Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAGA 40❀

"Last Friday night
Yeah we danced on tabletops
And we took too many shots
Think we kissed but I forgot"


SA totoo lang ay natutulilig na 'yung tenga ko sa mga paulit-ulit nilang tanong. Hindi ko pa sana 'yon poproblemahin pero parang wala akong choice kundi isipin 'yon. Magmula nang tumuntong ako sa pagiging fourth year high school student—o sige sabihin na nating graduating student ay hindi na ako tinantanan ng mga tanong na:

1. ANONG COURSE ANG KUKUNIN MO SA COLLEGE?

2. SAANG COLLEGE/UNIVERSITY KA MAG-AARAL?

3. NAGREREVIEW KA NA BA SA MGA ENTRANCE EXAMS?

4. MAGTE-TAKE KA BA NG UPCAT(University of the Philippines College Admission Test)?

'Yong huling tanong tungkol sa UPCAT, actually noong summer ko pa nakikita sa mga GM (group message) at status ng mga kaklase kong matatalino na kinakabahan na sila sa UPCAT, ang nabalitaan ko pa nga'y nagsummer review class pa sila.

Iyang apat na tanong na 'yan ang hindi mawawala sa usapan sa loob ng klase, gano'n pa rin naman ang mga kaklase ko pero parang naging grade conscious sila bigla, nag-aaral din naman ako ng mabuti pero sa totoo lang talaga ay hindi ko pa pinoproblema 'yon.

Siguro dahil hindi pa naman ako kinukulit ni Mamang tungkol sa college (siguro dahil wala rin naman siyang alam tungkol doon), at siguro dahil petiks lang din ang mga friends kong sila Aiza at Burma.

At dahil nakakausap ko na 'yung iba kong mga kaklase ay hindi maiiwasan mapunta roon ang topic. Kaya ayun, napapaisip at napapasagot ako ng wala sa oras.

"Anong course ang kukunin mo sa college?"

Ang sagot ko sa question number one: Baka may kinalaman sa arts o drawing, iyon kasi ang pinakastrength ko noong kumuha kami ng parang college course aptitude test. Second choice ko base sa resulta ng aptitude test ay theatre courses, o 'yung may kinalaman sa mass com, ewan ko nga kung paano nangyari 'yon kasi hindi naman ako maboka.

"Saang college/university ka mag-aaral?"

Ang sagot ko naman sa question number two: Ugh, ewan ko, wala akong idea kasi hindi ko pa talaga alam at siyempre si Mamang ang magpapaaral sa'kin. Kaya tuloy nakikigaya na lang ako ng sagot pero sinasabi ko hindi pa sure. Ang karaniwang eskwelahan na naririnig ko mula sa mga kaklase ko:

Mga public university na magaganda raw:

*University of the Philippines o UP, ito raw 'yung pinakaprestihiyoso at pinakamaganda kaya maraming naghahangad na makapasa sa UPCAT.

*Polytechnic University of the Philippines o PUP, maganda rin daw dito at sobrang mura ng tuition fee, iyon ang narinig ko.

*Philippine Normal University o PNU, mura lang din daw 'yung tuition dito at puro mga course na pang-teacher ang nandito.

Marami pa silang binanggit na public o state university kaso hindi ko na matandaan eh.

Ito naman 'yung mga private university na dream school daw:

*Ateneo de Manila University o ADMU, ang alam ko sobrang mayayaman mga nag-aaral dito at mga englisero, tapos dapat matalino ka rin daw.

*De La Salle University o DLSU, pang-rich kid din na school ito at mga conyo o englisero rin ang mga nag-aaral.

*University of Santo Tomas o UST, ito 'yung dream school ng karamihan sa'min kasi sobrang ganda raw ng campus na 'yon.

Mabuti na nga lang at marunong ako makisakay sa mga kwentuhan ng kaklase ko, kwentuhan lang naman kasi. At saka wala namang masamang mangarap, 'di ba? Alam ko naman kasi na hindi ako mapag-aaral ni Mamang sa mamahaling university dahil hindi naman marami pera namin, maliban na lang kung mag-aapply ako bilang scholar.

"Nagrereview ka na sa entrance exams?"

Heto 'yung sagot ko rito ay totoo, hindi. Sabi ko tamang aral na lang at saka stock knowledge. Nadiscuss na kasi sa'min ni Mam Kris, adviser namin, na malaking factor daw 'yung grades sa report card namin sa pagpasok sa college. Confident naman ako na matataas 'yung grades ko at confident din naman ako sa stock knowledge ko (huwag lang maa-out of stock).

"Magte-take ka ba ng UPCAT?"

Ito nga, hindi ko namalayan na tapos na pala 'yung application ng UPCAT kaya hindi na 'yung sagot ko. Hindi lang naman ako ang hindi nagpasa ng application, pati sila Burma at Aiza. 20% lang 'ata ng klase namin ang naglakas loob na kumuha ng exam dito.

May iba rin naman akong mga kaklase na tila walang pake sa college, ang pagkakaalam ko'y karamihan sa mga kaklase ko ay mag-eenroll sa public college dito sa bayan namin. Pero alam mo 'yung feeling na 'yung iba naming kaklase ay tila ba minamaliit nila 'yung hindi makakapag-aral sa Maynila o sa malayo? Wala mang nagsasabi pero nadadama ko lang (tamang hinala lang siguro ako).

Papalapit na 'yung mga buwan na maraming activities kaya sa tingin mo magla-lie low din 'yung usaping college. Ayoko pa talaga isipin dahil parang kinakabahan na ako, lalo na kapag iniisip ko na hindi na 'yung mga friends ko 'yung makakasama ko.

Nang sumapit ang lunch break ay nagmadali kaming kumain ng mga kasama ko dahil mayroon daw kaming dapat gawin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanilang dalawa habang nakasunod lang ako.

"'Di mob a sinabi kay Remsky?" tanong ni Burma.

"Ay,sorry naforget ko!" sagot naman ni Aiza.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Saktong huminto kami sa may gilid ng chapel, mukhang alam ko na kung anong binabalak nila.

"Ha? Ngayon na talaga?" gulat kong tanong. "Kaya pala dala natin bag natin ngayon?!" sabi ko sabay hampas sa bag nilang dalawa, madalas kasi iniiwan lang namin sa locker 'yung bag namin sa kwarto ng next subject namin pero ayon alam ko na kung bakit.

"Sshhh!" sabay nila kong hinila papasok sa eskinita na gilid ng chapel.

Biglang kumabog 'yung dibdib ko dahil sa buong buhay ng hayskul life ko ay never kong ginawang magcutting, pero mas dobleng lupit ang gagawin namin ngayon—magka-cutting kami at mag-oober da bakod para makalabas ng school.

Narinig lang ni Aiza ang tsismis sa kabilang section na tuwing lunch break daw ay walang nagbabantay sa may chapel kaya pwedeng-pwede sumalisi at tumalon sa kabilang bakod para makatakas sa klase. Hindi ko alam kung reliable source ba 'yon pero nandito na kami, walang atrasan.

Nagtatawanan kami habang tumatakbo, natatawa ako dahil sa kaba, natatawa sila dahil nakaka-excite 'yung gagawin namin pero sabay-sabay kaming natigilan nang makita namin si Corra na nakaupo sa may gilid. Parang umiiyak siya.

"Hala, anong gagawin natin?" tanong ko. "Baka isumbong tayo—"

"I have a bright idea!" sabi ni Aiza sabay takbo sa direksyon ni Corra. Sumunod lang kami ni Burma. "Huy!"

"W-What the—" gulat na sambit ni Corra at kaagad na napatayo, hindi naman siya umiiyak pero parang broken hearted 'yung itsura niya.

Mabilis siyang hinila ni Aiza at ngayon apat na kaming tumatakbo. "Dali! Nandiyan na sila!" sigaw ni Aiza, pang-FAMAS talaga actingan nito dahil maniniwala ka sa takot niya.

Sa pagkabigla ni Corra ay wala siyang nagawa kundi matangay kasama namin hanggang sa marating namin ang dulo kung nasaan ang bakod na may taas na limang talampakan.

"Anong ginagawa n'yo?" nagpapanic na sigaw ni Corra. "Magka-cutting kayo?!"

"Girl! Kapag nahuli tayo ngayon pati ikaw madadamay sige ka!" pananakot bigla ni Aiza.

"Remsky, ikaw na mauna!" tinulungan akong makasampa ni Burma para umakyat sa kabila ng pader at tumambad sa'kin ang malawak na bakanteng lote na katabi ng school namin, naririnig ko pa rin ang pananakot ni Aiza kay Corra.

Sa huli, apat kaming nakaakyat sa kabila.Tumakbo kami hanggang sa makalayo kami sa school at nakarating kami sa isang lugawan. Napaupo kami sa may gutter habang tawa nang tawa ang dalawang bruha. Hindi ko maiwasang mapangiti at si Corra naman ay hindi maipaliwanag ang mukha.

"Hindi ko alam na may budol-budol powers ka pala, Aiza," sabi ni Burma na hindi pa rin makaget over sa pagtawa.

"This is not funny!" galit na singit ni Corra, ngayon ay pulang-pula na 'yung mukha niya. "Pwede kayong masuspend!"

"Chillax, pres," sabi ni Aiza. "'Di ba kasabwat ka na namin?"

"Wala akong naalala—" napatingin sa'kin si Corra at saka nito naalala ang pambablackmail na ginawa ko sa kanya noon.

Salbahe na kung salbahe at gano'n na nga ang nangyari. Sa huli'y nakayag namin si Corra na magpunta sa plaza, bilang pampalubag loob ay nilibre siya nila Burma ng kwekwek. Naiwan kaming dalawa ni Corra sa bench habang hinihintay na bumalik sila Aiza.

"G-Galit ka pa rin ba?" tanong ko. Ang awkward kasi ang tahimik namin parehas.

Umirap si Corra. "I swear kung hindi n'yo lang talaga nalaman na nagsusulat ako hindi ko papatulan 'to."

"Eh... Bakit ba kasi sini-secret mo pa 'yung pagsusulat mo? At saka kung talagang ayaw mong sumama rito eh 'di sana kanina ka pa bumalik sa school para magsumbong." Hindi siya nakaimik nang sabihin ko 'yon. "Thank you—"

"Don't thank me."

Si Corra, transferee student lang siya last year sa school namin, ang balita nga'y galing siya sa private school kaya may aura siya na mapagmataas kaya ilag sa kanya ang mga kaklase namin. Kahit na matalino si Corra ay tila parang wala pa rin siyang kinabibilangang grupo sa mga kaklase ko.

Bumalik na si Aiza at Burma habang dala-dala 'yung mga binili nilang pagkain. Tahimik lang na kumain si Corra, nararamdaman ko talaga na may parte sa kanya na gusto niya ring sumama sa'min.

"Kailan ka pa nagsimulang magsulat nga pala?" biglang tanong ni Aiza.

"H-Ha?" hindi napaghandaan ni Corra ang tanong na 'yon pero sa huli namalayan ko na lang na dinadaldal namin siya tungkol sa pagsusulat niya. 'Di ba nga mga avid readers kami sa Wattpad at hindi naman namin tinatanggi na isa siya sa hinahangaan namin.

Dalawang oras din kaming tumambay sa plaza, nagkwentuhan, kumain, at nagtawanan.

"You looked all chill," sabi bigla ni Corra sa'min. "Hindi man lang ba kayo nababahala sa mga entrance exams?"

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Hmm... Baka kasi dito lang ako sa malapit mag-aral," sagot ni Aiza. "Knowings na hindi ako papayagan ng mga magulang ko na mag-aral sa malayo."

"Same!" sinundan 'yon ni Burma.

Napayuko saglit si Corra. "Why don't you still try?" tila nag-iba ang tono nito. "I mean, wala namang masama kung susubukan n'yong mag-exam sa mga universities."

"Teka, teka, parang bakit bumait ka bigla?" si Aiza.

"Alright," nagkibit-balikat si Corra. "You know that I'm a writer, right?" tumango kami. "Noong nakita ko kasi 'yung bucket list n'yo ay parang nabuhayan ako bigla na magsulat, because recently I'm getting frustrated at writing."

"Writer's block?" bulalas ko. "Kaya ba matagal kang mag-update?" walang preno kong sabi at tinawanan ako nila Burma.

Tumango si Corra. "Yeah, I want to experience something new, sa tingin ko maibabalik nito ang gana ko sa pagsusulat."

"O—kay, ibig sabihin ba nito official kasabwat ka na namin?" nakangising tanong ni Aiza. Hindi pa nakakasagot si Corra ay bigla itong hinampas ni Aiza. "Bongga, girl! Let's do this!"

Itatanong ko pa sana kay Corra kung bakit siya nagmumukmok sa may gilid ng chapel pero hindi ko na naitanong dahil ang mahalaga ay makakasama na namin siya sa mga kalokohan—este sa magiging adventure namin for the sake sa pagiging writer niya.

Inayos ni Corra 'yung listahan namin at tinanggal 'yung mga 'lewd' daw o parang malaswa at dinagdagan ng ilang bagay na may kinalaman sa pag-aaral (para raw sa entrance exams).

MAGCUTTING CHECK.

Next, SLEEPOVER WEEKEND.

Si Burma ang nakaisip ng idea nito noon at nagvolunteer din siya na sa bahay nila gaganapin. At as usual ay pinagpaalam nila ako kay Mamang para payagan ako. Iyon nga pala ang kauna-unahan kong sleepover kaya ang saya.

Nanood kami ng movies at siyempre bilang pabor kay Miss President ay pinagreview niya kami para sa entrance exams kahit labag sa kalooban naming tatlo.

May mga iba pa kaming ginawa, mag-aral ng makeup, magvandal sa upuan, at marami pang ibang mga simpleng kalokohan na hindi namin ginagawa noon—'yung simple lang pero pwede kang maguidance, siyempre huwag lang magpapahuli.

Nagulat nga 'yung mga kaklase namin dahil hindi nila ineexpect na magiging kagrupo namin si Corra, hindi rin namin ineexpect na magiging GC kami (wala kaming palag kay Miss President pagdating sa pagrereview).

Hanggang sa dumating 'yung araw na nagbirthday 'yung isa naming kaklase, si Ringo, ang class treasurer namin. Imbitado ang buong klase. Hindi namin nakagawiang magparty pero sabi ni Ringo dahil fourth year na raw kami ay subukan naman daw naming magbonding.

In fairness naman ay naantig ang puso ng mga kaklse ko kaya pumayag ang lahat sa imbitasyon. Panibagong experience dahil sabay-sabay na nagpunta kaming magkakaklase sa bahay nila Ringo noong uwian, sakto biyernes 'yon, TGIF daw. Dati kasi nagpupuntahan lang kami sa isang bahay para gumawa ng project o kaya naman ay magpapractice ng sabayang pagbigkas.

Ngayon ko lang naramdaman na medyo solid naman pala ang section namin—pagdating sa kasiyahan. Napuno namin 'yung isang jeep, siksikan at kandungan sa loob, nakasabit pa 'yung mga boys, sobrang ingay namin, mabuti na lang walang ibang pasahero kasi for sure mapapagalitan kami.

Pagdating sa bahay nila Ringo, may kaya rin pala pamilya nila, may kalakihan ang bahay. Dumadagundong sa speaker 'yung Last Friday Night ni Katy Perry. May buffet at videoke!

Kasama rin pala si Honey pero sa grupo ng mga boys siya dumidikit, kanina pa nga siya pinagbubulungan ni Aiza at Burma eh.

Nang dumilim na ay nagsimulang magkantahan ang mga kaklase ko, naglabas bigla si Ringo ng isang malaking ice box.

"Oh, shot na!" masayang sabi ni Ringo habang hawak ang bote ng mga alak.

Umugong ang ingay lalo na ang mga kaklase naming lalaki, nagulat ako kasi umiinom na pala sila?

"Uy, mga friendship, nasa listahan natin ito!" nagdidiwang na bulong sa'min ni Aiza. Oo, nasa listahan nga namin 'yon, 'yung makatikim ng alak kasi never pa naming na-try 'yon.

Isa-isa nang nagsiuwian 'yung mga kaklase ko dahil gabi na raw (six-thirty na ng gabi), pero marami pa ring naiwan para magparty dahil Friday naman daw.

"Uy, uwi na 'ko—" sabi ko at akmang tatayo pero hinila ba naman ako ni Aiza.

"Girl, nasa list nga natin 'to!"

"Ehh, si Mamang hindi alam na nagpaparty ako—" natatakot kong sabi.

"Akong bahala,itetext ko si Mamang mo!" sabi bigla ni Burma at nilabas ang phone. "Hello po, si Burma po ito, kasama po namin si Remsky, may project po kami—"

"Anong project?!" protesta ko pero iyon na nga ang sinend ni Burma.

Hays, sorry po Lord, sorry Mamang! Ngayon lang 'to, pramis! (I mean... Hindi ko maipapramis.)

"Girls, uwi na kayo?" malungkot na sabi ni Ringo nang lapitan kami.

"Uy, hindi pa!" sagot 'agad ni Aiza.

"Cool! Cool! Drinks n'yo oh!" sabi ni Ringo sabay abot sa'min ng bote ng beer. "Don't worry, light lang 'yan, hindi nakakalasing parang softdrinks lang." Kumindat pa sa'min si Ringo bago umalis.

"Hays, cute niya talaga," sabi ni Burma. "Oh, nagreply na si Mamang mo! K daw! Yasss!"

Hay diyos ko lord, patawarin talaga ako. Malakas talaga sila Burma kay Mamang. Wala naman kaming gagawing masama, iinom lang ng kaunti...

Inamoy ko muna 'yung beer at hindi pamilyar 'yon. Dahan-dahan ay uminom ako at nang dumaloy 'yon sa lalamunan ko'y bigla akong nasamid. Mabuti't kaagad na nakaalalay 'yung dalawa.

"Oh, hinay-hinay lang kasi." Si Burma.

"Sarap, teh?" tanong ni Aiza.

Hindi ko matanto, mukha akong nakakain ng ampalaya. "Ang weird ng lasa pero parang masarap? Ewan." Tumungga ulit ako.

Natuloy ang kasiyahan at marami pa ring hindi umuuwi kaya enjoy na enjoy naman kami. Nakikisaya na rin si Miss President dahil alam niyang kasama 'to sa listahan namin. Nagpalaro si Ringo, beer pong! Sobrang nakakatuwa kasi nakakashoot ako noong naglaban kami ni Viggo, pero halos tabla lang kami.

"Hoy, Viggo, huwag mong lasingin si Remsky!" sigaw ni Aiza.

"Wuhhh, Viggo, papatalo ka ba sa babae?" kantyaw ng mga boys.

Hindi ko na namalayan kung nakailang inom ako. Sabi nila Aiza wala naman daw tama 'yung iniinom namin dahil light lang pero bakit nahihilo na ako?

"Lagot ako kay Mamang," bulong ko sabay upo. Naglalaro naman ng darts 'yung mga kaklase ko ngayon kasama ro'n 'yung dalawang bruha.

"Okay ka pa?" tanong ni Corra na lumapit sa'kin. "Mukhang mababa ang alcohol tolerance mo."

"Ano 'yon? Hindi naman ako lasing, nahihilo ako—"

"Ganyan mga linyahan ng mga lasing," sagot ni Corra sa'kin sabay halukipkip.

"Saan 'yung CR?" tanong ko.

"Sa loob, gusto mo ba samahan kita—"

"Corra, can we talk?" biglang lumapit sa'min si VP, si Leighton.

"Sige na, kaya ko naman," sabi ko at iniwanan silang dalawa. Sus, 'di naman ako lasing.

Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong hinanap ang banyo, tinanong ko sa maliit na kapatid ni Ringo na naglalaro ng computer sa sala at tinuro nito ang direksyon.

Gumegewang na 'yung paningin ko. Light lang naman 'yon bakit ako nahihilo? Ugh...

Bubuksan ko palang 'yung pinto ng CR nang bumukas 'yon at niluwa si Honey. Nagkatinginan kami... Hindi ko mabilang kung gaano katagal.

Pero alam ko sa sarili ko na matagal ko na siyang gustong makausap. Ang sabi nila kapag nalalasing daw ang isang tao ay nagkakaroon ito ng kakaibang lakas ng loob. At mukhang tama nga nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Honey? Pwede ba kitang makausap?"

Alam ko... Palagi siyang nakatingin sa grupo namin, alam ko iniisip niya na pinagpalit na namin siya kay Corra. Sa totoo lang... Parang nagpapakiramdaman na lang kami kung sino ang unang lalapit, sinong unang magpapakababa para makipagbati. Ang childlish, 'di ba? Pero ang hirap. Kahit nakakasama ng loob 'yung nangyari, namimiss namin siya.

Hindi umalis si Honey, hinihintay ang sasabihin ko kaya humakbang ako palapit.

"Honey, friends na—buwafjashfkafhak"

H-Hala, nasukahan ko siya!



-xxx-



Mingming be like: Susuka pero hindi susuko. Char!

Question: Ilang taon na nga pala kayo? Mas matanda na ba si Mingming ngayon kesa sa inyo? Hehe.

Sa mga wattpader OG like me na mas matanda kay Mingming, share nyo naman una nyong experience sa pag-inom. XD

PS. HUWAG TULARAN SI MINGMING. Magpapaalam nang maayos sa parents pagpaparty ha, baka may friends kayong katulad nila Aiza at Burma hahahah. Party responsibly. :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro