Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

"Pasensya ka na, Natalia..." ani Celine mula sa kabilang linya.

"No, it's okay." I assured her. Hindi kasi kami natuloy noong nakaraan dahil abala siya.

Binanggit niya ang isang restaurant at mag-l-lunch raw muna kami. Mariin akong napapikit. It's okay, Natalia. Trabaho ito.

"Aalis muna ako, Yvette—" umiling ako. "—baka hindi narin ako makabalik."

I looked at my wristwatch. Baka kasi hapon narin kami matapos. Huling bilin pa sa aking assistant ay umalis na ako.

At dahil wala akong dalang sasakyan ay nag-taxi lang ako. May kailangan kasing ayusin sa kotse ko kaya nasa repair shop ngayon.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng restaurant. Late na yata ako dahil sa traffic. Ngunit bumagal din ang mga hakbang nang namataan kong naroon na sila sa isang lamesa.

Sinalubong ako ng tingin ni Iñigo. Tumayo naman si Celine nang nakita ako. We gave each other a cheek-to-cheek kiss.

"Sorry, I'm late." hinging paumanhin ko.

"No, it's okay." Celine assured.

I sat across them. Nagbigay ng menu ang waiter at tumingin na ako doon.

"Sumabay ka na lang sa amin sa sasakyan papuntang simbahan." ani Celine. Nasabi ko kasing mag-t-taxi muli ako mamaya dahil wala akong dalang kotse at nasa shop.

Agad ko siyang inilingan. "Hindi na." I smiled at her. "Salamat, Celine, pero alam ko naman yung address ng simbahan—"

"No. Sumabay ka na." pilit ni Celine.

I sat at the backseat. Si Iñigo ang nagmaneho, at syempre si Celine ang nasa shotgun seat. Hindi ako. Hindi na ako...

Ipinilig ko nalang ang ulo.

Nag-uusap sila sa harap at minsang tawanan. Masakit ito para sa akin. Iñigo's now happy. Gusto ko rin maging masaya para sa kanya dahil ganoon naman dapat? Dapat maging masaya nalang ako para sa kanila ng babaeng mahal niya... at hindi na ako 'yon.

Minsan ay sinasali ako ni Celine sa usapan at tatahimik naman si Iñigo.

Nakarating kami sa simbahan. Alam ko ito dahil relative ni Mama ang Priest.

"Father." bati ko.

The lines at the sides of his eyes showed when he gave me a genuine smile. "Natalia."

Tumingin siya sa aking likuran kung saan naroon ang dalawa. Nang sumulyap ako doon ay naabutan kong nag-iiwas ng tingin si Iñigo.

Nga lang ay biglang nagpaalam si Celine na kailangang puntahan ang kaniyang pinsan—leaving me and Iñigo alone.

Nauna na siyang maglakad palabas ng simbahan. Sumunod naman ako patungo sa kanyang sasayan na naghihintay doon.

"Uh..."

Bumaling siya sa akin. Pinatunog niya ang kanyang kotse at binuksan ang pinto sa front seat. "Get in." aniya.

Umiling ako. "H-Hindi na—" pwede naman akong mag-taxi nalang.

"Get in." he just impatiently repeated.

Marahang buntong hininga at pumasok nalang ako doon. Sinarado niya ang pinto sa gilid ko. At umikot na siya papunta at papasok sa driver's seat.

Tahimik kami sa loob ng kanyang sasakyan. He's seriously driving habang ako naman ay bumubuo ng possible topics sa aking utak. Hindi ko 'ata kaya itong ganito lamang kami at tahimik. May kahabaan pa naman ang biyahe.

Should I say sorry to him? The last time we saw each other ay nasampal ko siya. I bit my bottom lip.

"K-Kamusta ka na..." gusto kong pumikit ng mariin matapos sabihin 'yon.

Siguro ay siya na ang namamahala sa firm nila ngayon. At isa na siyang successful na Architect.

"Fine."

Hindi ko pa halos inasahan ang pagsagot niya—mas inasahan ko pang iignorahin niya ako. Bumaling ako sa kanya at nakitang diretso lang ang mga mata niya sa daan.

"You're now an Architect." I stated.

"Yeah." tipid siyang tumango—gaya ng tipid niyang sagot.

Marahan nalang akong tumango—nag-isip ng puwedeng magpag-usapan. Nang bigla siyang nagsalita.

"How 'bout you?" he asked.

Lalo yatang bumilis ang pintig ng puso ko. "M-May maliit akong office sa Makati..." hindi pa ako sigurado sa sinagot.

He just nodded his head.

Nang marating ang harap ng aking condominium building ay nagkalas narin ako ng seatbelts. Bumaling ako sa kanya. "Thank you."

Tipid lamang siyang tumango at binuksan ko na ang pinto sa aking gilid.

Nang makalabas ay hinintay ko pang makaalis at tinanaw na makalayo ang kanyang sasakyan.

Pumasok na ako sa building at natigilan lang sa lobby nang makasalubong ang isang lalaki. Agad akong inatake ng mga masasakit na alaala nang gabing 'yon...

"Natalia..." mukhang natigilan din siya nang makilala ako.

"Terrence." I said formally.

Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa akin. "You live here?" pauna niya. "I'm visiting my sister. Dito rin siya nakatira—"

Tumigil nga lang siya sa pagsasalita at lumampas ang tingin sa likod ko. Tinalikuran ko rin siya para makita ang tinitingnan niya.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. "I-Iñigo..." his hand was holding my purse na naiwan ko pala sa kotse niya!

I saw how his jaw clenched. Mabilis din siyang tumalikod at naglakad palabas ng building. Maagap ko siyang hinabol.

"Iñigo!"

Huminto siya nang nasa labas na kami—malapit sa kanyang sasakyan. Hinarap niya ako. His eyes were cold as ice. Napalunok ako at unti unting nakaramdam ng pagbabara sa aking lalamunan.

"You left this."

Humakbang pa ako palapit sa kanya at tinanggap ang aking purse—na isa sa mga regalo niya sa akin noon.

"I-Iñigo..." my lips quivered.

Umiling siya. He looked disappointed... and angry. Muli niya akong tinalikuran ngunit pinigilan ko siya sa kanyang braso.

"Iñigo, sandali—"

Marahas niya akong binalingan at winakli ang hawak ko sa kanya.

"Ikaw at ang lalaking 'yon," his teeth were gritted.

"No... no," I shook my head. "Iñigo—"

"You cheated on me with that motherfucker!" he almost shouted his words.

Tumakas ang isang hikbi sa akin. My tears kept on falling. Panay din ang pag-iling ko. Pinunasan ko ang sariling luha sa aking mga pisngi. Muli akong umiling sa kanyang harapan. "No." iling ko. "I never cheated on you, Iñigo. Hindi ko 'yon magagawa sa 'yo—"

"Liar." he accused.

Patuloy ako sa pag-iling. And out of frustration ay halos idikit ko sa kanya ang katawan ko at hinila siya sa kanyang batok para mahalikan. Hindi ko na alam kung paano papatunayan sa kanya ang sarili ko. He just couldn't let me explain. He just wouldn't listen to me!

"Mahal na mahal kita, Iñigo, kaya hindi ko magagawa sa 'yo 'yon..." namutawi sa mga labi ko matapos ko siyang halikan. Sapo ng mga palad ko ang kanyang pisngi. "Mahal kita... hanggang ngayon. Ikaw l-lang." nanginig pa rin ang aking boses.

Ngunit marahas lang siyang kumawala sa akin at mabilis pumasok sa kanyang sasakyan, pinaharurot iyon—leaving me. Nagpatuloy sa pagbuhos ang mga luha ko...

Tahimik akong naglalakad noon sa may gilid ng court, when a ball hit my head. Naging masakit ang pagkakatama ng bola at pakiramdam ko ay nahihilo ako.

Narinig ko ang sunod sunod na yapak palapit sa kinatatayuan ko. Sapo ko parin ang ulo.

"Hey, sorry. You okay?" sabi noong lalaking lumapit.

Nag-angat ako ng tingin sa kanyang hinawakan ang aking siko. Pawisan ito at nakasuot ng jersey. Sa isa niyang kamay ay ang bolang tingin ko ay 'yon ang tumama sa akin.

Umiling ako 'tsaka marahang binawi ang siko mula sa pagkakahawak niya. "Ayos lang,"

Nagsimula akong magpatuloy sa paglalakad kahit pa talagang nahihilo ako, nang bigla kong naramdamang may bumubuhat sa akin. Bahagya akong napatili sa pagkakagulat.

"I'll bring you to the clinic." sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at umiling. "A-Ayos lang ako. Ibaba mo nga ako!"

Ngunit hindi niya ako pinansin. Wala na akong nagawa hanggang sa makarating kami sa university clinic at buhat buhat niya ako.

Agad din naman akong dinaluhan ng nurse habang pinapaliwanag ng lalaki ang nangyari. The nurse checked me at pinayuhang magpahinga muna. Sa totoo lang ay bukod sa natamaan ako ng bola ay masama din talaga ang pakiramdam ko kanina pang umaga.

Nilapag ako ng lalaki sa maliit na bed na naroon.

At dahil narin sa puyat ko kagabi sa paggawa ng mga school requirements ay tuluyan akong naidlip sa isa sa mga clinic bed doon. At dala narin marahil ng masamang pakiramdam.

When I woke up ay mukha niya ang unang bumungad sa akin. Agad akong napabangon at nagkusot ng mga mata. He was also fast to help me. Inalalayan niya akong umupo sa kama at sumandal doon.

Bumalik siya sa kanyang pagkakaupo sa upuang katabi lang ng hinigaan ko. "Hi." bati niya. "How are you feeling?"

Nakita ko ang concern sa kanyang mga mata. Pilit kong kinunot ang noo. Bahagya akong tumikhim at hindi halos makatingin sa kanya. Kamusta naman kaya ang ayos ko gayong kagigising ko lang? Paniguradong gulo gulo pa ang buhok ko! "O-Okay na ako..." nahihiya kong tugon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang kanyang ngiti. I bit my bottom lip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro