DALAGA 32❀
BILYUN-BILYON ang tao sa buong mundo, sa dinamirami ng mga isla at kontinente, gaano mo kasigurado na makikita mo ang taong nakilala mo nan hindi sinasadya noon? Siguro nga ito 'yung tinatawag nilang tadhana o destiny.
Nang dumampi ang labi niya sa pisngi ko ay naalala ko na naman ang eksaktong kaganapan noong araw na hindi sinasadyang nakita ko siya noon sa tabing-dagat. Isang batang walang muwang na umiiyak. Naniwala ako noon sa kanya na hindi siya 'yon, dahil ang imposible nga naman kung tutuusin.
Pero noong oras na pinagtapat niya ang totoo, napagtanto ko na hindi imposible ang salitang imposible. Ang ibig kong sabihin... Na posible nga talaga ang tinatawag na tadhana o destiny.
Tila may isang malaking pagbabago ang naganap sa buhay ko nang matapos ang play namin, ang kauna-unahang play na pinagbidahan ko, nang marinig ko ang nakaririnding palakpakan ng mga tao. At speaking of tadhana o destiny, nang magtipon ang lahat ng parte ng play sa entablado para sabay-sabay na magbow ay kitang-kita ko ang isang nilalang na nasa unahan ang pumapalakpak.
Si Eliam Fraga.
Ngayon ko lang kasi nakita nang malinaw ang mukha ng mga manonood dahil nakapatay ang mga ilaw kanina. May kung anong kumurot sa dibdib ko nang makita ang taong napagkamalan kong si Mr. E, ang tatay ko.
Bakit siya nandito? Ah... Oo nga pala at may kinalaman sa teatro ang trabaho niya, maaaring kilala siya ng mga adviser namin. Pinilit kong ngumiti, dapat masaya ako ngayon, pero may bahid ng pagkadismaya ang dibdib ko nang maisip ko na kung sana'y alam niya kung sino ako ay mas lalakas ang kanyang palakpak.
Pero hindi, nakikita lang niya ako ngayon bilang isang aktres ng isang school play. Pagkatapos naming magbow ay sumara ang kurtina, sinalubong kami nila Mam Cass at Sir Patrick ng pagbati.
"Good news, guys, a theatre producer was watching your performance, and he definitely loved it, congratulations!" bati sa amin ni Sir Patrick. "Good job, every one!"
Alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Sir Patrick. Kaya naman nang matapos na ang pagliligpit ay sinabihan kami na imi-meet daw kami ng producer para batiin.
"Remsky, hindi ka na ba sasama sa party?" tanong nila Burma sa'kin nang mapansing nagliligpit na ako ng gamit.
Umiling ako. "May usapan kasi kami ng lola ko," pagsisinungaling ko.
Wala naman na silang nagawa sa naging desisyon ko. Busy sila Mam Cass sa pakikipag-usap sa taong 'yon kaya hindi na ako nakapagpaalam pa, dinahilan ko na lang din sa mga kaibigan ko na parang sumasakit na 'yung ulo ko.
Paglabas ko sa likurang bahagi ng auditorium ay nakita ko si Quentin na nakapamulsa, katulad ko'y nakapagpalit na rin siya ng damit.
"Hey," bati niya.
"I-Ikaw pala." Biglang kumabog 'yung dibdib ko, nagulat kasi ako sa kanya, at saka nakangiti siya ngayon. "Hindi ka na aattend sa party?"
"Itatanong ko nga rin 'yan sa'yo," sagot niya at humakbang palapit. "It seems like it would be worth it not to attend dahil hindi ka rin naman pala aattend, susunduin na ako ni Gabi, may family dinner kami ngayong gabi."
"Ah... gano'n ba," sabi ko sabay nahihiyang ngumiti. Natikom na 'yung bibig ko dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin sa kanya.
"See you around, Remi," sabi niya at akmang aalis.
"Baka magquit na ako," pagkasabi ko no'n ay natigilan siya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at nagsalubong ang kilay niya paitaas.
"What? You just did great, bakit ka magkuquit?" takang-taka niyang tanong.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko naman ineexpect ang lahat ng 'to... Sumali lang naman ako sa Drama Club dahil niyaya ako ng mga friends ko." Ngumiti ako sa kanya, kitang-kita ko kasi na nag-aalala siya.
"Is it because of what I did?"
"Ha? H-Hindi!" kaagad kong sagot sa tanong niya.
Parang gusto ko tuloy ma-guilty dahil nalungkot si Quentin at kutob niya talaga na siya ang dahilan kung bakit ako magku-quit.
"Sorry, Quentin," sabi ko sa kanya. "Hindi ikaw ang dahilan, promise. Medyo... personal lang din kasi at saka ayun nga, feeling ko nagawa ko naman na 'yung best ko para rito sa Drama Club at saka... alam mo 'yun... talagang hindi ko nakikita 'yung sarili ko na magiging aktres balang araw."
Tumangu-tango siya at nawala na rin ang kalungkutan sa maamo niyang mukha.
"Okay, I believe you," sabi niya. "Can we still be friends after this?"
"Hindi ba't friends naman na tayo?" mas lumawak ang ngiti niya nang marinig 'yon. Nagpalitan din kami ng cellphone number at nagpaalam na kami sa isa't isa.
Alam kong masyadong impulsive ang dating ng desisyon ko pero iyon talaga 'yung totoong nararamdaman ko, noon pa man nagsimula 'to ay parang gusto ko nang magquit, nang makita ko ang taong 'yon kanina ay saka ko napagtagpi ang mga piraso kung bakit ayaw ko ring magtagala sa ganitong larangan. Pero parang hindi magiging madali kapag nagquit ako.
At tama nga ang kutob ko dahil kinabukasan, pagkatapos ng klase ay sinabi ko kila Aiza na mauna na silang umuwi, nang magpasa ako kay Mam Cass ng resignation letter.
"I just can't accept this, Remison," hindi maitago ni Mam Cass ang pagkadismaya nang sabihin ko sa kanya ang nais ko. "Why would you quit? You did very well. Is it because of the bullies? Kakausapin ko sila kung gano'n—"
"Hala, Mam, huwag na po," tinaas ko pa 'yung dalawang kamay ko para pigilan si Mam dahil akmang tatayo siya, seryosong pupuntahan ang mga nambully sa'kin noon. "Sorry po talaga... Nasa isip ko na po talaga magquit noon pa."
Napahilot si Mam Cass sa sentido sabay titig sa'kin, 'yung titig na tila binabasa kung anong nasa isip ko. Siguro iniisip niya kung anong iniisip ng isang kabataan na katulad ko, maya-maya'y sumuko rin si Mam.
"I just don't get it... Wala akong ibang makitang reason unless it's very personal," sabi niya na ikinayuko ko. Napansin naman 'yon ni Mam Cass at wala na talaga siyang ibang nagawa pa. "You can be great in this field, whatever the reason is, I respect and accept it." Ngumiti nang matipid si Mam Cass sabay ayos ng eye glasses niya.
Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Maraming salamat po sa lahat, hindi ko po makakalimutan 'yung pagtiwala n'yo sa'kin."
"Don't bid a goodbye, palagi pa rin tayong magkikita sa classroom," nakangiti niyang sabi. "And by the way... I just want you to know that the producer was really impressed to you."
Hindi ko magawang magdiwang nang marinig ko 'yon, alam kong si Eliam Fraga ang tinutukoy niya.
Lumabas ako ng faculty pagkatapos ko siyang makausap. Actually, walang kaalam-alam ang mga friends ko sa naging desisyon ko, hindi ko nga sure kung magtatampo ba sila o ano. Paano ba naman kasi... Tila ba naging famous ako sa campus matapos ang play, maraming natutuwa sa'kin dahil tila dinala ko raw ang pangalan ng school namin dahil sa maliit na bagay na 'yon, pero for sure lilipas din ang 'kasikatan' at makakalimutan din nila ang nangyari.
Naglalakad ako ngayon papuntang gate nang biglang may humila sa braso ko. Napangiwi ako kasi may gigil 'yong hawak sa'kin.
"C-Chantal?" gulat kong sambit nang makita na siya ang humila sa'kin.
"Ang kapal din ng face mo, ano?" galit niyang sabi.
"Ha? Bakit? Ano na namang ginawa ko?"inosente kong tanong na mas lalong kinagigil ni Chantal.
"Ikaw pa talaga ang may ganang magquit ng Drama Club?!" halos mapanganga ako nang marinig 'yon. "Nasa faculty ako kanina at narinig ko ang usapan n'yo ni Mam Cass! Pa-VIP ka talaga, ano? Anong gusto mong patunayan, ha?!"
Imbis na mairita ay pilit ko siyang pinakalma. "Wala naman akong gustong patunayan, Chantal. Sadyang... Sadyang hindi lang talaga 'yon ang gusto kong gawin kaya ako nagquit." Hindi ba dapat matuwa siya na mawawala na ako sa landas niya?
Sasabihin ko pa lang kung anong nasa isip ko nang bigla kong marealize kung bakit galit na galit si Chantal sa ginawa ko. Siguro nga... akala niya pinamumukha ko sa kanya na hindi niya ako matatalo kaya nagquit ako, hays, ang complicated man eh parang gano'n, 'yung parang nagmukha siyang kawawa.
"Chantal," tawag ko sa kanya at naguluhan siya nang makita akong ngumiti. "Mas magaling ka sa akin, sinabi 'yon ni Mam Cass."
"H-Ha?"
Tinapik ko siya sa balikat at halatang hindi napaghandaan ang mga sinabi ko.
"Narinig ko lang 'to sa mga palabas, sabi nila makakahanap ka ng tao na worth it para sa'yo. Kaya naman... Sa tingin ko, hindi worth it si Viggo para sa'yo."
Hindi ko na siya hinintay sumagot at iniwanan ko na siya. Mukhang tinablan din naman siya ng mga salita ko kaya hindi na niya ako kinulit pa. For sure, magiging magaling talaga si Chantal dahil passion niya talaga ang pag-arte.
Medyo gumaan 'yung dibdib ko nang magawa kong makapagquit sa drama. Nakakapagod lang din kasing umarte.
Paglabas ko ng gate ay bigla ba namang may humila na naman sa'kin. Sino na naman 'to.
"Mingming!" nakita ko si Poknat na mangiyak-ngiyak. "I miss chuuuuuu!" sa gulat ko'y hindi ako nakatakas sa mga bisig niya at kinulong ako ro'n. Halos masakal ako.
"H-Hoy, bitawan mo ako nasasakal ako!" mabuti't bumitaw din siya at bigla ba namang nagtago sa likuran ko. "Bakit? Anong meron?"
"May tinataguan ako!" sabi niya habang titingin-tingin sa paligid.
"Sino? Babae mo?" seryoso kong sabi pero biro ko lang 'yon.
"Hays, tamang hinala ka rin ano?" sabi niya. Nang makita niyang parang walang ibang kahina-hinalang tao ay hinila niya ako papunta sa kung saan.
"Hoy, uuwi na 'ko, saan mo 'ko dadalhin?"tanong ko sa kanya habang hila-hila pa rin ako.
"Nagugutom ako, at ililibre kita, pambawi kasi hindi kita nakita sa play n'yo," sabi niya. Hindi ko man makita 'yung mukha niya ay alam kong seryoso siya.
Hinayaan ko na lang na dalhin ako ni Poknat sa malapit sa paborito nilang computer shop at nilibre niya ako ng goto, may kasama pang itlog at sago. Aaminin ko na nagugutom na rin ako at nahalata naman niya 'yon dahil ang bilis kong kumain.
Pagkatapos namin sa gotohan ay pumunta kami sa plaza at nilibre niya naman ako ng scramble. Hindi ko na natiis at na-open ko na sa kanya 'yung pagquit ko sa Drama Club. Halos mabuga niya 'yung scramble nang marinig 'yung sinabi ko.
"Ha?! Ano?! Bakit?!"
"Ang OA mo naman," sabi ko. "Siguro sadyang hindi lang talaga 'yon ang gusto ko maging."
"Ha? Hindi ko magets, dapat ba kung ano 'yung gusto mong maging iyon na 'yung club mo?" kakamut-kamot niyang tanong.
"Ikaw nga gusto maging rockstar kaya ka nasa Music Club," nakangusong sabi ko sa kanya.
Napaisip siya sa sinabi ko. "Oo nga, no? Pero iba na kasi ang gusto ko eh."
"Ano?"
"Gusto kong maging gangster," nakangisi niyang sabi. Binatukan ko siya, akala ko babanat na naman siya pero mas malala pa 'yung sinagot niya. "Aray ko naman!" Knowing Poknat, malakas talaga trip niya. "Ikaw, kung ayaw mo maging aktres, ano ba gusto mo?"
"Hmm..." naalala ko bigla si Ate Gabi, na-inspire na naman ako. "Parang gusto ko maging action star."
Pagkasabi ko no'n ay humagalpak ng tawa si Poknat.
"Imba ka rin, ano?"
Hindi naman kasi 'yun 'yung ibig kong sabihin, basta 'yung katulad ni Ate Gabi, pero hind imaging bodyguard ah.
Sa huli'y hinatid ako muli ni Poknat sa bahay namin nang hindi nagpapakita kay Mamang. Mukhang kailangan ko pa ring harapin ang mga mangyayari sa mga susunod na raw dahil sa ginawa kong pagkuquit
At tama nga ako nang hinala dahil lubos na hindi matanggap nila Aiza at Burma ang ginawa kong desisyon. Kinulit nila ako nang todo-todo, as in ayaw akong tantanan. At ang nagpatigil lang sa kanila? Nang sabihin ko ang totoo na dahil kay Eliam Fraga, bukod sa dahil hindi ko naman talaga gusto maging aktres. Nasabi ko rin 'yung dahilan na ayokong mapunta sa larangan kung nasaan ang tatay ko.
Tinanggap at nirespeto na rin nila kung bakit ko nagawa 'yon, kaya ang swerte ko sa mga kaibigan na katulad nila eh.
Lumipas ang mga araw at balik normal ang buhay ko, medyo nakakapanibago dahil wala nang practice tuwing uwian at late na pagdating sa bahay. Isa na lamang akong normal na normal na estudyante na tahimik ang buhay—well, maliban kapag nandiyan si Poknat na nuknukan ng hyper.
Dumating ang birthday ni Burma at first time niya kaming iimbitahan sa bahay nila. Araw ng sabado at walang pasok, tanghalian nang dumating kami sa kanila. Ang nakakatuwa ay kasama rin ang friends ni Poknat na sila Colt, Ramsey, at Veji.
At ang pinakashocking moment, dumating si Quentin.
Oo, inimbitahan lang naman siya ni bruhang Burma at hindi raw niya ineexpect na pupunta ito. Lahat kami ay may kanya-kanyang mga regalo kay Burma at nangingibabaw 'yung kay Quentin dahil kahit maliit ay nagniningning 'yung pambalot nito.
Siyempre pinakilala ni Burma si Quentin sa mga boys.
"Nice to meet you, Canteen," sabi ba naman ni Poknat na ikinatawa nila. Ako naman ay napangiwi.
"Ku-wen-tin, hindi canteen, baluga ka!" banat ni Burma kay Poknat.
"Ay, sorry, pandinig koo kan-teen eh," sagot ni Poknat.
Namiss ko tuloy bigla si Miggy, for sure kung nandito 'yon ay invited din 'yon sa party nila Burma.
Lumang sinaunang bahay ang bahay nila Burma, ang sabi'y minana raw ng papa niya sa mga ninuno nila. Pang probinsya ang dating pero ang saya lang kasi at home kaming lahat. Marami ring mga pagkaing handa, ang balita ko'y masarap daw ang luto ng mama ni Burma dahil nagtrabaho raw iyon noon sa ibang bansa bilang chef.
"Ming, sandok na kita." Sumingit si Poknat at siya ang kumuha ng mga pagkain ko.
Habang kumakain kami'y parang batang ewan si Poknat na panay papansin sa'kin na medyo kinaiilang ko. Clingy si Poknat pero naging triple ang ka-clingy-han niya ngayon. Dahil ba... Kasama namin si Quentin?
Pagkatapos naming kumain ay nagkaraoke kami sa may sala. Siyempre pakitang gilas si Poknat dahil siya ang may pinakamagandang boses sa'min.
"For my Mingming labs," sabi pa ni Poknat bago kumanta at nagkantyaw naman ang mga tropa niya.
Mabuti na lang ay nandiyan sila Aiza para i-entertain si Quentin na tahimik lang sa tabi.
Nang magsawa sila sa pagkanta ay nakaisip ng laro si Colt na ikina-excite nila.
"Spin the bottle tapos truth or dare!" yaya ni Colt at kaagad na sumang-ayon sila Aiza.
Umupo kami ng pabilog sa kahoy na sahig, kumuha si Colt ng bote at pinaikot 'yon sa gitna. Pero para raw may twist ay bunutan kung truth ba o dare ang gagawin, nakakakaba tuloy.
"OMG!" react ni Aiza nang matapat kay Quentin ang bote.
Pinabunot nila si Quentin ng papel at lumabas doon ang salitang truth.
Muling inikot ni Colt ang bote para raw sa magtatanong kay Quentin at natapat 'yon kay Colt.
"Hmm..." nag-isip si Colt. "Sinong first kiss mo?"
Kanya-kayang violent reaction sila Aiza dahil alam nilang may 'cheat' ang tanong na 'yon. Siyempre first kiss mo 'yung parents mo. Hindi nila alam na mamamatay-matay ako sa kaba, bakit ba 'yon ang naisip itanong ni Colt?!
Tumahimik sila nang ngumiti si Quentin at bigla akong itinuro. Tumili si Aiza at Burma.
"HA?! ANONG FIRST KISS MO SI REMISON?!" reaksyon ni Poknat sabay tayo. Pinakalma siya ni Ramsey na katabi lang.
"Kalma, boss," sabi ni Ramsey na tatawa-tawa.
"Chill, we were just kids," kalmadong sagot ni Quentin at pinaliwanag ang buong detalye sa kanilang lahat.
Speechless ako dahil talagang kinuwento 'yon ni Quentin. Alam naman na ng tatlo kong friends 'yung kwento pero maging sila'y kinikilig pa rin. Pero si Poknat... Kitang-kita ko na naiinis siya, kulang na lang hilahin niya ako rito paalis. Natatandaan niya pa kaya noong minsang humingi siya ng kiss sa'kin noong maliit pa lang kami?
"Okay, next na, next na!" sabi ni Veji para naman makamove on na ang lahat dahil feel niya ring nabadtrip si Poknat.
Inikot ni Quentin ang bote at tumapat 'yon kay... "Honey!"
Poker-faced si Honey na tinuro ang sarili. "Ako? Sige, game," sabi niya sabay bunot at nakuha ang dare.
Inikot muli ang bote at tumapat naman 'yon kay Burma.
"Dare pala ha," sabi ni Burma at nag-isip ng pinakanakakaloko na pwedeng ipagawa kay Honey. Bumulong si Burma kay Aiza at medyo nakutuban ko kung ano 'yon, siyempre tungkol sa crush crush.
"Ehem ehem, ang dare ko sa'yo Honey, i-kiss mo nga kung may crush ka rito!"
Diyos ko lord, ako ang nahihiya para kay Honey. Pero... Parang wala namang crush si Honey dito? O isa sa tropa ni Poknat? Si Ramsey? Nagulat kami nang tumayo si Honey at lumapit sa direksyon ni Ramsey.
"OMG!!!" tumili si Aiza.
Sabay-sabay kaming nagulat sa ginawa ni Honey, nang biglang hinalikan niya sa pisngi si Poknat.
-xxx-
A/N: Sawakas nakapag-update din! TBH, gusto ko na magseason 3 dahil parang ang dami pang magiging ganap sa hayskul life ni Mingming. Anyway...
Ito nga pala si Mingming natin, ang may pinakamahabang buhok sa balat ng Wattpad. Haha! Nawa'y masubaybayan niyo ang kwento niya hanggang sa pagtanda nila!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro