Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 58❀


DALAWANG araw ko nang iniiwasan si Miggy. Hindi ko kasi kayang gawin 'yong ginawa niya noon na magpanggap na parang okay na okay lang ang lahat. Matapos niyang sabihin sa'kin na sana hindi na na lang niya ako nakilala ay para bang nawalan na ako ng interes na kausapin siya.

Alam ko namang imposible 'yon dahil magkasama kami sa iisang bahay. Hangga't maaari sa ngayon ay ayoko na muna siyang makausap. Mukhang gayon din naman siya dahil hindi rin niya ako kinikibo. Mas okay na muna 'yung gano'n.

Dalawang araw ko na ring hindi makausap si Quentin sa school, nabalitaan ko kasi mula sa text ni Azami na pumasok na ulit si Q. Pinipilit ni Azami makipagkita sa'kin pero iniiwasan ko rin muna siya dahil pakiramdam ko'y gusto lang niyang malaman ang kwento.

Malaki ang pinagbago ng takbo ng buhay ko sa campus simula nang magbreak kami ni Quentin. Aaminin ko na hindi ko nagugustuhan ang mga pagtingin sa'kin ng ibang mga estudyanteng makasalubong ko sa building namin. Mukhang tama 'yung kutob ko na kaya ako pinakilala noon ni Kennedy sa maraming tao ay para gawing miserable ang buhay ko sa oras na hindi niya makuha ang gusto niya.

Wala akong idea kung gaano kalawak ang influence ni Kennedy sa mga estudyante, basta ang alam ko'y siya 'yung tipo ng 'life in the party'. Kung ano man ang tsismis na pinapakalat niya tungkol sa'kin na sapat para pagtinginan ako ng iba sa tuwing dadaan ako ay hindi ko alam.

Hanggang sa nalaman ko 'yon nang magpunta ako sa CR. Nasa loob ako ng cubicle nang marinig ko 'yung pag-uusap ng dalawang babae sa labas. Akala 'ata nila ay hindi ko sila maririnig kahit pa magbulungan sila o sadyang wala silang pakialam kahit marinig ko.

"That's the girl na kinuwento ko sa'yo. Kennedy introduced her to us last week."

"Really? I'm expecting she's more fab. She's so plain and dull."

"I know right, how could she break up with her boyfriend."

"I heard it's because she's engaged already without telling him."

"Duh. What a bitch."

Hindi ko namalayan na nanatili lang akong nakatayo habang nakakuyom ang dalawa kong palad. Nang lumabas ako ng cubicle ay wala na 'yung dalawang babae. Humarap ako sa salamin at saka huminga nang malalim. Ming, kaya mo 'to. Hindi ka dapat magpaapekto sa kanila.

Naglakad ako sa hallway na patay-malisya sa ilang mga tumitingin sa'kin. Hindi naman nila ako kilala kaya bahala na silang humusga kung anong gusto nilang isipin.

Naglalakad ako papunta sa cafeteria nang matanaw ko sa gilid ng gusali si Kennedy kasama ang dalawa niyang side kick na maldita. Hindi na sana ako tutuloy kung hindi lang nahagip ng tingin ko 'yung pamilyar na tindig ng taong kinakausap nila.

"Q..." Dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan nila at wala akong pakialam kung maputol 'yung pinag-uusapan nila. Hinila ko si Quentin sa braso at hinatak palayo sa kanila.

"This bitch!" dinig kong sabi ng isang babaeng kasama ni Kennedy.

"Hey!" Tumigil kami nang biglang humarang si Kennedy sa dadaanan namin, nakaharang na rin sa magkabilang side 'yung mga alalay niya. "Look who's here?" ngumisi siya at mas lalong humigpit ang paghawak ko kay Quentin.

"Padaanin n'yo kami—" kahit na binunggo ko siya ay hindi niya pa rin ako pinadaan. Halos itulak ako ni Kennedy kaya napaatras ako pero hindi rin ako natinag. Kaya kong tiisin 'yung mga ginagawa ng iba sa'kin pero hindi ko palalampasin 'yung ginagawa nila kay Q. "Tigilan mo na si Quentin!"

Nawala ang ngisi ni Kennedy at napalitan iyon ng inis. "What are you? High school?"

"Ikaw 'tong parang high school na nagpapakalat ng mga tsismis," sagot ko sa kanya. Humarap ako kay Quentin nang tanggalin niya 'yung kamay ko sa braso niya. "Q? O-okay ka lang?" alam ko na hindi sapat ang mga salitang 'yon para alamin ang kalagayan niya.

Hindi tumitingin ng diretso sa'kin si Quentin, blangko lang ang mukha niya. "Yeah. I'm fine. You don't need to worry about me."

"How sweet," dinig kong sabi ni Kennedy. "Oh, by the way, Q, alam mo na ba ang tsismis dito sa ex mo? Apparently, she stole someone's boyfriend and she's already engaged with the new guy."

"And so?" nagulat si Kennedy nang isagot 'yon ni Quentin sa kanya. "It doesn't change the fact that I'm not going to go out with someone faggot like you."

"You little shit—bawiin mo 'yang sinabi mo!" akmang susunggaban ni Kennedy si Quentin nang pumagitna ako sa kanilang dalawa.

May narinig kaming tunog ng pito sa malayo kaya kaagad ding lumayo si Kennedy, nakita namin na papalapit 'yung guard sa'min. Umalis si Kennedy na pinagsakluban ng langit ang mukha, habang naiwan kaming dalawa ni Quentin na hindi pa rin tumitingin sa'kin.

"Q, pwede ba tayong mag-usap?" Dumating bigla 'yung guard at tinanong kami kung anong problema. Sabay pa kaming sumagot ni Quentin na wala naman. Nang mawala 'yung guard ay mabilis din akong iniwanan ni Quentin.

Hindi pa rin ako nawalan ng loob. Kinukulit pa rin ako ni Azami na makipagkita sa kanya at tutulungan daw niya akong makausap si Q pero hindi ako kampante. At bukod pa ro'n ay nadala ako sa huling pagkikita namin na kasama si Deanna.

Uwian na at wala pa akong balak umuwi. Ngayon ko lang siyang naisipan tawagan siguro dahil ngayon lang ako nagkalakas ng loob na humingi ng tulong kay Corra, aminado naman ako sa sarili ko na may parte sa'kin na nahihiya sa ginawa kong pakikipagbreak kay Quentin.

Huminga muna ako nang malalim bago ko pindutin ang call button. Habang nagriring ang phone ni Corra ay iniisip ko pa rin kung alam na ba niya o hindi pa.

"Hello, Corra?" sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

"Seriously, Remi? Why did you break up with my cousin?" at tama nga ang hinala ko na alam na niya.

"A-ano—"

"So, I was right," sabi niya bigla. Bigla na naman akong nilamon ng hiya at kunsensya kaya hindi ako nakasagot kaagad. "Hello? Remi? Where are you?"

"Nasa school pa ako. Tumawag ako kasi gusto ko sanang humingi ng favor."

"Ano 'yon? Huhulaan ko, gusto mong makausap si Q?" Ang galing niyang manghula, siguro dahil writer siya.

Tumango pa ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "Oo sana."

"For what? For closure?" Hindi ko matanto kung galit ba si Corra o naiinis. Mukhang parehas. Okay lang naman kung ayaw niya akong tulungan.

"Sorry kung tumawag ako..." Ibababa ko na sana 'yuung tawag nang bigla siyang nagsalita.

"Alright, I'll send you the address. Papunta na rin ako ngayon sa bahay nila ngayon."

"T-thank you."

Nang matanggap ko 'yung address ay kaagad akong dumiretso ro'n. Dala ng pagod ay mas pinili kong sumakay na lang ng taxi kaysa magtanong-tanong, tutal para saan pa't binibigyan ako ng pera ng daddy ni Miggy? Ngayon ko lang naman medyo aabusuhin.

Wala pang isang oras nang makarating ako sa pinuntahan naming bahay noon ni Quentin. Hindi ko alam na dito rin pala siya nag-istay ngayon. Pinapasok naman ng guard 'yung sasakyan dahil sinabi ko 'yung pangalan ko.

Nang makababa ako ng sasakyan ay kaagad akong sinalubong ni Corra.

"Hey," bati niya sa'kin at saka matipid na ngumiti. Nagulat ako nang yakapin niya ako saglit, akala ko kasi galit siya sa'kin. "Tara."

"Nandiyan ba ang parents ni Quentin?" tanong ko.

"Nope, he lives alone in this freaky house," sagot niya sa'kin habang naglalakad kami. Bigla akong nalungkot para kay Quentin. "When he went missing last time tumawag 'yung mga kasambahay kay Ate Gabi. Mabuti na lang umuwi rin 'yung lokong 'yon."

"Nakausap na ba siya ni Ate Gabi?" tanong ko ulit.

"I don't think so. Sabi nagkukulong lang daw si Q sa kwarto niya. Two days ago lang siya ulit pumasok sa school." Nakarating kami sa second floor at huminto sa harapan ng malaking pintuan. "I tried talking to him earlier but he won't answer. Kung pwede lang sipain 'yang pintuan kaso baka tanggalan ako ng mana." Parehas kaming tumingin sa pinto. Hinawakan ako ni Corra sa balikat. "I'll wait downstairs."

Nang maiwan akong mag-isa'y kumatok ako ng tatlong beses. "Quentin, si Remi 'to. Gusto ko lang sanang makausap ka." Walang sumagot. "Nag-aalala ako. Hindi ako mapalagay na hindi ka okay."

"I'm okay." Biglang bumukas 'yung pinto at tumambad 'yung blangko niyang itsura. "Why did you come here?"

"S-sinabi ko na... Nag-aalala ako sa'yo."

"I already told you, don't worry about me—" akma niyang isasara ulit 'yung pinto nang biglang sumulpot si Corra sa gilid at buong lakas na sinipa si Quentin.

Ako naman ay napatakip lang ng bibig sa gulat, tumalsik si Q sa loob ng kwarto niya at si Corra naman ay walang pakundangang pumasok sa loob ng kwarto at binuksan ang ilaw.

"Q, ilang araw ka bang magpapaka-emo?" nakahalukipkip nitong sabi.

Dali-dali kong dinaluhan si Quentin para makatayo kasi mukhang nasaktan siya. "Hindi mo naman siya kailangang sipain, Corra."

"Tch. I can't stand him, ayoko sa lahat 'yung mga nag-iinarte," sabi ni Corra na nakasimangot na ngayon.

"Corra, sige na." sumenyas ako na umalis na muna siya at mabuti na lang ay sumunod din siya.

Wala nang nagawa si Quentin nang maiwan kaming dalawa. Umupo kami parehas sa may sofa sa kwarto niyang katumbas na ata ang isang buong bahay.

"I'm sorry..." dinig kong bulong niya.

"Huh? Bakit ka nagsosorry? Ako nga dapat ang magsorry sa'yo," sabi ko. Hinawakan ko 'yung braso niyang namamayat. "Tingnan mo nga, hindi ka na 'ata nakakakain ng maayos."

Umiling siya. "I know, I'm being a brat these past few days. I've heard kung anong ginawa ni Kennedy sa'yo." Tinutukoy niya siguro 'yung mga tsimis na pinakalat nito sa school, na sa totoo lang ay karamihan doon ay totoo naman talaga, ayon nga lang ay pinalabas ni Kennedy na ang sama-sama ko.

"Kumusta ka na?" Sa dami nang gusto kong sabihin sa kanya ay iyon lang ang nagawa kong itanong. Hindi ko rin kasi alam kung saan magsisimula.

"Still recovering, I guess?" sabi niya saka pilit na ngumiti.

"Sorry, Q," napayuko ako, "sorry kung sobrang pangit ng timing ko. Sorry sa lahat—"

"Hey, stop it," sabi niya. "I'm not mad anymore, okay? I admit, hindi ko pa rin masasabing sobrang okay na ako. But don't blame yourself too much."

"Sobra-sobra akong nag-aalala sa'yo," sabi ko. "Lalo na noong tumawag sa'kin si Ate Gabi na nawala ka bigla. At saka hindi mo ko mapipigilan na sisihin ang sarili ko kasi dahil sa'kin nawala 'yung ngiti mo."

"Oh, Remi..." inakbayan niya ako at hinapit. "You don't know... You don't know the struggle to hide real pain."

Napatingin ako sa kanya. "Real pain?"

"After you broke up with me at saka ko lang narealize sa sarili ko na takot akong mawala ka for selfish reasons, because if I was with you, I know it will be alright."

Medyo napakunot ako dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

"Of course, I was stunned to learn about you and Miggy. But I tried to understand, knowing how selfless you are, alam kong handa mong gawin ang lahat for your grandma. Hindi ko maimagine kung paano mo nagawa 'yon, it must be hard." Bumitaw siya sa'kin, ako ang unang nag-iwas ng tingin. "Narealize ko na ako ang totoong selfish. I want to keep you for my own good."

"Q, sobrang dami mong kabutihang ginawa sa'kin—"

"But it doesn't mean it's love," putol niya sa'kin. "High school pa lang tayo I've been rushing myself to be your boyfriend, kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang love."

Napaisip ako bigla sa sinabi niyang 'yon. At saka naalala ko bigla... Na sinagot ko siya noon kasi natakot ako na mawala siya at mapagod, natakot akong mag-isa noon. Gano'n din ba ang ibig niyang sabihin?

"I thought love would be so simple," sabi niya sabay tumingala bahagya. "Ang dami ko ring mga bagay na hindi ko magawang sabihin sa'yo noon. You were always there for me, and I was afraid to be left alone."

Dapat ako ang kumakausap ng gano'n sa kanya ngayon pero tila baligtad ang mga nangyari. Marahil natauhan siya sa sipa ni Corra kaya nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na sabihin sa'kin ang totoo niyang nararamdaman.

"I know I was still confused, a little bit childish, and I don't know myself enough to love another person," kusang naghawak 'yung mga kamay namin. "Natakot lang ako noong nakipagbreak ka sa'kin dahil... dahil sa...posbilidad na kung ano...ako."

"Hindi naman por que nakipaghiwalay ako sa'yo iiwan na kita." Natigilan siya sa sinabi ko. "Kaya kita gustong makausap ng mabuti para ipaalam sa'yo na nandito pa rin naman ako para sa'yo."

Bigla niya akong niyakap ng ubod ng higpit kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"You don't know how it reminded me the day when my mom left me behind," sabi niya at naramdaman ko 'yung luha niya sa balikat ko.

"Sorry, Q. Hindi ko sinasadya na gano'n..."

"I'm sorry, Remi. For being secretly selfish..."

Ilang segundo rin kaming nanatiling magkayakap hanggang sa bumitaw siya. Ngumiti kami sa isa't isa at pinahid ko 'yung luha sa pisngi niya. Naiparating na namin sa isa't isa ang mga totoo naming nararamadan. Lahat ng bigat sa dibdib ko'y naglaho at wala na akong pakialam sa kung anong iniisip ng iba sa'kin sa school.

"Ehem, ehem." Sabay kaming napatingin sa pintuan at nakita si Corra na nakasilip sa labas. "Tapos na ba kayo? Nagpaluto na ako ng merienda."

Mabilis na nadampot ni Quentin 'yung maliit na unan at nasapol nito ang mukha ni Corra. Natawa kami parehas.

"Consider yourself both lucky dahil walang mag-ex ang nagiging magkaibigan pa rin," inis na sabi ni Corra sa'min habang naglalakad kami sa enggrandeng hallway.

"Parang museum 'tong bahay n'yo, Q, hindi ka ba natatakot dito?" tanong ko. Hindi namin pinapansin si Corra.

"Hoy, narinig n'yo ba 'yung sinabi ko?" Tumawa kaming dalawa ni Quentin nang mainis si Corra at inasar namin siyang bitter.

Bakas ang galak sa itsura ng mga kasambahay nang makita nilang nanumbalik muli ang sigla ni Quentin. Habang kumakain ay casual na lang na nagkwento si Quentin kung ano ang naging reaction ng daddy niya tungkol do'n sa picture. Nagalit daw sa kanya kaya napagbuhatan siya nito ng kamay. Pero parang wala na lang kay Quentin 'yung nangyari.

"Paano na nga pala 'yon?" tanong ko, tinutukoy ko 'yung picture. Mukhang hanggang ngayon kasi'y ginagamit pa rin sa kanya ni Kennedy bilang panakot 'yung picture na 'yon.

"I don't know," sagot niya sabay kibit-balikat. "I guess I'll have to face him until he gets over with it."

"Pero, Q," nagsalita si Corra, "are you really gay?"

Medyo matagal pa bago sumagot si Quentin na may ngiti sa labi. "Corra, I'm still trying to know myself."

Tumingin sa'kin si Quentin at ngumiti ako sa kanya. Masaya ako na kahit malinaw na ang estado naming dalawa ay alam kong hindi pa rin namin iiwan ang isa't isa.


*****


PAPASOK pa lang ako ng gate ng bahay ay natigilan ako bigla. Kitang-kita ko kasi silang dalawa sa terrace at kaagad kong narinig ang pinag-uusapan nila. Madilim na pero patay pa rin 'yung ilaw sa labas.

"Miggy, please, come back with me," pagsusumamo ni Deanna na nakahawak kay Miggy, parang naiiyak 'yung boses niya. "Ano bang gusto mong gawin ko?"

Bukas 'yung gate kaya dahan-dahan akong pumasok sa loob at naglakad papunta sana sa kitchen back door. Mali, mali, mali! Dapat pala'y hindi na ako pumasok sa may gate pa lang!

"Go home, Deanna." Narinig ko 'yung boses ni Miggy na kasing lamig ng klima ng Baguio. Huli na para makatakbo papasok nang lumingon bigla si Deanna sa kinatatayuan ko.

Naglaho ang pagmamakaawa sa mukha niya at napalitan 'yon ng poot nang makita ako. "So, it's real? You two are really living together?!" parang tigre itong lumusob sa'kin at itinaas ang kamay sa ere.

"I said go home, Deanna." Nasa tabi na rin namin si Miggy at pinigilan ang kamay ni Deanna na dumapo sa pisngi ko. Pilit na kumawala si Deanna sa pagkakahawak sa kanya at saka humalukipkip. "I don't believe this, Miggy. You're just using her to get rid of me."

Tumingin ako sa kanilang dalawa at nagsukatan silang dalawa ng tingin. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataong 'yon para makatakas.

Kaso kung kailan nakahakbang na ako ay bigla akong hinila ni Miggy para kabigin palapit sa kanya. Sa harap mismo ni Deanna... Nilapat niya 'yung labi niya...sa'kin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko kung gaano kalapit 'yung mukha niya sa'kin. Ang buong akala ko'y didiinan niya 'yon pero nang maramdaman namin parehas na nakaalis na si Deanna ay binitawan niya rin ako.

Hindi ko napigilan 'yung sarili ko na suntukin siya sa kaliwang dibdib niya sabay sinigawan siya. "Ang gago mo!" saka ako pumasok sa loob ng bahay.

Nang magkulong ako sa kwarto ko'y kaagad kong kinapa 'yung labi ko. Hindi 'yon halik, hindi naman halos nagdikit 'yung lips namin. At saka ko rin narealize, iyon 'yung unang pagkakataon na may minura ako sa galit. 



-xxx-

A/N:  Maraming salamat sa mga Quenatics, closing song for you ang Leaves by Ben&Ben. Hellooo I'm back! Thank you so much for reading. Kamusta kayo?? :D May pamonthsary ang Ku(l)to ni Poknat. Keep growing mga kuts! hahah

Another meme exhibition that made my day :D (sa pagmamadali ko lagi maipost yung update hindi ko na mailagay yung credits to, alam nyo na kung sino kayo hehe labyu!)


Yung pinoproblema ko na yung editing nito IF EVER ipa-publish ko to as book or kung ipapublish ko ba as book kasi ang HABA ng word count. HUEHUEHE


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro