Chapter 28
MATALIM na tingin ang ibinigay niya sa asawa na bagong bihis at kalalabas lang sa sarili niyang banyo. Wala siyang ibang nagawa kunʼdi ang papasukin ito sa bahay nila dahil iyon ang utos ng kaniyang Daddy. Si Daddy ang batas, si Daddy ang nasunod.
Pagpasok nila sa bahay kanina ay agad na sumalubong si Manang Celia na bitbit ang mga damit na gagamitin ni Gian. Ang pagpaikot na lang ng mga mata ang nagawa ni Vanessa.
Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo sa kama at nilagay sa mga hita ang laptop habang nagpapatuyo ng buhok ang asawa. Ayaw man niyang aminin pero ang guwapo talaga ni Gian.
Sa sobrang guwapo ng asawa mo, nakuha pang humanap ng number two, bulong niya sa isip.
Hindi talaga mapagkakatiwalaan eh.
Hindi siya makapag-concentrate sa binabasa niyang kuwento kaya nagbukas na lang siya ng another tab at nag-log in sa Facebook. Ilang araw na rin siyang hindi nadadayo roon dahil sa mga nangyari sa kaniya.
Napansin niyang umupo ang asawa sa tabi niya kaya binigyan niya ito ng matalim na tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin, deadball na itong asawa niya ngayon.
“Vanessa, mag-usap naman tayo,” mahina nitong saad.
Binalik niya ang tingin sa laptop at pinagpatuloy ang pag-scroll sa Facebook. Hindi naman niya maintindihan ang binabasa niya dahil sa presensya ng asawa. Minsan, nakakairita na talaga eh! Kapag nasa tabi lang niya si Gian ay nawawala siya sa focus! Hindi na tama ‘to!
“Vanessa—”
“Bakit na naman!” walang gana niyang sagot at pagputol sa sasabihin sana nito.
“Pansinin mo naman ako.”
Tiningnan niya ang asawa. Doʼn lang niya napansin ang pamumula ng mga mata ng lalaki.
“Mag-usap tayo.”
Pinaikot niya ang mga mata. “Buksan mo nga ‘yong pinto.”
Agad naman na tumalima ang asawa kaya lihim siyang napangiti. Sinundan niya ito ng tingin mula sa pagtayo nito, sa bawat hakbang nito hanggang sa pagbukas nito ng pinto na siyang iniutos niya sa asawa.
Tumingin si Gian sa kaniya na nagtatanong ang mga mata.
“Lumabas ka, naiirita ako sa ‘yo!” malakas niyang sabi.
Hindi siya pinakinggan ni Gian, sinarado nito pabalik ang pinto at tiningnan siya habang halo-halo ang emosyon na nasa mukha nito. Malungkot ang medyo mapula nitong mga mata.
“Vanessa naman, ano bang kasalanan ko? Bakit ganiyan ka sa ‘kin?” mahina nitong tanong.
“Marami!” pasigaw niyang sagot at umalis sa pagkakaupo sa kama. “Really? Hindi mo alam? Tanungin mo ang sarili mo dahil ikaw lang naman ang makasasagot!”
“Kaya nga nagtatanong ako, diba? Kasi—”
“Kasi ‘di mo alam,” sarcastic niyang pagputol sa litanya ng asawa. “Wow! Grabe ‘no? Kapag talaga nahuli, magaling na umarte! Best actor ka pala, bakit hindi ka mag-apply sa showbiz industry?”
“Vanessa—”
“What! Alam mo, nainis ako sa ‘yo! Naiinis ako dahil bakit sa ‘yo pa talaga ako nagkaganito. Ang dami namang lalaki na mas guwapo pa sa ‘yo, na mas mabait pa sa ‘yo at responsible pero bakit ikaw ang napili ko?
“Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ako o sadyang bulag lang dahil sa ‘yo pa ‘ko nagpakatanga. Hindi ko alam kung may pakiramdam pa ba ako dahil sobrang manhid ko na talaga. Nakaya kong magpakatanga, nakaya kong habulin ka, nakaya kong sumunod sa mga utos mo noon dahil gustong-gusto kita. Pero Gian, parang awa mo naman, sobrang-sobra na ang ginagawa mo, bakit nakuha mo pang maghanap ng iba?” mahaba niyang litanya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.
Wala siyang nakuhang sagot kay Gian. Bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa tanong niya. Wala siyang pakialam kung i-de-deny nito iyon o hindi, kinakain siya ng matinding galit.
Humakbang si Gian patungo sa kaniya.
“Huwag kang lumapit!” sigaw niya pero patuloy pa rin ito sa ginagawang paghakbang. “Huwag kang lumapit, sasampalin kita!”
Hindi natinag ang asawa. Humakbang pa rin ito kahit binalaan na niya. Hindi niya alam kung anong gagawin nito pero natatakot siya sa maaari nitong gawin sa kaniya.
Kumuha siya ng unan sa kama at pumosisyon upang hampasin si Gian kung malapit na ito sa puwesto niya. Natatakot siya na makalapit sa kaniya ang asawa.
“Huwag ka ngang lumapit! Nandidiri ako sa ‘yo,” sigaw niya. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon.
“Vanessa,” kalmado nitong tawag sa kaniya. “Hon, please—”
“Huwag mo ko tawaging honey! Doʼn ka sa kabit mo! Ayoko sa ‘yo!”
“Hon, mag-usap tayo. I don’t know what you’re talking about.”
“Nagmamaang-maangan ka pa. Well, of course, i-de-deny mo, diba? Kahit nahuli ka na sa akto, magsisinungaling ka pa rin!”
“Hon, pag-usapan natin ‘to. Ipaintindi mo sa ‘kin kung bakit mo nasabi ‘yan. But please, calm down first—”
“Ayoko!” sigaw niya at binato kay Gian ang unan pero nakaiwas ito. Kumuha siya ulit ng unan para ibato muli rito pero nakaiwas pa rin si Gian.
“Bakit ka ba umiiwas! Nakakainis ka na!” reklamo niya sa asawa pagkatapos niyang umupo sa kama.
“Binabato mo ko eh, siyempre iiwas ako.”
“Bakit ‘di ka umiwas noʼng may lumapit sa ‘yong babae?” singhal niya.
“Vanessa, wala nga ‘kong babae.”
“Meron, nakita ka ni Ate Sharon!”
Dumilim ang mukha nito at lumapit sa kaniya. Lumuhod si Gian sa paanan niya.
“Si Sharon na naman,” matigas nitong wika. “Naniniwala ka sa pinsan mo na pinaglihi sa sama ng loob?”
Hinablot niya ang buhok ni Gian. “Pinsan ko ‘yon! Hindi naman ako maniniwala kung walang ebidensya pero meron eh.”
“Hon, masakit!” reklamo nito at hinawakan ang kamay niya.
“Masakit talaga. Masakit nga makunan eh. Tapos iniwan mo pa ako sa hospital, ayos ka rin eh, ‘no?”
Inis niyang binitawan ang buhok nito.
“Sorry na. Kaya nga ako nandito para magpaliwanag pero ang init ng ulo mo.”
“Mababalik ba ang baby ko kapag nagpaliwanag ka?”
“Hindi na,” malungkot nitong sagot sa kaniya. “Pero puwede tayong gumawa ng bagong baby kapag nakinig ka sa paliwanag—. Aray naman, hon! Kailangan ba talagang pitikin ang ilong ko?”
“Bastos ka eh.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Sorry.”
“Nakakain ba ‘yang sorry mo?”
“Hindi pero puwede mo ‘kong kainin kong gusto—”
“Umayos ka nga,” saway niya ag pinitik muli ang ilong nito. Wala na, nadadala na naman siya.
“Magpaliwanag ka na kaya, ‘no? Dami-dami mong daldal, ang bakla mong tingnan. Pero, galit pa rin ako.”
Humiga siya sa kama at nagtaklubong ng kumot.
“You only have five minutes to explain, hindi ako makikinig.”
Narinig niyang tumawa si Gian kaya inalis niya ang kumot sa mukha at tinitigan ito ng masama.
“Bakit ka tumatawa?”
“May naalala lang ako.”
Tinaas niya ang kilay at nagtanong. “Ano naman ‘yon, aber?”
“’Yong mukha mo kanina. Tinawag ka pang monster no’ng bata,” tumatawa nitong saad.
“Walang hiya ka!” sigaw niya at kinuha ang isang unan at hinampas sa asawa. “Kairita ka talaga! Ang itim-itim pa naman ng bayag mo!”
“Aray, hon!”
“Alam kong hindi masakit ang unan! Letche ka! Naiinis pa ko saʼyo, alam mo ba ‘yon?”
“Hindi, hon—. Aray!”
Patuloy siya sa paghampas at panay harang naman ang asawa niya.
“I love you, Vanessa.”
“Urgh!”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro