Kabanata 4
Ramdam ko ang luhang bumasa sa aking pisngi habang nakatingin kami sa isa't isa.
Ang kanyang mapupungay na mga mata ay unti unting pumikit—and the next thing I knew was his weight already on me.
He passed out.
"He's heavy." umiiling na namaywang si Achi sa gilid ko matapos naming mabagsak si Iñigo sa kanyang kama.
Pinagtulungan namin siyang maiuwi dito sa kaniyang condo. I was not even sure kung dito ba siya tumutuloy o kung kanya pa rin ba 'to at nagbaka-sakali lang ako. Ito kasi ang alam kong pinakamalapit na puwede kong pag-uwian sa kanya.
I still have the duplicate key of this unit kaya kami nakapasok.
"Thanks, Achi." sabi ko nang hindi nakatingin sa aking kaibigan—nanatili ang mga mata ko kay Iñigo.
I gently sat on the edge of his bed. Halos wala pa sa sariling inangat ko ang isang kamay. Then I started stroking his soft hair with my fingers. Kung hindi lang tumikhim si Achi ay makakalimutan ko nang may kasama kami.
"So, balikan ko pa kotse ko." aniya.
I stood up. Kailangan ko ng basang bimpo para kay Iñigo. Bumaling ako kay Achi. "Okay, thanks. Ingat ka." bilin ko.
Tumango siya at dumiretso na sa pinto ngunit napahinto at muling bumaling sa akin para sa isang ngisi. Pinangunutan ko siya ng noo. "What?"
Ngunit nagpatuloy lang siya sa kanyang ngisi. Nilapitan ko na nga at tinulak para tuluyang makalabas sa pinto. "Umalis ka nga, Achilles!"
Agad lang niya akong sinimangutan na bahagya kong kinatawa. Ayaw talaga niyang tinatawag sa buo niyang pangalan.
Bumalik ako sa kuwarto ni Iñigo dala ang isang palangganang may tubig at towel. Muli ko siyang nilapitan sa kanyang kama.
I started taking off his shirt. Pagkatapos ay pinunasan ko na siya. Binihisan ko rin siya ng kinuhang pajamas sa kanyang closet.
Nanatili ang titig ko sa kanyang mukha habang nakaupo parin doon sa kanyang tabi. I lightly caressed his cheek.
Walang gaanong nabago sa kanya. Kung mayroon man ay lalo lang siyang kumisig at gumuwapo. His breathing is normal while he sleeps. He looks peaceful. Bakit kaya siya naroon kanina sa bar... and he's dunk...
Maingat akong bumaba sa kanyang dibdib. I started listening to his heartbeats... I slowly closed my eyes. I miss this—'yong malaya akong nakakaunan sa kanyang dibdib.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa gano'ng ayos.
Nagising nalang ako kinabukasan na tulog pa si Iñigo. I automatically smiled seeing his handsome face first thing in that morning.
Bumangon ako at nagtungo sa kanyang kitchen. Mabuti at mukhang nakapag-grocery naman siya. Pinagluto ko siya ng almusal. I fried some bacon and sunny side ups. I'm still wearing my black tight dress from last night. My hair is into a messy bun. Palagi talaga akong may dalang maliit na itim na pantali sa buhok saan man ako magpunta. Nakasanayan ko na.
Saktong naghahain na ako sa mesa nang siyang pagpasok ni Iñigo sa dining area.
"G-Good morning..." I promptly greeted him—stuttering.
Kita ko ang gulat niya nang maabutan ako doon. At nang makabawi ay umigting ang kanyang panga. Bumilis ang pintig sa aking dibdib. "What are you doing here." he said icily.
Napalunok ako sa nagbabara sa aking lalamunan. Binuka ko ang bibig at ramdam ko ang panginginig nito. "I-Iñigo... Last night..." I tried explaing what happened.
"Leave." But just like that. He cut me off—immediately.
Umawang ang labi ko. "Iñigo..." I called his name. I sounded begging.
His jaw clenched more. "I said, leave!" his voice was like thunder.
Napaatras ako ng isang beses at napakurap. Agad nagbadya ang mga luha sa aking mga mata.
"Leave." madiing ulit niya.
Saglit pa akong natulala sa kanya at halos wala sa sariling tumango... "O-Okay... I'm sorry."
Mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadaling binalikan ang aking purse sa kanyang kuwarto. Bago pa man tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay nasa loob na ako ng elevator pababa ng kanyang floor.
Wala sa sarili akong napasandal sa kasasaradong pinto ng aking unit. What happened... Bakit ganoon nalang siya kagalit sa akin? Siya nga itong basta nalang umalis at iniwan ako—without hearing my explanation. Tapos ngayong nagbalik siya ay malalaman kong ikakasal na siya? You're fucking kidding me! He's so unfair!
Napailing na lamang ako sa aking sarili. I'm hopeless.
Sumimsim ako sa aking kape pagkatapos ay binalingan ang aking assistant. "Kamusta ang anak mo, Yvette?"
Tipid niya akong tinanguan at ngumiti. "Okay naman na siya."
"Mabuti naman."
Sakitin anak ni Yvette. Ngunit bibo itong bata. Hindi mo iisiping madalas magkasakit.
Bumukas ang pinto at maagap na tumayo si Yvette para salubungin ang dumating. It was Achi.
Hindi agad siya nakalapit sa akin dahil para siyang natigilan sa paghaharap nila ng assistant ko.
"Achilles." tawag ko dahil mukha na talaga siyang na starstruck kay Yvette.
"Y-Yes." sumulyap siya sa akin ngunit nanatili pa rin talaga ang mga mata sa aking assistant.
Giniya siya ni Yvette na maupo. Sumunod naman siya. Nagpaalam ang assistant kong ikukuha ng maiinom ang aking bisita.
Binato ko na siya ng isang crumpled paper nang tuluyang makaalis si Yvette. Nanatili pa kasi ang tingin niya sa pintuang nilabasan nito.
Bumaling siya sa akin. "Ba't hindi mo sinabi?" he asked—ignoring my throwing at him.
My forehead creased. "Ang alin?"
"That you have a hot assistant—"
Muli ko siyang binato ng papel. "Tumigil ka! Not Yvette, Achi." umiling ako.
Napasipol siya. "Nice name." tukoy niya sa binanggit kong pangalan ng aking assistant.
Muling bumukas ang pinto at pumasok si Yvette na may dalang juice.
Hindi nakatakas sa akin ang ngiting binigay ni Achilles kay Yvette. Naiilang namang ginantihan ng assistant ko ang ngiti ng aking kaibigan. Tinawag ko na tuloy ang atensyon ni Achi dahil mukhang hindi kumportable si Yvette.
Pinuntahan niya lang naman ako para i-remind sa pupuntahan naming exhibit. Pwede naman niya akong itext o tawagan pero sinadya niya pa talaga ako rito. Siguro ay hindi siya busy.
Kaya sa mga sumunod na araw ay pumunta nga kami sa exhibit. Suot ang isang long gown na nagpapakita ng balat sa aking likod and a bit of my cleavage. Gawa ito ng paborito kong designer.
Nakakapit ako sa braso ni Achi. May mga media sa venue. May mga artista rin at kilalang tao. It's a big event, after all. Kilala si Alexandria Villareal at ang kaniyang mga gawa.
Lumapit kami ni Achi sa grupo ng mga matatanda doon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Iñigo sa grupo. Nag-iwas nalang ako ng tingin nang sinalubong ng mga mata niya ang pagdating namin doon.
Tahimik lang ako sa tabi ni Achi habang bumabati siya doon at nakikipagkamay. Bumati narin ako nang pinuna.
Ramdam ko ang mga tingin ni Iñigo sa gawi namin. Hindi nga lang ako nangahas na salubungin 'yon dahil puro galit lang naman ang makikita ko sa mga mata niya...
Tumikhim ako nang hindi ko na nakayanan. "Achi, lalabas lang ako." paalam ko sa kanya.
Hindi ko na halos hinintay ang pagbaling niya sa 'kin. He's also busy.
Tuloy tuloy ang lakad ko palabas ng venue.
I found myself outside near the fountain.
"Alam ba ng boyfriend mo na nasa condo kita noong nakaraan?"
Bahagya akong natigilan sa narinig. Umihip ang panggabing hangin. Niyakap ko ang sarili at hinarap na siya. Magkahalong sarkasmo at galit ang sumalubong na ekspresyon ni Iñigo sa akin.
Nagsimula siyang humakbang palapit pa sa akin. Kami lang yata ang naroon sa labas dahil nasa loob ang lahat at abala sa exhibit.
Boyfriend? Si Achi ba ang tinutukoy niya.
"He's not my boyfriend." nasabi ko nalang.
He just sarcastically smirked. "Hmm. If he's not your boyfriend... fuck buddy, then." he concluded.
My eyes widened. Inising hakbang ko ang pagitan namin at agad dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi. I can't believe him! Ganyan na ba kababa ang tingin niya sa akin ngayon...
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. At bago pa man bumuhos ang nagbabadyang luha ay umalis na ako doon at iniwan siya sa kanyang kinatatayuan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro