Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 67❀


'YOU make me smile even for no reason.'

Iyon ang nakasulat sa puting card na katabi ng tatlong rosas na nadatnan ko sa study table ko nang magising ako kaninang umaga. As usual, ulit sa kanya.

Pagkalabas ko ng kwarto'y hindi ko namalayan na bitbit ko 'yung mga bulaklak nang bigla kaming magkasalubong ni Miggy, galing siya sa ibaba. Napatingin siya saglit sa hawak ko.

"Kumain ka na sa baba, luto na ang almusal," uto niya bago ako iwanan at pumasok sa kwarto niya.

Dali-dali akong bumaba at naamoy ang masarap na almusal na niluto ni Manang. Nilapag ko sa mesa 'yung tatlong rosas.

"Kain na, hija!" as usual ay hindi rin nauubusan ng positive vibes si Manang. Napansin ko na bakante pa 'yung pwesto na katapat ko, madalas kasi'y palaging nauuna rito si Poknat dahil sabik na sabik siya sa masasarap na agahan.

"Si Poknat po?" tanong ko.

"Maagang umalis ang batang 'yon, sabi'y magja-jogging daw sila ng mga kaibigan niya," sagot ni Manang sa'kin habang nagsasalin ng hot chocolate sa mug at inabot sa'kin 'yon.

Kasama niya kaya si Etta mag-jogging? Ah, baka 'yung mga kabanda niya 'yung mga kasama niya. Napatingin ako sa rosas sa mesa, siya na naman ang naglagay no'n sa kwarto ko, mukhang nang-akyat bahay na naman sa bintana ko. Loko-loko talaga.


*****


"SO, kamusta naman as partner si Etta?" biglang tanong sa'kin ni Riley habang kumakain kaming tatlo sa cafeteria.

"Ah, okay naman siya," sagot ko kaagad. "Maswerte nga ako kasi tinuturuan niya akong tumugtog ng gitara."

"Really?" si Anne. "That's so her, she can really adapt anywhere. How fun." Parang nanghihinayang na hindi ko matanto ang reaksyon niya.

"Bakit? May problema ba kayo sa kanya?" tanong ko .

"Not really," sagot ni Riley. "You know, like you, we're kind of a wallflower. Minsan nakakainggit 'yung katulad niya na YOLO ang motto sa life."

Narealize ko lang bigla. May pagkakatulad nga kaming tatlo. Tahimik, hindi social butterfly, hindi rin gala, at puro aral lang ang inaatupag. Siguro nga totoo 'yung kasabihang the same feather flocks together.

Ngumiti ako sa kanya. "Masaya rin naman kayong kasama," sabi ko.

"Really?" Tumango ako. "Studying doesn't bore you to death? Hindi ka naboboringan na kasama kami?" matapat na tanong ni Anne. Umiling ako.

"Maswerte nga ako na kayo ang nakasama ko kasi mas nakakapagfocus ako sa pag-aaral, at komportable naman din ako sa inyo," sagot ko. Totoo naman 'yon kasi pinapaaral na nga lang ako ng libre kailangan ibigay ko ang best ko.

Maswerte nga rin akong medyo nalayo sa kanila. Nakikita ng gilid ng mga mata ko ang kinaroroonan ng grupo nila Kennedy sa malayo, as usual ay wala pa ring pinagbago ang mga dakilang bully. Nasa kabila naman si Azami kasama ang mga kaibigan niya pero wala sina Viggo, Deanna, at Olly. Mainam na rin na minsan ay lumayo sa gulo.

"Aww... You're so sweet, Remi!" dinig kong reaksyon ni Riley at pinunasan pa ang salamin dahil naluha ata siya ng slight.

Pero minsan nakakamiss din 'yung mga panahong simple lang ang lahat. Namimiss ko rin lalo si Quentin dahil siya ang palagi kong hindi nakikita sa campus. Bihira na lang din kasi kaming makapag-usap sa text or chat. Parang dati lang ay halos gabi-gabi kaming nagkukwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay.

Naputol ang pagmuumuni ko nang biglang may lumapit sa gilid ko. Natigilan din sina Anne at Riley sa pagkain.

"Elow!" si Etta. "Remi, kitakits mamayang uwian!" iyon lang ang sinabi niya bago ulit umalis, parang hangin lang na napadaan. 'Yong mga kasama ko naman ay nagkatinginan lang.

*****

UWIAN. Naglalakad palang ako palabas ng classroom nang biglang may umakbang sa'kin. Pamilyar ako sa amoy ng pabango niya na bubble gum kaya alam kong si Etta kaagad 'yon.

"Tara let's go!" halos nagpahila lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng classroom, hindi na nga ako nakapagpaalam sa dalawa.

Pilit lang akong bumitaw sa kanya nang makarating kami sa labas papuntang exit gate, ang bigat din kasi ng pagkakaakbay niya sa'kin.

"Oo nga pala, Remi, pupunta tayo ngayon sa 360 Bistro, may gig kasi 'yung banda nila Poknat," pagkasabi niya no'n ay parehas kaming huminto sa paglalakad.

"Huh? Hindi tayo magpapraktis sa bahay?" tanong ko.

"Obviously!"

"Pero 'yung gitara nasa kwarto ko..."

Hinawakan niya ako sa balikat. "Huwag kang mag-alala, pwede naman tayong manghiram do'n."

"Pero..."

"Lilibre kita ng dinner!"

Sa huli ay hindi na ako nakaangal pa sa pamimilit ni Etta. Nagpakayag na lang ako sa kanya, tumawag siya ng taxi para ihatid kami ng diretso sa 360 Bistro. Habang on the way kami ay nagtext ako kay Miggy kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko.

Pagdating namin do'n ay hindi pa gano'n karami ang tao. Binati kami ng mga staff at mukhang kilala rin nila si Etta dahil pinatuloy lang kami do'n sa basement kung saan dinala ako ni Poknat dati. Walang katok-katok ay pumasok si Etta sa loob ng silid at napatingin sa'min ang mga tao na nando'n.

"Elow!" bati ni Etta sa lahat. Kaagad nagtagpo ang tingin namin ni Poknat.

"Ming!" kaagad din siyang tumingin sa kasama ko. "Tae? Bakit nandito ka—aray!" binato siya ni Etta ng barya sa mukha.

"Mukhang busy kayo, ah," puna ni Etta habang humila ng isang plastic na upuan at saka umupo. Hindi ko malaman kung saan ako pupwesto dahil 'yung maliit na sofa ay puno na, nasa gitna si Poknat at may katabing dalawang lalaki.

"Pinaparinig namin kay boss 'yong bago naming kino-compose," sagot ng katabi ni Poknat na nasa kanan at saka ito tumingin sa'kin. "Hi, Remi!" Hindi ko natago ang gulat nang makilala ako nito. Tumayo ang lalaki at nakipagkamay sa'kin. "Pasensiya ka na, ako pala si Luis, 'yong drummer. Hindi ako nakipagkilala ng maayos—"

"Oy, ano 'yan?" biglang tumayo si Poknat at hinila 'yung kamay ko. Natawa si Luis at nahihiyang natawa rin ako sa ginawa ng mokong.

Biglang tumayo 'yung isa pang lalaki sa dulo at inabot nito ang kanang kamay. "It's finally nice to meet you, Remi. I'm Jaguar Red, or Jared for short." Inabot ko 'yung kamay niya at hindi naman umangal si Poknat. At saka ko naalala, siya 'yung tinutukoy ni Poknat noon na may-ari nitong 360 Bistro at boss nila!

Hindi mukhang gano'n katanda si Jared, parang nasa 20s palang siya. Ang galing naman at siya na ang nagmamanage ng lugar na 'to.

"Take a seat," alok nito at siya ang tumayo. Magkatabi kami ni Poknat.

Muli silang nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa music, mukhang iyon 'yung kanta na gustong iparinig sa'kin ni Poknat noon. Gusto ko sanang itanong sa katabi ko kung nasaan sina Corra at Leighton pero hindi ko makuhang makasingit sa usapan nila at nakakahiya naman.

Samantalang si Etta ay prenteng nakaupo habang nakikisali sa usapan, mukhang madalas siyang makasama ng banda, kunsabagay dalawang taon na silang magkakilala ni Poknat.

Bigla akong hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil hindi ako gano'n ka makasabay sa usapan nila. Ang naiintindihan ko lang ay balak nilang mag-release ng kanta online at mayroon silang tour sa iba't ibang university sa darating na mga okasyon.

Lumipas ang ilan pang mga sandali na pakiramdam ko'y mahigit isang oras. Nakita ko silang nagsitayuan. Biglang bumukas ang pinto.

"Sorry we're late!" si Corra 'yon na kasunod si Leighton.

"Buti naman alam n'yo," sagot ni Jared sa kanila habang nakahalukipkip, mukha itong nakakatakot kapag hindi ngumingiti (parang si ano lang).

Dumako ang tingin ni Corra sa'kin. "Remi?" kaagad lumawak ang ngiti niya. "You're here!" Bago pa makalapit sa'kin si Corra ay muling nagsalita ang boss nila.

"Get ready everyone, first set, Etta will sing with Kiel," sabi nito at naunang lumabas ng silid.

"Let's go, guys!" masayang sabi ni Etta at saka tumingin sa'kin. "Oh, Remi, you can wait here for me if you want."

"Ming, manood ka sa'min," singit ni Poknat.

"Oo nga, kasama ko rin sina Q at Olly, they'll watch us too!" sinundan 'yon ni Corra, lumapit sa'kin at hinawakan ako. Nang madaanan namin si Etta ay hindi ko alam kung guniguni ko lang ba na makitang inirapan niya si Corra—anong meron sa kanilang dalawa?

Pagdating namin sa dining area ni Corra ay dinala niya ako sa pwesto kung nasaan sina Quentin at Olly, agad na napatayo ang dalawa nang makita ako.

"Remrem!" si Olly, niyakap ako. "I'm glad that you're too!"

"Hi, Remi!" sumunod si Quentin na niyakap din ako. "I missed you!"

"I missed you too!" sagot ko habang nakangiti. Parang kanina lang ay naalala ko siya.

"Ay, sa'kin walang pa-I miss you?" natatawang sabi ni Olly.

"Oy, Canteen! Bakit nandito ka?!" nagbitiw kami ni Quentin nang marinig namin si Poknat. Lalapit pa sana siya sa'min pero nahila na siya ni Luis papuntang stage.

"Q, dito muna si Remi sa inyo, ha," bilin ni Corra. "I'll chat with you, guys, later."

Nang maiwan kaming tatlo ay umupo kami. Kaagad namang inabot sa'kin ni Olly 'yung menu.

"Libre namin today!" sabi ni Olly.

"Thank you, Olly," sabi ko.

Pagkatapos naming maka-order ng mga pagkain, ang banda naman ay nagse-setup pa rin at nagtetest ng tunog.

"So, what's up? Kamusta?" nakangiting tanong ni Quentin sa'kin.

"Ako nga ang dapat magtanong niyan sa inyo," sabi ko. "Kamusta na kayo? Parang ang tagal-tagal na kasi nating hindi nagkikita. Kamust na sina Deanna at Azami?" kahit na medyo na-stress ako sa mga nangyari ay hindi ko paring maiwasang isipin kung kamusta na nga ba sila.

Tumingin si Quentin kay Olly at napabuntonghininga naman ang huli.

"Ayon, friendship over," sagot nito. "Si Azami mukhang masaya naman sa mga newfound bitch friends niya. Si Deanna, huwag kang mag-alala ro'n dahil kaya no'ng mamuhay mag-isa." Napatango na lang ako.

"Actually, ngayon na lang din ulit kami nagkita ni Olly," sabi naman ni Quentin. "Lately, I'm avoiding to go out afterschool."

"Ay oo nga pala, Remi!" biglang bulalas ni Olly. "Back to acting na ulit si Q!"

Napatingin ako sa kanya. "Talaga? Wow!"

"Yeah, kaya medyo busy din ako sa pagpapractice."

"Good for you, Q," masaya kong sabi. "Parang kailan lang noong hayskul."

"Oo nga, eh. Anyway, you must come to see our theatre company," sabi nito. "Though matagal-tagal pa ang showing."

"Sure!"

"Oh, baka gusto mo na ring bumalik sa pagiging thespian, Remi," saad ni Olly. Dumating na 'yung mga pagkain namin at isa-isang hinain sa mesa ng waiter. "Malay mo ay meant to be kayong maging artista ni Q!"

Natatawang umiling ako sa kanya. Hindi ko lang masabi na hindi ko na babalikan pa ang pag-arte.


*****


TAPOS na ang first set ng banda, tapos na ring makipagduet si Etta. It turns out na 'yung kinanta pala nila kanina ay kasama sa ire-release na kanta ng banda nila. Wala pa mang nakakapagsabi sa'kin pero may kutob na ako na dating kasama sa banda si Etta.

Wala nang nagawa pa sina Quentin at Olly nang hilahin ako ni Etta pabalik ng basement para turuan niya akong maggitara, iyon naman talaga ang dahilan kung bakit niya ako dinala rito.

"Nainip ka ba?" tanong niya sa'kin nang makaupo kami. Kumuha lang siya ng gitara na nakatabi sa gilid at inabot sa'kin 'yon.

"Hindi naman."

"Mabuti naman at dumating din 'yung ex mo."

Natigilan ako saglit. "Kinuwento ba sa'yo ni Poknat 'yung tungkol sa'min ni Q?" nakakunot kong tanong.

"Ah, hindi, hindi," sagot niya at winasiwas pa ang kamay. "Matagal ko nang naririnig noon ang tsismis tungkol sa inyo."

Hindi na ako kumibo, nilapat ko 'yung kamay sa strings at sinubukang alalahanin 'yung mga natutunan ko sa kanya.

"Ang sabi sa tsimis nakipagbreak ka raw sa kanya kasi nga may fiancé ka na." hindi ko siya pinansin. "Alam mo, sayang kayo. Ang perfect boyfriend na niya sa'yo pero—"

"Ano bang problema mo sa'kin?" hindi ko na mapigilan 'yung sarili ko na mainis. Ito na naman kasi siya at pinupuntirya ang personal kong buhay. Tumayo ako at nilapag 'yung gitara sa center table. "Sabihin mo na sa'kin 'yung totoo."

"Woah." Natatawa pa siya at saka tumayo. "Chill, girl. I'm just chatting here. I'm sorry, hindi ko alam na sensitive ka pala."

Nagkuyom ako ng palad. Para kasing sinasadya niya palagi na banggitin 'yung mga naging issue ko. Akala ko titigil na siya pero nagsalita na naman siya.

"Hmm... Let's see, there's Quentin, Poknat, and Miggy—you're really popular with cute boys, Remi. No wonder marami kang naging haters sa campus," sabi niya. "Pero sa kanilang tatlo, si Miggy ang pinakaswerte, effortless and emotionless, sure na ang future n'yong dalawa, ano?"

"W-Wala kang alam..."

"Hmm?"

"Hindi ko naman talaga ginustong ma-engage kay Miggy, wala akong choice—hindi katulad mo na masyadong carefree sa buhay. Kailangan kong gawin 'yon para masalba ang lola ko—kasi mahirap lang kami, hindi katulad mo. Akala mo ba masaya ako?" Sinabi ko sa'yo para manahimik na siya at mukhang tumalab naman dahil wala na siyang maibato sa'kin. Pero muli, akala ko lang pala 'yon.

"Kunsabagay mas madaling gumawa ng excuse." Mas kumunot ang noo ko. "Hindi totoong wala kang choice. Papayag ka na lang ba na maging gano'n-gano'n lang ang buhay mo? Habambuhay kang magiging sunud-sunuran sa kapalaran ng iba—"

Biglang bumukas ang pinto kaya naputol ang sasabihin ni Etta. Huli na para pahirin ang luha sa pisngi ko. Dali-daling lumapit si Miggy sa'kin.

"Why are you crying?" marahan niyang tanong at tumingin sa kasama ko. "Did you make her cry?"

Nagkibit-balikat lang si Etta. Nauna akong lumabas ng silid at mabilis na lumabas ng gusali, nakasunod pa rin sa'kin si Miggy. Nasa may parking lot kami nang bigla niyang hilahin 'yung kamay ko.

"What the hell happened, Remi?" tanong niya, 'di ko mawari kung nag-aalala ba siya dahil nakakunot ang kanyang noo.

Umiling ako at suminghot. "Mabuti at dumating ka. Pwede bang umuwi na tayo?"

Akala ko'y magtatanong pa ulit si Miggy, walang sali-salitang sumakay sa kotse niya at sumakay din ako sa unahan. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kina Corra, sinabi pa naman niya na mag-uusap kami, 'di bale at ite-text ko na lang siya.

"I bet it's related with Poknat," bigla niyang sabi habang nagmamaneho. Napatingin ako sa kanya. "I know what he's doing. I'm not stupid."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Sumulyap siya saglit sa'kin bago ituon ang mga mata sa daan.

"I know that he's courting you." Hindi ako nakapagsalita. "But I'm not worried at all. He can do whatever he likes."

"H-Ha?"

Muling tumingin sa'kin si Miggy at nagtama ang mga mata namin. "You'll be mine anyway."


-xxx-



A/N: Hala, Mingming nyo naiyak. Umeeksena na si Daddeh Miggy. XD

Thanks again sa mga walang sawang nag-eedit ng memes! 

Hahaha, ito talaga yung accurate na naiimagine kong facial expression ni Remi hahaha!

Ang salbahe kay Etta HAHAH

Accurate 100%

Sensitive ang Mingming nyo ngayon kasi may dalaw siya! XD

Dabest talaga magnickname tong si Poknat hahaha



THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡

Tweet me with #DNSR @ demdemidemii

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro