Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

LUMIPAS ang dalawang araw, nakauwi na siya sa bahay nila. Nabalitaan niyang bumalik pala ng America ang kapatid niyang pinaglihi sa kaduwagan. Hindi yata kayang panindigan ang sinabing hahanapin nito si Ellena. Naaawa siya kay Jason pero kailangan nitong matuto.

Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni nang may naglagay sa kaniya ng tasa sa kaniyang mesa kung saan nakalagay din ang ginamit niyang laptop kanina.

“Hindi ka ba hahanapin ni Gian?” tanong ni Manang Celia. Bago siya sumagot ay inabot niya ang tasa.

“Salamat, Manang,” nakangiti niyang sagot.

Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naaalala ni Gian o sadiyang nalilibang na iyon sa bago nito. Bago ba talaga? Baka nga mas nauna pa ito sa kaniya.

Pampalipas-oras lang ba talaga ako, Gian? Sana hindi na lang tayo umuwi rito.

Hanggang sa nakalabas na siya ng hospital ay hindi na muling dumalaw pa ang magaling niyang asawa.

“Vanessa? Ano ba talagang nangyari? Nag-away ba kayo kaya ayaw mong umuwi sa inyo?”

Huminga siya ng malalim. Ano nga ba talagang nangyari?

“Hindi ko alam, Manang,” nalilito niyang sagot. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari. Bigla na lang siyang nagising na naging ganito na ang lahat. Hindi na niya naiintindihan.

“Anong hindi mo alam?”

“Hindi ko na naiintindihan, Manang. Litong-lito na ko,” aniya at sinapo ang mukha. “Bigla na lang gumulo.”

“Nagkausap na ba kayo?” tanong nito. “Nagtanong ka na ba sa asawa mo? Baka na-misunderstand mo lang, Vanessa. Medyo kilala ko na rin ang batang ‘yon sa tagal ng paninilbihan ko sa inyo. May prinsipyo ang  asawa mo.”

--

“SIR, nandito na po tayo,” wika ng driver sa taxi na sinasakyan niya ang nagpagising niya sa natutulog na diwa ni Gian. He rub his eyes in a circular motion and get his wallet in his pantʼs pocket. Kumuha siya ng pera at ibinigay sa driver.

He opened the cabʼs door and released a deep breath. It’s almost two days since he last visited his lovely wife. A biggest adjustment in his entire life.

Giam directly entered the hospital, he felt a little bit dizzy because he didn’t got enough sleep. He needs the job, as he need his wife.

Makauuwi na rin tayo, hon, bulong niya.

Nang makapasok na siya sa hospital ay dumiretso siya sa kuwarto ni Vanessa kung saan ito naka-confine. He felt mix at emotions, sad, pain, and guilt. Kung sana, hindi niya napabayaan si Vanessa, hindi sana naging ganito ka-complicated ang lahat. Hindi sana nasawi ang magiging anak niya.

Wala siya ibang sinisisi kung hindi ang sarili niya mismo.

Kailangan siya ng asawa niya dahil kritikal ang kondisyon nito pero napabayaan niya. Pero ano pa nga bang magagawa niya? Kailangan niya ring kumilos.

Malapad ang ngiti niya nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ni Vanessa pero hindi niya nadatnan ang asawa. Isang utility worker ang nakita niya na naglilinis ng kuwarto, gulat pa itong napatingin sa kaniya.

“Ano pong atin, Sir?” tanong nito.

“Where’s my wife?” diretso niyang tanong.

“Sino pong tinutukoy niyo?”

Fuck, Gian! Are you insane? Of course, hindi niya kilala si Vanessa, inis na bulong niya sa sarili.

“Si Mrs. Saldivar po ba ang tinutukoy niyo? Kalalabas niya lang po, Sir. Mga one hour na po ang nakalipas.”

Agad siyang napalingon sa babaeng nagsalita sa likod niya. A lady wearing nurse uniform. He nod after saying his words of gratitude.

He opened his phone with full of questions running in his mind. He searched his wife’s number and dialed it but it says unattended.

He dialed again, it seems that Vanessaʼs phone is off. He left with only one choice, contact Nanang Delia’s number, after three rings, Nanang accepted his call.

“Hello, Sir?”

“Nanang? Nandʼyan na ba si Vanessa?” he asked nervously. He’s nervous, he can’t deny it.

Paano nakalabas ng hospital si Vanessa na hindi nagsasabi sa kaniya?

“Nako, Sir. Wala pa po. Akala ko ba ngayon ang labas ni Ma’am? Hindi mo ba kasama?”

Nasapo niya ang noo. This can’t be! What the fuvk is happening?

“I’ll call you back, Nanang,” he said and hung up. He don’t know what to do! What’s happening to him? Halo-halo na ang nangyayari, anong uunahin niya?

Ang Daddy ba niya na siyang pasimuno ng lahat o ang asawa niyang iniwan siya bigla? Sino?

Si Vanessa na nga lang ang natitira niyang inspirasyon at lakas upang magpatuloy siya. Si Vanessa at ang magiging anak nila sana ang nagsilbing gabay niya upang gawin ang lahat ng makakaya niya tapos nagkaganito pa.

Anong kamalasan itong nangyayari sa kaniya?

He felt weaken. Sadness embrace him into a deep slumber. Why does all of a sudden, destiny chose him to be its playmate?

Napaupo siya sa isang bakante na silya sa waiting area, ‘yong sigla na naramdaman niya kanina noʼng palabas siya ng boutique ay biglang nawala. ‘Yong excitement na naramdaman niya pagkahawak niya sa pera ay biglang nawala.

Noʼng araw na pauwi na sila ni Vanessa ay biglang tumawag ang presidente ng unibersidad nila. Sinabi nito na tinatanggal na siya ng unibersidad bilang instructor. Hindi siya nagtaka kung bakit, alam na niyang mangyayari iyon.

Isa lang ang pumasok sa utak niya kung sino ang may pakana. Walang iba kung hindi ang Daddy niya. Ang Daddy lang naman niya ang may malaking shares sa unibersidad

Balak pa naman niya sanang muling pakasalan si Vanessa, pero paano? Paano mangyayari ang balak niya kung wala na siyang trabaho? Tulad ngayon, anong silbi ng puyat at pagod niya kung nilayasan siya ni Vanessa?

Hinilamos niya ang pagod sa mukha dala ng iritasiyon. Wala na siyang maisip na tamang gawin sa oras na ito. Kulang siya sa tulog, puyat na puyat.

Ipinikit niya ang mga mata.

“Hindi ako iiwan ni Vanessa,” masigla niyang wika. “Wala naman itong rason para iwanan ako.”

Oh, fuvk! Hindi pala ako umuwi ng dalawang araw. Sapat na rason iyon to leave me.

Binatukan niya ang sarili.

Hindi naman niya magawang magpaalam. Matigas ang ulo ni Vanessa, hindi ito titigil katatanong. Kukulitin siya nito kapag sinabi niyang sa isang boutique siya pupunta upang ibenta ang mga ginawa niyang design dati.

Ang inisip niya lang noʼn ay ang makapag-ipon para kay Vanessa. Ipon para sa bata at sa kasal nila. Gusto niya talagang makasal muli sa asawa niya. Pero anong nangyari? Nagkanda-leche-leche!

Saan siya pupunta? Saan niya haharapin si Vanessa? Saan siya magsisimula?

Inilapat niya ang likod sa upuan at ibinuka ang mga mata. Huminga siya nang malalim. Hindi makatutulong sa kaniya kung matataranta siya.

Tumingin siya sa orasan malapit sa window one ng hospital. Malapit ng mag alas-onse, kaya pala kumakalam na ang sikmura niya, hindi pa siya kumakain ng agahan.

Anong kamalasan ba ang nangyayari sa kaniya ngayon?

Naghanap lang naman siya ng trabaho tapos nagkaganito na?

Muli siyang pumikit at hinayaan na tumunog lang ang tiyan. Hindi siya kakain hanggaʼt hindi niya nahahanap ang asawa. Sumasabay pa sa agos ang antok niya, mukhang ilang minuto lang ay dadalhin na siya nito sa masarap na pagtulog.

Naramdaman niya ang malakas na pag-vibrate ng cellphone niya. Madali niya itong nakuha sa bulsa ng pantalon at nagbabakasakaling ang asawa ang tumatawag pero nabigo ang pag-asawa niya.

“Hello, Nanang Delia?”

Tumikhim ang nasa kabilang linya. “Alam ko na kung nasaan ang asawa mo.”

Dala ng gulat ay bigla siyang napatayo. Nakita niyang ang mga kasama niya sa waiting area ay dumako ang tingin sa kaniya.

He cleared her throat once more.

“Talaga, Nanang? Nasaan si Vanessa?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro