Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 87❀


HABANG nakatulala ako sa kawalan ay paulit-ulit inalala ng isip ko ang eksenang nangyari kahapon.

Matapos ipakita ni Miggy ang regalo niya'y maingat at dahan-dahang kinuha 'yon, parang babasagin at manipis na pigurin. Nakita ko ang repleksyon ko ro'n at nang pindutin ko 'yung gilid ay bumungad sa'kin ang screen. Halata naman na sa brand palang nito'y mamahalin na.

Para akong napaso noon bigla at kaagad kong nilapag sa mesa 'yung cell phone.

"You don't like it?" tanong ni Miggy.

"S-Sorry, Miggy. Pero hindi ko matatanggap 'to."

Oo. Hindi ko tinanggap ang nakatutuksong regalo ni Miggy kahit na sa kaloob-looban ko'y gusto ko 'yong tanggapin. Buong magdamag din akong hindi pinatulog no'n at nagtatalo ang dalawang isip ko kung dapat ba na tinanggap ko 'yon o hindi.

"Something's troubling your mind, little girl?" nanumbalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Mr. Najwan. Parang noong isang araw lang ay pinahirapan niya akong maghanap ng sagot na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naibibigay sa kanya.

Magmula nang makarating ako kaninang umaga rito sa patio ay hindi siya nagsasalita. Masyado rin akong nakulong sa sarili kong isip. Ilang minuto na ba ang lumipa simula nang umupo ako kaharap niya? Hindi kaya't kanina pa niya ako tinitingnan na nakatulala?

"You can tell me anything," sabi pa nito. Ang akala ko kasi'y itutuloy lang namin 'yung natalakay namin noong linggo.

Wala naman sigurong mawawala kung ikukwento ko sa kanya 'yung nangyari.

"Why didn't you accept the gift?" Iyon ang tanong niya pagkatapos kong sabihin 'yung iniisip ko.

"Because... I'm afraid."

"Of what?"

"I'm afraid that I can't give anything back to him. I got nothing." Totoo naman 'yong sinabi ko. Iyon nga nga ang unang naisip ko noon, wala akong "maipambabayad" sa phone na 'yon, hindi ko alam kung anong kapalit.

"Well, that's true, because there's no free in this world," sabi ni Mr. Najwan na napatango pa. "What else? What else are you afraid of?"

Napaisip na ako. Ano pa nga ba ang dahilan? Bakit ko nagawang tanggihan 'yung opportunity na binibigay ni Miggy?

"I-Ignorance is a bliss." Kusang lumabas 'yon sa bibig ko. "I'm afraid that I'll find something that I'm not prepared to know."

"That's interesting," sabi ni Mr. Najwan. "It reminds me of the tale from the holy book, a serpent tempted a woman to eat the forbidden fruit from the tree of knowledge. And when she was tempted, she and her husband learned about everything with the cost of losing mortality. That's kind of parallel to your situation. You just didn't give in to temptation."

Hindi ko maiwasang mamangha sa lalim ng mga sinabi niya. Mas lalo lang pinagtibay no'n na tama ang hinala ko na hindi maganda ang kahihinatnan kung pinili kong tanggapin 'yung cell phone.

May kinuha mula sa loob ng pocket ng jacket si Mr. Najwan at pinakita sa'kin ang phone niya, katulad din 'yon ng brand na binibigay sa'kin ni Miggy.

"Is it a coincidence that the logo of this phone is an apple which is similar to the fruit from that tale?" marahang natawa si Mr. Najwan. "This is a device which you can click in seconds to tap unlimited knowledge—and like from the tree from the tale, it consists of both good and evil."

"Did I make the right choice?" 'di ko maiwasang itanong.

"Only you can find out the answer to your question," sagot nito. "But sooner or later you'll about to face the truth. Better be prepared for that day, little girl. Now, did you find the answer to my question last week? Why can't you be happy now?"

Napabuntong-hininga ulit ako at napayuko.

"I'm not happy just because... I chose to."

"Yes, correct." Kaagad naman akong nag-angat ng tingin nang sabihin niyang tama ang sagot na sinabi ko. "It's just a matter of choice, little girl."

Paano niya nasabi 'yon? Gano'n lang ba kadali 'yon? Hindi niya alam kung anong pakiramdam ng sitwasyon ko. Akala ba niya gano'n-gano'n lang? Paano ko makukuhang maging masaya?

"Oh, you're getting angry," sabi nito bigla. Namalayan ko na lang na nakakagat-labi na ako. "Emotions, hardest to tame. But don't get me wrong, it's no sin to choose between a yes or no to happiness. Besides, being happy doesn't mean that you have to force yourself to smile."

"W-What do you mean?"

"The art of happiness is simplicity. It's not about smiling, laughing, or whatever. Real happiness cannot be taken from you, it's already within you, little girl."

Napakunot ako dahil sa puntong 'yon ay hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Nang matapos ang kalahating araw na klase'y naiwan akong nagugulumihanan lalo.

*****

PUMATAK ang Lunes ng walang pasubali. Muli kaming nagharap ni Miggy sa study area para umpisahan 'yung academic lesson namin. Buong araw ang lecture sa kanya, sa umaga'y hati ang subject na Math and Science. At maghapon daw kaming mag-aaral ng English.

Buong umaga'y nakatuon ang atensyon ni Miggy sa pagtuturo sa'kin at hindi nito binanggit 'yung tungkol sa nangyari noong Sabado at pati na rin 'yung tinangka niyang ibigay sa'kin.

Sampung minuto na lang bago sumapit ang tanghalian. Nagsusulat siya sa pisara nang magtanong ako.

"Kung apo ako ni Doña Alba, ibig sabihin nagbago na rin ang pangalan ko?" Natigilan siya't saglit na tumitig sa'kin.

"Yes."

"Kung gano'n dapat may updated akong mga ID, katulad ng passport, hindi ba?"

"Yes."

"Nasaan?"

Inayos niya muna ang salamin. "We're going to process that soon, once you fully recovered—"

"Hindi pa ba ako naka-recover sa alagay na 'to?" putol ko.

"We need you to be mentally stable, Remi."

"Mukha ba akong may sakit sa pag-iisip?" napahalukipkip ako.

"Well, based on your recent behavior, yes."

Napamaang ako. Heto na naman siya sa pang-poprovoke niya. Kalma, Remi, hindi ka pwedeng magpadala sa mga pananadya nitong ni Miggy.

Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. "I assume wala ka rin sa matinong pag-iisip no'ng inaya mo 'kong makipagtanan noong una ulit tayong magkita." Hindi siya nakasagot. Feeling ko naisahan ko siya. Ano ka ngayon, Attorney? "Libre ka ba ulit sa Sabado?"

"Why?"

"Para tulungan akong mag-asikaso ng mga ID."

"For what? You agreed to your grandmother's will, next year ka pa makakabalik sa Pilipinas."

"Akala ko ba hindi n'yo ako preso rito?" Checkmate.

"And then you'll ask me next to help you escape?"

"Bakit, hindi?"

"Might as well ask to accept my first offer?" Sinasabi ko na nga ba at hindi pa rin nawawala ang agenda niya. Ngayon ko napagtanto na tamang hindi ko tinanggap 'yung inalok niyang cell phone dahil may kung anong patibong doon.

"Binago ka rin talaga ng sampung taon, ano?" balik tanong ko. "Hindi ko sukat akalaing magiging ganyan ka." Gano'n ba siya kadesperado... sa'kin?

Nakita ko ang tila pag-alab ng mga mata niya nang mahimigan ang punto ko. Halos magsalubong ang kilay niya.

"Fine. I'll help you to get your passport because it means you're still considering my proposal."

Nagambala kami nang may kumatok sa pinto, kaagad akong bumalik sa pwesto ko. Bumukas ang pinto at sumungaw ang kasambahay para sabihing oras na para kumain ng tanghalian. Dali-dali akong lumabas.

Pumayag si Miggy na tumulong at pakiramdam ko tuloy ay may tinatago siyang plano para mapapayag ako sa gusto niya. At least may nagawa ako na ako kahit papaano kaysa maghintay sa wala.

Isang taon? Hindi na ako makakapaghintay ng ganyan katagal kung sampung taon na ang nasayang.

Bigla na namang may bumulong sa isip ko, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin dumadating si Poknat?

*****

KATULAD nang sinabi ni Miggy ay tinulungan niya akong lakarin 'yung passport ko noong sa tulong na rin ng mga kakilala niya. Maghihintay na lang ako na maproseso 'yon. At pagkatapos? Hindi ko na alam.

Dalawa lang 'yung pagpipilian ko para makaalis dito sa manor: Una, maghintay ng isang taon. Pangalawa, sumama kay Miggy.

Kailangan kong makahanap o gumawa ng isa pang paraan para makauwi ako sa'min.

Kakatapos ko lang makapaglinis ng katawan dahil halos kauuwi ko lang. Hinatid ako pabalik ni Miggy at hindi nakaligtas sa paningin ko 'yung mga malisyosong tingin ng mga kasama ko rito. Hindi ko na lang sila pinansin.

Sumilip ako sa bintana, tanaw kasi rito 'yung papuntang glass garden. Saktong nakita ko si Ms. Adel na naglalakad-lakad. Nandito pala siya? Kinuha ko 'yung coat ko bago ako lumabas para puntahan siya.

"Ms. Adel," tawag ko. Kaagad siyang napangiti nang makita ako.

"Remi, ikaw pala."

"Nandito po pala kayo."

"Pasensiya na kung hindi kita nasabihan." Sinabayan ko siya sa paglalakad. Nagsibukasan na 'yung mga ilaw, ngayon ko lang nakita na mas maganda pala ang manor sa gabi. "Napadaan lang ako, actually. Kamusta ang date ni Attorney."

"Okay lang naman po," sagot ko kahit hindi naman talaga 'yon ang ginawa namin. "May tanong po pala ako."

"Ano 'yon?"

"'Yung pamilya n'yo po? Okay lang ba sa kanila na nandito ka ngayon?" Huminto kami sa tapat ng isang fountain na madaanan namin. "Si Etta po? Kamusta na?" Bigla ko kasing naalala ang taong 'yon.

"Etta's dad and I got separated years ago," sagot nito. "That's why it's alright for me to stay here. And si Etta? She's a resident doctor now in the previous hospital I worked to."

"T-Talaga po?" Hindi ko mapigilang mamangha. Parang hindi ko kasi maimagine na 'yung happy-go-lucky na katulad niya ay magiging doktor.

"I know it's hard to imagine," nakangiting sabi ni Ms. Adel. "I tried to discourage her because I thought she's not serious to follow my footsteps."

Hindi ako nakaimik. Kung si Etta naging doktor na, ano na kaya ang narating ng mga naging kaklase at kaibigan ko? Mabuti pa sila... Kay daming naranasan at narating sa loob ng sampung taon, samantalang ako—

Naramdaman ko 'yung paghawak niya sa balikat ko. "Hey, don't think about it too much."

"P-Po?"

"I can sense what you're feeling," ngumiti siya pero parang nakunsensya. "Uhm... You know what, may alam kong mini-theater around the city."

"Mini-theater?"

"I stopped writing years ago but I'm still fond of watching plays. Gusto mo bang manood? May alam akong showing ngayon. Then we can grab dinner after."

Kung para maibsan 'yung lumbay na nararamdaman ko, hindi na ako tumanggi pa.

Nagpalit muna ako ng damit bago kami umalis. Si Ms. Adel ang nagdrive ng sasakyan. Mabuti na lang ay may energy pa ako ngayong gabi.

Ang akala ko'y sa malaking siyudad kami pupunta at sa isang malaking teatro kami pupunta pero pumarada ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na gusali katabi ng mga restaurant. Naunang naglakad si Ms. Adel at sumunod lang ako sa kanya.

Mukhang kainan 'yung papasukan namin na may pangalan na Aurora Co. at tama nga ako. Binati kami ng mga crew nang makapasok kami, mangilan-ngilan lang 'yung mga kumakain at kaagad ko namang napansin na karamihan sa kanila'y mga Pilipino.

Ang akala ko ulit ay uupo kami pero naglakad si Ms. Adel papunta sa hagdanan paibaba, naalala ko tuloy 'yung 360 Bistro sa Baguio. Nang makababa kami'y may isang pinto na poster ng isang theater company. Itinulak ni Ms. Adel ang pinto at pumasok kami sa isang madilim na silid.

Maliit lang ang teatro, mas malaki pa nga 'ata 'yong kwarto ko sa manor kaysa rito. Bilang lang sa daliri 'yung mga taong nanonood. Umupo kami sa dalawang bakante sa pinakalikuran. Saktong hindi pa nagsisimula 'yung palabas pero may nakatutok ng spotlight sa maliit na stage na may props na upuan.

"Wala po bang bayad dito?" bulong na tanong ko.

Umiling si Ms. Adel. "I'm a frequent here. Mostly na nagpeperform dito ay 'yung mga one-man show na aspiring actors. They're doing it for the sake of passion for acting—and most of them are hoping to catch a big break someday."

"Bakit hindi po kayo nanonood sa mga malalaking theater? Like... parang sa broadway?"

"Well... It just pains my heart when I discovered this place. It's just my way to support those who still cling to their dream." May bakas ng pait ang ngiti niya sa'kin.

Napatingin kami sa stage nang marinig namin na magsisimula na ang palabas. Humakbang sa gitna ang isang lalaki. Seryoso ang mukha nito at nakahanda na sa kanyang pagtatanghal.

Subalit nang bumuka ang bibig nito ay saka ko lang napagtanto na pamilyar ang mga mata nito. Nawala man ang dati niyang buhok na kulot na parang si kupido'y hindi ko malilimutan ang tinig at ngiti niya.

Ang lalaking nasa entablado... Walang iba kundi ang una kong naging nobyo, si Quentin.


-xxx-

A/N: Thank you, Lord, for giving me the spirit and willpower to write! Thank you also to you, my beloved reader! Thank you for helping me! :) 

THANK YOU AGAIN! o(* ̄▽ ̄*)ブ

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro