Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 57❀



TATLONG malakas na katok sa pinto, ilang sandali bago bumukas 'yon at sinalubong ako ng blangkong mukha ni Miggy.

"Pwede ba tayong mag-usap?" hindi ko siya hinintay sumagot at kaagad akong tumalikod papuntang veranda.

Pagkarating na pagkarating ko kasi ng bahay ay kaagad ko siyang hinanap kay Manang at sinabi nitong nakauwi na siya at nagpapahinga sa kwarto niya.

Naramdaman ko namang sumunod si Miggy kaya nang makarating kami sa veranda'y saka ko siya hinarap. Magkasalubong pa rin ang kilay ko.

"Nakipagbreak ka kay Deanna." Iyon ang una kong sinabi. "Bakit, Miggy?"

Tumitig siya sa mukha ko at bahagyang lumapit. "She did that to you?" akmang dadampi 'yung hintuturo niya sa pisngi ko nang umatras ako.

"Oo," sagot ko naman. "Sabi niya tinawagan mo siya kaninang umaga. Dahil ba nakipagbreak ako kay Quentin?" Hindi siya kumibo kaya kaagad kong sinabi 'yung isa ko pang naiisip. "O dahil sinabi ko sa kanya 'yung totoo tungkol sa'tin?"

Imbis na sumagod agad ay naglakad si Miggy papunta sa railings at tumanaw doon. "You made your choice without consulting me first, that's why I got no choice too but to tell her the truth."

Siguro dahil sa dami ng iniisip ko kanina ay hindi ko naisip ang sinabi niya. Kung ako ba ang nasa kalagayan ni Miggy ay gano'n din kaya ang gagawin ko? Bakit patatagalin pa niya ang totoo kung alam na ito ng isa. Bukod pa ro'n ay may gusto pa akong ipunto sa kanya.

"Pero mali ang binigay mong impression sa kanya," sabi ko. Sa lakas ng sampal sa'kin ni Deanna kanina ay damang-dama ko 'yung galit niya, na para bang inagaw ko si Miggy sa kanya. 'Tapos... 'Yung sinabi ni Deanna sa'kin na sinabi raw ni Miggy. "Bakit ka nagsinungaling?"

Nilingon ako ni Miggy, mukhang alam niya ang tinutukoy ko kaya huwag siyang magmaang-maangan. "What?" halos umikot ang mga mata ko dahil parang nagpanggap pa siyang hindi alam.

"S-sinabi mo sa kanya na mahal mo ako," direkta kong sabi habang nakakunot pa rin sa kanya.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi niya. "You don't believe it?"

Hindi ko inaasahan na 'yon ang isasagot niya pero hindi pa rin ako umatras. Naiinis ako sa pinaparating niya sa'kin.

"Miggy, kahit hindi ako kasing talino mo ay hindi moa ko maloloko," sabi ko na ikinawala ng ngisi niya. "Bakit hindi mo na lang sinabi sa kanya kung ano talaga 'yung totoo? Na ipinagkasundo tayong dalawa ng daddy mo."

Muli siyang napangiti pero umiling. "Do you really want them to know about that absurdity? Do you really want the people to know how pathetic it is?"

Bigla akong nainsulto sa sinabi niyang 'yon. "P-pathetic?" ngayon ay parang naglaho 'yung lakas ng loob ko.

Tumitig lang kami sa isa't isa nang walang nagsalita pagkatapos. Umaasa ako na babawiin niya 'yung sinabi niya o 'di kaya'y isa lang 'yong biro. Tutal lumalabas na 'yung totoo niyang nararamdaman ay kukumpirmahin ko na.

"Alam mong kahit papaano'y magkaibigan kami ni Deanna, kaya ba sinadya mo na gano'n ang sabihin sa kanya para mas magalit siya sa'kin? Sinabi mo 'yon dahil... dahil sa una palang talaga ay ayaw mo na sa ginusto ng daddy mo... na ipagkasundo tayong dalawa."

Ngumiti muli si Miggy, kalmado na ang aura niya nang mapagtantong nakuha ko na rin kung anong kinukubli niya. Noong una'y pinarating niya sa'kin na parang wala lang sa kanya at ayos lang ang engagement namin, pero ang totoo'y kinasusuklaman niya 'yon. Sino bang hindi masusuklam?

Dahan-dahang naglakad palapit sa'kin si Miggy at huminto siya na halos isang dangkal na lang ang lapit namin sa isa't isa. Gusto kong maging matatag at ayokong ipakita sa kanya na nanghihina ako kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Halos yukuin niya ako nang magsalita siya. "Ever since you stepped here, I was secretly wishing that I never met you before." Iniwanan niya ako pagkatapos.

Nanatili akong tuod sa kinatatayuan ko ng ilang segundo bago ko napagtanto ang tumulong butil ng luha sa mga mata ko. Gano'n ba talaga siya nasusuklam sa'kin? Nang pumayag ako sa gusto ni Tito Miguel ay marahil ay tingin niya sa'kin ay isang ahas, katulad nga nang tinawag sa'kin ni Deanna.

Ngayon maliwanag na sa'kin, na kung gugustuhin lang ni Miggy ay hindi siya magpapakasal sa'kin. At ako ang may kasalanan kung bakit siya nakatali sa sitwasyon na 'to ngayon, dahil pumayag ako sa inalok na tulong ng daddy niya sa'min, dahil hindi namin kayang makapagbayad at sarili ko ang inalay ko.

Biglang nanikip na naman 'yung dibdib ko. Oo nga, ano? Sa paningin pala ni Miggy ay sobrang baba kong tao para i-alay ang sarili ko sa ganito.

Muling nagbadyang pumatak ang mga luha nang mag-vibrate 'yung phone ko sa bulsa at nakita na tumatawag si Ate Gabi. Kaagad kong sinagot 'yon.

"Hello? Ate Gabi—"

"Remi! Magkasama ba kayo ni Q?" kahit na hindi ko siya nakikita'y alam kong todo-todo ang pag-aalala niya.

"H-hindi po, hinanap ko nga rin po siya kanina sa school pero hindi pa rin daw siya pumapasok." Napakagat-labi ako, bigla akong kinutuban ng hindi maganda.

"Yeah, he's been missing since the weekend, hindi pa rin siya umuuwi. Kanina lang nireport ng mga kasambahay sa daddy niya kaya ako tinawagan ni Tito para hanapin si Q."

"Susubukan ko rin po siyang hanapin, Ate Gabi. Nag-alala na rin po talaga ako sa kanya."

"Yes, thank you, I need your help talaga. Tinawagan ko nga rin si Cora para maghanap din. Wait, I'll text you." Halatang nagmamadali si Ate Gabi kaya bigla niyang binaba ang tawag.

Mabilis din naman niyang naipadala 'yung message at sinabi niya na hinahanap niya ngayon si Quentin around Burnham Park area dahil madalas daw itong tumambay doon. Nakiusap si Ate Gabi na maghanap din ako sa area na 'yon tapos daw ay maglilibot din siya sa iba pang mga lugar na madalas puntahan ni Q.

Dali-dali akong bumaba, nasa bulsa ko naman ang wallet at cellphone ko. Nagpaalam ako kay Manang na may pupuntahan lang ako sandali sa labas, hindi ko na nga siya hinintay sumagot sa pagmamadali kong lumabas.

Halos tumakbo na ako sa may sakayan ng jeep sa labas. Mabuti na lang ay may load ang phone ko at sinubukan kong buksan 'yung online map. Ilang sandali pa'y bumaba ako sa may palengke, huling babaan at naglakad papuntang park.

Pagdating ko roon ay hindi ko inaasahan na madami-dami pa rin ang mga tao kahit gabi na. Nagsimula akong maghanap kahit na hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula.

Inabot na ako ng isang oras sa pag-iikot pero ni anino ni Quentin ay hindi ko nakita. Tinawagan ko si Ate Gabi at sinabing hindi ko nakita si Q. Nagpasalamat si Ate Gabi, nasa ibang lugar na siya, at sinabing umuwi na lang muna ako at babalitaan ako sa oras na mahanap si Q.

Pero hindi pa rin ako umuwi dahil hindi ako mapalagay. Alam kong guilty ako dahil malaki ang kinalaman ko kung bakit hindi pumapasok si Q sa school at kung bakit siya nawawala ngayon. Kaya pakiramdam ko'y wala akong karapatang umuwi agad hangga't hindi siya hinahanap.

Umalis ako ng Burnham Park para maghanap sa paligid nitong area kahit na hindi ko naman ito kabisado. Naglakad-lakad ako kung saan-saan ako dinala ng mga paa ko. Hanggang sa napadpad ako rito sa pinakamadaming tao na area, ang Night Market.

Kahit na mukha akong tanga na parang naghahanap sa hindi mahulugang karayom na lugar ay naglakad ako nang naglakad habang lumulutang ang isip ko. Binabalewala ang gutom, pagod, at oras. Teka, anong oras na ba? Gabi na ba masyado? May masasakyan pa baa ko pauwi sa'min?

Si Quentin? Nasaan siya? Mahahanap kaya siya ngayong gabi? Paano kung hindi?

Sa gitna ng pag-ooverthink ko ay hindi pa ring magawang pumreno ng mga paa ko. Ang daming tao. Para akong tinatangay ng agos papunta sa kung saan. Nahihilo na ata ako. Gusto ko nang umuwi... Sa amin... Kila Mamang.

Walang ano-anoy' may humablot ng braso ko at hinila ako sa gilid. Sisigaw pa lang ako nang takpan nito ang bibig ko. Biglang pumitik 'yung isip ko at kaagad na kinagat ang kamay.

"Aray ko!" sigaw ng lalaki. Hindi pa rin niya ako binitawan kaya sisipain ko palang sana siya sa ano nang sumigaw siya. "Mingming! Ano ka ba! Ako 'to!"

"P-Poknat?" tanggalin niya 'yung facemask niyang itim. "Bakit ba kasi nakaganyan ka!" turo ko sa ulo niya, may suot din kasi siyang itim na bonnet at hindi siya halos nakilala.

"Ano tingin mo sa'kin magnanakaw? O kidnaper? Hoy, ang gwapo naman atang tulisan nito," turo niya sarili niya pero kaagad din siyang sumeryoso. "Anong ginagawa mo rito bakit nag-istroll ka gabi na, ah."

Sasagot pa lang sana ako nang biglang nag-vibrate 'yung phone ko at nakita ang isang mensahe kay Ate Gabi, umuwi na raw si Q sa bahay nito. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang malaman 'yon, pero nag-aalala pa rin ako.

"Ah kasi... Ano..."

"Ano?" Hindi ko mawari 'yung mga salita nang biglang kumalam 'yung sikmura ko, sapat ang lakas para marinig niya. "Ah! Bakit hindi mo sinabing gusto mong magfood trip dito sa Night Market! Magkarugtong talaga isip natin, nandito rin ako para kumain, eh!"

Hindi na niya ako hinintay sumagot kasi hinila niya 'yung braso ko papunta sa area ng mga street foods na nadaanan ko kanina. Nalanghap ko 'yung amoy ng mga masasarap na pagkain kaya mas lalong nagwala 'yung sikmura ko.

"Tutal murang-mura mga pagkain dito, libre ko na!" masayang sabi ni Poknat habang namimili ng makakainan. Hinayaan ko na lang siya na tangayin ako kung saan dahil sa totoo lang ay nagugutom na talaga ko. Oo nga pala, hindi kasi ako kumain noong lunch dahil sa nangyari.

Hindi alintana ang siksikan at usok dahil mukhang parehas kaming nagugutom ni Poknat. Sandamakmak pala ang mga pagkain dito.

"Itong bulalo noodle soup panalo 'to," sabi ni Poknat nang huminto kami sa isang stall at bumili siya nito ng dalawa. "Maliit lang muna para marami tayong makain."

Seryoso nga siya dahil sumunod naming kinainan ay 'yung shawarma rice. Sabi ko huwag na at baka hindi ko maubos kaya isa lang ang binili niya, pero makulit siya't pinatikim sa'kin, sinubuan ako ng isang kutsara. Masarap pala.

"Ming! Korean street food, masarap din 'to!" parang batang sabi niya nang huminto kami sa isang stall.

Halimaw ata ang nasa tiyan ni Poknat at halos tikman niya lahat ng inihaw. Akala ko tapos na siyang magfood trip pero nag-aya naman siya ng desert! Siguro dala ng stress at pagod, kain lang ako nang kain ng kung anong bilhin niya at himalang nauubos ko!

Sabay pa kaming dumighay nang malakas kaya natawa kami parehas. Nakatulong ang stress-eating/food trip na 'to sa paggaan ng pakiramdam ko. Mas gusto ko sa mga ganito kaysa sa mga pinupuntahan nila Azami na mamahaling kainan, pumpunta kaya sila rito?

"Saan tayo pupunta, Poknat?" tanong ko sa kanya nang hila-hila na naman niya ako. Wala na kasi kami sa may area ng streetfoods at nandito kami sa may ukay-ukay.

Huminto kami at nagtingin-tingin siya sa mga nakahanger.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko. "May bibilhin kang damit?"

Tumigil siya sa pagkakakalkal at humarap sa'kin. "Wala ka man lang suot na jacket, ako ang giniginaw sa'yo eh." Ah... Bibili siya ng jacket... Para sa'kin?

At saka ko lang napansin na naka-tshirt lang pala ako, sa pagmamadali ko kasi kanina ay hindi ko na nagawang kunin 'yung jacket sa kwarto ko.

"Huwag na... Uuwi na ako—" pero mapilit siya't ni hindi nagpahila.

"Sshh... Maghanap ka diyan, mura lang 'yan." Hindi ko na nga rin napigilan 'yung sarili ko at naki-ukay-ukay na rin. "Ito, suot mo nga 'tong jacket na 'to." Inabot niya sa'kin 'yong kulay pula na jacket na may hoodie, sinuot ko naman 'yon.

"Malaki masyado..." sabi ko, sayang cute pa naman kasi may tenga ng pusa 'yung hoodie.

Naghalukay ulit si Poknat tapos may nahanap siyang kaparehas no'n tapos mas maliit ang size.

"Ito na lang!" siya na naman ang nagbayad. Baka malaki na utang ko sa taong 'to, ah.

Pagkatapos niya kong mabili ng jacket ay naglalakad kami ngayon papunta ulit sa may Burnham Park, doon daw kasi nakapark 'yung motor niya. Habang naglalakad kami'y nagtanong siya.

"So, may nangyari ba?" seryoso niyang tanong.

"Huh?"

"Ming, alam kong hindi mo lang trip na pumunta rito para magfood trip. Bakit ka napadpad dito? Anong problema?" Kung gano'n napansin niya pala. Akala ko kasi hindi.

Kaya ayon, sinabi ko sa kanya. Nawawala si Quentin, na medyo kasalanan ko kasi nakipagbreak na ako last week.

"Pero nakauwi naman na siya sa kanila," sabi ko. "Nag-aalala lang talaga ako."

"Tinotoo mo talaga 'yung sinabi mo," sabi niya. "Dahil lang ba talaga sa engage kayo ni Miggy dahil ka nakipagbreak sa kanya?" Hindi ako nakasagot. "Kasi, kung mahal mo naman talaga siya, ipaglalaban mo 'yung tao kahit na ikakasal ka pa sa iba."

"Mahal ko naman siya pero—"

"Hindi sa gano'ng paraan." Putol niya sa'kin na para bang nabasa kung anong nasa isip ko. Gano'n na gano'n kasi 'yung sinabi ko kay Quentin.

Napayuko ako habang naglalakad. "Ang sama ko ba?" tanong ko.

"Hmm... Sa ginawa mo? Sa tingin ko okay na rin 'yon, kaysa naman patagalin mo pa. Gano'n din naman kasi ang ending, bakit mo pa patatagalin?" Gusto ko nga sanang matuwa sa kanya kasi parang gets na gets niya 'yung sitwasyon ko. "Pero gano'n talaga, masasaktan mo pa rin 'yung tao kahit anong piliin mo. Kaya kailangan tiis-tiis na lang talaga."

Hindi ko maiwasang matawa. Napakunot siya sa'kin.

"Bakit? May nakakatawa?" tanong niya.

"Wala. 'Di lang ako sanay na mature ka na ganyan."

"Oi, kahit loko-loko ako minsan maraming wisdom 'to," sabi niya sabay turo sa ulo niya.

Nakarating na kami sa may entrance nang huminto si Poknat sa paglalakad. "Nagtext si Miggy sa'kin kanina, sinabi ko magkasama tayo." Bigla niyang sabi.

At saka lang ako ulit napatingin sa cellphone ko. Sangkatutak na missed calls galing kay Miggy. Alas onse na ng gabi!

Saktong may humintong sasakyan sa gilid namin at bumaba ro'n si Miggy. Tumango siya kay Poknat at kumaway naman ang huli.

"Oh, pa'no, Ming," dinig kong sabi ni Poknat sa gilid ko. "Sana nag-enjoy ka sa biglaan nating foodtrip." Hindi ko siya pinakinggan dahil nakatingin lang ako kay Miggy na blangkong nakatingin din sa'kin.

"Let's go." Lumapit na si Miggy sa'min nang matuod lang ako sa kinatatayuan ko.

Kusang gumalaw 'yung kamay ko at humawak sa laylayan ng jacket ni Poknat.

"Si Poknat na ang maghahatid sa'kin pauwi." Napatingin sa'kin si Poknat, hindi nakapagsalita. Tumingin ako sa kanya. "Tara na, Poknat."



-xxx-

A/N: Thank you so much for reading and for waiting! I hope you like this chapter :> ano naman say nyo? keri pa ba? hahah *U*

Another meme exhibition from DNSR stans in Twitter! You guys are dabessst! Bentang-benta hahahaha. 







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro