DALAGA 17❀
"AHHHHHHH!!!" umalingawngaw sa buong paligid ang matinis na tili ni Aiza at Burma nang makita naming apat na lahat kami ay pasado sa Drama Club.
"'Di ba, winner talaga 'yung performance natin!" masayang sabi ni Aiza na niyuyugyog pa rin ang balikat ni Honey.
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Masaya ako na magkakasama kaming nakapasa sa isang club, mukhang magiging masaya 'yung mga gagawin namin.
Uwian na pero nagpunta muna kami rito sa may bulletin announcement board para tingnan 'yung resulta ng mga try out para sa mga first year katulad namin.
Marami ring mga estudyante ang tumitingi ng resulta, siyempre kami lang ang pinakamaingay, pinagtitinginan na nga kami ng iba eh.
Nagpunta na kami sa gilid para magbigay ng daan sa mga iba pang titingin ng mga resulta. Naririnig kong pinag-uusapan nila kung saan kami kakain para raw mag-celebrate kuno.
"Wala pa 'kong allowance, magtusuk-tusok na lang tayo sa labas," yaya ni Honey.
"Sus, nag-iipon ka lang ng pang-date sa jowa mo!" pang-aasar ni Aiza.
"Tara na—"
"Mingming my laaaaabs!" malayo pa lang pero naramdaman na ng radar ko 'yung boses ni Poknat.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko na may tumatakbo sa direksyon namin galing sa open-court.
"G-Guys, ang sakit ng tiyan ko, una na ko!" sabi ko at mabilis akong umalis bago pa sila makaangal.
Mabilis akong naglalakad ngayon sa corridor papuntang exit gate nang maramdaman kong may humila ng bag sa likuran ko.
"Mingminggggg! Ang bilis mo namang tumakbo!" c⌒っ╹v╹ )っSi Poknat, nasa likuran ko na siya.
"Ikaw pala, Poknat," patay-malisya kong sabi kahit na sa loob-loob ko'y medyo naaano ako. Ewan ko kung ano 'yung ano. Basta ano!
"Tara, akin na 'yang bag mo," sabi niya at akmang kukuhanin 'yung bag sa likuran ko.
"O-Okay na 'ko, Poknat!" sabi ko. "Tara na nga!" hinila ko na siya para makalabas na kami ng school, baka mamaya makita pa kami nila Burma.
Paglabas namin ng gate ay bumungad ang nagtitinda ng calamares. Bigla akong natakam at saktong kumulo 'yung tiyan ko.
"Tomguts ka na, Ming?" tanong ni Poknat sa'kin at hinila niya naman ako ngayon papunta ro'n sa nagtitinda.
Akma akong kukuha ng cup pero inunahan ako ni Poknat. "Ako na, libre kita, hehehe," sabi niya tapos sabay tusok ng mga bagong lutong calamares, saka niya binuhusan ng suka.
"Say ahhhh," sabi niya tapos isusubo sa'kin 'yung hawak niya.
"Sa bahay ko na lang kakainin!" sabi ko tapos nagmamadali akong naglakad. Kaagad naman siyang humabol sa'kin.
"Mingming! Kamusta naman ang araw mo, malungkot ka ba na hindi mo ako kasama?" tanong niya habang naglalakad.
Hay nako, 'eto na naman siya sa kung anu-anong tanong niya. Para na siyang sirang plaka eh.
"Okay naman," maikling sagot ko.
Tapos siya 'yung nagkwento ng napakahaba. Dalawang sakay pa si Poknat papunta sa bahay nila, pero palagi niya muna akong hinahatid sa'min.
Nahihiya na nga ako minsan kasi kada dadaan kami sa may tindahan, tapos maraming nakatambay, palagi kaming inaasar.
"Wuyy, nandito na naman pala ang bodyguard ni Mingming!" sabi ng isang kapitbahay naming nakatambay nang makita kami.
"Alagaan mo 'yan, Poknat, yari ka kay Aling Eme!"
"Wuuuuuh, dalaga na si Mingming!" kantiyaw pa nila.
"Si Poknat binata na!"
Hay nako naman, palagi na lang ganito. (;¬_¬)
Mabuti nga't hindi natitiyempo na kapag inuulan kami ng asar ay wala si Mamang, kundi, ewan ko na lang. Baka mamaya ako pa paluin no'n.
Nasa harapan na kami ng bahay namin kaya hinarap ko si Poknat.
"Akin na 'yan, thank you, ah, libre na lang kita next time," sabi ko tapos kinukuha ko sa kanya 'yung calamares ko kasi siya 'yung may hawak.
"Kahit kiss na lang," sabi niya sabay nguso. (づ ̄ ³ ̄)づ
Naramdaman ko bigla si Mamang sa may pintuan kaya kaagad kong natulak si Poknat. Bwisit talaga, hays.
"Mingming!" siyang labas ni Mamang at pumanewang nang makita si Poknat.
"Aling Eme, ikaw pala!" sabi ni Poknat, kunwari wala siyang tinangkang gawin kanina, kainis. "Hinatid ko lang po si Mingming, walang galos, walang kulang!"
"Pinagsasabi mong bata ka," sabi ni Mamang na nailing na lang. Napatingin si Mamang sa hawak kong isang baso ng calamares. "Hay nako, Remison, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na huwag kang kakain ng mga ganyan! Madumi 'yan, tsaka magkakasakit ka!"
Patay. Nakalimutan ko na ayaw nga pala ni Mamang na kumakain ako ng street food, marumi raw kasi.
"Mamang, hindi naman daw po 'to marumi sabi ng kaklase ko," sabi ko. Mas lalong nabwisit si Mamang.
"Ay, sinong nagsabi at babatukan ko? Gusto mo ba pagtanda mo magkasakit ka, ha? Wala tayong pambayad ng ospital! Paano kung wala na 'ko no'n?"
Hay nako, si Mamang talaga kahit kailan ay kakaibang mag-isip.
"Aling Eme, huwag kang mag-alala, babantayan ko si Mingming! Hindi na siya kakain ulit nito," sabi ni Poknat sabay agaw sa'kin nung baso.
Sa bwisit ko kay Poknat ay pumasok ako sa loob.
"Oh, siya, umuwi ka na, Poknat, baka gabihin ka pa," dinig kong sabi ni Mamang.
"Malapit lang naman kami, Aling Eme. Bye, Ming! Bukas ulet!" kumaway pa siya. Tapos nung nakatalikod na si Mamang ay nagflying kiss pa siya. ( ˘ ³˘)~♥ Loko-loko talaga.
Dahil nadala na ako noon ay kaagad kong ginawa 'yung mga assignment ko pagkapalit ko ng damit. Tapos maaga na 'kong natutulog—joke, minsan hindi ako natutulog 'agad lalo na kapag may load ako at naka-unli text ako.
Pinatay na ni Mamang 'yung ilaw ng kwarto, tapos nagtalukbong ako at nilabas 'yung selpon kong nakatago sa ilalim ng kama.
Nakita ko 'yung text ni Aiza sa'kin, tinatanong kung okay lang daw ba ako kasi umuwi ako 'agad.
'Ok lnG nman, aq.' Reply ko kay Aiza.
Ngayon ko lang din nabasa 'yung mga GM (group message) ng mga elem friends ko, at as usual si Olly 'yung pinakamaraming GM, ang yaman kasi sa load eh.
Nag-isip din ako ng pwedeng i-GM
Can't sleEp.
Kkpag0d gUmawa ng AssIgNment.
Oo, nahawa na rin ako sa jejemon text, usung-uso kasi eh, kahit na nakakahilo magtype. Cool naman daw.
Nag-isip ako ng mga taong imemention...
SpecI4L m3nti0n: bUreZaney girLS, s0Rry umUwi aqu agAd, 0kay nA qu.
-Gr0UPm3ssag3-
#R3msSky
Pagkalipas ng ilang sandali ng masend ko 'yung GM sa marami ay nagreply sina Olly, Aiza, Honey, at Burma.
Pero ang pinakahumatak ng atensyon ko ay ang reply ni Viggo.
'OkAy, kA lAnG, R3msky?' –Viggo
Siyempre nagreply ako 'agad. Nagkausap kami ni Viggo tungkol sa project na isasubmit namin. Kaso hindi na siya nakapagreply, nakatulog na 'ata, kaya natulog na rin ako.
Kinabukasan. As usual, dumating na naman ulit si Poknat para sunduin ako. Sobrang aga niya palagi dumadating! Ang kagandahan lang, hindi ako nale-late.
"Ming! Magdala ka nga ng payong, baka umulan!" sabi ni Mamang at inaabot 'yung mahabang payong.
"Mamang, ayokong magdala ng payong kasi mababasa," sabi ko habang nagmemedyas.
"Ako huwag mong pinipilosopo," inis na sabi ni Mamang at akmang ihahampas sa'kin 'yung payong.
"Alis na ko, Mamang, labyu!" nagmamadali akong lumabas, natatawa ako si Mamang kasi mukhang beast mode.
"Ming—" siyang tayo ni Poknat nang lumabas ako.
"Tara na!"
Hinila ko siya dahil baka maabutan ako ni Mamang. Ayoko talaga magdala ng payong kasi mabigat, tapos ang haba-haba pa ng payong ni Mamang. Nagpapabili nga ako ng payong na maliit lang eh sabi ni Mamang nagtitipid kami, buo pa naman daw 'yung payong at pagtiisan ko.
"Bakit ba ang aga mo palagi?" tanong ko kay Poknat habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep. "At saka, doble-doble pa 'yung pamasahe mo, hindi ko naman kailangan ng bantay papuntang eskwelahan."
"Ano ka ba, Ming! Okay lang 'yun, no! Maaga ako kasi maaga akong naglalakad mula sa'min papuntang bahay n'yo!"
Natameme ako bigla nang sabihin niya 'yon. Ang effort naman niya masyado.
"Wala ka nang angal? Siyempre lab kita eh," sabi niya tapos akmang aakbay pero naiwasan ko nang tumakbo ako. "Mingmingggg! Teka lang!" (っ'▽`)っ
Normal na umaga na naman—hindi ko sure kung normal ba 'to. Palaging hinaharang si Poknat sa may guard kasi araw-araw siyang pinapagalitan, kaya siguro sanay na sanay na siya. Nauuna ako lagi tapos as usual madadatnan kong nagtsitsismisan sila Aiza, Burma, at Honey.
First subject namin ngayong araw ang EP, hindi ko 'to favorite subject—ngayon lang dahil magkapartner kami ni Viggo. Ayon nga lang, ito na 'yung last day ng paggawa namin at submission na mamaya.
Magkakatabi 'yung mga magkakapartner ngayon. 'Yung teacher namin iniwanan lang kami.
Napalingon ako at nakita ko si Burma sa likuran, nag-heart 'yung kamay niya. Hindi ko pinansin dahil baka mamaya makita pa ni Viggo.
Nagkukulay si Viggo, dinampot ko na 'yung oil pastel para magkulay ulit. Malapit na naming matapos 'yung poster namin.
Nag-isip ako ng topic, ang tahimik kasi namin parehas. Pansin ko na parang inaantok pa rin si Viggo.
"P-Puyat ka?" tanong ko.
"Ah, medyo, kulang lang sa tulog, late na 'ko nakauwi eh," sagot ni Viggo sa'kin tapos naghikab siya. Parang gusto ko rin tuloy humikab, nakakahawa eh.
"Dahil sa praktis n'yo?" tanong ko ulit.
"Oo, ang higpit nga eh, praktis kung praktis. Tapos ma-eexcuse na 'ko sa mga klase kinabukasan," sabi ni Viggo.
"Palagi kang aabsent?"
"Hindi naman, may mga oras lang na hindi ako papasok para sa praktis, pero excused," sagot niya naman. "Kaya baka hindi na naman ako makahabol sa lesson katulad dati."
Ah, kasi noong elem naging varsity din si Viggo at palagi rin siyang wala noon kaya hindi siya makahabol sa mga lessons.
"Kung gusto mo... isusulat kita ng mga notes kapag absent ka," alok ko.
Ewan ko kung saan ako humugot ng kakapalan para ialok 'yon sa kanya.
"Talaga?!" nagulat ako kasi biglang napalakas 'yung boses niya, halatang tuwang-tuwa. "Okay lang sa'yo, Remsky?"
"O-Oo."
Nagulat ako nang biglang kurutin ni Viggo 'yung pisngi ko, pero hindi naman sobrang sakit. "Thank you! Hulog ka ng langit!"
"Y-You're welcome."
Nang sumapit 'yung lunch break ay kaagad kong kinuwento kila Burma 'yung nangyari. Kilig na kilig si Burma.
"Haba ng hair, pasabunot nga!" sabi ni Burma at akmang hihilahin 'yung buhok ko pero nakaiwas ako sa kanya. "Oh, Aiza, bakit nakanguso ka riyan? 'Di ka ba masaya para sa frenny natin?"
"Hmm... Hindi nemen sa ganon, parang mas bet ko 'yung kababata niya—"
"Crush mo 'yung kababata niya?" singit ni Honey.
"Shunga! Hindi! I mean, mas bet ko 'yung BFF ni Remsky para sa kanya," maarteng paliwanag ni Aiza.
Kung makapag-usap sila parang wala ako sa tabi nila.
"Huy, nandito kaya ako," sabi ko sa kanila.
Bigla ba namang hinila ni Aiza 'yung buhok ko. "Ehhhk! Kilig ka naman!"
Palagi silang ganito sa'kin, yung inaasar ako, kaya nasanay na lang din ako.
"Akala mo ba hindi namin alam na kaya ka hindi sa'min sumasabay tuwing uwian ay kasama mo 'yung BFF mo!" sabi ni Aiza at hindi ako nakasagot.
"Oo nga," gatong ni Honey. "Kayo na ba?"
"H-Huh, hindi, ah!"
"It's okay, girl, hindi na kami sasabay sa'yo pag-uwi para makapagsolo kayo lagi ng bebe boy mo," pang-aasar ni Aiza. Biglang sumabat si Burma.
"Mas bet ko sila ni Viggo!" pilit ni Burma.
"Ayt, ako basta ako ang OTP ko si Remsky at si—ano ulit name niya?" tanong ni Aiza.
"E-Ezequiel," sagot ko.
"Oh, 'di ba, name pa lang, panalo na!"
Nagtalo na naman si Aiza at Burma pero ganon naman sila palagi, pero 'yung pinagtatalunan nila ngayon ay kung sino raw 'yung para sa'kin. Hays.
Uwian. Biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Kung minamalas nga naman ako, nagdilang anghel na naman si Mamang. Malay ko bang uulan? Ang ganda kaya ng sikat ng araw kanina.
Sa isang payong magkashare si Aiza at Honey, tapos si Burma ay may dalang kapote. Ako lang ang walang dalang payong.
"Hintayin mo ba 'yung BFF labs mo?" tanong ni Aiza.
"Uhmm... Oo?" sagot ko kahit hindi sigurado, hindi pa kasi sumusulpot si Poknat eh. "Magpapatila muna ako ng ulan."
"Sige, bye!" paalam nila at nauna na silang umalis.
Naiwan ako sa may lobby at naghintay akong tumila ang ulan.
Pero mas lalong lumakas ang ulan. Kalahating oras na at nagulat ako nang makita kong bumabaha sa may corridor at daanan ng sasakyan! Bumabaha pala rito.
Biglang dumilim 'yung paningin ko. May malamig na kamay na nakatakip sa mga mata ko.
"Poknat," tawag ko at narinig ko 'yung tawa niya.
"Sorry, Ming! Hindi kita makita kanina eh, buti naman at hinintay mo 'ko," sabi niya.
"May payong ka?" tanong ko.
"Wala, eh," kakamut-kamot sa ulo niyang sabi. "Magpatila muna tayo!"
Hinila niya ako papuntang bench at naupo kami parehas do'n. Nakatanaw kami sa labas at nakita kung paano bumagsak ang malakas ng ulan habang unti-unting bumabaha. Hindi naman inabot 'tong lobby kasi mataas 'to kumpara sa labas.
Tahimik kami parehas. Nanibago ako kasi hindi ako sanay na tahimik siya.
"Naalala mo ba dati naligo tayo no'n sa ulan?" tanong niya bigla habang nakatanaw sa malayo.
Tumango ako.
"Kamusta na kaya si Miggy?" napatingin ulit ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. "Makikita pa kaya natin siya?"
"Hindi ko rin alam eh," sabi ko tapos tumingin din ako sa labas. "Siguro malaki na rin siya ngayon."
"Sigurado. Pero mas sure na mas pogi ako sa kanya," sabi niya na may halong kayabangan. "Ming?" tawag niya sa'kin.
"Oh?"
"Winiwish mo rin ba minsan na sana bata na lang tayo palagi?" seryosong tanong niya.
"Oo naman."
Narinig ko na huminga siya nang malalim. "Ako, gusto ko nang lumaki."
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Tumingin sa'kin si Poknat, imbis na magsalita ay ngumiti lang siya.
"Basta," sabi niya habang nakangiti pa rin.
Tumila na ang ulan pero baha na sa labas. Marami-rami rin kaming estudyante ang na-stranded dito. Ang iba'y lumusong na para makauwi.
Huhubarin ko pa lang 'yung sapatos ko nang pigilan ako ni Poknat.
"Ipapasan kita," sabi niya at napamaang ako. "Hahayaan ba kitang lumusong? Lagot ako sa Papang mo kapag pinalusong kita."
Sa huli wala rin akong nagawa. Tinaas ni Poknat 'yung pants niya, tapos tinanggal niya 'yung sapatos niya. Pasan-pasan niya ako habang siya ang naglalakad sa baha na hindi naman aabot sa tuhod.
"Ang gaan mo naman, kumakain ka ba?" natatawa niyang tanong.
"Hindi mo lang alam," sagot ko.
Baha hanggang kanto. Binaba lang ako ni Poknat sa may sakayan ng jeep. Nakapaa siya hanggang sa paghatid niya sa'kin sa bahay.
Bago ako pumasok sa loob ay tumingin ako sa kanya.
"Thank you, Poknat."
"Walang anuman, Mingming ko."
(Art by Haniiiwrights)
-xxx-
Thank you kay _chayninini sa meme na itu!
Naeexcite na kong lumaki silaaaa! uWu
Thanks for reading! Hanggang sa muli!
Let the ship wars begin!
#PopokpokkayPoknat VS #Viviggo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro