Chapter 3
MALALIM na ang gabi, sinulyapan niya ang suot niyang relo. Alas siyete na siya nakauwi o mas tamang sabihin na alas siyete na siya nakarating. Hinaplos niya ang giniginaw na braso. Bakit kasi sa lahat ng puwede maiwan, jacket pa niya talaga! Nagbuga siya ng hangin, ang ginaw talaga.
Sinulyapan niya ang buong bahay, mas madilim pa iyon kumpara sa labas. Tanging ang kuwarto lang ni Gian ang nakabukas na ilaw sa buong bahay, nakauwi na pala ito. Tinatamad siguro itong magbukas ng ilaw o baka nagtitipid ng kuryente. Edi, wow! Nagtitipid!
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto upang hindi siya makagawa ng kung anong ingay. Maingat siya sa bawat galaw niya.
Baka tulog na ang asawa niya o baka may ginagawang paper works, mahirap na baka madistorbo pa niya ito at maging dragona na naman. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin kung nangyari iyon. Baka pati mga gamit niya ay itapon pa ng lalaki. Mas malala pa ang ugali no’n sa dragon.
Ibang dragon kasi si Gian, dragon na nasa menopausal stage. Kaya mainit ang ulo. Kumukulo pa ang dugo.
Nagmistula siyang isang magnanakaw sa ginagawa niya. Kung magnanakaw nga siya, siya na ang magnanakaw na maganda. She rolled her pure black eyes.
What keeps her doing this, anyway? For sure, nasa kuwarto na ang baklang asawa niya, hindi naman siguro aabot sa kuwarto nito kung gagawa siya ng ingay.
Saktong naisara na niya ang pinto nang makarinig siya ng pagbagsak ng baso sa mesa sa sala. Lahat ng confidence niya kanina ay biglang nagsilayas, nasa sala lang pala ang asawa niya. Pati yata kagandahan niya ay nilayasan pa siya.
“Ito ba ang tamang oras na pag-uwi ng isang matinong estudyante, Vanessa?” Boses iyon ni Gian. Boses na masasabi mong galit na talaga dahil sa tono palang ng pananalita nito. Boses na walang halong kabaklaan. Boses na nagustuhan niya noon.
Bumilis ang tibok ng puso niya, hindi dahil sa excited siya sa presensiya ni Gian gaya ng dati kun’di sa galit na aura ng lalaki. Kahit madilim, ramdam niya ang galit ng lalaki. Tumayo si Gian at tinungo ang switch ng ilaw at in-on iyon.
“Wala ka bang sasabihin?” tanong nito sa kaniya.
It feels that the lights command her to answer their boss’ question. She slowly bow down her head. “Sorry, six-thirty kasi ang out ko today,” she managed to say and bite her lower lip.
“I’m full with your lies, Vanessa. Hanggang kailan ka magsisinungaling?” Nataranta siya sa sinabi nito. Sumisigaw na naman si Gian.
Nilingon niya ang asawa niya at binigyan ng nalilitong tingin. “I have your schedule, every Friday hanggang five-thirty ka lang. Hindi lang pala matigas ang ulo mong bata ka, magaling ka ring magsinungaling!”
SHE’S mad while wiping her tears na ayaw naman tumigil sa pagtulo. She have her excuses why she came home late. Six-thirty na kasi sila natapos ni Mae sa pag-edit ng research proposal nila kasi sa kamalas-malasan, rejected ang ginawa nila kanina.
Hindi ba sapat na rason iyon para maniwala ito? Pero iyon na nga eh, hindi nito narinig ang excuses niya dahil nag-conclude ito agad.
At sa terminal, twenty minutes siyang naghintay para mapuno lang ang sasakyan nila. Though rush hour iyon, pero ang nakakapagtaka lang dahil halos walang pasahero.
Siguro, totoo ngang malas talaga siya. Parang gusto na niyang maniwala. Total, iyon naman talaga ang palaging pinamumukha ng lahat sa kaniya eh. Siya lang naman ang hindi naniwala ro’n.
And ten minutes ang travel pauwi sa bahay. That’s why, seven pm na siyang nakauwi.
Okay, she admit. Nagsinungaling siya no’ng sinabi niyang six-thirty ang out niya pero she had valid reasons right? Totoo namang six-thirty na siya nakalabas ng university.
Napaungol siya dala ng galit na nasa loob niya. “Buwesit! Bakit ayaw niyong tumigil?” tanong niya sa mga luha niya na para bang sasagutin siya ng mga iyon. Pagod na pagod na siya.
She’s really tired at nasasaktan pa. Sino namang hindi masasaktan sa sinabi ni Gian diba? Hindi naman siya sinungaling eh. Porque na-late lang ng uwi, gano’n na agad ang paratang nito!
“Nakakainis ka na, Janine! Este, Gian pala!” sigaw niya. Pero agad niyang hinawakan ang bibig, napalakas yata ang sigaw niya. “Buwesit!”
Narinig kaya ako ni Gian? Tanong niya sa sarili. Tumayo siya sa higaan niya at tinungo ang pinto ng kuwarto at binuksan. Gusto niyang i-check, baka kasi nasa kusina or nasa sala pala ang asawa niya.
Pagbukas niya ng pinto. Laking gulat niya ng makita si Gian na nakatayo malapit sa pintuan niya. Tila siya kinagat ng ahas, bakit ito nandito?
“Alam kong naiinis ka sa ‘kin, Vanessa, pero galit ako sa’yo. Mas lamang pa rin ako,” wika nito at tumalikod.
PINAGLANDAS niya ang mga daliri sa mugto niyang mga mata. Kaharap niya ngayon ang salamin, minsan ngumingiti siya at minsan ay nahahaluan ng luha. Kung nagsasalita lang ang salamin, tatawagin na siya nitong tanga.
Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. Dinibdib niya talaga ang mga sinabi ng asawa niya. Dumiin iyon sa utak niya at pumasok pa sa kaniyang sistema. Kung may lakas lang siya ng loob, baka nasagot pa niya ang binata.
Bakit nga ba siya proud na tawagin itong asawa? Samantalang si Gian ay kinasusuklaman siya, halos patayin siya nito sa nararamdamang galit. Gano’n siguro talaga. May mga taong sobra natin kung pahalagahan pero hindi tayo nakakatanggap ng halaga in return. For short, take for granted. Marami ng ganiyan ngayon kaya hindi na dapat ikapagtaka.
Halos tatlong minuto na siyang nakatingin sa salamin. Muli niyang tinitigan ang mga mata. Nagsayang na naman siya ng oras.
Lumabas na siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina para sana magluto ng agahan. Pero pagdating niya roon, may mga pagkain na nakahain sa dining table at kumakain na ang baklang iniyakan niya magdamag. Ang saya, kumakain na pala ito samantalang siya, umiiyak pa.
Nando’n din ang tinatawag ni Gian na Nanang Delia, kasabay nito kumain.
Mga mahihinang nilalang, hindi man lang nag-abala ang dalawa na ayain siyang kumain. Grabe, party!
Hindi niya nilingon ang dalawa at diretso siyang pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Iinom na lang siya ng tubig, ‘yong malamig na malamig.
“May kasama ka na pala, Sir Gian. Girlfriend mo po?” tanong ni Nanang Delia. Palagay niya’y nasa singkwenta na marahil ang edad nito dala sa mga buhok nito sa ulo. Halos mabulunan pa siya sa ininom niyang tubig.
Grabe naman ho, mukha ba kaming mag-nobyo?
Tumikhim si Gian. “She’s my maid, Nanang.”
Gusto niya sanang siya ang sumagot at sabihing asawa siya ng amo nito, pero mas masakit na maid lang talaga ang turing sa kaniya ng lalaki. Sana sinabi na lang nito na estudyante siya para hindi gaanong masakit. Lintik!
“Hija, kain ka muna. Sigurado akong hindi ka pa kumakain,” yaya nito sa kaniya pero umiling siya at tiningnan ang asawa.
“'Wag na po, busog pa naman—”
“Sit and eat!” madiin na saad ni Gian at ibinagsak ang ginamit nitong kubyertos sa plato.
“Pakiligpit po ang pinagkainan ko, Nanang, nawalan na ako ng gana.” Tumayo ito at humakbang palabas ng dining room.
“Sir, kunti lang po ang kina—”
“Nawalan na nga po ako ng gana,” wika nito at hindi na sila muling nilingon.
She cleared her throat. “Ako rin po, Nanang, hindi na kaka—”
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinawakan siya nito sa pulso. “Anong pangalan mo, hija?”
Ngumiti siya bago sumagot. “Vanessa po. Vanessa Alvarez.”
“Alvarez? Kaano-ano mo iyong artista dati na Alvarez din?” takang tanong nito sa kaniya. Pait siyang ngumiti dahil sa tanong nito. Ang kaniyang inang namayapa na ang tinutukoy nito.
“She’s my mom.”
“Oh, eh mayaman ka naman pala. Hindi tuloy kapani-paniwala na maid ka no’ng baklang ‘yon.”
“Hindi po bakla ang asawa k—”
“Asawa?”
“HOY! Nasaan ka na? Nandito na ‘ko sa façade.” Bumungad agad sa kaniya ang tanong ni Mae, ni hindi man lang nag-hello. May usapan kasi sila kagabi na tatapusin nila ang papers nila ngayon pero hindi siya sumipot. Sino bang may ganang lumabas nang ganito?
Natatakot na kasi siyang lumabas ng bahay dahil sa nangyari kagabi. Idagdag pa ang pag-deny ni Gian sa kaniya. Takot siyang magalit na naman si Gian sa kanya dahil lang sa aalis na naman siya. Bukod pa roon, nakakahiyang ilabas itong kalagayan niya, sobrang mugto ang mga mata.
Umupo siya sa kama niya at kinuha ang laptop niya habang hawak pa rin ang cellphone at ka video call ang pinsan niya. Nakita niya itong pilit na tinatago ang ngiti. Tinaasan niya ito ng kilay.
“Anyare? Para ka yatang si panda ngayon, insan.” Napansin ng chismosa niyang pinsan ang mga mata niya. Wala sa sariling hinawakan niya ang isa niyang mata.
Sarcastic siyang tumawa. “Umiyak lang naman ako. Taenang writer ‘yon, tragic ang ending,” pagsisinungaling niya.
“Wattpad ba yan? Sabi naman sa ‘yo eh, tigilan mo na yan. Magkakasakit ka lang sa puso.” Tumawa ito at ipinaypay ang sariling kamay. “Ang init na, sis. Hot talaga ako.”
“Nanermon ka pa! Tigilan mo rin yang k-drama mo para patas tayo. Nagmumukha ka ng koreanang hilaw.”
Tumawa lang si Mae sa sinabi niya. “Uy, ‘nga pala may i-rerecommend ako sa’yo. Si Ate Sharon, writer pala yon sa Wattpad eh. Narinig ko kasing pinag-uusapan ‘yon ng mga freshies. Grabe, pinsan na pinsan natin wala man lang tayong balita, writer na pala.” Tukoy nito sa pinsan nilang girlfriend ni Sir Lloyd.
Speaking of her cousin, nabalitaan niyang engaged na pala ang dalawa. 'Buti pa ang pinsan niya.
“Himala, late ka sa balita,” natatawa niyang sabi sa pinsan.
“Ha? Matagal mo na pa lang alam? Sabagay, reader ka.” Tumawa ito. “Nako! Jusme! Prologue palang daw, ungulan na,” sabi nito na naging dahilan ng tawanan ng dalawa. “Siguro, do’n mo nalaman no?” dagdag nito.
“Ang alin?” taka niyang tanong.
“Ang the moves mo para maakit si Sir Gian.” Humalakhak ito. Kung malapit lang ito sa kanya, kinurot na niya ito sa singit. May the moves pa itong nalalaman.
“Loka-loka ka!”
“Hay nako, bad influence talaga si Ate Sharon, kahit kailan.” Tumayo ito. “Ano? Dadating ka ba? Masiyado ng mainit oh. ‘Di ka ba naaawa sa ‘kin? Oh kahit ang thesis na lang natin ang kaawaan mo.”
“Umalis ka na diyan. Chismosa ka talaga.”
“Ikaw, scammer! Dios mio! Ang dami na talagang scammer sa mundo. Pati pinsan ko, scammer na rin.”
“Ang drama mo talaga, Mae!” She rolled her eyes. “Alam mo, mas bagay kung ikaw ang maging writer eh. ‘Di bale, may kilala akong editor, recommend kita.” Tumawa pa siya pero hindi pinansin ng pinsan niya ang biro niya kanina.
Panay scam talaga ang bukambibig ng pinsan niya. Kung maka-scam para talagang na-scam talaga.
“Hoy! ‘Nga pala. Pinapasabi ni Ate Sharon, ikaw daw ang magtatahi ng bridal gown niya. Wala yatang tiwala sa ‘kin eh. Sabagay, ikaw naman ang nanalo sa bridal gown natin no’ng third year. Gawin mong black ang bridal gown ha?” natatawa na naman nitong sabi.
Kunti na lang talaga maniniwala na siyang may lahing loka-loka ang pinsan niya. Magda-drama tapos tatawa? Nasa normal na pag-iisip pa kaya si Mae?
“Gaga! Pag-ikaw na ang kinasal, black ang gagamitin kong tela.” Nakitawa na lang din siya. Wala eh, ang hirap kapag hindi matino ang kausap.
Bumuntonghininga ito. “Vanny, may sasabihin ako sa’yo. Pero ipangako mo muna na wala kang pagsasabihin kahit kanino.” Si Mae lang ang tumatawag sa kaniya ng Vanny kapag nasa seryoso itong pag-iisip. Seryosong pag-iisip? Minsan kasi sabog ang turnilyo nito sa utak.
“Bakit? Ano ba ‘yan Mayang?” tukoy niya sa palayaw ni Mae.
“Mag-promise ka muna sabi eh! Hindi talaga nakikinig!”
“Okay, okay. Promise.” Itinaas pa niya ang kaliwang kamay dahil kanang kamay ang may hawak sa cellphone niya. “Ano ba kasi iyan? Kinakabahan ako kapag ganyan ka eh.”
“Na-scam ako, Vanny.” Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Ayan na naman ito sa scam.
“Magkano ba ang na-scam sa’yo? Isang million? Dalawang million kaya ka—”
“Buntis ako, Vanny. Si Kent ang ama.”
Napanganga siya sa pagsiwalat nito ng katotohanan. Hindi niya alam kung ano ang dapat na i-react sa sinabi ni Mae sa kaniya. Tang-inang Kent ‘yon! Nagpunla pa ang tangna! At sa pinsan pa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro