Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 84❀


NAALALA ko bigla 'yung isang laro na madalas kong marinig sa mga kaklase ko noong college, 'yung Would You Rather?

Sa sitwasyon ko?

Parang ganito. Would you rather be poor forever or become rich but you won't be recognized anymore?

Sa kasamaang palad, hindi katulad ng laro ang nangyari sa buhay ko.

Wala na sigurong mas gugulo pa sa utak ko ngayon habang sinasabayan pa nang pagsasalaysay ni Miggy.

Naririnig ko ang mga sinasabi niya puro hindi ko lubusang iniintindi. May mga pinapakita pa siyang larawan mula sa hawak-hawak niyang tablet, malalawak na lupain, taniman, pabrika, mga bahay, at marami pang iba.

Sa dami ng mga sinasabi niya'y ang tanging naiintindihan ko lang ay ang lahat ng 'yon ay ang parte ng mga pinamana sa'kin ni Doña Alba, na ang sabi ni Ms. Adel ay ang tunay kong kadugo. May mga numerong binabanggit si Miggy sa'kin pero hindi ako natinag o nalula sa laki ng mga halagang 'yon.

At ang mansion pala na 'to ay isa rin sa mga ari-ariang ipinamana sa'kin ni Doña Alba.

Kakatwa at nakakatawang isipin—parang dati'y halos ipagbili ko ang aking kaluluwa para sa salapi at ngayon ay halos ingudngod sa'kin ang limpak-limpak na kayamanan.

Para bang iyon ang kabayaran sa sampung taon kong pagkakatulog—daig ko pa ang nanalo sa lotto, ni hindi ako tumaya, naaksidente lang at natulog sa mahabang panahon. Sleeping Beauty... Si Princess Aurora, pero hindi katulad niya'y hindi dumating ang prinsipe. Hindi katulad ng fairy tale ang pagkakaroon ko ng yaman.

Wala akong pakialam sa lahat ng 'yon.

Napatitig lang ako kay Miggy, winawari kung paano niya nagagawang makapagsalita ng diretso at seryoso habang kaharap ako. Dahil ba katulad ng sinabi niya'y trabaho niya 'to?

Noong una'y hindi ko siya namukhaan. Kung ikukumpara noon ay 'di hamak na mas lumaki ang pangangatawan niya. Hindi na katulad noon ang buhok niyang halos humaba at matakpan ang mga mata niya, ngayon ay clean cut na nakapomada. Nakasuot pa rin siya ng salamin na mas bumagay sa pormal niyang itim na kasuotan.

"Bakit ka nandito?" putol ko sa kanya at tumigil naman siya sa pagsasalita. Napahinga siya nang malalim nang mapagtanong hindi ako interesado sa mga pinagsasasabi niya.

Tumikhim si Miggy at ilang segundong natulala sa kawalan para hanapin ang mga tamang salita.

"Because I'm the lawyer—"

"Narinig ko na kanina 'yon. Pinadala ka ba rito ng tatay mo?" Naniningkit kong tanong sa kanya.

Umiling si Miggy. "Matagal na akong lumayas sa puder ni dad, you don't need to worry about him because he doesn't know where you are—hindi rin niya alam kung nasaan ako." Napakunot ako.

"Pero paanong napunta ka rito?"

"Nakakuha ako ng scholarship para mag-aral dito and then your grandmother found out that we're childhood friends that's why I worked for her."

"Si Poknat? Miggy, nasaan siya? Bakit hindi niya ako pinupuntahan dito? Kailan niya ako susunduin? Pati sina Auntie?"

Ilang segundo pero tila kay tagal marinig ng sagot niya. Tumitig lang siya sa'kin habang may bakas ng kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko kailanman nakita noon.

"I'm sorry, Remi, wala akong balita sa kanila—"

"Walang balita? Kaibigan mo siya, 'di ba? Kung abogado ka ng sinasabi n'yong lola ko, bakit hindi mo siya tinawagan? Bakit hindi mo siya pinapunta?" Nag-iwas ng tingin si Miggy sa sunod-sunod kong tanong.

"Nang umalis ako sa Pilipinas iniwanan ko rin lahat ng mayroon ako roon—kabilang ang mga pamilyang nakalakihan ko at mga kaibigan."

"Anong klaseng tao ka?" napatayo ako at gayon din siya. "Hindi ako naniniwalang hindi ako pinuntahan ni Poknat dito. Hinarangan mo siya, ano? Sinong nag-utos sa'yo? Ang daddy mo? Si Doña Alba?"

"Calm down, Remi—"

"Puro kayo calm down! Sa tingin mo ba makukuha ko pang kumalma sa sitwasyon ko?!"

"I'm sorry but that's the truth. I was waiting for Poknat too! I tried to call him before but he never answered!"

Natameme ako nang marinig 'yon. Saka ako dahan-dahang napailing.

"S-Sinasabi mo bang hindi niya 'ko pinuntahan dito? P-Pati sina Auntie? M-Miggy, huwag mo naman akong lokohin..."

Nakita ko na mabilis siyang napakagat-labi nang mag-iwas ng tingin saka muling bumaling sa'kin.

"Your grandmother forbids me to contact your family in the Philippines, but I'm telling the truth that I tried to contact Poknat."

"K-Kailan ka tumigil sa pag-contact sa kanya?"

Sa pagkakataong 'yon ay parang natalo si Miggy nang mapapikit ito saglit.

"Three years ago."

"Ha?" Mabilis na nabilang ng utak ko ang panahon.

Napayuko siya. "Nandito na ako sa Canada noon, sinubukan ko siyang tawagan para sabihin 'yung tungkol sa'yo—pero kahit anong subok ko hindi siya sumasagot. One year later, nalaman ko na lang na..."

"Na ano?" Ito na naman 'yung dibdib ko na nahihirapang huminga.

"He's a big star now, Remi."

"Big star?"

"His agency was blocking my calls and messages to him."

Hindi pa rin ako naging kumbinsido na gano'n-gano'n lang ay hindi ako magagawang puntahan ni Poknat. Malakas ang kutob ko na hinahanap niya rin ako, malakas ang kutob ko na nagsisinungaling si Miggy, malakas ang kutob ko na dinala ako rito nang hindi nalalaman ni Poknat.

Ilang sandali ring namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napayuko ako saglit bago muling tumingin sa kanya.

"Pwede mo ba 'kong tulungan, Miggy?" Hindi ko na siya hinintay sumagot. "Tulungan mo 'kong makauwi sa Pilipinas."

Nang magtitigan kaming dalawa'y may kung anong kumirot sa dibdib ko nang mabasa ang ekspresyon ng mga mata niya.

"I-I can't..."

"Bakit? Bakit hindi?" nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko.

"I can't because I have a duty to fulfill. Before you can go back you must follow Doña Alba's will—she left her riches to you because and you must become responsible—"

"Paano kung ayaw ko? Paano kung wala akong balak na sundin 'yang kagustuhan niya kahit latigohin n'yo ako? Wala akong pakialam sa mga kayamanang ibinibigay n'yo sa'kin."

"Remi—" Lumapit ako sa kanya at sinuntok siya sa kanang balikat niya.

"Tumakas ako noon para hindi makontrol ng ibang tao 'yung buhay ko—katulad nang sinabi mo, hindi mo ba natatandaan?" Hindi siya sumagot. "Pagkatapos ngayon... Pagkatapos ngayon sinasabi mo sa'kin 'yan? Ngayong nagising ako't naibalik ang mga alaala ko—may kokontrol na naman sa buhay ko?" Huli na para pigilan ang mga rumaragasang luha sa aking pisngi.

Tinanggap lahat ni Miggy ang mga suntok ko sa dibdib niya hanggang sa ako ang napagod at tumigil.

"Ngayong hindi ko na rin makilala ang sarili ko—ano pa ba 'yung gusto n'yong makuha sa'kin?"


*****


PUMUNTA ako sa malawak na hardin kung saan madalas akong tumambay noong hindi wala pa ang mga alaala ko. Sa kabutihang palad ay walang ibang tao rito kundi ako lang. Nakaupo ako sa swing habang mabagal na dumuduyan at nakatulala sa fountain sa gitna.

Bigla akong napagod. Wala pa sa kalahati ang araw pero pagod na pagod na 'ko.

Pumikit na lang ako at sinandal 'yung ulo ko sa rehas.

Ilang sandali pa'y narinig ko na may umupo sa bakanteng swing sa tabi ko.

"I'm sorry." Gusto ko sanang umalis nang marinig ang boses ni Miggy pero hinayaan ko na lang siya. "I'm so sorry..."

Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakapikit. Gusto ko siyang itaboy pero parang wala akong lakas. Kung tutuusin... maswerte pa pala ako kahit papaano dahil nadniyan siya—na may isang tao mula sa nakaraan ko ang nakakaalam kung sino ako—na nagising na ako.

Masakit pa rin na mas pinili niyang sundin ang tungkuli niya kaysa sa tulungan akong makabalik sa pamilya ko at sa taong mahal ko.

"I just want you to know... That all these years it's been hard for me to hope that one day you'll wake up again," dinig kong sabi niya. "Every day, as I was watching you asleep while the rest of the world goes on, I couldn't help but to regret the past. Sana pala hindi ko hinayaang pagbuntunan ka noon ng pagkadismaya ko sa realidad na hindi ako ang tunay na anak ng daddy ko. Sana pala noon palang sinubukan na agad kitang mahalin para hindi na nangyari 'to sa'yo."

Bigla akong napamulat. Sinasabi ba niya na kung nagkaroon kami ng pag-asa noon, hindi ko pipiliin si Poknat at hindi mangyayari ang aksidente? Si Miggy? Nagsisisi?

"Hindi mo kailangang makunsesnya para sa'kin, Miggy."

"You don't know how joyful I am when I heard the news that you woke up. You don't know that all those years while watching you asleep—I was falling in love with you."

Tumayo siya bigla at nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

"You're right, they're trying to control your life. They may take everything away from you but it's not too late to build your life again. I'm tired of dwelling from the past, let's move forward, Remi."

"A-Ano bang sinasabi mo, Miggy?"

"I'm asking you to run away with me. I got nothing to lose." 


-xxx-

Thank you to our memers!!! Huhuhu sorry ang sama ko kung natatawa ako huhuhu

PS. Clarification: Guys! Sorry kasi nagkataon pala na 'yung apelido noon ni Detdet na Alba ay parehas sa first name ng totoong lola ni Mingming na Donya Alba. So, baka kasi may maloko-loko sa pag-iisip ng theory na magkamag-anak si Donya Alba at Detdet, hindi po sila magkaano-ano. I'm sorry for the confusion, I'm gonna fix this soon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro