Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 79❀


WALA akong dapat ikatakot, iyon ang paulit-ulit kong sinasabi para makumbinsi ang sarili ko. Wala kang dapat ikatakot, Remi... Pero ang totoo'y kabaligtaran 'yon nang nararamdaman ko.

Bago ako pumasok sa loob ng restaurant ay inipon ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako kahit na parang nagkakandabuhol-buhol 'yung loob ng sikmura ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko kasi'y mangyayari na ang dapat mangyari.

Kumalma naman ang utak ko nang makapasok ako sa loob, nakatulong ang nakakarelax na ambiance ng paligid. Sinalubong ako ng receptionist at nang sabihin ko ang pangalan ni Tita Griselda ay iginiya ako nito papunta sa balcony area.

Nang makalapit ako sa kanila'y naabutan ko ang tila masaya nilang pag-uusap, nakatawa kasi si Tita Griselda, katabi niya si Miggy at kaharap si Poknat. Hindi ko mabasa ang itsura ni Poknat, mukha kasing chill lang ang itsura niya.

"There she is. Join us, Remi," nakangiting wika ni Tita Griselda nang makita ako. Umupo ako sa bakanteng pwesto katabi ni Poknat, saglit kaming nagkatinginan bago muling nagsalita ang kaharap. "Galing ka raw sa ospital? Are you alright?"

"Opo, medyo sumama lang 'yung pakiramdam ko pero okay na po ako," sabi ko sabay nagkatinginan kami saglit ni Miggy.

"Mabuti naman kung gano'n, hija." Nagtawag ng waiter si Tita Griselda para i-order ako ng pagkain.

"Bakit ka nga pala nandito?" pasimple kong tanong sa katabi ko. Akmang bubuka ang bibig ni Poknat nang maunahan siya ni Tita Griselda.

"I asked Miggy to call him to meet us here." Sa pagkakataong 'yon ay naglaho ang ngiti ni Tita Griselda. "I'm not going to beat the bush around. I know what's going on with you two."

Alam na ni Tita Griselda? Paano niya nalaman? Tumingin ako kay Miggy, pero tinago kong magulat nang makita ko na nanlaki ang mga mata niya sa narinig, ibig sabihin ngayon lang din niya nalaman.

Bahagya akong napayuko, inaasahan ko nang mangyayari 'to pero biglang nablangko 'yung utak ko. Naramdaman kong may pumisil sa kamay ko, napatingin ako kay Poknat at nakita ang ngiti niya sa'kin, parang nangungusap ang mga mata niya, huwag kang mag-alala.

"Is it true, Remi?" napatingin kami ulit sa kaharap. Blangko lang din ang itsura ni Tita Griselda, hindi siya galit o ano.

Marahan akong tumango, nakatitig lang sa'kin si Miggy pero wala siyang sinabi.

"I'm sorry po kung nagsinungaling ako sa inyo noong isang gabi. Ang totoo po niyan—"

"Wala pong kasalanan si Ming dito," biglang sumabat si Poknat. "Ako po talaga ang nangumbinsi sa kanya na kumalas sa kasunduang 'to." Sumulyap siya kay Miggy saglit. "Hindi ko hahayaang maging miserable ang buhay niya para lang maging pambayad sa naging utang ng pamilya niya sa inyo."

Kinilabutan ako sa mga binitawang mabibigat na salita ni Poknat, lalo pa't seryoso niya 'yong sinabi. Pero hindi siya sinagot ni Tita Griselda dahil tumingin ito sa'kin.

"Remi, my dear, look at me." Sinunod ko ang utos niya at sinalubong ang malamig niyang tingin. "Bago ka pumayag sa inalok sa'yo ni Miguel ay pinag-isipan mo ba talagang mabuti kung anong papasukin mo?"

Napapikit ako saglit at inalala ang mga panahong 'yon, 'yong mga panahong desperado kaming humingi ng tulong at tanging si Tito Miguel lang ang nagkusang loob.

Tumango ako bilang sagot. "Sorry po... Hindi ko naman po kasi alam na..." na magmamahal ako ng ganito. "...darating sa ganito."

"I understand." Hindi ko inaasahan na 'yon ang sasabihin niya. "You're still young, and I'm sorry if my son couldn't give his best to love you like Poknat." Hindi ko maiwasang mapakunot dahil naguguluhan ako sa kanya. "But an agreement is an agreement, Miggy's father wouldn't be delighted if he found out that you want to back out."

Naramdaman ko na mas humigpit 'yung pagkakahawak sa'kin ni Poknat.

"I can overlook this situation, besides, sabi ko nga, you're still young. You too, Poknat. Naiintindihan ko na kailangan n'yo ring dumaan sa ganyang phase." Maging si Miggy ay hindi na maitago sa mukha ang pagtataka sa mga sinasabi ng mama niya.

"Tita Griselda, ano po bang... ibig n'yong sabihin?" 

"Oh, sorry for the confusion. What I'm trying to say is, we'll proceed with the agreement, and you can continue your relationship with Poknat, it doesn't matter."

"A-Ano po?"

"Because it won't last." Pagkasabi no'n ni Tita Griselda ay pare-parehas kaming nagulat nang hampasin ni Poknat ang mesa. Tumayo siya nang hindi binibitawan 'yung kamay ko.

"Para n'yo na rin pong sinasabi na laro-laro lang ang relasyon namin ni Ming." Noon ko lang nakita na tila nagdidilim ang mukha ni Poknat sa galit. Mahinahon pa rin siya pero pilit niyang kinokontrol ang paghinga.

Ngumiti si Tita Griselda, hindi man lang nasindak. "Hijo, I'm just being realistic. Sa ngayon mahal mo si Remi, but you're still a boy. Marami ka pang makikilala—"

"Okay lang ba sa'yo 'tong mga sinasabi ng mama mo, Miggy? Hindi ka man lang ba naiinsulto na hindi man lang iniisip ng magulang mo kung anong mararamdaman mo? Okay lang ba sa'yo na magmukha kang ewan sa tabi?!"

"Poknat—" sinubukan ko siyang awatin pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa, 'yung tawang sarkastiko.

"Pambihira ang nanay at tatay mo, Miggy. Ano kayang nakain nila at pinagdidiskitahan nila ang buhay ni Ming? Iba rin trip ng mga mayayaman, ano? Sa sobrang dami n'yong pera kung ano-ano nang pumapasok sa kokote." Tumaas ang isang kilay ni Tita Griselda nang sadyain ni Poknat ang pang-uuyam na 'yon. Muling sumeryoso si Poknat. "It won't last? Sorry na lang kayo kasi paslit pa lang ako mahal ko na 'to, kaya hinding-hindi ko hahayaan na mapunta siya sa inyo."

Pagkatapos ay bigla ba naman niya akong hinila palayo roon. Nang makalabas kami ng restaurant at medyo nakalayo ay tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa rin binibitawan ni Poknat ang kamay ko.

"Poknat?" tawag ko sa kanya. Saglit siyang huminga nang malalim bago lumingon sa'kin, may nakasilay na ngiti sa kanyang labi.

"Bakit? Ang cool ko, ano?" hindi ko maiwasang matawa. Sinadya niya ba 'yon para lang magmukha siyang cool? Kahit kailan talaga'y ang lakas ng tama niya. Humarap siya sa'kin at hinawakan 'yung dalawang kamay ko. "Okay ka lang ba?" Tumango ako, saka niya ako niyakap.

Hinayaan ko lang ang sarili ko sa bisig niya. "Salamat," bulong ko. "Dahil sa'yo mas nabigyan ako ng lakas ng loob na harapin ang mga problema ko."


*****


"I see, is that your final decision, Remi?"

"Opo, Tita Griselda," sagot ko nang diretsong nakatingin sa mga mata niya. "Buo na po ang desisyon ko na mag-back out sa kasunduan. Babalik na po ako sa amin at gagawa po ako ng paraan para makabayad sa inyo ng paunti-unti."

Saglit siyang tumitig sa'kin, para bang kinikilatis ako kung buo na ba talaga ang desisyon ko. Nandito kami ngayon sa garden, kanina'y nagdala si Manang ng tsaa para sa aming dalawa. Pagkauwi ko kasi'y sakto ring kauuwi lang din halos nila Miggy at pinatawag ako rito ng mommy niya para masinsinan kaming mag-usap.

"How about your grandmother? Would she be fine with it?" Napaisip ako bigla kung bakit nabanggit niya rin si Mamang dito.

"Ako naman po ang nagdesisyon nito sa una palang, kaya alam ko po na magiging suportado ng lola ko kung ano man ang magiging desisyon ko."

"Alright."

Iyon lang? Pumapayag na siya? Malaya na ba ako?

"I'll let my husband know, he's still overseas, but once he comes back, I hope na makapag-usap kayo tungkol dito, besides, he's the one who made a deal."

"Alam ko po na malaking abala ang dinulot ko sa inyo, lalo na rin po kay Miggy, pero malaki po ang utang na loob ko kay Tito Miguel dahil kung hindi sa kanya ay hindi magiging okay ang Mamang ko." Napatango si Tita Griselda saka humigop ng inumin. "M-May gusto lang po sana akong itanong. Kung... Kung bakit po niyo ako gusto para... para sa anak n'yo?" Nakakahiya man ay matagal ko nang gustong malaman 'yon.

Bahagyang napangiti si Tita Griselda. "My husband is the only one who could answer that, my dear."

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero inaya na niya akong bumalik sa loob ng bahay, bukas kasi'y maaga raw siyang aalis pabalik ng Maynila. Pagkapasok ko sa kwarto ko'y inumpisahan ko kaagad mag-empake.

Kung tutuusin ay kakaunti lang naman ang mga gamit na dinala ko noon pero hindi ko namalayan na dumami 'yung mga damit na nabili ko rito. Dapat ko bang iuwi 'tong mga damit na binili ko gamit ang pera ng daddy ni Miggy? Kung iuuwi ko naman ay kasama kaya 'to sa babayaran ko?

"Take it."

"M-Miggy." Nagulat na lang ako nang makita ko siyang nakatayo sa may pintuan, hindi ko pala nasara 'yung pinto ko. Naaktuhan niya tuloy akong hawak-hawak 'yung mga damit.

"Take those clothes, wala namang magsusuot niyan dito."

"S-Sige."

Akala ko'y aalis na siya pero pumasok pa siya sa loob ng kwarto ko at naupo sa swivel chair. Nailang tuloy ako kasi nakatingin siya sa ginagawa ko.

"When are you leaving?" dinig kong tanong niya.

"Bukas sana." Tinigil ko 'yung ginagawa ko para harapin siya. "Nakapag-usap naman na kami ng mommy mo."

Tumayo siya bigla. "Before you leave, kailangan magsubmit ka muna ng formal drop-out sa school. I don't have a class tomorrow, ihahatid kita sa inyo."

"Salamat, Miggy. Pasensiya ka na kung naging abala ako."

Tumitig lang sa'kin si Miggy na kinailang ko.

"Don't do this again."

"H-Ha?"

"Huwag ka na ulit pumasok sa isang kasunduan na hindi mo naman kayang panindigan." Nagkuyom ang dalawa kong palad nang marinig 'yon. Parang karayom ang mga salita niya na tumusok sa katauhan ko.

"S-Sorry, ha, wala kasi akong naging ibang choice," mabuti't nagawa kong sabihin 'yon dahil pakiramdam ko'y nanginginig 'yung lalamunan ko. "Alam ko, ang tanga-tanga ko para pumayag sa inalok ng daddy mo. Sorry kung iyon lang ang nakita kong paraan noon para maka-survive sa madaling paraan—"

Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan 'yung mukha ko, iyon pala'y para pahirin ng kamay niya ang luha sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan.

"I know," sabi niya.

Pinalis ko 'yung kamay niya, saka dali-dali kong pinahid 'yung luha ko at pilit na ngumiti sa kanya, 'yung ngiti na puno nang kahihiyan. Nakailang hingi na ba ako ng sorry ngayong araw?

"Teka, ito na pala 'yung mga card na binigay mo sa'kin." Mabilis kong kinuha sa wallet ko 'yung ATM card at credit card na binigay niya noon. "Salamat ulit."

Nang abutin niya 'yon ay walang salitang iniwanan niya ako. Nang makalabas siya'y sinarado ko ang pinto at napasandal na lang ako.


*****


PAKIRAMDAM ko nangyari na 'yung ganito noon, déjà vu nga kung tawagin nila. Kakagaling ko lang sa Dean's Office para magpapirma, pagkatapos ay nagpunta ako sa admin para iproseso ang pagda-drop ko sa university.

Oo, nangyari na nga ang ganito noon. Naglalakad-lakad ako sa campus grounds, sinisilayan ng huling beses ang magandang paaralan. Wala na sana akong dapat pagpaalaman pa sa mga kaklase ko pero naalala ko silang dalawa.

Kaya naman naisipan kong hanapin sina Anne at Riley, nagpunta ako sa usual spot na tinatambayan namin para mag-aral sa may student plaza pero wala sila ro'n. Hanggang sa nadaanan ko 'yung gymnasium, naglalakad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Ewan ko ba kung bakit naisipan ko pang sumilip sa loob, nakita ko na walang ibang tao ro'n maliban sa isang grupo ng mga estudyante. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Etta, kasama ang barkada niya.

Aalis na sana ako pero nahagip ng paningin ko ang mga pamilyar na mukha. Para makasigurong hindi ako nililinlang ng mga mata ko'y pasimple akong lumapit sa pwesto nila, nasa itaas ang mga bench kaya hindi naman nila ako napapansin dito sa labas. Habang papalapit ako sa kanila'y mas luminaw sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Himala, ah, kasama 'ata namin kayo rito," sabi ng isang lalaki.

"Oo nga, where's your cute friend?"

"Remi's absent today, we think it's fun to hangout with you today." Natigilan ako nang marinig ko 'yung boses ni Riley.

"Oh, akala ko talagang pinanindigan n'yo na talaga 'yung pagiging studious n'yo!" komento ng isa sabay tawa.

"Nakatulong naman ang pang-iisolate mula sa mga bad influence like you, thanks to that mas nag-improve ang grades ko, I can finally ask my dad to buy me a car," sinundan 'yon ni Anne.

"Really? We thought pinagpalit n'yo na kami ro'n sa cute girl na 'yon."

"As if naman, Etta just asked us to befriend her, kawawa naman daw kasi palaging loner," sabi ni Riley.

"Totoo, Etta? Ang bait mo naman!"

"Ako? Mabait? Asa kayo," sagot ni Etta. "Thanks to Anne and Riley, palagi akong updated sa tsismis."

Namalayan ko na lang 'yung sarili ko na tumatakbo palayo sa lugar na 'yon, nagsisisi ako kung bakit pumasok pa ako sa loob at talagang pinakinggan ang usapan nila.

Sana pala hindi ko na lang sila hinanap at hinayaan ko na lang na umalis ako nang hindi nagpapaalam nang sa gayon ay hindi ko nalaman na kinaibigan lang nila ako dahil sa utos ni Etta. Huminto ako nang makarating ako malapit sa main gate.

Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan nang biglang may humila sa'kin sa gilid. Kinulong ako nito sa bisig at saka nagsalita.

"Sinong umaway sa mahal ko?"

"P-Poknat?"

"The one and only." Hinayaan ko na lang na sumubsob sa balikat niya para ilabas 'yung bigat sa dibdib ko. Naramdaman ko 'yung paghagod niya sa aking buhok. "Ako ba ang dahilan?" Umiling ako. "Alam ko na masyado akong selfish dahil mahal kita. Iyon ang dahilan kaya huwag kang matakot kasi hindi ka na nag-iisa. Tara... Iuuwi na kita sa inyo." 


-xxx-


A/N: Pasensiya na kung nagbreak ako ng one week huhu. I hope you enjoyed this chapter :) 

Maraming salamat sa sponsor ng memes~ Kina Mervin and @Magsanayka_Kasi from Twitter :D

Ang kyuti nito hahaha ginawang aso si Miggy XD


See you next chap!

THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡

Kaunting-kaunti na lang talaga, lezzgo Season 4!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro