Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

HINDI mapigilan ni Vanessa ang pagtawa dahil sa nasaksihan niya. Diniin na nga niya ang mga labi pero kusang lumalabas ang halakhak niya at hindi niya mapigilan. Halos hindi na nga siya makahinga nang maayos, hawak niya ang dibdib. Paano ba naman kasi, masiyadong cute ang asawa niya.

Akala niya kung ano na ang ginagawa nito sa loob ng banyo. Kulang na lang ay himatayin siya sa kaba kaya binuksan niya ang pinto, nag-lock pa kasi talaga. Hindi naman nito gawain iyon kaya labis siyang nagtaka.

Noon nga ay libre niya itong nasisilip. May free live show pa siya tuwing naliligo ang asawa. Na minsan pa ay pinapasok na niya talaga at sasabayan niya ito.

Tiningnan niyang muli ang mukha ng asawa na nakasimangot pa rin habang tinutuyo ang buhok gamit ang kulay pula nitong towel. Naaalala niya pa rin ang mukha nito nang mahuli niya ito sa banyo.

'Yon bang parang natuklaw ng ahas! Nakatatawa talaga.

"Vanessa, stop laughing," matigas nitong sabi at tiningnan siya ng masama, nakakunot ang noo nito at patuloy sa pagpapatuyo ng buhok.

Pinigilan niya ang pagtawa pero nabibigo siya. "Hindi ko-" Tumawa na naman siya. "Hindi ko kaya."

Dahil sa inis ni Gian ay padabog nitong inilagay ang towel sa kama at nagmartsa patungo sa pinto. Napikon na yata.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tumatawa niyang tawag sa asawa. "Magsasarili ka na naman? Hindi iyan ang pinto ng banyo."

"Hindi na ako natutuwa, Vanessa," wika ng asawa at padabog na isinara ang pinto ng kuwarto.

"Patay, nagalit."

Tumawa na naman siya at sinapo ang tiyan.

"Baby, 'yong Daddy mo may sumpong. Bakit ba siya nagagalit kung tatawa ako? Nagsarili ba naman kasi sa banyo." Agad niyang natakpan ang bibig. "Baby, wala kang narinig ha? Bad 'yong sinabi ni Mommy."






KINAPA ni Vanessa ang cellphone upang tingnan ang oras. Nag-isang linya ang kilay niya nang makitang isang oras na ang lumipas mula nang lumabas si Gian sa kuwarto nila.

Kinusot niya ang kaniyang kaliwang mata. Bakit parang sobra naman kung magtampo ang asawa niya? Hindi naman ito dating ganoʼn. Dati pa nga ay kunting paglalambing lang niya ay natutunaw agad ang galit nito.

Napapansin na niya talaga na parang ang daming bago sa asawa niya. Una, nag-lo-lock ito ng banyo, pangalawa ay ang pagiging pikon nito masiyado. Pangatlo, ay ang pagiging matampuhin nito. Nakapapanibago.

Nagpasiyang lumabas si Vanessa upang tingnan kung nagdadrama pa ba ang asawa niya. Bumaba siya ng kama at nagsuot siya ng sapin sa paa. Sobra naman yata kung magdamdam si Gian, natuwa lang naman siya. Anong masama roʼn? Lihim siyang napangiti.

Wala lang, bawal bang tumawa? Parang si Gian pa yata ang buntis sa kanilang dalawa.

Binuksan na niya ang pinto at lumabas na siya. Kinapa niya saglit ang switch ng ilaw sa hallway dahil naka-off iyon. Tulog na siguro si Nanang Delia.

Diretso na ang lakad niya nang nagkaroon na ng liwanag ang paligid. Sa sala ang punta niya, baka naroon ang asawa niyang sinusumpong. Napangiti siya.

Parang bata na inagawan ng lollipop. Napatawa siya at umiling. Sabagay, lollipop naman niya ang hinawakan niya noʼng nasa banyo siya.

Ang ngiti niya ay naging mahinang tawa. Hindi talaga niya mapigilan. Pero at least, hindi ko siya inagawan ng lollipop kahit masarap iyon.

Lihim niyang kinastigo ang sarili. Really, Vanessa? Masarap?

Oo, masharap.

Rumehistro ang nakalolokong ngiti sa labi ni Vanessa habang patuloy pa rin siya sa paglakad. Nang makarating siya sa sala ay natutulog na Gian ang kaniyang nadatnan.

Abaʼt tinulugan pa ako, aniya at umiling.

Dahan-dahan siyang lumapit sa asawa at iniwasang makalikha ng kung ano-anong ingay. Lumuhod siya malapit sa mukha nito at pinagmasdan ito ng maigi. Walang pinagbago, ang cute pa rin ng asawa niya.

Hinaplos niya ang labi ni Gian, malambot at mapula na palaging kinakagat ng asawa kapag may iniisip itong malalim. Ugali nitong kagatin ang labi kapag may iniisip ito at kahit walang ginagawa.

Biglang nagmulat ng mga mata si Gian at hindi man lang ito nagulat sa presensiya niya. Nagtulog-tulogan ka lang yata eh.

"Hindi ka na galit?" malambing niyang tanong sa asawa.

"Hindi naman ako galit eh."

Hinawakan niya ang ang ibabang bahagi ng katawan nito. "Eh si junior, galit ba?"

"Vanessa!"






DALAWANG araw ang lumipas mula nang umalis sila sa Samal Island ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang pinsan na si Mae. Bago niya kinapa ang kaniyang cellphone ay tumingin muna siya sa wall clock upang alamin kung anong oras na. Alas-nueve na pala, masiyadong napahaba ang tulog niya.

Mabilis niyang napindot ang accept at sumalubong sa kaniya ang maingay na background sa kabilang linya.

"Hello?"

"Vanessa, help me! I don't know what to do! Natatakot ako."

Agad siyang napabangon sa kama at tiningnan ang kabilang side ng kama. Wala na roon ang asawa niya.

"Vanessa," ulit ng pinsan niya.

"Hey, kalma. Anong nangyari, Mae? May masaba bang nangyari sa inyo ni Lola?" natataranta niyang tanong. Kahit pinapakalma niya ang nasa kabilang linya ngunit hindi niya rin kayang pakalmahin ang sarili.

"Wala, Van," sagot sa kaniya ni Mae. Narinig niya itong bumuntong hininga. "Pero-"

"Pero?"

"Pero, Van-"

Bago pa matapos ni Mae ang sasabihin ay narinig niya ang malakas na kalabog sa kabilang linya. Parang may biglang nahulog na bagay sa puwesto ng pinsan niya. Kasunod niyon ay biglang naputol ang tawag.

"Hello? Hello, Mae!"

Nasapo na lang niya ang noo. Ano kayang nangyari sa pinsan niya? Ano iyong narinig niya bago naputol ang usapan nila

Bumilis ang pagpitik ng kaniyang puso at sinabayan pa ng panginginig ng kaniyang kamay na hawak pa rin ang cellphone niya.

"Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noʼng araw na naaksidente si Mommy," mahinang bulong niya sa sarili.

Binuksan niya ang kaniyang cellphone. Hindi siya mapapanatag kung hindi niya malalaman ang sitwasʼyon ni Mae at ng Lola nito. Sa hinaba-haba ng pagsasama nila ng pinsan ay parang kapatid na ang turing niya rito.

Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanila, bulong niya sa sarili.

Tinawagan niya ang pinsan pero walang sumasagot sa tawag niya.

Hindi puwede. Mabilis naman sumagot ng tawag si Mae eh. Mapapansin agad noʼn kung ako ang tumatawag.

Inulit niya ang pagtawag pero mas lumala ang kaba at takot na nararamdaman niya nang hindi na niya talaga ito macontact. Out of coverage na ito. Matindi ang kaba na bumabalot sa katawan niya. Mukhang may masama talagang nangyari.

Pinilit niyang bumangon at lumabas ng kuwarto. Hinarap ng mga mata niya sa buong pasilyo pero wala roon ang asawa niya. Saan kaya nagpunta si Gian? Imposible namang pumunta ito ng university dahil bakasiyon pa naman.

Hinawakan niya ang tiyan niya habang pababa siya ng hagdan. Masama sa kaniya at sa baby kung palagi siyang magpapatangay ng stress. Kalma ka lang, Vanessa. Kumalma ka, okay?

Pero paano siya kakalma kung nasa peligro ang pinsan niya? Buntis pa naman si Mae, baka kung ano ang mangyari rito.

"Tama! Ang Mommy ni Mae!"

Nang makababa na siya ng hagdan ay binuksan niyang muli ang kaniyang cellphone at hinanap ang number ng Tita niya. Kahit naman siguro galit ito sa pinsan niya ay tutulungan naman nito ang anak.

Siguro naman 'no?

Naka-tatlong ring pa bago nito sinagot ang tawag niya. She cleared her throat.

"Hello, Tita?" aniya.

"Wala rito si Mae," wika ng Tita niya at pinatay ang tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro