Kabanata 3
Natapos ang pagkikitang iyon. And the whole time he's been silent. Tahimik lamang siyang nakatitig sa kanyang wineglass. Hindi niya halos ako matapunan ng tingin. As if glancing at me was a curse!
"Miss Natalia,"
Napakurap ako. Bumaling kay Yvette na ngayon ay nagkakamot ng ulo sa harap ko.
"Yes—ano nga 'yong sinasabi mo?"
Bahagyang napailing ang aking assistant. "Ang sabi ko ay, uh," she sighed. "okay ka lang ba, Miss?"
I heaved a deep sigh as I leaned my back against my swivel chair, combing my hair with my fingers. "Yes. I'm fine, Yvette." I can feel my forehead creasing.
Damn it! I can't even focus on my job! To think na ang dami kong kailangang asikasuhin—na mas dumadami pa since I haven't even finish anything yet.
Halos buong araw akong nasa opisina at walang ginagawa. I should at least contact my service providers—caterers... pero wala. Mabuti nalang at narito si Yvette. She did almost all the works.
Kinagabihan, I texted Achi. I want to have some booze tonight. Nagkita kami sa isang high end bar sa BGC—napaisip ako kung doon ba siya tumutuloy ngayon. His condo's located in one of the towers there.
I shook my head and downed another shot of tequila. I chose to stay seated sa napili naming sofa. While Achi was already girl hunting on the dancefloor. Kaming dalawa lang ni Achi, actually. I wanted to invite Yvette, but she's a mother and her daughter needs her at their home. Well... I don't have friends that much.
"Enough." inagaw ni Achi ang hawak kong isa pang shot. "Sumayaw na nga lang tayo."
I glared at him but he just ignored it, napapasimangot. Hinila niya ako patayo, patungo sa dancefloor. Lumalalim na ang gabi at lalong nagiging wild narin ang mga tao sa dance floor.
Padabog akong napapasama sa kanya. "Ayoko ko nga sumayaw!"
But he kept on ignoring my rants. Nang nasa gitna na kami ng mga taong nagsasayawan ay pinakawalan niya ako. He even danced in front of me. Iyong nakakatawang sayaw. Later on I found myself dancing and laughing along with him.
"Ang baliw mo!" I laughed.
He's making some funny movements and facial expressions. Hindi ko mapigilang humalakhak sa kabaliwan ng isang ito.
He suddenly lifted his hands to my face. He stretched my lips into a smile."There!" aniya
Napangisi na lamang ako sa ginawa niya. Pinagpapasalamat kong nakilala ko si Achi at naging magkaibigan kami.
"Kapag nalaman ng mga babae ang side mo na 'to? Sure thing matu-turn off sa 'yo ang mga 'yan!" panunuya ko sa ginagawa niya.
Ngumisi lamang siya. "Nah," he shook his head. "they'll still find it cute."
Pabiro ko nalang sinimangutan ang kanyang tugon.
Nang ma-enjoy ko na ang pagsasayaw ay hinayaan na ako ni Achi. Mabilis siyang nakahanap ng babae at nakipagsayaw. Habang ako'y sumayaw mag-isa.
Naramdaman kong may sumasayaw sa likod ko. Nang lingunin ko ay isang expat iyon. Hindi ko nalang pinansin. I continued dancing and playing with my hair habang nagsasayaw siya sa 'king likuran. But when his hands touched my waist, umalis na ako doon.
Lumipat ako sa ibang parte ng dancefloor. I started dancing again. Nakakaramdam narin ako ng pagkahilo dulot ng nainom kanina. May lumapit sa 'king lalaki. He doesn't look drunk kaya't hinayaan ko ang aking sariling makipagsayaw sa kanya.
"Hey, beautiful." he whispered huskily.
Bahagya kong inilayo ang katawan sa kanya. He's so near me already that his lips was touching my ear. Men. I almost roll my eyes. Wala ka talagang maasahan sa mga lalaking nasa loob ng ganitong lugar. Potential sex lang madalas ang hanap.
"Wait-"
Hindi ko na pinansin ang kanyang pagtawag sa 'kin. Iniwan ko siya doon at lumipat na naman ng pwesto. I got to dance with different guys. And they were all the same. In the end, I decided to go back to our seat.
Umupo ako doon at muling uminom.
Bakit gano'n... iyong akala mong kahit papa'no nakapag-move on kana. But here you are, nakita mo lang siya ulit, lahat ay nagbalik. All the memories... the feelings...
Am I hurting? Yes. Maybe. Maybe because I'm still into him...
I thought I was okay now. I thought I was fine, but... it's still him. I still haven't forgotten him. I'm still that same Natalia who loves him unconditionally...
Magkasunod kong nilagok ang dalawang shot.
I admit it. Oo at mahal ko parin siya. Mahal na mahal that after all these years—siya parin. Siya lang.
Mabilis kong pinahid ang luhang kusa nalang naglandas sa pisngi ko. Lumagok ako ng isa pang shot. Bahala si Achi at mamulubi siya sa dami ng in-oder ko!
May mga taong hirap sa pagre-recognize sa mga nararamdaman nila. Mako-confused muna sila bago ma-realize ang kanilang nararamdaman. Pero ako, ni hindi ako nahirapang i-recognize ang nararamdaman ko ngayon matapos ko siyang makita. The reason kung bakit ako nagpapakalunod sa alak ngayon. And why I am hurting...
Ang totoo niyan, it's not really hard to recognize what you're feeling at the moment. The thing is, sometimes, you're just being coward to admit it to yourself. Kumbaga, nararamdaman mo na, dini-deny mo pa. You're denying your own feelings even to yourself. And I think that's the cause of being confused.
I stood up as I felt the alcohol in my body. Sapat na siguro ito upang makatulog ako ngayong gabi without thinking of anything. Bumalik ako sa dancefloor para hanapin doon si Achi. Yayain ko na siyang umuwi.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang mahagip ng aking mga mata ang pamilyar na pigurang iyon. Napatuwid ako ng tayo. My heart even skipped a beat nang makumpirma kong siya nga iyon, halos magising sa kalasingang unti unting lumulukob sa akin.
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng slowmo sa paligid. Para akong nabingi dahil hindi ko na marinig ang malakas na music sa lugar.
Sumasayaw siya habang nagtataas ng isang shot glass sa ere. Nang ibaba ito ay mabilisan niya ring nilagok. Isang babae ang malanding nagsasayaw sa kanyang harapan.
Para akong nabalik sa wisyo. Muling bumalik sa normal ang mga tao sa paligid. Naririnig ko na ulit ang malakas na tugtog. Walang kung ano ano'y tinungo ko ang kinatatayuan nila.
"Ouch! What the-" maarteng reaksiyon noong babae.
Nilamon ng malakas na music ang kaniyang mga daing nang hinila ko siya at itinulak patabi.
Mabilis akong pumalit sa kaniyang pwesto kanina. I encircled my arms around Iñigo's nape and started dancing with him. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para magkaroon ng lakas ng loob at magawa itong ginagawa ko ngayon. But maybe it's the spirit of alcohol.
Our eyes met. Bahagyang kumunot ang kanyang noo but he didn't stop dancing. He looked drunk, too.
Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Gusto kong kwestyunin kung bakit siya narito. What is he doing here at kung bakit siya lasing. But I didn't. Kung ano man iyong rason niya ay nawalan na ako ng pakialam. All I care about now is we're dancing, his eyes locked to mine and... his lips.
Dumapo ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Mas lalo kong pinag-igihan ang pagsasayaw. I grind my body with his. Ang isang kamay ko ay nasa batok niya habang ang isa ay bumaba at lumapat sa kanyang matipunong dibdib. His hands were on my waist.
Bumaba ang kanyang mga mata sa labi ko. Mapupungay ang mga ito. Muling umakyat ang isang kamay ko sa kanyang batok. I tiptoed as I pulled him through his nape. Then I claimed his lips...
Humigpit ang kapit ko sa kanyang batok. His hands were lightly gripping the sides of my waist. Ang aking halik ay sinuklian niya ng mariin at mapusok na halik.
Our lips parted. Hinihingal pa ako—almost out of breath. I feel so drown and lost by his kisses.
Nagkatitigan kami, dumikit ang noo sa isa't isa. Walang ni isang umimik. Mula sa kanyang batok ay dumapo ang mga kamay ko sa magkabila niyang pisngi. I cupped his face as I lovingly looked at him.
Tumitig ako sa kanyang mga mata. I miss those deep eyes. I miss the way it looks at me. I miss him so much.
I miss the way we were... I miss his kiss, his hugs. I miss his scent. I miss his jokes, kahit madalas korni. I miss the sound of his laughter. I miss those playful smiles... I miss everything about him!
Mula sa aking baywang ay umangat ang kanyang kamay. Dumapo ito sa pisngi ko. His eyes were tired and sleepy.
"Natalia..." he whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro