Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

WALANG gana siyang kinuha ang tinidor na nasa plato niya at tinusok iyon sa ham na hinanda ni Nanang Delia at nilagay sa sliced bread.

Kanina pa siyang nakatulala at parang kinakausap ang tinapay kung kakainin ba niya o hindi. Hindi rin makitaan ng kung anong emosiyon ang mga mata niya. Mula nang lumabas siya ng kuwarto ay walang salitang lumabas sa bibig niya kahit kanina pa siya kinakausap ni Nanang Delia.

Tumingala siya at sinulyapan ang kuwarto ng asawa. Bahagyang nakabukas ng kaunti ang pinto nito. Hindi niya tuloy alam kung bumaba na ba si Gian o hindi pa. Sabagay, wala naman siyang karapatan. Iyon ang paulit-ulit na sinusulat ni Gian sa utak niya.

“Nanang? Si Gian po pala, bumaba na ba?” walang gana niyang tanong sa ginang na kasalukuyang nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.

“Nako Ma’am, si Sir Gian po, maagang umalis. Hindi na naman nagpaalam sa inyo?” sagot nito at inilagay ang tinimpla nitong kape sa mesa.

Na naman? Bulong niya. Pag-uwi no’n may dala na namang lalaki. Ano pa nga bang bago?

“Parang ‘di ka na sanay do’n, Nanang,” matamlay niyang wika. She don’t know but she feel so weak today.

“Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” tanong sa kaniya ni Nanang Delia. Marahan siyang tumango upang tumugon sa tanong ng ginang. Napansin yata ang pagkatamlay niya.
Kumagat siya sa hawak na sliced bread at muling tumingin sa ginang.

“Kailan ang balik no’n Nanang?” Tukoy niya kay Gian.

“Wala pong nabanggit eh. Pero sabi niya sa Butuan daw po siya pupunta kung sakaling magtanong ka.”

Himala yata at sinabi nito kung saan ang punta. Kadalasan kasi hindi ito nagpapaalam. Parang aso na walang —

Bumuntonghininga si Vanessa. Sabagay, hindi naman niya talaga pagmamay-ari si Gian diba? Gaya ng sabi nito sa kaniya, pinakasalan lang siya pero hindi siya nito asawa.

“Masama po ba ang pakiramdam niyo, Ma’am Vanessa?” tanong ulit nito sa kaniya. Hindi yata ito mapakali na nakikita siyang walang gana.

Tumayo siya at ibinalik sa plato ang hawak niyang tinapay. Inurong niya ang upuan upang makadaan siya.

“Ganito po talaga ako Nanang kapag kaarawan ko.”

MAHIGPIT ang hawak niya sa cellphone niya habang tinitigan ang mga kabataang naglalaro sa plaza. Dito na lang niya naisipang palipasin ang kaarawan niya. The worst birthday ever.

Apat na taon na ang nagdaan nang magsimula siyang ayawan ang birthday niya. Hindi na niya pinayagan pang maghanda ng party ang Daddy Vincent niya para sa birthday niya.

She hates her birthday so much. And Gian, her husband is the only reason why. Ito ‘yong araw na tinanggihan siya nito. Only Gian resist her beauty and she hates it.

Ayaw na niyang maalala pa ang pangyayaring ‘yon. Iyon ang unang naglakas loob siya pero hindi niya alam na iyon na pala ang huling araw na maglalakas loob siya. Pero ngayon, sinubukan na naman niya at hindi maganda ang kinalabasan.

Mariin niyang pinikit ang mga mata para pigilan ang pagtulo ng luha niya. Hindi niya lubos maisip kung ano ang rason kung bakit inayawan siya ni Gian.

Dahil bata pa siya? What a lame reason! O dahil bakla talaga ito?
Now, she’s already twenty two. She’s not a kid anymore, pero bakit ayaw pa rin ni Gian sa kaniya? Ano bang mali sa ‘kin? Hindi niya napigilang tanong sa sarili.

“Hindi ka lang pala maarte, madrama ka rin pala. Feeling mo siguro nasa isang movie ka. Bakit hindi ka na lang nag-artista?”

Agad siyang nagdilat nang marinig ang boses ni Alex. Hindi naman siguro imagine lang ang lahat at pati boses ni Alex nag pop-up pa.

“Anong drama iyan at may papikit-pikit ka with matching luha pa?” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na tawa.

Luha? Umiiyak ba siya? Loko-lokong Alex ‘to, bakit ito nandito? Nasaksihan pa ng loko ang drama niya.

Taranta niyang pinahiran ang mga mata gamit ang kamay. Pero bago pa niya mapahiran iyon ay inabutan siya nito ng puting panyo.

“Use it, bagong bili ko pa iyan,” alok nito. Nagdadalawang-isip pa niyang abutin ang nilahad nitong putting panyo. Even there’s a tears rolled in her eyes, she managed to give Alex a death glare. “Don’t worry again, brat. Malinis ‘yan,” Alex added.

Wala na siyang nagawa kun’di abutin ang panyo nito. A white handkerchief with a soft texture. Pinahid niya ang tumulong luha gamit ang panyo nito. Hindi niya napigilang amuyin iyon pero hindi niya pinahalata. It smells so good. It smells like Alex. What the hell am I talking about?

Ano itong iniisip niya? She’s acting weird again.

Inilibot niya ang tingin sa buong plaza, it surrounded by trees, but the majority is mango trees. She can’t help but to released a smile nang mahagilap ng mga mata niya ang isang batang lalaki na pinipilit na abutin ang isang bunga niyon.

Parang siya lang dati, minsan na ngang muntikan siyang mahulog sa puno ng mangga dahil sa katigasan ng ulo. Ang sabi pa ng Daddy niya, kapag hindi iyo huwag mong pilitin dahil masasaktan ka lang. Again, her Daddy Vincent is correct. As always.

She shook her head twice, sobrang nakakahiya ang tagpong iyon dahil ‘yon ang unang pagkikita nila ni Gian. Matcho itong tingnan sa suot nitong sky blue polo shirt at black denim pants samantalang siya ay sumisigaw at humihingi ng tulong habang nakasabit sa punong inakyatan niya.

First impression, lasts. Iyon marahil ang isa sa dahilan ni Gian kung bakit iniisip nitong bata pa talaga siya. For goodness’ sake! She was sixteen back then! Sabagay, isip bata pa talaga siya no’ng mga panahon na ‘yon.

“Nakarecover ka na sa kaartehan mo?” narinig niyang nagsalita ang katabi. Nilingon niya ito, she raised her left eyebrow. Panira moment talaga ang gunggong na ‘to kahit kailan.

“I’m not maarte nga kasi!” Even her tone raised. Hindi niya alam kung bakit may panahon na kaya niya itong tarayan at may panahon ding hindi.

Almost two months na rin ang lumipas mula nang makilala niya ito. Ibig sabihin, almost five months na rin mula nang ikasal sila ni Gian. Mapait siyang napangiti, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nag-tila byernes santo ang mukha ng asawa no’ng ikasal sila.

“Im not maarte nga kasi,” pag-gaya ni Alex sa boses niya. “’Yon ba ang hindi maarte?”

Napanguso siya rito. “Pangit mo!” inis na sambit niya at pinaikot ang maiitim na mata. Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung bakit kaya niyang makipag-usap dito ng matagal.

“Happy birthday nga pala, Vanessa.”
Binalik niya ang tingin kay Alex habang nakabukas ng kunti ang mga labi niyang natural na mapula.

Paano nalaman ng Alex na ito na birthday niya? She even private her birthdate in her all social media accounts para walang makaalala sa birthday niya.

“How did you know?” she managed to asked Alex in a polite way.

“Well, I have my ways.” A smile form in his red lips. Mas mapula pa iyon sa mga labi niya na para bang pinahiran ng lipstick. “Anyways, bago ko makalimutan. I have gift for you.”
Bahagya itong tumagilid at do’n niya napansin na may dala pala itong bag na lagi nitong dala-dala sa university.

“You don’t have to,” sabi niya.

“Ano ka ba, hindi naman ito mahal eh,” tumatawa nitong sabi. “Charan! Happy birthday, Vanessa.” A cheerful smile form on his lips habang hawak ang isang libro na sobrang familiar sa kaniya.

Until, her eyes grow bigger.

“It’s the premium edition sa Claiming You. Kunti lang ang copy nito, so you’re lucky because you have one,” Alex added.

Hindi niya napigilang yakapin ang lalaki. Hindi niya alam pero parang iyon ang inuutos ng puso niya na damhin ang presensiya ng lalaki sa pamamagitan ng yakap. A manly scent crossed her nostrils.

“Thank you,” wika niya rito.
Wala sa sariling inamoy niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero nakakagaan sa pakiramdam ang amoy ng lalaki. Call her weird or whatever but she felt relaxed because of Alex’s scent. Siguro, dahil iyon sa pabangong gamit ng lalaki.

Dinama ni Vanessa ang likod ng lalaki sa pamamagitan ng marahan na paghaplos sa malapad na likod ni Alex. She use her right hand to feel the masculinity of Alex. Lord God, what am I doing? Tanong niya. May asawa na siya pero umiiral ang kalandian niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa lalaki at umiwas dito ng tingin. Nakakahiya ka, Vanessa! Saway niya sa sarili.

“I’m sorry, I got carried away,” paumanhin niya kay Alex na hindi ito tinitingnan. Hindi maganda ang ginawa niya kanina. She shook her head in disgust.

“Okay lang ‘yon, para yakap lang.” Tumawa ito ng mahina. “Mabango na ‘ko, ‘no? Yieh! May crush siya sa’kin. Aminin mo na kasi. ‘Di naman ako magagalit eh. Promise, behave lang ako.”

Biglang tumaas ang sungay niya sa ulo nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya alam ang dahilan pero naiinis talaga siya kapag sinasabi nitong may crush siya rito. Alam niya namang hindi iyon totoo.

Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Alex at binigyan niya ito nang pinakamatalin na tingin at tinaasan ng kilay. Subalit, minamalas na naman siya dahil biglang iyong nawala nang makita itong matamis na ngumiti at nakataas ang kanang kamay na para bang nanunumpa.

She admit, this jerk has a cutest smile he ever seen in her whole life. A genuine one. A smile that can attract someone in just a split of second. Ngiti na makalaglag panty.

Nasapo niya ang noo. Oh, God! Pinagnanasaan ba niya ang lalaking ‘to? Hindi puwede! Si Gian lang dapat ang pagtuunan niya ng pansin at hindi ang hudyong ‘to! No, Vanessa. This is really wrong! Saway ng utak niya.

Maling pagnaasaan ang ibang lalaki, lalong-lalo na sa tulad niya. She’s a married woman.

“Vanessa? What’s wrong?” tanong ni Alex sa kaniya nang makita nitong sinapo niya ang kanyang noo gamit ang dalawang kamay. Pakiramdam niya kasi, niloloko niya si Gian.
She shook her head. “Wala.”

“Are you sure? Ano ba talagang problema mo? Puwede mo namang sabihin sa ‘kin eh. Makikinig ako. Malay mo makatulong ako.”

Relax, Vanessa. Relax. You’re just over thinking again. Umayos siya ng upo at pinakalma ang sarili. Imposible namang madali siyang magkagusto kay Alex, diba? Kilala niya ang sarili niya, hindi siya madaling magkagusto kaninuman.

Kay Gian nga, it takes two months no’ng magkagusto siya rito. At sa kamalas-malasan pa, ‘yon pa ang panahong nagladlad ito at ipinagsigawan sa lahat na bakla ito. Halos mag-breakdown siya that time, pero pinigilan niya ang sarili. She’s overreacting.

Gaya ngayon, ang OA na naman niya. Pa’no siya magkakagusto sa lalaking ito? Ni hindi nga maganda ang first encounter nila. Like, hello? Nakalimutan niya atang ito ang dahilan kaya na-late siya sa first period niya dati, kailangan pa niyang maghintay ng taxi na madalang lang pa lang dumaan sa lugar na ‘yon.

She released a deep breath at lumingon kay Alex. “Wala akong problema, okay? Stop asking me.”

Pilit niyang pinakalma ang sarili, baka kaunting kembot na lang maamin na niya. Maamin ang ano, Vanessa?

God, ang harsh naman yata nang ginawa niya.

Bumuntong hininga siya. “I’m sorry,” she said. Pang-ilang sorry na ba niya ito?

“Are you sure that you’re okay? Pero kung ayaw mong mag-kuwento, ayos lang din naman sa’kin. I’m just worried.”

Worried si Alex sa kaniya? Bakit? Bakit ganito ang inaakto nito sa kanya? Mas weird pa ata si Alex eh.

God, bakit ba ganyan si Alex? Bulong niya sa sarili.

“You know what? Pa-fall ka,” wala sa sariling sabi niya kay Alex na tinawanan naman ng lalaki

“Effective pala?” natatawang tanong nito sa kaniya.

“Ulol.” She rolled her eyes.

Alex chuckled. “At last, you’re back. Hindi ako sanay na hindi mo ako tinatarayan eh. Nakakamiss pala.”

Tinatarayan? Ni hindi nga niya kayang tarayan ang lalaki. Nagtataka talaga siya kung bakit ganyan ang inaakto niya. She’s acting weird if this man is around.

“I’m not mataray kaya. Ilang beses ko bang sasabihin ‘yan para maniwala ka?”

“Yeah, you’re not,” sarcastic nitong sabi sa kaniya. Sinapak niya ito sa tiyan.

Ahuh! Matigas. May abs din yata ito.
Ayan na naman siya, umaandar na naman ang kahalayan niya sa katawan. Bakit ba siya ganito? Ano bang nangyayari sa kaniya? Ang weird niya.

“Sus! May pa sapak-sapak ka pa. Gusto mo lang naman mahawakan ang abs ko,” tumatawa nitong sabi.

“Hoy! You’re so kapal! Hindi ko pinagnanasaan ‘yang matigas mong abs no!” sigaw niya rito na siya namang tinawanan ng lalaki.

Bakit ba ang cute niyang tumawa? Hindi niya maiwang itanong sa sarili. What Vanessa? He’s cute?

“Ang isda talaga, nahuhuli sa sariling bunganga.” Panay tawa pa rin ito kahit bagot na bagot na siya.

Nakaiirita!

“Halika nga, libre kita ng ice cream para naman kahit papano ay mabawasan ang init ng ulo mo.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro