DALAGA 101❀
Ito na ang huling kabanata ng kwento ni Remison. I'm dedicating this chapter to all DNSR readers who supported and helped me to finish this story. Enjoy!
Tweet to celebrate DNSR's ending: #DNSR101FINALE
ALAM ko kung anong nasa isip niya. Malamang, tadhana ang may kagagawan nito.
Pero hindi. This is not destiny's work.
Sa pagkakataong 'to, ako ang mismong gumawa ng hakbang para mapalapit sa kanya. Sinadya kong hanapin kung saang condominium siya tumutuloy sa Maynila. Sinadya kong bilhin ang unit na kaharap ng kanya.
Ang nakakatawa lang, saktong may dating tenant ang kaaalis lang sa unit na 'to. Destiny pa rin? Siguro nga.
Maraming mga pagkakataon sa buhay natin ang lumalagpas dahil pinauubaya natin sa kapalaran ang mga pangyayari . Pero ang totoo, hindi alam ng karamihan na nagsasaboy ng himala ang Maykapal araw-araw, tayo dapat ang makakita nito—ng mga maliliit na coincidences. At tayo dapat ang umaksyon at kumumpleto ng tadhana natin.
"Uy, mabuti nakaabot kayo. Saktong kainan na," nakangiting bati ko sa kanila nang buksan ko ang pinto. Nang tumingin ako kay Poknat ay hindi man lang siya kumukurap na nakatitig sa'kin.
"Thank goodness nga at nakaabot kami," sagot sa'kin ni Leighton at pasimpleng siniko ang katabi niya. "Ito kasing katabi ko, nalasi—"
"S-sorry, Ming, h-hindi man lang kami nakapagdala ng kahit ano," biglang sabat ni Poknat.
"Naku, hindi naman kailangan 'yon. Tuloy kayo, nandito na rin 'yung iba," sabi ko at pinatuloy sila.
Nang makarating kami sa living room ay binati sila ng mga bisita ko. May karamihan 'yung mga naimbita ko ngayong hapon, bukod kasi sa mga malalapit kong kaibigan ay nataong nandito rin ngayon sa Maynila 'yung mga kasamahan ko sa trabaho.
Iginiya ko 'yung dalawa sa buffet area at inalok na kumuha lang ng pagkain do'n. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para tulungan si Auntie sa pagliligpit.
"Omg! Buhay ka pa pala!" dinig kong sabi ni Etta na nasa sala. Lumingon ako at nakita siya na lumapit kay Poknat at binatukan sa ulo. "Akala ko naging fungi ka na, eh!"
"Ikaw nga nabalitaan ko doktora ka na hindi ka na tae," sagot ni Poknat kaya hindi ko napigilang matawa. Parang isip bata pa rin silang dalawa kung mag-asaran.
Nagkataong may medical conference na pinuntahan si Etta rito sa Maynila kaya nakapunta siya ngayon. In fairness naman kay Etta dahil hindi pa rin nagbago ang pagiging alaskador nito at pormang hipster. Pero pagdating sa trabaho nito'y propesyonal naman ito bilang doktor.
"Beshy! Beshy!" biglang pumasok nang magkasunod sa kusina si Aiza at Corra. "Nandiyan 'yung ex mo!" mahinang sabi ni Aiza pero kinikilig. "Oh-em, is this a sign? Muling ibalik—ouch!" kinurot ba naman siya ni Corra. "Aray ko naman, ba't ka nananakit?!"
"Tigil-tigilan mo ako, Aiza. Matagal na kaming wala, at casual na lang kami."
"Naku, huwag kayong magharutan dito sa kusina," biglang saway ni Auntie sa kanila saka inabutan si Aiza ng lalagyan. "Ito, i-refill mo muna 'tong lumpiang shanghai ro'n sa buffet."
"Yes po, Auntie. Si Corra po kasi nananakit," parang batang sumbong ni Aiza bago sila umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Corra at hindi ko rin maiwasang mapangiti sa kanya na kinasimangot niya.
"Ikaw din mang-aasar?" mataray niyang sabi.
"Ang sungit nito, masama bang ngumiti?" tanong ko.
"Naku, ayaw ko kasi ng mga ganyan-ganyang asar." Biglang nagbago 'yung timpla ng itsura niya at mas lumapit sa'kin. "Nandiyan din 'yung ano mo, ah."
"Anong ano?"
"Asus, patay-malisya pa siya." Bago niya pa ako tuluyang asarin ay bigla niyang narinig ang pagtawag ng anak na si Conor kaya dali-daling umalis.
Nang mahugasan ko na 'yung mga baso, pabalik na sana ko sa living room nang biglang pumasok si Deanna at hinila ako pabalik sa kusina.
"Deanna? What's wrong?" tanong ko dahil nakabusangot ang pagmumukha niya.
In fairness din kay Deanna dahil bigla na lang siyang natauhan sa relasyon nila ng kinakasama niyang si Zul. Napagtanto raw niya na hinding-hindi siya nito pakakasalan. Nagsawa rin si Deanna sa marangyang lifestyle na walang patutunguhan kaya nagpasya siyang makipaghiwalay. Umuwi siya ng Pilipinas para magtayo ng cosmetic business.
"Remi, kung alam ko lang na papupuntahin mo si Azami rito hindi na ako magtatangkang pumunta!" at pagkatapos ay nanggagalaiti siyang nagkwento. Inis na inis siya kay Azami na halata raw na pinagmamayabang ang engagement nito sa long-time foreigner boyfriend na kasama rin nito ngayon.
Nagkaroon kasi kami ulit ng communication ni Azami matapos niya akong i-PM sa Instagram. Kaya heto, updated din siya sa pag-uwi ko sa Pilipinas at dama ko namang sincere siya na gusto ulit makipagkaibigan sa'kin. Kaya 'yung mga immature issue noon wala na sa'min 'yon.
"Kung nandito lang si Q at Olly may resbak sana ako!" daing niya pa.
Si Quentin biglang nagkaroon ng break sa Hollywood, naging cast ito sa isang sikat na TV series kaya mas lalo itong naging busy. Si Olly naman ay settled na talaga sa Italy matapos ikasal sa boyfriend nito.
Tinapik ko si Deanna. Naiintindihan kong medyo hindi pa rin siya nakakamoved on kay Zul kaya hindi niya maiwasang ma-trigger.
"Ano ka ba, Deanna, huwag mong hayaan 'yung sarili mo na ma-down. Be happy for Azami, and I'm sure darating din 'yung time na oras mo naman para maging happy." Nang sabihin ko 'yon ay parang nahimasmasan naman siya.
"Hmp! Makikita niya, kahit single ako basta magiging super duper yaman ko!" Akala ko aalis na siya pero bigla ba naman akong hinila para bulungan ako. "Pero grabe ha, pansin ko lang hindi niya pinapansin si Viggo! Siguro, kaya siya nagyayabang sa'kin kasi ang totoo niyan pinaparinggan niya lang 'yung ex niya!"
Sabay pa kaming pasimpleng sumilip sa sala at nakita ro'n si Azami na nakaangkla sa nobyo nito. Sa kabila naman ay magkadikit din sina Viggo at Honey na hindi rin nagpapadaig sa ka-sweet-an.
"Alam mo, tama ka nga," natatawa kong sabi habang nakatingin sa apat.
Hinanap ng paningin ko si Poknat at nakita siyang masinsinang nakikipag-usap kay Miggy. Hindi ko maiwasang ma-curious kung tungkol saan 'yung pinag-uusapan nila. Maya-maya'y ngumiti ang dalawa.
Hinila na 'ko ni Deanna pabalik sa living room. Kanya-kanyang kainan at kwentuhan ang mga bisita. Nilapitan ako ni Azami kaya lalong naimbyerna si Deanna. Natawa na lang ako nang mapunta ang usapan namin kung sino ba talaga ang best friend ko noong elementary.
Unti-unting naubos ang mga bisita, hanggang sa napaalam na ang lahat at tanging si Auntie ang natira. Hindi na gano'n karami 'yung mga niligpit namin kaya mabilis din kaming natapos. Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Auntie na umuwi kaya naiwan na akong mag-isa.
Biglang kumalam 'yung tiyan ko dahil ang totoo'y hindi rin ako nakakain nang maayos kanina sa pag-aasikaso ng mga bisita. Pumunta ako sa kusina, nilabas ang mga natirang pagkain at ininit 'yon.
Nasa harapan na 'ko ng hapag nang bigla akong nakaramdam ng lumbay. Hindi rin kami nakapag-usap ngayong hapon. Ayoko sanang mawalan ng loob dahil napansin ko na tila may nagbago sa kanya, hindi katulad noon ay hindi na siya basta-basta lumalapit sa'kin. Katulad noong birthday party ni Travis, ni hindi na ulit niya ako nilapitan pagkatapos naming maglaro. Hanggang s makauwi kami'y ni hindi niya ako nilapitan.
Umatake bigla ang kanegahan ng isip ko. Baka nagbago na 'yung feelings niya sa sobrang tagal na niyang paghihintay. O baka naman mayroon na ulit siyang iba?
Habang padami nang padami ang mga hinuha ko sa isip ay para akong nanliliit. Bigla ko tuloy tinampal nang mahina 'yung pisngi ko.
"Gumising ka, Remi."
Wala akong mapapala kung puro ako pag-aassume. Sumulyap ako sa orasan at nakitang pasado alas otso palang naman ng gabi. Maaga pa naman. Hindi pa naman siguro siya natutulog.
Pupuntahan mo siya? Okay ka lang? Biglang sabi ng isang boses sa isip ko. Bakit mo siya pupuntahan ng ganitong oras? Mahiya ka naman, Remison?
Bakit ako mahihiya? Hindi ba in the first place ito naman talaga 'yung dahilan kung bakit sinundan mo siya rito?
Tumayo ako at inipon lahat ng lakas ng loob. Dali-dali kong binalot sa mga plastic containers 'yung pagkain at nilagay sa paper bag.
Bago pa ulit ako kainin ng hiya ay mabilis kong narating ang pintuan at pagkabukas ko no'n ay natigilan ako nang makitang bumukas din ang pinto ng kaharap kong unit at niluwa siya mula sa loob.
"Ming..."
"Poknat..." sabay pa naming tawag sa pangalan namin. "M-may lakad ka?" Mukhang mali ang timing ko.
"A-ano, magpapahangin lang ako."
"Ah... Gano'n ba."
"Ikaw?"
Humugot muna ako nang malalim na hininga bago ipakita sa kanya ang hawak kong paper bag.
"Dadalhan sana kita ng pagkain..."Halatang nagulat siya nang sabihin ko 'yon.
"A-ang totoo niyan, Ming," sabi niya bigla, "lumabas talaga ako para... para puntahan ka."
At pagkatapos, ngumiti kami sa isa't isa. Ang lakas ng tibok ng puso ko... Hindi 'to kaba o pangamba... Tila sinisigaw nito... Ito na... Ito na 'yung matagal kong hinihintay na pagkakataon.
*****
"ALAM mo, pansin ko lang, parang nagbago ka," hindi ko mapigilang sabihin 'yon sa kanya.
Umakyat kami sa rooftop ng condo, dala-dala ang pagkain at pinagsaluhan 'yon. Nagdala rin si Poknat ng mga maiinom. Nakatayo kami ngayon sa railings at tinatanaw ang kabuuan ng siyudad.
Muntik na siyang masamid nang marinig ang sinabi ko.
"A-ako? Nagbago?" Turo pa niya sa sarili, parang hindi matanggap ang sinabi ko.
"Nasaan na 'yung Poknat na makapal ang mukha?" kunwa'y panunumbat ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo at hindi alam kung paano magpapaliwanag sa'kin.
"Marunong din naman akong magmature," bulong niya sabay inom. Nang maubos niya 'yon ay nilapag niya ang hawak at saka humarap sa'kin. "Gusto ko lang sabihin na... sorry sa lahat ng nagawa ko—" tinakpan ko ng daliri ko ang bibig niya.
Umiling ako. "Hindi mo kailangang humingi ng sorry." Binaba ko 'yung kamay ko na bigla niyang hinawakan at nilapat 'yon sa dibdib niya.
Dugdug... Dugdug...Dugdug... Ang lakas ng tibok ng puso niya!
Napangiti siya nang alanganin. "Ganito kalala 'yung kaba ko mula pa kanina, alam mo ba 'yon?" Pagkatapos ay biglang nangilid 'yung luha sa mga mata niya. "Actually, mula no'ng magkita ulit tayo noong birthday party. Ganito pa rin ang epekto mo sa'kin, Ming. S-sorry kung hindi ko magawang ipaliwanag kung... kung gaano pa rin kita kamahal hanggang ngayon."
Tumitig ako sa kanya ng ilang segundo. "Hindi mo kailangang magpaliwanag," sabi ko. "Hindi ko kailangang ipaliwanag dahil alam ko—nakita ko, naramdaman ko."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Hindi ko na mapigilang ngumiti sa kanya. "Alam ko, Poknat. Alam ko."
"A-anong alam mo?"
"Alam ko na palagi kang nandiyan kahit saan ako magpunta." Tuluyan na siyang napanganga nang marinig 'yon. "Alam kong kasama kita sa bawat lugar na pinupuntahan ko. Kaya kailanman hindi ako nakaramdam noon ng takot, dahil alam kong kasama kita... Kahit na alam ko na pinipigilan mo 'yung sarili mo na lumapit sa'kin. Hindi mo alam kung gaano ako rin ako nasasabik na lapitan ka... na yakapin ka."
"K-kung gano'n alam mo pala." Tumango ako nang sunod-sunod. "Shit... H-hindi ko 'to ineexpect—"
"Kaya nang umuwi ako rito, nangako ako sa sarili ko na ako naman... Ako naman ang gagawa ng pagkakataon para mapalapit sa'yo. Kinulit ko si Burma na masigurong pumunta ka sa birthday party, pinatunton ko kay Miggy kung saan ka nakatira para mapalapit sa'yo." Hinawakan ko 'yung pisngi niya at pinahid 'yung luha roon. "Alam ko noon halos buong buhay mo akong hinahabol, pero ngayon gusto kong iparamdam sa'yo... Kung gaano rin kita kamahal."
"T-teka lang..." parang nauubusan siya ng hininga sa mga naririnig. "K-kung gano'n... M-mahal mo rin ako?" gulat na gulat niyang tanong kaya hinampas ko siya sa dibdib.
"Nabingi ka na rin ba?" natatawa kong sabi. "Noon pa. Matagal na."
"Pero—"
Tinakpan ko ulit 'yung bibig niya. "Poknat, hindi mo na kailangang magpaliwanag. Hindi mo na kailangang magsorry sa lahat ng nangyari dahil lahat ng 'yon nasa nakaraan na. Hindi ba't mas importante kung naging ano tayo ngayon?"
Ang totoo niyan nagkita kami noon ni Zarah sa Paris. Isang coincidence meeting dahil nagkataong dumalo siya roon para sa isang fashion festival. Si Zarah ang nakiusap sa'kin na huwag ko nang pahirapan pa si Poknat. Hindi man niya direktang sinabi, tanggap na noon ni Zarah na ako pa rin ang pinili niya.
Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip. Pag-uwi ko ng Pilipinas ay naging buo ang desisyon ko na kahit anong mangyari, babalik ako sa taong mahal ko. At tila isang himala na lahat ng mga pangyayari ay naaayon sa plano ko. Para bang pinapaboran din ako ng kapalaran.
Ito na nga siguro 'yung sinasabi nilang right timing o tamang pagkakataon. Nang bitawan ko lahat noon, nang piliing kong magpatawad at iwanan ang nakaraan, saka muling naayon at naging tama ang lahat. Minahal ko ang sarili ko, inayos din ni Poknat ang sarili niya.
Ngayong magkasama na ulit kami parehas, wala nang kahit anong tinatakbuhan mula sa nakaraan. Wala nang humaharang sa pagitan namin at wala nang humihila palayo sa bawat isa. Ito na nga ang tamang pagkakataon.
At sa tamang pagkakataon, wala nang patumpik-tumpik pa. Wala nang pasubali, wala nang tanong-tanong, wala nang pali-paliwanag. Wala nang pagtatanong ng rason kung bakit mahal n'yo ang isa't isa.
Ang mahalaga, nandito na kaming muli sa iisang punto ng mga buhay namin kung saan tama na ang lahat. Iniadya ito ng Diyos para sa'ming dalawa.
"Ang dami kong gustong sabihin sa'yo," sabi niya habang unti-unting lumalapit sa'kin, "pero biglang nablangko 'yung isip ko—wala akong ibang maisip ngayon kundi ipaalam sa'yo... na mahal na mahal na mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon."
At wala na nga talagang patumpik-tumpik pa. Hinagkan namin ang isa't isa.
"Will you marry me, Ming?"
"Agad-agad?" gulat na nagulat ako nang maglabas siya ng singsing. "S-saan galing 'yan?"
"Palagi ko 'tong dala para just in case, lagi akong handa. Magpapaliwanag pa ba talaga ako?"
"Sabi ko nga hindi na." Nag-isip ako kunwari. "Pwedeng pag-isipan ko muna?"
Gusto kong matawa sa reaksyon niyang parang nalugi.
"Maawa ka naman, ang tagal na nating naghihintay sa isa't isa—"
Parang maiiyak na siya kaya tumawa ako. "Joke lang!"
"Anong joke? Pinagti-tripan mo ako!" mangiyak-ngiyak niyang bulalas.
"Seryoso na. Yes. Pakakasalan kita, Poknat."
https://youtu.be/TdN5GyTl8K0
*****
SABI nga nila, sa hinahaba-haba ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy. Kaming dalawa nga siguro ang talagang nagpapatunay ng kasabihang 'yon. Pero hindi pa ring maiwasang magimbal ng mga mahal namin sa buhay nang malaman ang balita.
Natatawa na nga lang ako dahil talagang naiyak pa sila Aiza nang mabalitaan. Nag-viral din sa social media 'yung prenup photos namin, at wala naman nang negatibong komento ang mga tao ro'n. Salamat sa panayam sa'kin ni Ms. Jessa noong nakaraang taon at naayos din ang pangalan ko noon.
Without further much ado, naayos kaagad nila Mama, Auntie, at sa tulong na rin ng mga kaibigan namin ang event. Ang totoo niyan, pinipilit nga nila ako na maging magarabo ang okasyon pero tumanggi ako. Gusto ko kasi 'yung simple at tahimik lang.
Malugod naman nilang sinunod 'yung hiling namin ni Poknat na huwag masyadong bongga ang event. Kaya rito sa Isla Palma namin naisipang idaos ang kasal. Mga pili at malalapit lang na kamag-anak at pamilya ang imbitado.
Habang inaayusan ako rito sa isang kwarto sa silid ng hotel ay may kumukuhang videographer sa amin. Sinaway ko nga si Aiza na balak magpasimuno ng iyakan, mabuti't natinag siya sa saway ni Corra. Hindi raw dapat kami mag-iyakan sa pinakamasayang araw ko.
Simple lang din 'yung wedding dress na pinili kong suotin ngayong araw. Simple but elegant sabi nga nila. Wala ng masyadong burloloy at arte pa. Hindi man ako katulad ng ibang mga babae na may kanya-kanyang dream wedding, ang sa akin ay mahalaga 'yung essence ng mismong kasal.
"Remi, pinapababa na kami ng coordinator sa chapel, mauna na muna kami ha," paalam ni Corra.
"Beshy, sa'kin mo ihagis 'yung flower ha!" bilin pa ni Aiza. Si Deanna naman pinanlakihan ako ng mata at sumenyas na sa kanya raw ihagis. Tinawanan ko lang sila.
"Hay nako, tama na 'yan, lumabas na tayo." Hinila na sila ni Burma.
Nang maiwan akong mag-isa sa silid ay saka ko lang napansin 'yung laptop sa mesa na nakabukas. Akma kong lalapitan 'yon nang bumukas bigla ang pinto at sumilip si Mama.
"Ma. Pasok ka."
Pumasok sa loob si Mama habang tulak-tulak ang wheelchair. Lumapit ako at humalik sa kanilang pisngi.
"Bakit po?"
"Gusto ka lang namin makita ng papa mo bago ka magmartsa mamaya," nakangiting sabi ni Mama kaya napakunot ako.
"Actually, I just wanted to tell you..." sabi ni Papa at saka kinuha ang kamay ko. "I'm really thankful that I'm here to witness my daughter's wedding even though hindi kita maihahatid, I'm so sorry—" Nangilid ang luha nito kaya tinapik siya ni Mama sa balikat.
"Huwag po kayong magsorry. Naiintindihan ko naman 'yung kalagayan n'yo at saka thankful nga po ako na nandito kayo." Hanggang ngayon nga'y hindi pa rin ako makapaniwala na makikita at makakasama ko pa sila.
"Remi, don't cry," utos ni Mama. "Masisira ang makeup mo. Reserve that later. Okay? Miguel, sabi ko sa'yo walang mag-iiyakan, eh." Natawa kaming tatlo.
Nagpaalam na sila at saka umalis.
Nang maiwan ako'y muli akong umupo sa harapan ng laptop dahil nakaplay doon 'yung live camera sa loob ng chapel. Nakita ko 'yung mga guest na nakaupo na at naghihintay. Bigla ulit bumukas 'yung pinto at sumilip doon 'yung wedding coordinator.
"Ma'am, get ready na po kayo." Akma akong tatayo pero pinaupo niya ulit ako. "Susunduin ko na lang po kayo. Sit back and relax muna po kayo riyan."
Hindi ko maiwasang magtaka. Hanggang sa tumingin ulit ako sa laptop, nag-iba 'yung angle ng camera, nakatutok 'yon sa may entrance ng aisle kung saan nakita kong nakakumpol na sa labas 'yung entourage.
Maya-maya'y nag-umpisa na rin ang processional. Naunang pumasok at nagmartsa sina Mama at Papa kasunod ang mama ni Poknat. Kasunod nila ay 'yung mga principal at secondary sponsors. Pagkatapos biglang nawala 'yung classical music. Napalitan bigla ng isang isang upbeat na kanta.
https://youtu.be/-s6dlaOrnIg
Maging ang mga guest ay naguluhan. Nagulat ako kasi biglang umugong ang kanilang hiyaw nang biglang dumating ang mga tsikiting na sumasabay sa beat ng music. Ang alam ko wala 'to sa plano namin.
"Simple lang din 'yung gusto kong kasal, simple pero 'yung masaya at memorable." Paniguradong plano 'to ni Poknat dahil wala akong kaalam-alam dito.
Pagkatapos ng flower girls ay pumasok si Leighton na nagmu-moon walk. Tumutugtog pa rin 'yung music na pang-sayaw kaya lalong naaliw ang mga tao. Sunod na pumasok isa-isa ang mga bridesmaid ko, si Aiza nag-twerk ba naman bigla sa gitna. Hindi rin nagpatalo sina Burma, Corra, Honey, at Deanna. Sumunod naman ang mga groomsmen na nagpakita rin ng mga dance moves nila. Tawang-tawa ako kay Miggy na halatang napilitan lang sa ginagawa, si Bobby ay enjoy lang sa ginagawa, gano'n din si Olly. Sina Viggo at Quentin naman ay halatang crowd favorite. Hindi magkandamayaw ang mga bisita sa pagkuha ng video at pictures. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang pumasok ang maid of honor ko na si Auntie at nagpakitang gilas ng tinatagong galing sa pagsasayaw.
Mas lumakas ang hiyaw nang pumasok si Poknat, nakuha pa nitong tumambling sa aisle. Akala ko tapos na 'yung intermission este procession nang makarating si Poknat sa altar. Kaso umikot pala sila pabalik sa bungad para sumayaw ng magkakasabay sa gitna. Hindi ko maiwasang magtaka kung paano at kailan sila nakapagpraktis.
Sumama si Poknat sa pagsasayaw sa gitna, halos mapunit ang labi sa laki ng ngiti niya.
"Ma'am, it's your time." Nagulat ako nang biglang pumasok 'yung coordinator. Nataranta tuloy ako at biglang kinabahan kung kailan namang akala ko hindi na ako kakabahan.
Mabuti't malapit lang ang chapel. Pagdating ko ro'n ay naabutan ko silang sumasayaw na sa bungad. Sabay-sabay silang lumingon sa'kin at tila ba sinasabing ako naman ang sumayaw. Lahat ng mga tao sa'kin na ngayon nakatingin habang tumutugtog pa rin ang music.
"Go, Remi!" bigla silang nag-cheer.
Nang mga sandaling 'yon ay hinayaan kong malunod ang sarili ko sa kasalukuyan. Kusang gumalaw ang katawan ko para umindak. Halos mabingi ako sa sigawan nila kaya nawala tuloy 'yung kaba ko nang i-enjoy ko lang ang bawat sandali.
Nang makalapit ako sa altar ay sinalubong ako nina Mama at Papa, nakaupo na rin ang iba sa mga kani-kanilang pwesto. Unti-unting humupa ang music nang ihatid nila ako kay Poknat.
Dumating na si Father nang may malaki ring ngiti sa labi. Nagsimula na rin sawakas ang seremonya.
Sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy.
Habang nakikinig sa pari at nakatingin ako sa kanya'y 'di ko maiwasang maluha ng kaunti. Sawakas, dumating na rin kami rito, sa harapan ng Diyos, magkasama sa panibagong kabanata ng aming buhay.
"Ming..." Halatang nagpipigil siya ng luha kaya napangiti ako, ang sabi kasi namin sa isa't isa'y dapat walang iiyak pero mukhang imposible talaga 'yon. "God knows how much I love you since we were little. Sabi ko nga sa'yo, fetus pa lang 'ata tayo ay minamahal na kita. Today, I give fully myself to you in marriage. Pinapangako ko na mamahalin kita, at araw-araw ipapadama ko sa'yo 'yung pagmamahal na hindi ko naibigay sa loob ng sampung taon. I will always be by your side in sorrow, sickness, and struggle. Magkasama nating haharapin ang buhay, tutuparin ang mga pangarap natin at bubuo ng masayang pamilya. Hanggang sa pumuti ang mga buhok natin at kahit na uugod-ugod na tayo, mamahalin pa rin kita ng buong-buo. Ikaw ang pangarap ko, mula noon hanggang sa dulo."
"Mahal kong Poknat, sapat na ang mga pinakita at ginawa mo sa'kin sa buong buhay ko para patunayan na tapat ang pag-ibig mo. Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ikaw ang binigay niya sa'kin... Kahit na ilang beses na kitang tinaboy noon... Hindi mo ako sinukuan, hindi mo ako iniwanan. Kaya naman habambuhay ko ring susuklian ang pag-ibig mo, magiging mabuti akong ina ng mga magiging anak natin. Araw-araw ko ring pipiliin ang piling mo sa hirap at ginhawa. I will cherish our union and I will love you more each day than I did yesterday. I give you my hand, my heart, my love, from this day forward until forever. There are good things in this world that are worth waiting for, at ikaw 'yon."
"Forasmuch as Remison and Ezequiel have consented together in holy matrimony, and have pledged their love and loyalty to each other, and have declared the same by the joining and the giving of rings, by the power vested in me, and as witnessed by friends and family, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Nagwakas ang seremonya sa isang halik at hindi lang doon nagtapos ang kasiyahan. Natuloy ang masayang selebrasyon sa reception kasama ang mga mahal namin sa buhay. Nagsalo sa sayaw, kainan, kantahan, at marami pang ibang mga pakulo na naisip nila para mas maging masaya ang araw na 'to.
Wala na nga akong mahihiling pa.
https://youtu.be/n7HeFR5SWjk
*****
KAILANMAN hindi kami nakaabot sa ganito noon. Ni hindi ko rin naimagine kung paano kapag dumating kami sa punto ng literal na pag-iisang dibdib. Kaya ayoko mang ipakita ang kaba ko ay hindi ko magawang magpanggap. Ito ang first-time ko.
Kung ano-anong pumapasok sa isip ko habang hinahayaan siyang tanggalin ang bawat saplot sa aking katawan. Pakiramdam ko'y nanlalamig ang buo kong katawan habang napapaso sa init ng kanyang haplos.
Isang kakatwang alaala ang pumasok sa aking isip. Minsan kong tinanong noon kina Mamang at Papang kung paano ako ginawa. Heto ka na ngayon, Ming, kayo na ni Poknat ang gagawa.
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Poknat nang mapansin ang pagngisi ko. Bigla akong kinain ng kahihiyan. Baka akalain niya kung ano-anong kadumihan ang nasa isip ko. Ming, nakakahiya ang mga iniisip mo.
Nang tuluyang matanggal ang natitira kong saplot, maingat niya akong binuhat at saka inihiga sa kama na akala mo'y isa akong babasaging porselana. Muli kong natagpuan ang aking sarili na nalulunod sa kanyang halik. Pababa ng pababa ang kanyang labi hanggang sa mapasinghap ako nang bahagya niyang kagat-kagatin ang leeg ko papunta sa aking dibdib.
Napakagat-labi at halos tumirik ang mga mata ko nang tuluyan siyang makababa sa aking pagkababae. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hinayang kumawala ang tinig sa silid. Akala ko hindi na matatapos 'yon nang lumayo siya saglit para tanggalin ang natitirang saplot sa kanyang katawan.
Napalunok ako at mas lalong kinabahan, sa kabila no'n ay mas nangibabaw ang pagkasabik na muli siyang maramdaman. Nang muli siyang umibabaw sa'kin ay dinampian niya ako ng halik sa aking labi at hinihingal na bumulong.
"I love you so much, my love. I'll be gentle."
Napakapit ako sa kanyang likuran at halos bumaon doon ang mga kuko ko nang maramdaman ang unti-unting pag-iisa ng aming katawan. Nang marinig niya akong dumaing ay mas lalo siyang nag-ingat at saka muli akong inulan ng halik.
Dahan-dahan naramdaman ko ang pag-indayog ng kanyang katawan, unti-unting nawala ang kirot at napalitan ng isang sensyang hindi ko pa maipaliwanag.
"A-ahh... I-I love you. I love you. I love you..." Namalayan ko na lang na napuno ng halinghing naming dalawa ang silid. Pabilis nang pabilis hanggang sa marating namin ang sukdulan. Halos sumabog ang puso ko sa kaligayahan, damang-dama ko rin ang pagtibok ng kanya.
"I love you too..." Hindi ko na mabilang kung ilang beses naming sinabi sa isa't isa 'yon hanggang sa tumigil siya.
Parehas kaming hinihingal at pinahid niya ang luha sa'king mga mata. Nag-aalala siyang tumingin. "Okay ka lang ba?" Tumango ako at saka hinagkan ang kanyang labi.
"Salamat, Poknat. Salamat dahil tinupad mo ang mga pangako mo." Ngumiti siya at saka muling nagpatuloy. Buong magdamag, napuno pa ang gabing 'yon ng walang hanggang kasiyahan.
Nagising na lang ako kinaumagahan, naramdaman ang mabigat niyang mga binti na nakadantay sa'kin. Nakatulugan pala naming magkayakap sa isa't isa kaya naman napangiti ako at nag-angat ng tingin. Tinatamaan ng sikat ng araw ng silid kung kaya't kitang-kita ko ang mala-anghel niyang mukha na natutulog.
Bigla siyang dumilat at ngumiti sa'kin. "Good morning, my love."
"Good morning. Kanina ka pa gising?" tanong ko.
"Actually, halos 'di ako nakatulog." Kumindat siya. Tumingin ako sa orasan at napagtantong halos dalawang oras lang ang tinulog namin. "Habang pinanonood kitang matulog nag-iisip na 'ko ng pangalan ng magiging baby natin."
"Ang advance mo masyado mag-isip," nakangiting sabi ko. "Anong naisip mo?"
"Hmm... Wala pa nga eh. Ang hirap pala mag-isip," sagot niya. "Ayoko pang bumangon. Dito na muna tayo."
"Baliw, nandiyan pa sila—" nang akma akong tatayo ay bigla niya kong hinila at hiniga sa kama. Umibabaw siya habang hawak-hawak ang magkabila kong kamay.
"Isa muna ulit." Inulanan na naman ako ng loko ng halik. Hindi ko mapigilang mapahagikgik.
"Wala ka bang kapaguran?"
"Buong buhay ko 'tong hinintay sinusulit ko lang," sagot pa niya. Pagkaraan ay tumigil siya at niyakap ako.
"Poknat? Bakit?" bigla kasi siyang natahimik.
"Narealize ko lang na araw-araw ikaw ang makikita ko paggising... Araw-araw na tayong magkasama, pagkatapos sa susunod magkakababy naman tayo." Umiiyak ba siya?
"Huy, ang drama mo." Hinampas ko siya at pinahid naman niya 'yung luha sa mukha niya. "Hindi ko alam na iyakin ka pala."
"Sa'yo lang."
"I love you."
"Mas mahal na mahal kita, Ming."
Alam ko na hindi pa ito ang happy ending naming dalawa dahil ang totoo'y simula palang 'to ng panibagong libro ng buhay namin. Alam ko, simula ngayon, araw-araw naming pipiliin na mahalin ang isa't isa.
WAKAS
https://youtu.be/-4Utb6jdIvY
-xxx-
Poknat and Ming's wedding photo
Art by seajart
MESSAGE FROM THE AUTHOR:
Kilala niyo naman ako na may pagka-madrama sa tuwing may matatapos akong isang kwento. Kaya naman let me use this opportunity para pasalamatan ulit kayong lahat sa pagsubaybay ng kwento ni Remison/Mingming.
Sinimulan ko 'to na as stress reliever na story, hindi ko rin ineexpect ang magiging turns and twist of events kaya natutuwa talaga ako sa naging positive feedback n'yo sa story na 'to. Sana marami kayong aral na napulot dito hehe.
True love waits. Trust God's perfect timing. Ilan lang 'yan sa mga aral na gusto kong ipabatid sa inyo pagdating sa larangan ng pag-ibig. Alam naman natin na maraming kabataang readers ngayon ang nahuhumaling sa konsepto ng love and sex that's why I hope I gave an unique approach sa pagbibigay ng lesson. Huwag maging mapusok, let's all keep in mind that. Kasi kapag nahanap n'yo 'yung the one na para sa inyo, katulad nga nang sabi ni Ming, it will be worth the wait. Hindi sapat ang pagiging possessive sa pag-ibig, bukod sa mutual love napakahalaga ng trust at respect sa isang relationship. :)
Bukod sa pag-ibig, nabasa n'yo rin ang mga konsepto tungkol sa pamilya at pagkakaibigan. Kahit anong mangyari, mahalin natin ang ating pamilya lalo na ang mga nanay at tatay natin. Minsan din hindi nasusukat ang dugo para matawag na pamilya ang isang tao. It's all about the bond and love. At 'yung mga true friends, sila 'yung mga nandiyan sa oras ng kagipitan mo. Let's treasure them with all our heart.
Huwag n'yo ring kalilimutan ang self-love. Marami sa inyo alam ko na nabigo sa pag-ibig, o nasaktan. It's okay na lumayo muna para muli n'yong mahalin ang sarili n'yo ng buo bago kayo makapagmahal ng iba. :)
And last, bukod sa patience na virtue ay napakahalaga ng forgiveness. I know hindi ito madali kaya ipinakita ko sa pamamagitan ng kwento ni Ming na kapag natuto kang magpatawad ng mga taong nanakit sa buhay mo ay mas lalo kang bibiyayaan ng Panginoon. Forgiveness is healing and a way to attract more blessings into your life.
Ano pa bang lessons ang natutunan n'yo rito? I'd love to hear more about it. :)
Wala na talaga akong masabi kundi pasasalamat. What a journey it has been! Sabi nga sa kanta. I truly enjoyed writing this kahit na mababaw man ito sa paningin ng iba. Masaya ako na napapasaya kayo kahit na minsan ay na-frustrate kayo, naiyak, at nagalit dahil sa mga kaganapan.
Don't worry dahil hindi pa ito ang huling pagsusulat ko ng ganito. Sabi ko nga, it's a Romance era for me to write. Sana suportahan n'yo 'yung upcoming Romance series ko na with a twist. ;)
Oh, siya. Abangan n'yo na lang din ang special chapters ng DNSR na pwedeng POV ng ibang characters dito hehe. Soon!
Muli, maraming maraming salamat, guys! God bless you all. Mahal ko kayo! Spread love lang tayo ('▽'ʃ♡ƪ)
Sabay-sabay nating i-tweet #POKMINGENDGAME #DNSR101FINALE #SALAMATATEDEMI (charot lang tong last hahaha)
Wedding entrance reference (Watch nyo to kasi ang aliw pramis!)
https://youtu.be/4-94JhLEiN0
NEXT GENERATION STORY:
Kung gusto n'yo naman mabasa 'yung story ng bunso at only girl na anak nina Ming at Poknat, kindly check Thirdy Wants to Marry :)
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro