DALAGA 64❀
SA isang iglap ay nakarating kami ni Poknat sa Osmosis bar, halos paliparin niya nga 'yung motor dahil hindi rin gano'n ka-traffic. Papasok pa lang kami ni Poknat sa loob ng bar ay parehas kaming natigilan nang makita ang isang kumpol ng grupo dito sa parking lot.
Dali-dali akong lumapit doon habang nakasunod lang sa'kin si Poknat. Halos mapanganga ako sa naabutan kong eksena, nakasalampak si Deanna sa sahig habang si Azami'y hinaharangan ni Viggo. Si Quentin naman ay inaalalayang tumayo si Deanna. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang grupo ng mga kaibigan nina Kennedy at iba pang mga kaibigan ni Azami sa university na hindi ko kilala, halatang nasisiyahan pa sila sa nakikita.
"Deanna, you're too drunk, we'll take you home," dinig kong sabi ni Quentin pero pinalis ni Deanna ang kamay niya.
"Don't touch me, kaya ko ang sarili ko!" bulyaw ni Deanna at saka pinilit na tumayo. Mukhang tama nga si Quentin dahil kung wala si Olly sa gilid ay walang sasalo rito. Inayos ni Deanna ang sarili bago muling humarap kay Azami
Nanatili kaming tuod ni Poknat sa tabi at wala pa ring nakakapansin sa presensya naming dalawa. Hindi ko alam kung paano makakatulong o manghihimasok sa nangyayari.
"Azami, come on. Maniwala ka na walang nangyari sa'min—" narinig ko si Viggo, kaagad siyang tinulak nito.
"How many times do I have to tell you that we're over, Viggo?"
"You—ang kapal din ng mukha mo para isipin na aahasin ko 'tong boyfriend mo!" biglang sumabad si Deanna.
"Stop denying it, Deanna! Those photos won't lie. Kaya naman kahit ano pang sabihin mo, walang maniniwala sa'yo—"
"Tama na, Azami." Natigilan silang lahat nang makita ako. Humakbang ako palapit at nanlaki ang mga mata niya.
"Remi! You're late to the party," ngumiti si Azami, pulang-pula ang pisngi at amoy alak ang hininga. Bigla niyang kinawit ang kamay sa braso ko at humarap sa marami. "Guys, this is Remi, she's my BFF since elem." Tumingin siya sa'kin. "Why don't you tell them how slutty Deanna is since elementary? Right?"
Hindi mapigilang magsalubong ng kilay ko at tinanggal ko ang kamay niya sa'kin na halatang kinabigla niya. Ang akala niya yata ay hindi ako papalag porque maraming tao ang kaharap namin ngayon.
"Azami, bakit mo ba 'to ginagawa?" Naglaho ang ngiti sa mukha niya nang sabihin ko 'yon, pagkatapos ay lumapit ako kay Deanna. "Walang ginawang masama sina Deanna at Viggo."
"Y-You're defending that slut?" parang maiiyak na tanong ni Azami sa'kin. Nasulyapan ko si Viggo na nakatingin sa'kin.
"Nakita ko sila na lumabas ng iisang kwarto," sabi ko. "Pero alam kong wala silang ginawang mali." Nagsukatan kami ng tingin ni Azami, para bang sinasabi niya sa'kin na bawiin ko 'yung sinabi ko pero hindi ako kumurap.
"How could you support a cheater?" ganting tanong niya sa'kin.
Umiling ako. "Azami, bakit mo 'to ginagawa? Para lang makipaghiwalay kay Viggo? Bakit mo ginaganito si Deanna? Hindi ba't naging kaibigan mo siya?"
"That bitch was never my friend!" sigaw niya sa'kin. Nasilaw ako sa kumislap na flash sa gilid ko at nakita ko ang grupo nila Kennedy. Sa inis ko'y dali-dali akong lumapit sa kanila at tinabig ang kamay ni Kennedy na may hawak ng camera, sa lakas ay nahulog 'yon sa sahig.
"What the hell, girl?!" asik ni Kennedy sa'kin. Wala pa rin talagang pinagbago ang taong 'to, mas lalo ko tuloy gustong paniwalaan na labas sa ilong ang paghingi niya sa'kin ng sory noon.
Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin din ako sa mga kasama niya. "Pwede ba umalis na kayo kung wala rin naman kayong magandang gagawin kundi maki-usyoso?"
"Tch! You'll pay for this—"
"May problema ka ba, pre?" nagulat ako nang humarang bigla si Poknat sa harapan ko. Walang sinagot si Kennedy. "Wala ba kayong narinig? Sabi ng layas!" Maging ako'y nagulat nang sumigaw si Poknat.
Tumalab naman ang sigaw niya at nasindak ang mga usisero kaya dali-dali silang umalis, pati ang grupo ni Kennedy. Naiwan ako, si Poknat, Deanna, Viggo, Azami, Quentin, at Olly. Muli akong humarap sa direksyon nila at nakita ko si Deanna na nakatingin sa'kin, nakataas ang kilay pero walang lumabas na salita sa bibig niya.
"I can't believe this." Dinig kong sabi ni Azami. "I thought you're my best friend, Remi."
"Azami, hindi mo ako best friend." Nakita ko ang kirot sa mga mata niya pero weird dahil naging madali lang sa'kin na sabihin 'yon. "Pero kaibigan kita—" Tumawa siya bigla na parang nababaliw.
"You know what, ngayon ko lang na-realize that all this time I've been hating you." Sa pagkakatong 'to ay ako naman ang nagulat sa sinabi niya. "You hated me too, right? Alam ko may gusto ko na noon pa kay Viggo pero wala ka man lang sinabi nang sabihin kong gusto ko rin siya. You're always pretending that you're happy for me noong maging kami noong high school. Pero, hindi, 'di ba?"
Hindi ako nakasagot dahil naalala ko 'yung mga panahon na 'yon. Akala ko kasi hindi niya alam na may gusto rin ako kay Viggo. Pero tama nga siya, noong mga panahong 'yon ay madalas kong ikubli sa kanya ang totoo.
"Bakit ba inuungkat mo pa 'yung napakatagal ng panahon." Biglang sumabad si Viggo.
"Ikaw naman!" humarap sa kanya si Azami. "Alam kong nagtitiis ka lang sa'kin dahil may nahihita ka. You're staying with someone fat and shitty like me because my family's rich! You're a freaking parasite, Viggo!" Hindi na rin tumangkang sumagot pa ni Viggo.
"Azami, stop this, okay? You're not on your mind—" aawat sana si Quentin nang humagulgol bigla si Azami.
"Why her, Q?" kalmado subalit lumuluhang sabi ni Azami.
Napakunot si Quentin. "What?"
"Why not me?"
Nanaig ang katahimikan noong mga sandaling 'yon, wala man nagsalita sa'ming lahat ay nakuha ko na ang ibig sabihin ni Azami, kung bakit sa simula't sapul ay nakikipaghiwalay siya kay Viggo at kung bakit ginawa niya 'yon kay Deanna.
Pagkaraan ng ilang sandali'y nagsalita si Viggo. "Iuuwi ko na siya." Hinawakan niya si Azami, hindi naman na ito pumalag at hinayaan ang sarili na magpatangay.
Lumapit sa'kin si Olly. "Thank you, Remrem, sa pagpunta," malungkot nitong sabi at napabuntong hininga. "Hindi ko alam kung bakit naging ganito kakumplikado bigla ang friendship natin." Ngumiti na lang ako nang matipid sa kanya dahil hindi ko rin alam ang sagot. Pagkatapos ay pumunta siya kay Deanna. "Girl, tara na."
"Ugh. I can't go home like this, my parents would kill me," daing ni Deanna sabay sapo sa ulo. Napansin ko rin na basa 'yung pang-itaas niyang damit.
Natigilan siya nang lumapit ako.
*****
WALA pang limang minuto matapos kong pindutin ang doorbell nang bumukas ang pinto. Hindi ko naman masisisi si Miggy kung bakit biglang kumunot ang noo niya.
"Good evening, Miggy!" masayang bati ni Olly na nasa likuran.
"What's going on?" tanong ni Miggy.
Tumingin muna ako sa mga kasama ko, akay-akay ni Olly at Quentin si Deanna na kaunti na lang ay babagsak na sa sobrang kalasingan. Napatingin ako sa may gate at saktong kakadating lang ni Poknat. Tumingin akong muli kay Miggy.
"Miggy, pwedeng dito muna mag-stay sa'tin si Deanna?" Tumitig lang siya sa'kin at nang akmang magpapaliwanag ako'y tumango siya bigla at binuksan ang pinto para sa'min.
Pagpasok namin sa loob ay kaaad kaming dumiretso sa itaas para dalhin si Deanna sa kwarto ko. Bumaba sina Olly at Quentin, tinulungan ko si Deanna na makapagpalit ng damit at pinahiram ko sa kanya 'yung pantulog ko.
"Ugh. My head hurts." Dinig kong daing niya habang nakapikit, nakahiga na siya sa kama. "I want coffee."
"Coffee?" ulit ko.
"Hindi ka naman siguro bingi?"
"Okay." Papalabas na ako ng kwarto nang marinig ko ulit na nagsalita siya.
"Can you call Miggy here? I just wanted to talk to him. Please?"
"S-Sige." Pagkababa ko sa sala ay nadatnan ko silang boys doon, sabay-sabay pa silang tumingin sa'kin. "Gusto n'yo ng kape?" Tumaas ang kilay ni Miggy, si Poknat at Olly ay kaagad na umoo, si Quentin naman ay umiling.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay bumalik ako sa sala na may dala-dalang tray. Kinuha nila Olly at Poknat 'yung kanila at saka ako lumapit kay Miggy.
"Miggy, pwede bang ikaw na ang magbigay nito kay Deanna?" muling nagsalubong ang kilay niya. "Gusto ka rin niya kasing makausap. Pabigyan mo na."
Ang akala ko nga'y tatanggi si Miggy dahil tumitig lang siya sa'kin ng halos ten seconds. Kinuha niya rin sa'kin ang tray at walang sali-salitang umakyat sa itaas. Naiwan kaming apat sa sala, wala ring nagsasalita sa'min, at 'yung dalawa naman ay abala sa paghigop ng kape.
Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nagsalita si Quentin. "Uhm... Are they going to be fine?" Biglang nabuga ni Olly 'yung kape na iniinom niya.
Hindi ko alam kung sino ang may pakana, basta alam ko magkakasama kaming apat na pumunta ng second floor para tingnan kung ano na bang nangyari kina Deanna at Miggy sa loob ng kwarto ko. Para kaming mga magnanakaw dahil dahan-dahan pa kaming naglakad.
"It's so quiet," bulong ni Olly nang huminto kami sa harapan ng kwarto ko.
"Baka may nangyari na—" siniko ko naman si Poknat sa kalokohan niya.
Akmang bubuksan ni Olly 'yung pinto ng kwarto nang may marinig kaming hakbang sa gilid.
"Bakit gising pa kayo?" Unang sumigaw si Olly nang makita si Manang na pupungas-pungas. Sa gulat namin ay nagtatakbo kaming apat sa ibaba.
*****
DAHIL sa takutang nangyari kagabi ay mas pinili kong matulog sa sofa sa loob ng kwarto ko kaysa sa bakanteng guest room. Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko, napabangon ako bigla dahil naalala kong may kasama rin nga pala ako rito ngayon.
"D-Deanna?" tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa kama. "Sorry kung nagising kita sa alarm ko, nakalimutan kong patayin." Nakatanaw lang siya sa may bintana at parang walang narinig. Dahan-dahan akong tumayo at tiniklop 'yung kumot ko. "Uhm... Kapag gutom ka na baba ka lang sa kusina..." Itatanong ko sana kung anong oras ang pasok niya ngayon pero mukhang may hangover ata siya.
"Remi." Tumigil ako bigla nang tawagin niya ang pangalan ko. "Thanks last night." Tumayo siya at lumapit sa'kin. Walang emosyong matatagpuan sa mukha niya.
"W-Wala 'yon."
"Nakapag-usap na rin kami ni Miggy, tanggap ko na, I'm letting him go," sabi niya nang huminto sa harapan ko. "At hindi porke pinagtanggol mo ako kahapon ay natutuwa na ako sa'yo na ikaw ang fiancé niya." Tumaas ang isa niyang kilay. Ah, the usual Deanna.
Bahagyang bumuka ang bibig ko pero wala akong naisagot sa kanya. Bigla siyang humalukipkip at muling nagsalita.
"Ito lang ang masasabi ko sa'yo, kung may mahal kang iba, siguraduhin mo lang na hindi mo papakasalan si Miggy."
Hindi ko alam kung pananakot ba 'yon o friendly advice mula kay Deanna pero kung tutuusin ay may sense. Kung concern man siya o hindi, na-appreciate ko 'yung thought ng sinabi niya. Kung may mahal nga ba akong iba, dapat ko pa bang pakasalan si Miggy? Pero... May kasunduan.
Naunang lumabas ng kwarto ko si Deanna at ako naman nagpunta sa kama para ayusin 'yung bedsheet at kumot. Nagligpit ako saglit dahil hindi na ako nakapag-ayos saglit. Inaayos ko 'yung bag ko sa may study table nang may mapansin akong kakaiba, meron kasing flower vase na maliit. Si Manang ba ang naglagay nito? O 'di kaya'y...
Mas naghinala ako lalo nang makita ko ang isang maliit na envelope sa ilalim nito. Dali-dali ko 'yong kinuha at binuksan ang loob.
Nagdikit ang kilay ko nang makita ko ang isang larawan. Picture ni Poknat, kumakanta siya sa 360 Bistro... na may kasamang babae.
-xxx-
A/N: Hello, guys! It's been a while. I missed DNSR and pati kayo! Kamusta? Ako? Mabuti naman, I had a plenty of rest and unti-unting bumabalik sa momentum. :)
Last chapter pinakita ko ang mga "live action" character versions ng mga DNSR boys. Wala pa rin akong mahanap kay Mingming, baka may suggestion kayo? :D
Btw, I'm missing the laugh trip to DNSR memes. :>
Featured song: Fearless ni Mareng Taylor dahil fearless din si Remi this chapter :)
THANKS FOR READING! (≧◡≦) ♡
Tweet me with #DNSR @ demdemidemii
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro