You know what they said, people do grow apart. Corra became busy with her life too. Sometimes namimiss ko 'yung time na palagi kaming nagkukulitan but sadly we can't do it anymore."

"Bakit naman?"

Matagal ulit bago muling nagsalita si Quentin.

"Corra... She... She got pregnant before she graduated." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon. "Na-delay siya sa school at hindi siya pinanagutan ng boyfriend niya."

"A-Anong nangyari?"

"Well, of course, her mom was disappointed. But you know Corra, she's strong, fierce, capable, and independent. She raised the child on her own while finishing her degree," kwento nito ng may pagmamalaki. Napangiti ako nang marinig 'yon pero naglaho rin. "Our lives and worlds became way too different, that's why over the years... We grew apart."

Napahawak ako sa dibdib ko. Gano'n ba talaga karaming nangyari sa loob ng sampung taon?

"I'm sorry, Q..." Iyon lang ang nagawa kong sabihin.

"Hey, don't say that, wala kang dapat ihingi ng sorry," kaagad niyang alo sa'kin. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita ka ulit."

"Masayang-masaya rin ako na makita ka ulit, kahit na sobra-sobra 'yung kaba ko kanina kasi natatakot ako dahil... dahil nag-iba 'yung itsura ko."

"Actually, medyo namukhaan kita, hindi naman gano'n ka nagbago 'yung face mo, Remi. It's like your features were enhanced, pero the way you look and your aura, gano'n pa rin—gets mo? Don't get me wrong in enhanced ha! Maganda ka na talaga noon pero magandang-maganda ka pa rin ngayon." Napangiti ako sa paliwanag niya, kahit na hindi ko sigurado kung sinasabi niya lang 'yon para pagaanin 'yung nararamdaman ko.

"Gets kita. Iyon nga rin 'yung napansin ko sa'yo kanina, 'yung mga mata mo. Sa unang tingin hindi kita nakilala agad pero nang magsalita ka... Alam kong ikaw talaga 'yon."

"It seems like we both matured physically." Naimagine ko na ulit 'yung ngiti niya. "I'm happy and sad at the same time."

"Gano'n din ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako pero wala rin akong magawa. May mga pagbabago sa buhay natin dahil sa mga naging desisyon natin sa buhay. Pero... Itong nangyari sa'kin... Hindi ko 'to pinili, Q."

"Remi..."

"Pwede ba tayo ulit magkita, Q?"

"Sure, I'd love to meet you again."

"Pero hindi magiging madali 'yon, kailangan ko ng tulong mo na makaalis dito."

"What do you mean? Can I ask... what happened to you?" Nag-alala 'yung boses niya.

"Sa pagkikita natin ulit, ikukwento ko ang nangyari. Pero gusto ko sanang itanong kung... pwede ba akong magtiwala sa'yo?"

"Remi, come on, we're friends! That fact didn't change. Nag-promise tayo sa isa't isa noon that we'll be there for each other, right?" Nangilid ang luha ko kasabay ang pagkabuhay ng pag-asa sa aking kalooban.

Narealize ko bigla kung bakit noon pa man ay tila magkadugtong na ang kapalaran namin ni Quentin na magkatagpo sa kahit saang bahagi ng daigdig—para tulungan ako sa pagkakataong 'to.

"Gusto ko sanang umuwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. M-matutulugnan mo kaya ako sa bagay na 'yon?"

"Well, fate got it right because I know someone who can surely help you.

"Talaga?"

"It's kind of funny kasi parang ganito rin 'yung nangyari sa'tin noon sa Baguio. That person is a friend of ours, nandito rin siya sa Canada."

"S-Sino?"

"It's Deanna." 


-xxx-

A/N: Thank you Lord for making this update possible! Thank you din sa inyong mga readers for helping me always beat the quota! Parang 'yung spirit nyo'y damang-dama ko haha. Thank you rin sa sponsor ng memes!

THANK YOU AGAIN! o(* ̄▽ ̄*)ブ

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro